I love gems, lovies. Baka naman makakabahagi from you po ✧˚ ༘ ⋆。♡˚
Uurong na sana si Trixie, papatayin ang ilaw at lalabas na lang ng kwarto, nang biglang marinig niya ang tinig ni Nana Sela mula sa kanyang likuran.“Trixie, hija.”Paglingon niya, nakita niyang may dalang tray si Nana Sela. Nasa tray ang isang palayok ng mainit na nilagang pagkain.“Nana Sela,” mahina niyang bati.Ngumiti si Nana Sela at marahang nagsalita, “Ito po ‘yung pampalakas na iniwan ng matanda noong dumalaw siya dati. Pinag-stew niya ako ng ganito para sa inyo kapag may oras ako.”“Ah, salamat. Naabala ka pa po.”“Wala ‘yon,” sagot ni Nana Sela. Sandaling natigilan, at saka marahang nagpatuloy, “‘Yung mga gamit ninyo… Noong umpisa ng buwan, pinaayos ni Sebastian at sinabing i-empake ko ang lahat. Inakyat ko po sa third floor ang mga gamit ninyo. Kung may kailangan ka, aakyatin ko na lang o kung gusto ninyo—”Hindi na kailangang sabihin pa. Noong umpisa ng buwan nga sila pumirma ng divorce agreement.“Wag na po, ako na lang ang aakyat mamaya.”“Sige,” ani Nana Sela. “Ihahatid
Pagkababa nila sa paaralan ni Xyza, agad na sumigaw si Tantan mula sa kabilang bahagi ng gate. “Ate Trixie!” Nilingon ni Trixie ang boses na iyon, at nakita niyang patakbo patungo sa kaniya si Tantan, bitbit ang isang maliit na paper bag. “Ate Trixie, kaninang umaga po, inutusan ako ni Lola ko para bigyan ka ng mga buns. Pero wala ka po sa bahay kaya binalik ko na lang.” Bubuka pa lang sana ang bibig ni Trixie pero naunahan na siya ni Xyza, na halatang nairita sa narinig. “Hindi totoo ‘yan! Nasa bahay si Mommy kahapon, nakita ko siya!” Hindi pa kasi alam ng bata na matagal nang nakalipat ng bahay ang kaniyang ina. Kaya nang marinig ang sinabi ni Tantan, napasimangot siya at agad na tumutol. Napakamot sa ulo si Tantan, naguluhan. “Ha? Talaga ba? Eh bakit…” Pero bago pa man sila makapagtalo, lumapit na ang guro ni Xyza. “Ms. Salvador,” tawag ni Teacher Alecie. Agad na tumugon si Trixie. “Teacher.” Pinapasok muna ng guro ang mga bata sa loob at saka nagsalita. “Ms
Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na si Trixie sa paghahanda ng gamit nina Luna at Venus. Maaliwalas ang langit, at may kakaibang sigla sa paligid. Tahimik ngunit determinado siyang mag-focus sa araw na iyon, isang araw na para sa pamilya, para sa mga bata… at kahit pa hindi niya inaamin, para rin sa sarili niya.Pagdating niya sa bahay nina Antonia, masiglang sinalubong siya ng mga dalagita.“Tita!” salubong ni Luna. “Mama said you’ll take us to the sea, Tita? Totoo po ba?”Trixie smiled and nodded, “Yeah right, pamangks. Everything’s ready, so bring your swimsuits and towels. Aalis na tayo in ten minutes.”Napatalon si Venus sa tuwa. “Yes! I haven’t been to the sea for ages!”Buo ang loob ni Trixie na gawin itong masayang araw para sa kanila.Bandang alas otso ng umaga, nang makarating sila sa pantalan, natanaw na agad ni Trixie ang pamilyar na pigura nina Helios at Yanyan. Si Yanyan ay nakasuot ng maliit na straw hat, hawak ang stuffed animal niyang laging dala, at may hawak pa
