“Ayain n’yo na lang ang isa’t isa, hindi na ako sasama,” mahinahong sabi ni Trixie.“Po? Hindi ka sasama, Mommy?” tanong ni Xyza, kunot-noo at may halong lungkot sa boses.“Oo.” Marahang hinaplos ni Trixie ang ulo ng anak. “Uuwi na si Mommy. Kayo na lang ang kumain at mag-enjoy, ha?”“Oh…”Ngumiti si Trixie, hindi na muling nagsalita pa. Tumalikod siya at hindi na lumingon pabalik.Pinagmasdan lang siya ni Sebastian habang papalayo ito. Tahimik. Walang sinabi para pigilan si Trixie. Ngunit ang mga mata nito, bagama’t walang ekspresyon, ay nanatiling nakasunod sa kaniya. Sa halip na habulin, tumingin na lang siya kay Xyza at mahina niyang sinabi, “Let’s go.”“Okay po,” tugon ng bata.Pagkaupo pa lang nila sa sasakyan, biglang nag-ring ang cellphone ni Sebastian. Si Lola Thallia ang tumatawag.Pagkaangat niya ng tawag, mariin agad ang tanong ng matanda, may halong galit sa tinig, “Nagbukas ka ng proyekto para sa mga Bolivar at Tolentino sa kompanya natin?!”“Hmm,” maikling sagot ni Se
Makalipas ang kalahating oras, pagpasok ni Michael sa isang private VIP room sa isang high-end na restaurant sa Lipa Vista, agad niyang nakita sina Felix at Angelo na abalang-abala sa pakikipag-usap. Sa pagitan nila, isang mamahaling boteng alak ang nakabukas na, isang senyales na mahaba na ang usapan. Paglapit pa lang ni Michael, hindi na kinailangang magsalita. Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkabigo. Para bang ang bawat hakbang niya ay may kasamang bigat ng pagkatalo. “What’s with the long face, bro?” tanong agad ni Felix habang iniaabot sa kanya ang isang baso. “Let me guess, you don't get to talk to Casper ‘no? Or... was it her again?” Hindi sumagot si Michael kaagad. Kinuha niya ang baso, tumungga, saka dahan-dahang bumuntong-hininga. “Hindi si Casper ang tamang taong kausap para sa proyektong ito. At si Ms. Salvador... she's the key.” Napailing siya at napahigpit ang hawak sa baso. “She’s... sharp. Too sharp. And her tongue? Mas matalim pa sa pinaka
Ngayong nakialam na si Gael Camero, alam ni Trixie na hindi na niya puwedeng balewalain ang sitwasyon. Tanyag ito sa industriya, isang matatag, tahimik, ngunit lubhang makapangyarihang presensya. Hindi ito ang tipo ng taong makikialam kung hindi mahalaga. At ngayon, isa lang ang malinaw dahil siya mismo ang tumawag.“Trixie, huwag ka munang mag-alala. Pag-isipan mo muna nang mabuti, saka ka na lang magbigay ng sagot sa akin.”Tahimik si Trixie, pinipigil ang tensyon sa dibdib. Maingat ang tono ni Mr. Camero, ngunit ramdam niya ang bigat ng implification nito.“Sige po,” sagot niya nang may paggalang.“About Michael… just do what you feel is right. You don’t have to consider me in this matter.”Napakurap si Trixie. Hindi niya inaasahan ang ganoong klaseng kalayaan mula sa isang kagaya ni Mr. Camero. Ngunit malinaw ang mensahe, hindi siya nito pipilitin.“Naiintindihan ko po.”Napangiti si Mr. Camero. Simple, diretso, at tapat, isang ugaling bihira na sa mga batang genius ngayon. May
