Home / Romance / The Wife / PROLOGO

Share

The Wife
The Wife
Author: Heitcleff

PROLOGO

Author: Heitcleff
last update Huling Na-update: 2023-03-10 13:03:40

Hingal na hingal ako habang lakad at takbo ang aking ginawa para lang makaalis sa lugar na iyon. Bakit ba kasi nagsuot pa ako nitong mataas na takong at hanggang tuhod na damit na siyang pinaghandaan ko ngayong gabi? Pinili ko pa naman ang damit na ito para sa kan’ya ngunit bakit nga ba agad ako naniwala ulit sa kan’ya? 

Hindi na nga talaga ako nadala. 

Kahit alam kong uulit-ulitin niya pa rin ito. Niloko na niya ako noon ngunit naging bulag-bulagan na naman ako ngayon.

I was making a fool of myself by continuing to trust him.

Kasalanan ko kung bakit ganito ngayon ang tinatamasa ko. Kasalanan ko naman itong lahat kung hindi lang sana ako naging marupok. Madali lang yatang tibagin ang ginawa kong harang sa kan’ya dito sa puso ko.

"Alana!" Sigaw ni Knight habang tumatakbo sa direksyon ko.

"Bumalik ka doon, Knight!" Pabalik kong sigaw. Ayokong makita ang kan’yang pagmumukha ni kahit pagdapo ng kan’yang balat sa akin ay nasusuka ako. Ayokong hawakan niya ako.

"Mali ang iniisip mo!" sambit niya, at nagulat ako nang malamang malapit na pala siya sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako nang pagkalas-lakas. Napakalakas niya at walang ding saysay kahit anong hila ko sa kamay ko.

Mariin ko siyang tinitigan dahilan upang kumalas ang pagkakahawak niya sa akin.

"It's not what I think? Please Knight, enough with the lies! Please, I can't take it any longer, it hurts here, and it really hurts here." I burst into tears in front of him, releasing all the pain I'd been carrying for years. Taon na rin pala akong naging gaga at tanga.

"I assumed we were fine, that everything was already fine. Akala ko nagsisimula na ulit tayo ngunit akala ko lang pala iyong lahat. Knight, you're giving me a fucking damn delusional thoughts!" Iyak kong sigaw at akma na sana siyang lalapit nang umatras ako.

Ayokong hawakan niya pa akong muli.

"Huwag na huwag mo na akong hahawakan Knight!" sigaw ko at halatang nagulat siya sa aking inakto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na marinig niya ang pagtaas ng boses ko.

"Please, Alana, let's start over." He pleaded, and the tone of his voice stipulated sadness and hurt, but I'm not going to be moved by his emotions again; he did it once, and he can't do it again.

Huwag kang gaga Alana. Nasaktan ka na ng ilang beses mas tanga ka pa sa tanga kung tatanggapin mo uli siya.

"I'd like to file for annulment," I said firmly, and I was so proud of myself for my boldness.

Nabigla siya sa mga salitang binitawan ko na kahit ako rin ay nagulat.

Sinamba ko siya ng buong puso, katawan, at kaluluwa. Pinakasalan ko siya, pero hindi ko siya masisisi dahil lahat ng ito ay kasalanan ko. Ako lang naman ang may gusto nitong lahat, pero siguro ngayon na ang oras para bumitaw.

"No please, no no no please."

I can't believe an Alcantara, Knight is begging and kneeling in front of me.

"Goodbye, Knight." Hinubad ko ang singsing sa daliri ko at ibinalik sa kan’ya.

Kaugnay na kabanata

  • The Wife   CHAPTER 1 (The Battered Wife)

    ALANANanginginig ang buo kong katawan sa takot na pagbuksan siya ng pinto. He was banging and shouting against the door again. He was drunk. “Bitch! Hindi mo ba bubuksan ang pintong ito o hihintayin mong wasakin ko ito sa pagmumukha mo?" sigaw niya ng malakas. "Sandali lang," humihingal kong sagot. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot habang papalapit ako sa pinto. At nang pagbuksan ko siya ay sinalubong ako ng maitim niyang awra. Ang nag-aapoy niyang mga mata na puno ng galit at agad akong tumilapon sa sahig hawak-hawak ang sa ngayon ay namamagang pisngi ko. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na hindi ko na maramdaman sa sakit. Immune na yata ang katawan ko at sanay na sa ganito. Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng kirot . . . ang paa ko.Na dislocate ‘ata ang paa ko. Napaiyak ako sa sakit na lalong ikinagalit niya dahilan upang hilahin niya ang aking buhok na tila ba makukuha na ito sa anit ko sa sakit. "Ano? Iiyak ka na naman ba?" marahas niyang sigaw