Pagdating ng tanghali, sabay-sabay silang nag-lunch ng seafood. Hindi naging pihikan si Yanyan, lalo pa’t tinabihan siya ni Trixie habang sinusubuan siya ng paborito niyang buttered crab. “Tita Trixie, this one’s yummy po,” sabi ni Yanyan habang may sauce pa sa gilid ng bibig niya. Tatawa-tawang pinunasan ito ni Trixie. “‘Wag ka na ulit magsasalita kapag may laman pa ang bibig, okay?” “Okay po,” sabay ngumiti ulit ang bata, pilit pa ring inuubos ang laman ng plato. Habang kumakain, panay ang sulyap nina Luna at Venus kay Helios, na mahinahon lang na kumakain at paminsan-minsan ay inaabutan si Trixie ng mga panghimagas. “Tingnan mo 'yun,” bulong ni Venus kay Luna. “He even gets Tita a dessert. Ang sweet, grabe.” “Tsaka parang ang bait talaga niya, ‘no?” dagdag pa ni Luna. “Wala siyang air. Hindi gaya ng ex ng Tita natin.” Nagkatinginan ang magpinsan, at napangiti na lang. Hindi man nila sinabi nang direkta, pero pareho nilang nararamdaman na kung may darating mang bago sa buhay
Pagdating ng Lunes ng umaga, dumating si Trixie sa school ni Xyza nang eksakto sa oras. Malayo pa lang, agad niyang namataan ang anak na nakaupo sa tabi ni Sebastian sa waiting area. Nakalugay ang buhok ni Xyza, may pink ribbon, at masigla itong nag-wave nang makita siya. “Mommy!” Masiglang tumayo ang bata at sumalubong. Tinikom ni Trixie ang bibig sa isang maikling ngiti. Tumango siya habang lumalapit, suot ang isang neutral-colored dress. Walang kahit kaunting excitement sa ekspresyon niya. Paglapit niya, agad siyang sinalubong ni Sebastian. “You’re here,” ani Sebastian, tila hindi sigurado kung matutuwa ba siya o hindi. Hindi siya pinansin ni Trixie. Sa halip, binuksan niya ang tablet ni Xyza at agad na hinarap ito. Tiningnan niya ang listahan ng activities para sa araw na iyon, waring walang ibang tao sa paligid. Napakamot sa batok si Sebastian. “I didn’t think you’d come, honestly.” “Hindi mo kailangang mag-isip para sa akin. Sinabi kong dadating ako ‘di ba?” m
Pagkatapos ng larong agawan ng upuan, sinundan ito ng “The Boat is Sinking.” Excited pa rin si Xyza, halos hindi mapakali habang hinihintay ang instructions ni Teacher Alecie.Muli, malinaw na ipinaliwanag ng guro ang rules ng laro. Apat na pamilya ang bubuo ng isang grupo. Kapag sumigaw ang game master ng, “The boat is sinking… group yourselves into blank!” kailangan agad makabuo ng grupo ayon sa bilang. Ang hindi makasunod, tanggal. Ang huling grupong matitira, panalo.Tumingin si Sebastian kay Trixie, naka-ngiti. “Your turn now?”Tumango si Xyza nang masigla, hawak-hawak ang kamay ng ina. “Please, Mommy? I want you with me this time.”Walang nagawa si Trixie kundi ang tumango.“Okay.”Habang naghahanda na para sa laro, napatingin si Trixie sa shoulder bag niya. May inabot siyang maliit na bote ng tubig ngunit bitbit pa rin niya ang bag. Bago pa man siya makapagsalita, iniabot na ni Sebastian ang kamay niya.“I got it,” sabi nito, tahimik pero diretso.Saglit siyang nag-alinlangan
Habang malapit nang magsimula ang laro, biglang nagsalita si Sebastian, “Mamaya habang nagvi-video ka, sabayan mo ang galaw namin. Don’t just stand there, alright?” “Alright…” pekeng ngiti ni Trixie habang umirap ng bahagya. “Bossy,” dugtong niya sa mahinang bulong. Hindi na siya pinansin ni Sebastian. Abala na ito sa pag-aayos ng buhok ni Xyza, habang si Trixie naman ay tahimik na iniikot ang mata sa paligid para tingnan kung ilan na lang ang natitirang laro. At ipinakilala na nga ni Teacher Alecie ang susunod na game, ang balloon relay. Sa patakaran ng laro, kailangan ng teamwork ng magulang at anak. May lobo sa pagitan ng kanilang binti, at kailangang makarating sa kabilang dulo nang hindi ito nahuhulog o pumuputok. Bawal hawakan ang lobo gamit ang kamay, kaya’t tamang galaw at koordinasyon ang susi upang maipanalo ang laro. Dati, dinala ni Trixie si Xyza sa mga commericial sports na nauuso noon para matutong maglaro ng basketball at volleyball. Pero noong mga panahong iyon, wa
