Home / Romance / The Wife / CHAPTER 5 (Being A Martyr)

Share

CHAPTER 5 (Being A Martyr)

Author: Heitcleff
last update Huling Na-update: 2023-03-10 13:07:18

ALANA

Tila ba natigilan ako saglit sa mga sinabi ni momsy sa akin kanina. Masyado na ba talaga akong nagiging tanga? Tanga na ba ako sa kakaibig sa kan'ya at sa kagustuhan na ibigin niya rin ako? Nakakatawang isipin na asawa na ako ni Knight for how many years and yet wala pa ring nangyayari sa amin grelasyon. Para bang may nakaharang pa rin sa aming dalawa ang pinagkaiba lang ay may singsing kami sa isa't-isa. Ngunit sa mga nagdaang araw na rin ay napapansin kong 'di na niya isinusuot ang kan'yang singsing at doon din ako nanlulumo dahil kahit na 'yon na lang sana ang nakikita ko sa kan'ya para maisip ko ring pinahahalagahan niya rin ang aming kasal ngunit marahil ay nakalimutan niya na lamang itong suotin o naiwan sa kan'yang opisina . . . itinago o naiwala na niya ito.

Sino ba naman ang niloloko ko?

"Stop it Alana, mamahalin ka rin niya. Just be a wife to him at pasasaan ba at matututunan ka rin niyang mahalin. Cheer up Alana," bukang bibig ko na lamang at pinilit na ngumiti.

Napagdesisyunan ko na lamang na ako na lang ang magligpit ng aming pinagkainan upang mabaling ang aking atensyon sa kung saan. Napaisip din ako sa darating na kapatid ni Knight. Pansamantalang dito na muna siya maninirahan kaya it's better siguro if I prepare his room at makapag-grocery na rin ng mga pagkain dito sa bahay para kahit papaano ay maging busy din ako. Malakas kong naitabig ang aking kamay sa lamesa dahilan upang mapasigaw ako sa sakit natamaan 'ata ang namamaga kong mga pasa. 

Agad naman akong nakarinig ng mga yabag na papunta sa aking direksyon at nang lingunin ko iyon ay nakita ko ang nagkukumahog na si Nanang na papalapit sa aking direksyon.

"Bakit Alana?" nag-aalalang sigaw ni Nanang nang makapasok siya sa kusina agad naman siyang pumunta sa direksyon ko nanag makita ako. Nakasuot siya ng boots at nakakalo galing ata siya sa pagdidlig ng mga halaman sa likod.

"Ah wala po Nanang, tinamaan lang po itong pasa ko habang nagliligpit nitong mga pinagkainan namin," paliwanag ko at halata sa kan'yang mga mata ang awa sa akin. Awang ayaw na ayaw kong makita sa kan'ya. Ayaw kong kaawaan ako ngunit sa sitwasyon ko ba namang ito ay kaawa-awa naman talaga ako.

I look like a battered wife.

Umiling-iling naman si Nanang. "Naku iha 'di ka kasi nag-iingat bakit kasi 'di mo na lamang ako tinawag para ako na lang ang magligpit niyan. Hala ako na magliligpit niyan ha baka masaktan mo pa lalo ang sarili mo. Trabaho ko naman 'yan Alana, ano ka bang bata ka," saad niya at nagsimula ng tapusin ang ginagawa ko.

Napangiwi naman ako at medyo nahiya dahil unang-una ay simpleng gawain ay hindi ko pa magawa ng maayos. "Gusto ko lang naman po kasing mabaling ang atensyon ko sa iba Nanang," malamyang saad ko habang nakatingin sa bahaging sumasakit pa sa kirot.

Agad namang napatigil si Nanang sa kan'yang ginagawa at lumapit sa akin at kinuha niya ang aking kamay at ngumiti. Iginiya niya ako malapit sa lababo at pinaandar ang gripo. Dahan-dahang inilagay niya ang aking kamay sa dumadaloy na malamig na tubig at para bang unti-unting nawawala ang sakit.

"Ayan para maibsan kahit papaano ang dala-dala mong sakit, iha. Bakit kaya hindi na lang muna ikaw ang bumili sa grocery store ng mga kakailanganin natin dito sa bahay? Para malibang ka naman dalhin mo 'yong sasakyan mo matagal-tagal na rin noong hindi kita nakitang nagmamaneho at 'di na rin nagagamit 'yong sasakyang 'yon. Siguro wala 'atang nakakakilala sa'yo dito kasi hindi ka naman nila nakikitang lumalabas-labas man lang dito at siguro panahon na rin para lumabas-labas ka rin dito atsaka darating di'ba 'yong kapatid ni Knight? Naku! Mabait na bata 'yon ako rin ang nagpalaki sa batang 'yon. Malayong-malayo kay Knight ang ugali peksman iha at tiyak ko talagang magkakasundo kayo no'n kaya 'di ka na mabo-bored dito sa pamamahay na ito. Anong masasabi mo iha ha?" mahabang pahayag niya at napangiti ako sa kan'yang suhestiyon, wala na rin namang mawawala kong susubukan ko total matagal-tagal na rin at nami-miss ko na rin ang sasakyan ko. 