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 2 (The Cold Prince)

    KNIGHTAs I watched the people dancing wildly on the dance floor, I wheezed the last smoke from my cigarette."Anong oras ba tayo uuwi?" pangalawang tanong ni Thaddeus sa akin.Tinapunan ko siya ng tingin dahil kanina pa ako iritang-irita sa kaniya. "Ano bang minamadali mo at tanong ka ng tanong? Mauna ka ng umuwi kung gusto mo," asik ko na maskin siya ay nagulat sa inasal ko."Relax bro, I'm not leaving you here, I was just asking," wika niya at kinuha ang isa pang baso na may lamang alak at agad itong nilagok.Hindi ko na siya pinansin pa at tinuunan na lamang ng pansin ang paglalagok ko ng alak. Hindi ko pa gustong umuwi at madatnan ang babaeng siyang sumira at naging dahilan ng pagkamiserable ng buhay ko na sana ngayon ay masaya sa piling ng babaeng mahal ko. Napaka-ambisyosa naman niya kung pati ba naman ang pagiging mapagmahal na asawa ay gagawin ko porke't pinakasalan ko siya. Siya ang may kasalanan ng lahat-lahat ng ito. Nagkukunwari pang mabait sa harapan ko at sa harapan ng

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 3 (Is It All Worth It?)

    ALANANaalimpungatan na lamang ako ng gising nang maramdaman kong may umuuyog sa aking balikat."Naku iha bumangon ka nga diyan ang lamig-lamig ng sahig," wika ni Nanang at inalalayan akong bumangon. Nandirito na pala siya at tila nalimutan ko yata ang petsa kung kailan siya babalik. Umuwi kasi muna siya sa kanilang probinsya dahil sa anak niya at ngayon naabutan niya na naman ako sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ako makatingin ng tuwid sa kan'yang mga nagtatanong na mga mata at tila ba alam na niya kung ano mismo ang nangyari.Agad niyang kinuha ang aking mga kamay at doon ko na lamang nakita na may mga bagong pasa na naman ako at nakatutuwang tingnan ang mga dilaw ko na mga pasa dahil gumagaling na sila at ngayon ay may bago na naman."Iha, hahayaan mo na lang bang tratuhin ka ng ganito ng asawa mo? Ilang taon na kayong kasal at ganito pa rin ang sitwasyon ninyo. Dito ka na ba magpapakamatay? Ang ganda-ganda mong bata ka papasa ka bilang artista kung lalabas ka lamang sa lunggang ito

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 4 (If He Wants You, He Can Come Get You Himself)

    ALANA"I've been there sa kinatatayuan mo iha, that is why I want to help you. Look at me, I'm getting old and I'm not happy dahil sinunod ko ang puso ko kasi mahal ko 'yong tao. Hanggang sa tumanda na lang ako 'di ko naramdaman ang mahalin. Pero kahit na ganoon hindi na rin ako nagsisisi kasi choice ko ito at lalo akong magsisisi kapag hindi kita ginabayan. I know how much you love Knight kitang-kita naman sa mga mata mo but please love yourself more. Ibang-iba na ang hitsura mo ngayon kaysa sa dati mahalin mo ang sarili mo. Paano na lang kung makikita ka ng papa mo? Gusto mo ba 'yon? Kung hindi mo pa gustong mapahiwalay kay Knight fix yourself pero kapag hindi mo na kaya you know to reach me iha," malumanay na saad niya.Naririto na kami ngayon nakaupo sa sa hardin at humihigop ng kape. Panay naman ang hila ko pababa ng aking long sleeve na siya namang hindi maiwasang tingnan ng matanda.Tiningnan ko naman si Momsy na parang nagungusap ang aking mga mata. "Mahal ko po si Knight, Mom

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 5 (Being A Martyr)