Matapos nilang pagmasdan sina Casper at Trixie na papalayo, muling ibinaling nina Sebastian at Wendy ang tingin sa harapan. “You are going with President Yu for a dinner meeting, I'm assuming naayos niyo na ang kontrata?” tanong ni Wendy, na tila walang imik pero masinsinang nagmamasid. Ngumiti si Michael nang marinig iyon. “Oo.” Alam ni Wendy kung gaano katagal nang sinusubukang makipag-collaborate ni Michael sa Astranexis pero laging nabibigo. At isa sa mga naging balakid ay si Trixie mismo, na ilang beses nang nakaalitan ni Michael. Dahil doon, naging mailap din si Casper. Sa tuwing naroroon si Michael, palaging malamig ang pakikitungo ng presidente ng Astranexis. Para bang sapat na ang pangalan ni Trixie para harangin ang kahit anong usapan. Ngunit ngayong magkakasama silang kakain? At kung totoo ang sinabi ni Michael na naayos na ang kontrata, tila may malaking pagbabagong nangyari. “Grabe, so... Ibig sabihin, okay na sila ni Casper?” bulong ni Wendy sa sarili, pero sapat p
“Sorry po,” sabay bulalas ng batang bumangga kay Trixie. Mabilis itong dumiretso sa banyo. Napasinghap si Trixie. Hindi man lang siya nakaangal. Masakit ang balikat niya pero mas matimbang ang awkwardness ng pagkakadikit nila ni Sebastian. Agad siyang kumilos para makalayo sa lalaki. Pero bago pa siya makalayo, isang tinig ang gumulat sa kanila. “Kayo——” Si Michael ang dumating. Mula sa sulok ay kita ni Michael ang pagkakadikit nila. Ang kamay ni Sebastian ay nakapulupot pa sa baywang ni Trixie. Agad na inalis ni Sebastian ang kanyang braso. Si Trixie naman ay agad lumihis, nagmadaling lumayo nang hindi man lang nilingon si Michael. Tahimik na tiningnan ni Michael ang papalayong likod ni Trixie, saka ibinaling ang tingin kay Sebastian. Ngumiti si Sebastian. “Mr. Camero, magbabanyo ka rin ba?” Matigas ang tono ni Michael. “Yes.” Tumango si Sebastian at tuluyan nang lumakad palayo. Nanatiling nakatitig si Michael sa likuran naman ngayon ng lalaki, saka mariing pinagdikit an
Pagdating sa bahay ng mga Salvador, agad hinanap ni Trixie ang tiyuhin niyang si Shaun.“Uncle, I have something for you,” bungad niya. “Gusto ko sanang ikaw na ang humawak sa outsourcing ng project na ito.”Nagliwanag ang mukha ni Shaun. “Sigurado ka? Wala bang tutol si Casper dito?”“We’ve already discussed it. He’s fine with it.”Ngunit nag-aalangan pa rin si Shaun. “Medyo mababa ang cash flow ko ngayon, Trixie…”“I have over a hundred million in liquid assets,” sagot niya. “Kung kulang pa rin, ipa-auction natin 'yung dalawang regalo ni Sebastian kay lola noong birthday niya.”Napatigil si Shaun. “Sigurado ka ba diyan?”“Yes, Tito. Matagal ko na 'yang pinagplanuhan. And honestly, I don’t think Sebastian would mind. We’re… in the process of ending things anyway.”“Pero baka may sabihin siya.”“No,” sagot ni Trixie, malamig ang tono. “He won’t.”Tumango si Shaun. “Kung gano’n, makakabuo tayo ng halos limang daang milyon.”Ngumiti si Trixie pero nanatili ang lungkot sa kanyang mga mat
Biyernes ng umaga, kakagising pa lamang ni Trixie nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya sa screen, si Lola Angelina ang tumatawag. “Hello po, Lola?” bati ni Trixie, medyo paos pa ang boses mula sa bagong gising. “Apo, samahan mo naman ako sa Linggo,” wika ni Lola Angelina sa kabilang linya. “May art exhibition si Maestro Eli. Isa ‘yon sa mga bihirang pagkakataon na muli siyang magpapakita ng mga obra niya.” Saglit na natahimik si Trixie. Alam niyang matagal nang tagahanga si Lola Angelina ni Maestro Emilio Mercado, isang haligi sa mundo ng tradisyunal na pagpipinta sa Pilipinas. Matagal na rin itong hindi nagdaos ng exhibit, huli ay mahigit sampung taon na ang nakalipas. Kaya’t nang marinig niya ang paanyaya, hindi na siya nagdalawang-isip. “Okay, sasama po ako sa’yo sa Linggo,” sagot niya sa malumanay na tinig, saka nila ibinaba ang tawag. Ilang minuto pa lamang ang lumilipas, tumunog muli ang kanyang cellphone. Si Xyza. Tumatawag. This was the first tim