Alam ni Trixie na hindi available si Wendy, kaya’t si Sebastian at si Xyza na rin ang nagyayang siya ang sumama sa event na ito ngayon. At dahil ayaw niyang mapahiya ang anak, pumayag siya. Pero kahit siya ang kasamang magulang ngayon, pakiramdam niya’y para pa rin siyang panauhin lang sa sariling pamilya.Sabay na bumalik sina Sebastian at Xyza matapos ang round ng balloon relay, at lumapit ang bata kay Trixie para tingnan ang video na kinunan niya.“Na-send ko na sa inyo. Pwede n’yong panoorin sa iPad,” aniya matapos ipadala ang video sa chat group nila."Okay po! Thank you, Mommy!” magiliw na tugon ni Xyza.Pagkatapos ng round ng balloon relay, lumapit si Teacher Alecie sa grupo nina Trixie. “Next game, Tug of War! Pero this time, grouped by family.”Napakunot ang noo ni Trixie. “Grouped by family?”“Yes po,” ngiti ng guro. “Kasama ang mommy at daddy kung kompleto ang parents, tapos ang bata sa gitna. Family versus family.”Napatingin agad si Xyza kay Sebastian, pero naputol ang p
Natigilan si Sebastian habang hawak pa rin ang piyesa ng bishop. Tila isang sandaling tumigil ang oras. Dahan-dahan siyang tumingala, ang mata’y dumako kay Trixie na nakatitig sa kanya, hindi para magpakita ng galit o sakit, kundi isang tahimik na hamon. Tulad ng isang queen na hindi natitinag kahit pinapalibutan ng mga kalaban. Si Helios, na kanina’y nakatuon sa usapan nila ni Mr. Rodriguez, ay agad napalingon sa eksenang iyon. Naputol ang paghinga niya nang makita kung sino ang tumayo sa harap ng chessboard. His eyes widened in disbelief. What is she doing? Hindi niya inaasahan na si Trixie mismo ang lalapit, hindi lang para manood, kundi upang humiling ng laro laban kay Sebastian, sa gitna ng ganitong pagtitipon. At higit pa sa pagkagulat ni Helios, kitang-kita ang mas matinding pagkabigla sa mga mukha ng pamilya Bolivar, ng mga Tolentino, at lalo na mi Wendy. “Seriously?” mahinang bulong ni Wendy sa sarili, pilit nilulunok ang init na umaakyat sa kanyang leeg. Kilala niya
Lumapit si Mr. Rodriguez sa chessboard at maingat na kinuha ang queen piece.“What a move, Sebastian boy. You really sacrificed your queen, huh?” tanong niya, hawak-hawak pa rin ang piraso, para bang binubusisi ang kabuuang ideya ng laro.Sebastian gave a slight shrug, calm but unreadable. “I had no choice. It's just my survival instinct.”Sa sandaling iyon, pumait ang panlasa ni Trixie. Parang siya ang queen piece na iyon. Sa kaibuturan ng kaniyang isip, hindi niya naiwasang ikumpara ang sarili sa queen piece na isinakripisyo. Tila bumabalik-baliktad sa kanyang isipan ang mga desisyong ginawa ni Sebastian, hindi lang sa chess kundi sa buhay nilang dalawa.Was I ever more than a move to him?And just like that, she knew the answer.No.He didn’t protect the queen. He didn’t value the queen. He saw her as a piece to be removed.It suddenly made sense, ganito pala ang pananaw ni Sebastian. In order for him to win, to survive, he’d willingly sacrifice the queen. Willingly sacrifice her