    ALANATila ba natigilan ako saglit sa mga sinabi ni momsy sa akin kanina. Masyado na ba talaga akong nagiging tanga? Tanga na ba ako sa kakaibig sa kan'ya at sa kagustuhan na ibigin niya rin ako? Nakakatawang isipin na asawa na ako ni Knight for how many years and yet wala pa ring nangyayari sa amin grelasyon. Para bang may nakaharang pa rin sa aming dalawa ang pinagkaiba lang ay may singsing kami sa isa't-isa. Ngunit sa mga nagdaang araw na rin ay napapansin kong 'di na niya isinusuot ang kan'yang singsing at doon din ako nanlulumo dahil kahit na 'yon na lang sana ang nakikita ko sa kan'ya para maisip ko ring pinahahalagahan niya rin ang aming kasal ngunit marahil ay nakalimutan niya na lamang itong suotin o naiwan sa kan'yang opisina . . . itinago o naiwala na niya ito. Sino ba naman ang niloloko ko?"Stop it Alana, mamahalin ka rin niya. Just be a wife to him at pasasaan ba at matututunan ka rin niyang mahalin. Cheer up Alana," bukang bibig ko na lamang at pinilit na ngumiti. Nap

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 6 (Kailan Pa Ba Matututo Ang Puso?)

    ALANAHindi ko mapigilang 'di na naman maluha sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi pa rin pala ako manhid sa sakit at hindi pa rin pala ito kailanman mawawala sa akin."Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet."Wala na riyan ang mga damit mo. Kunin mo na 'yang mga naka-karton diyan iyan ang mga damit mo dahil ayokong nakikita ang mga basurang 'yan tulad mo na malapit sa mga damit ko. Ang dumi-dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat . . . hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 7 (Unknown Wife)

    ALANA"Ah Sir Knight, naririto po pala kayo," masiglang bati ko, dapat ay maging proud ako sa sarili ko dahil sa pagpapanggap na ito, ngunit di ko parin mapigilang di laruin ang aking mga kamay sa aking likuran."Yes, we were just going to get something, so if you may excuse us," malamig na sagot niya at iginiya ang babaeng kasama niya paalis, hawak hawak niya ito sa bewang, ni kailanman ay di ko naranasang hawakan ako ni Knight ng ganun."Ah sige po Sir, mag-ingat po kayo," mahinang sagot ko at pinanood ko na lamang silang umalis sa aking harapan ngunit tila napatigil sa paglalakad ang babae at hinarap ako."Parang nakita na kita I don't know where pero-," saad niya at tila ba kinabahan ako bigla. Agad naman akong tinitigan ni Knight at agad niyang hinawakan ang kamay nung babae."She's the daughter of our maid, she's not literally the one that I hired pero dahil narin sa tinutulungan niya ang kanyang ina sa bahay ay masasabi kong maid narin siya. Kaya baka nakikita mo siya noon kung

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 8 (She Will Be Loved)

    ALANA"I miss you," mahinang saad niya habang nakayakap sa akin, hinagod ko naman ang kanyang likod at napangiti. Halos magkasing tangkad lang pala sila ni Knight, hanggang dibdib lang nila ako. Kung ganito lang sana si Knight katulad ng kapatid niya, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa."Namiss rin kita Ash," sagot niya at agad naman niya akong hinarap at tinitigan na para bang di makapaniwala ngunit agad ding napalitan iyon ng ngiti."How are you and kuya?" bahagyang tanong niya na agad ko namang ikinalungkod ng mga mata ko kahit nakangiti ang mga labi ko."We're fine, we're happy Ash. Ikaw? Ikaw ang kamusta? Sikat na sikat ka na Ash ah ibang-iba ka na. Kahit saan makikilala ka kaya no wonder kung pinagkakaguluhan ka ng mga fans mo kaya naparito ka," tawa ko na siya namang ikinatawa niya, magkaibang magkaiba talaga ang ugali nitong magkapatid na ito, salungat sa isa't isa."Hindi naman," sagot niya na nakangiti na para bang modelo ng toothpaste."Pa humble ka pa

    Huling Na-update : 2023-03-10

Pinakabagong kabanata

  • The Wife   SPECIAL CHAPTER

    KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 7

    THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 6

    ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 5

    ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 4

    KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 3

    THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 2

    SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 1

    KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi

  • The Wife   EPILOGUE 1.3

    Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status