Sa mga sandaling iyon, dumating din sina Mateo at Precy sa main hall. Maraming bisitang naglalakad-lakad sa paligid, ngunit agad nilang natanaw si Michael. Tila babati sana si Mateo, ngunit nauna na si Michael, lumapit na may pormal na ngiti. “Mr. Bolivar, Madam Bolivar,” bati nito, “I didn’t expect to see you here.” “Siyempre naman,” sagot ni Mateo, may bahid ng pagmamalaki ang tinig. May sasabihin pa sana siya nang dumating ang dalawang matandang babae mula sa kabilang panig. “Mateo, Precy,” tanong ng matandang ginang, sabay turo sa kina Michael at Felix, “kilala n’yo ba ang dalawang binatang ‘yan?” Napansin kasi nila kanina na tila may sinasabi si Michael kay Trixie, at ngayon ay nais na nilang malaman ang buong kuwento. Ngumiti si Mateo. “Ito po si Michael Camero, anak ni President Gael Camero. Kaibigan po siya nina Wendy at Sebastian.” “Ah…” Bahagyang napataas ang kilay ng matanda. “Siya pala ang batang iyon.” Matapos makipagbatian si Michael sa mga pamilya Bolivar at T
Tulad ng dati, maaga pa lang ay pumasok na sina Trixie at Casper sa Astranexis.Umuusbong na ang pinakabagong proyekto ng kumpanya, isang matapang na hakbang para sa expansion ng kanilang tech development arm. Dahil dito, wala halos pahinga ang buong executive team. Sa araw-araw na pagpasok, sabay-sabay nilang hinaharap ang tambak na trabaho, mga tawag, at back-to-back na meetings. Hindi man sila nagrereklamo, kita sa mga mata nila ang pagod na sinisikap itago ng propesyonal na anyo.Sa gitna ng kaguluhan ng opisina isang hapon, napansin ni Trixie ang Christmas decor sa mesa niya, at pati na rin sa loob ng department nilang iyon. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ito.“Pasko na ba agad? Ang bilis naman,” wika niya, medyo nagbibiro.“True! Ang saya-saya na sa labas. Balak ko ngang gumimik mamaya kasama ‘yung tropa ko. Ikaw, Ma’am Trixie, may lakad ka ba?” tanong ng isa sa mga empleyado, habang nag-aayos ng gamit niya.Ngumiti lang si Trixie. “None for today. Maybe just go home
Lingid sa kanilang kaalaman, may dalawang tao ang halos magpambuno na sa garden area. Mabigat ang katahimikan nang iwan ni Helios ang chessboard. Alam niyang may paparating. At hindi siya nagkamali. Ilang hakbang pa lang siyang nakakalayo, narinig na niya ang mga yabag na sumusunod sa kaniya, at si Sebastian iyon “You’re close to her now. I see,” ani Sebastian, diretsong wika nito, wala nang paligoy-ligoy pa. Nag-angat ng tingin si Helios sa kaibigan. Acting innocently he asked him, “Who?” “You know who.” Napalalim ang buntong-hininga ni Sebastian, “You were watching her the whole time. You don’t even hide it.” May diin sa tono nito. Helios chuckled softly, pero may kabigatan sa tinig niya. “Are you asking as a friend… or as her soon to be ex-husband?” Hindi agad sumagot si Sebastian. “What is it, Seb?” tanong ni Helios, seryoso na rin. “You’ve been acting weird since earlier. You left her, you’re divorcing her, but now you can’t even stand seeing me look at her?” “Be