Samantala, isa sa mga matalik na kaibigan ni Maestro Eli ay si Mr. Rodriguez, isang retiradong propesor ng matematika. Ngunit higit sa lahat, isa rin itong bihasang chess enthusiast. Bagamat wala siyang alam sa pagpipinta, dumating siya ngayong araw bilang pagsuporta sa kaibigan. Nang mapansin ni Maestro Eli na hindi niya ito gaanong naasikaso sa gitna ng kasiyahan, kinawayan niya si Angelo mula sa di kalayuan. “Ilabas mo nga ang tea table at chessboard. Bigyan natin ng masarap na tsaa si Rod.” Tumango si Angelo, “Opo, Maestro,” sabay paumanhin kina Trixie at Casper. “Pasensya na po muna, may iuutos lang si Maestro Eli.” Umalis ito upang asikasuhin ang mga inutos. Umupo si Maestro Eli at dinampot ang ilang piraso ng chess pieces. “Palagi mo na lang akong tinatalo,” biro niya habang nakangiti. “Baka puwedeng iba naman ang makalaro mo, Rod.” Tumingin si Mr. Rodriguez sa paligid, sinusuri ang mga panauhin. “Mukhang abala si Angelo, at wala naman akong kilalang iba rito na mahil
"Ah, siya pala ang nobya ng binata mula sa pamilya Valderama," nakangiting sabi ni Maestro Eli habang pinagmamasdan sina Sebastian at Wendy. "Bagay na bagay sila." Magalang na tumugon si Wendy, bagama’t halatang sabik sa atensyon. “Sobrang papuri naman po ’yan, Maestro.” Ngumiti lang muli si Maestro Eli, saka lumingon kina Helios, Michael, at Angelo. “Kayo rin, dapat ay magmadali na rin kayo. Sebastian here is getting ahead of you guys.” Sakto namang dumating sina Ernest Mercado, kasama sina Trixie at Casper. Kaagad na napalingon ang ilan sa kanilang pagdating, lalo na ang mga hindi inaasahan ang presensya ni Trixie. Malapít na ngumiti si Ernest habang ipinakikilala si Casper. “Father, this is the youngest from the Yu family. His company, Astranexis, is doing exceptionally well. Ang kumpanya niyang Astranexis ay maganda ang takbo ngayon. Isa ito sa mga pangunahing tinututukan ng bansa para sa mga susunod na taon.” Napalingon si Helios kay Casper, ngunit agad ring ibinalik ang ting
"Kuya Helios." Malambing ang tinig ni Emily habang mabilis siyang lumapit sa bagong balik sa lamesa ng magkakaibigan. Nakasuot siya ng eleganteng pastel cocktail dress, ang buhok ay maingat na inayos sa malambot na alon. Halata ang kumpiyansa sa bawat hakbang, wari’y siya ang tunay na may-ari ng gabi. Ngunit kahit na ganoon, nanatiling malamig ang ekspresyon ni Helios. Tumango lamang siya, walang emosyon, saka iniwas ang tingin kay Emily. Emily’s smile faltered, ngunit pinilit niyang panatilihin ang composure. Sa isip niya, hindi lang siya basta bisita, isa siya sa mga nararapat sa piling ni Helios. Sa kabilang banda, abala si Sebastian sa paglinga sa paligid. Halatang may hinahanap. “May tumawag kay Wendy,” ani Precy, lumapit sa kanya. “Lumabas muna siya para sagutin ’yung tawag.” “I see,” sagot ni Sebastian. Hindi pa man natatapos ang kanilang pag-uusap, may bahagyang kaguluhan na sa di kalayuan. Sumabay ang pagsabog ng mga bulungan sa paligid, hudyat ng pagdating ng isa
Dumating na rin sa mga sandaling iyon si Emily. Ayaw sana niyang pumunta dahil sa totoo lang, wala naman siyang hilig sa art. Pero nang mabanggit ni Wendy na darating si Helios, agad nagbago ang isip niya. Minsan lang niya makita si Helios nitong mga nakaraang buwan, at palagi pa itong abala. Kaya kahit hindi niya type ang exhibit, nag-ayos siya, sinadyang kulayan ng mapula ang labi, isuot ang bagong heels, at damitan ang sarili ng isang kaakit-akit na pastel dress para magmukhang sosyalera. Pagdating niya, ngumiti siya at bumati sa pamilya nila, kina Ysabel, at iba pa. Papalapit na sana siya kay Ysabel para tanungin kung nakita na ba nito si Helios, pero sa gilid ng kanyang paningin, may umagaw ng atensyon ni Emily. Nakita niyang nakikipag-usap si Helios, at hindi lang basta kung kanino, nakay Trixie ang atensiyon nito ngayon. Muntik si Emily na mapahinto sa kinatatayuan. Nagulat siya nang si Helios mismo ang lumapit, tila sinadyang hanapin si Trixie para kausapin. Napakuno