Pagkatapos ng huling laro, lumapit si Casper at nagtanong, “Balik tayo at uminom muna?” “Okay,” tugon ni Trixie habang mahinang tumango, ang tinig niya’y kalmado, pero ang mga mata niya’y waring may iniisip pa. Nang makita ng mga matanda ang lapit ng samahan ng dalawa, bahagyang napahinto si Maestro Eli. “Masuwerte talaga ang bunso ng pamilyang Yu,” aniya habang pinagmamasdan ang dalawa. Tumango si Mr. Rodriguez. “Oo nga. Akala ko dati si Wendy ang magaling. Pero matapos ko silang panoorin pareho… iba pala si Trixie.” Hindi na nila kailangang sabihin pa. Ang galing ni Trixie ay hindi lang umaangat sa chessboard, kundi pati na rin sa tindig at galaw nito. Akala nila noon, si Wendy na ang pinakamagaling. Pero matapos ang dalawang laban ni Trixie, malinaw na nabago ang kanilang opinyon. Walang bahid ng duda—ibang-iba ang antas ng diskarte, katahimikan, at kumpiyansa ni Trixie. Matalino siya, malinaw tumingin, at halatang may disente at maayos na pinanggalingan. “Bagay sila,
Bahagyang napatigil si Trixie. Sa dami ng sugat na iniwan ng lalaking kaharap niya, sa gitna ng galit at alaala ng isang relasyong nawasak na, kakaibang determinasyong bumalot kay Trixie ng mga oras na iyon. Muli siyang umupo. Hindi si Trixie papayag na matapos ang gabing iyon nang hindi siya nakabawi. Hindi man niya aminin sa sarili, hindi lang ito tungkol sa laro, kundi sa damdaming pilit niyang ibinaon nang matagal. Sa kabilang panig naman ng silid, si Helios ay tahimik ngunit mariing nakatitig sa dalawang naglalaban. Pilit na pinipigilan ang sarili. Kung siya ang masusunod, matagal na niyang hinawakan ang kamay ni Trixie at inalis ito sa tabi ni Sebastian. Ngunit hindi iyon ang lugar para sa emosyon. Hindi pa sa ngayon. Napansin ni Maestro Eli ang biglaang katahimikan. Para mapawi ang tensyon, ngumiti siya at nagsalita. Ang tinig ay banayad, parang nais niyang ipaalala sa lahat na ito'y simpleng laro lamang. “Tahimik ang batang ito, pero nag-request pa ng isang chess g
Natigilan si Sebastian habang hawak pa rin ang piyesa ng bishop. Tila isang sandaling tumigil ang oras. Dahan-dahan siyang tumingala, ang mata’y dumako kay Trixie na nakatitig sa kanya, hindi para magpakita ng galit o sakit, kundi isang tahimik na hamon. Tulad ng isang queen na hindi natitinag kahit pinapalibutan ng mga kalaban. Si Helios, na kanina’y nakatuon sa usapan nila ni Mr. Rodriguez, ay agad napalingon sa eksenang iyon. Naputol ang paghinga niya nang makita kung sino ang tumayo sa harap ng chessboard. His eyes widened in disbelief. What is she doing? Hindi niya inaasahan na si Trixie mismo ang lalapit, hindi lang para manood, kundi upang humiling ng laro laban kay Sebastian, sa gitna ng ganitong pagtitipon. At higit pa sa pagkagulat ni Helios, kitang-kita ang mas matinding pagkabigla sa mga mukha ng pamilya Bolivar, ng mga Tolentino, at lalo na mi Wendy. “Seriously?” mahinang bulong ni Wendy sa sarili, pilit nilulunok ang init na umaakyat sa kanyang leeg. Kilala niya
Lumapit si Mr. Rodriguez sa chessboard at maingat na kinuha ang queen piece.“What a move, Sebastian boy. You really sacrificed your queen, huh?” tanong niya, hawak-hawak pa rin ang piraso, para bang binubusisi ang kabuuang ideya ng laro.Sebastian gave a slight shrug, calm but unreadable. “I had no choice. It's just my survival instinct.”Sa sandaling iyon, pumait ang panlasa ni Trixie. Parang siya ang queen piece na iyon. Sa kaibuturan ng kaniyang isip, hindi niya naiwasang ikumpara ang sarili sa queen piece na isinakripisyo. Tila bumabalik-baliktad sa kanyang isipan ang mga desisyong ginawa ni Sebastian, hindi lang sa chess kundi sa buhay nilang dalawa.Was I ever more than a move to him?And just like that, she knew the answer.No.He didn’t protect the queen. He didn’t value the queen. He saw her as a piece to be removed.It suddenly made sense, ganito pala ang pananaw ni Sebastian. In order for him to win, to survive, he’d willingly sacrifice the queen. Willingly sacrifice her
Samantala, isa sa mga matalik na kaibigan ni Maestro Eli ay si Mr. Rodriguez, isang retiradong propesor ng matematika. Ngunit higit sa lahat, isa rin itong bihasang chess enthusiast. Bagamat wala siyang alam sa pagpipinta, dumating siya ngayong araw bilang pagsuporta sa kaibigan. Nang mapansin ni Maestro Eli na hindi niya ito gaanong naasikaso sa gitna ng kasiyahan, kinawayan niya si Angelo mula sa di kalayuan. “Ilabas mo nga ang tea table at chessboard. Bigyan natin ng masarap na tsaa si Rod.” Tumango si Angelo, “Opo, Maestro,” sabay paumanhin kina Trixie at Casper. “Pasensya na po muna, may iuutos lang si Maestro Eli.” Umalis ito upang asikasuhin ang mga inutos. Umupo si Maestro Eli at dinampot ang ilang piraso ng chess pieces. “Palagi mo na lang akong tinatalo,” biro niya habang nakangiti. “Baka puwedeng iba naman ang makalaro mo, Rod.” Tumingin si Mr. Rodriguez sa paligid, sinusuri ang mga panauhin. “Mukhang abala si Angelo, at wala naman akong kilalang iba rito na mahil
"Ah, siya pala ang nobya ng binata mula sa pamilya Valderama," nakangiting sabi ni Maestro Eli habang pinagmamasdan sina Sebastian at Wendy. "Bagay na bagay sila." Magalang na tumugon si Wendy, bagama’t halatang sabik sa atensyon. “Sobrang papuri naman po ’yan, Maestro.” Ngumiti lang muli si Maestro Eli, saka lumingon kina Helios, Michael, at Angelo. “Kayo rin, dapat ay magmadali na rin kayo. Sebastian here is getting ahead of you guys.” Sakto namang dumating sina Ernest Mercado, kasama sina Trixie at Casper. Kaagad na napalingon ang ilan sa kanilang pagdating, lalo na ang mga hindi inaasahan ang presensya ni Trixie. Malapít na ngumiti si Ernest habang ipinakikilala si Casper. “Father, this is the youngest from the Yu family. His company, Astranexis, is doing exceptionally well. Ang kumpanya niyang Astranexis ay maganda ang takbo ngayon. Isa ito sa mga pangunahing tinututukan ng bansa para sa mga susunod na taon.” Napalingon si Helios kay Casper, ngunit agad ring ibinalik ang ting
"Kuya Helios." Malambing ang tinig ni Emily habang mabilis siyang lumapit sa bagong balik sa lamesa ng magkakaibigan. Nakasuot siya ng eleganteng pastel cocktail dress, ang buhok ay maingat na inayos sa malambot na alon. Halata ang kumpiyansa sa bawat hakbang, wari’y siya ang tunay na may-ari ng gabi. Ngunit kahit na ganoon, nanatiling malamig ang ekspresyon ni Helios. Tumango lamang siya, walang emosyon, saka iniwas ang tingin kay Emily. Emily’s smile faltered, ngunit pinilit niyang panatilihin ang composure. Sa isip niya, hindi lang siya basta bisita, isa siya sa mga nararapat sa piling ni Helios. Sa kabilang banda, abala si Sebastian sa paglinga sa paligid. Halatang may hinahanap. “May tumawag kay Wendy,” ani Precy, lumapit sa kanya. “Lumabas muna siya para sagutin ’yung tawag.” “I see,” sagot ni Sebastian. Hindi pa man natatapos ang kanilang pag-uusap, may bahagyang kaguluhan na sa di kalayuan. Sumabay ang pagsabog ng mga bulungan sa paligid, hudyat ng pagdating ng isa