Sa mga sandaling iyon, dumating din sina Mateo at Precy sa main hall. Maraming bisitang naglalakad-lakad sa paligid, ngunit agad nilang natanaw si Michael. Tila babati sana si Mateo, ngunit nauna na si Michael, lumapit na may pormal na ngiti. “Mr. Bolivar, Madam Bolivar,” bati nito, “I didn’t expect to see you here.” “Siyempre naman,” sagot ni Mateo, may bahid ng pagmamalaki ang tinig. May sasabihin pa sana siya nang dumating ang dalawang matandang babae mula sa kabilang panig. “Mateo, Precy,” tanong ng matandang ginang, sabay turo sa kina Michael at Felix, “kilala n’yo ba ang dalawang binatang ‘yan?” Napansin kasi nila kanina na tila may sinasabi si Michael kay Trixie, at ngayon ay nais na nilang malaman ang buong kuwento. Ngumiti si Mateo. “Ito po si Michael Camero, anak ni President Gael Camero. Kaibigan po siya nina Wendy at Sebastian.” “Ah…” Bahagyang napataas ang kilay ng matanda. “Siya pala ang batang iyon.” Matapos makipagbatian si Michael sa mga pamilya Bolivar at T
Biyernes ng umaga, kakagising pa lamang ni Trixie nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya sa screen, si Lola Angelina ang tumatawag. “Hello po, Lola?” bati ni Trixie, medyo paos pa ang boses mula sa bagong gising. “Apo, samahan mo naman ako sa Linggo,” wika ni Lola Angelina sa kabilang linya. “May art exhibition si Maestro Eli. Isa ‘yon sa mga bihirang pagkakataon na muli siyang magpapakita ng mga obra niya.” Saglit na natahimik si Trixie. Alam niyang matagal nang tagahanga si Lola Angelina ni Maestro Emilio Mercado, isang haligi sa mundo ng tradisyunal na pagpipinta sa Pilipinas. Matagal na rin itong hindi nagdaos ng exhibit, huli ay mahigit sampung taon na ang nakalipas. Kaya’t nang marinig niya ang paanyaya, hindi na siya nagdalawang-isip. “Okay, sasama po ako sa’yo sa Linggo,” sagot niya sa malumanay na tinig, saka nila ibinaba ang tawag. Ilang minuto pa lamang ang lumilipas, tumunog muli ang kanyang cellphone. Si Xyza. Tumatawag. This was the first tim
Pagdating sa bahay ng mga Salvador, agad hinanap ni Trixie ang tiyuhin niyang si Shaun.“Uncle, I have something for you,” bungad niya. “Gusto ko sanang ikaw na ang humawak sa outsourcing ng project na ito.”Nagliwanag ang mukha ni Shaun. “Sigurado ka? Wala bang tutol si Casper dito?”“We’ve already discussed it. He’s fine with it.”Ngunit nag-aalangan pa rin si Shaun. “Medyo mababa ang cash flow ko ngayon, Trixie…”“I have over a hundred million in liquid assets,” sagot niya. “Kung kulang pa rin, ipa-auction natin 'yung dalawang regalo ni Sebastian kay lola noong birthday niya.”Napatigil si Shaun. “Sigurado ka ba diyan?”“Yes, Tito. Matagal ko na 'yang pinagplanuhan. And honestly, I don’t think Sebastian would mind. We’re… in the process of ending things anyway.”“Pero baka may sabihin siya.”“No,” sagot ni Trixie, malamig ang tono. “He won’t.”Tumango si Shaun. “Kung gano’n, makakabuo tayo ng halos limang daang milyon.”Ngumiti si Trixie pero nanatili ang lungkot sa kanyang mga mat