Regalo rin kasi ni Daddy para sa akin ang sasakyan na iyon. Gusto niya akong bilhan ng sasakyan na pang babae pero mas gusto kong imaneho ang ford ranger dahil iyon kasi ang sasakyan ni Knight noon kaya ginaya ko na rin. Ganoon na siguro ako ang pagkabaliw ko sa kan'ya dahil kahit pati sasakyan ay gusto kong magkapareho kami. Ford ranger din ang sa kan'ya kulay itim at ang sa akin naman ay kulay asul tila naunawaan naman ni Daddy kung bakit 'yon ang napili kong sasakyan. No'ng una ay parang ayaw niya dahil masyado raw itong malaki sa akin at totoo namang malaki iyon para sa akin dahil sa liit kong ito ay para akong nagmamaneho ng bulldozer. Ngunit no'ng kalaunan ay binili niya na rin ito at ibinigay sa akin.

Ngumit naman ako at tumango-tango. "Tama ka Nanang, sige ako na lang ang bibili ng mga kailangan natin dito. Akyat po muna ako sa kwarto ni Knight nandoon po kasi 'yong mga damit ko na pang labas kasi 'yong nasa kwarto ko puro pangbahay. Nami-miss ko na ring suuotin 'yong mga damit ko noon at sana ay kasya pa sa akin," saad ko na nakangiti at 'di rin napigilan ni Nanang na hindi matawa.

"Naku iha as if naman na tumaba ka ni walang halos bakas. Hindi ka nama nabuntis o ano at-," agad naman siyang natigilan sa pagkakasalita at agad namang kinuha ang aking mga kamay.

Marahan naman akong ngumiti. "It's okay Nanang tanggap ko naman simula noong ikasal kami. Akala ko ay magkakaroon na ako ng sarili ko ring pamilya pero hindi rin pala. Ni hindi nga ako kayang halikan ng asawa ko, oo siguro nagagawa niya pero lahat ng iyon ay pawang palabas lamang. Kaya no need to say sorry Nanang, apart from the fact that it is my choice, I must accept this," wika ko at hinaplos ang kan'yang kamay.

"Sige Nanang akyat na muna ako kukuha lang ako ng mga gamit at doon na ako maliligo sa kwarto ko," paalam ko at agad naman siyang tumango.

KUMATOK muna ako sa pintuan bago pumasok at nang wala naman akong nakuhang tugon ay agad kong pinihit ang doorknob at natuklasang hindi naman ito nakasirado at sa pagkapasok ko rinig ko ang umaagos na tubig mula sa shower room, marahil ay naliligo pa siya ngayon.

Agad namang napako ang mga mata ko sa kama at sa pagkakatanda ko ay wala naman siyang naiuwing babae kagabi ngunit may bakas ang kanyang unan ng isang bahid ng lipstick at alam kong mula ito sa mga babaeng dinadala niya dito sa kwarto niya. Hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha at kusa na lamang silang umagos agad-agad ko naman itong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay dahil baka bigla na lamang magbukas ang pinto at iluwa noon si Knight. Napagpasyahan ko na lamang na linisin na muna ang kan'yang kwarto. Sinong mag-aakalang ang isang asawang tulad ko ay naglilinis ng pinagkalatan ng kan'yang asawa?

Nasasaktan p arin ako sa mga ginagawa ko. 

Pagkatapos kung pagpagin ang kan'yang higaan ay ang siya namang pagbukas ng banyo at iniluwa no'n ang nakatapis na si Knight. Tumutulo-tulo pa ang tubig mula sa kan'yang buhok at pati na rin sa kan'yang katawan na para bang isang modelo habang pinupunasan ang kan'yang buhok gamit ang kan'yang maliit na tuwalya. Agad namang napako ang kan'yang mga tingin mula sa aking kinatatayuan at agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kan'ya. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga kaya naman napagpasyahan kong sabihin kung bakit ako nandirito sa kan'yang kwarto ayaw na ayaw niya na kasi na pumapasok ako dito.

"P-pumasok na lang ako kasi may kukunin sana ako dito na mga damit ko. Pupunta nga pala ako sa grocery store ngayon Knight, at baka hapon na ako makakabalik kasi gusto ko sanang bisitahin si Daddy-," hindi ko na naipagpatuloy ang dapat kong sabihin nang bigla siyang nagsalita.

"Do I look like I care? Wala akong pakialam kung saang lupalop ka man pupunta Alana, the hell I care and please gawin mo ang gusto mo wala namang nagbabawal sa iyo sa pamamahay na ito. Just do whatever you want," he coldly stated at walang emosyong tinitigan niya ako. 

Kaugnay na kabanata

  • The Wife   CHAPTER 6 (Kailan Pa Ba Matututo Ang Puso?)

    ALANAHindi ko mapigilang 'di na naman maluha sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi pa rin pala ako manhid sa sakit at hindi pa rin pala ito kailanman mawawala sa akin."Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet."Wala na riyan ang mga damit mo. Kunin mo na 'yang mga naka-karton diyan iyan ang mga damit mo dahil ayokong nakikita ang mga basurang 'yan tulad mo na malapit sa mga damit ko. Ang dumi-dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat . . . hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 7 (Unknown Wife)

    ALANA"Ah Sir Knight, naririto po pala kayo," masiglang bati ko, dapat ay maging proud ako sa sarili ko dahil sa pagpapanggap na ito, ngunit di ko parin mapigilang di laruin ang aking mga kamay sa aking likuran."Yes, we were just going to get something, so if you may excuse us," malamig na sagot niya at iginiya ang babaeng kasama niya paalis, hawak hawak niya ito sa bewang, ni kailanman ay di ko naranasang hawakan ako ni Knight ng ganun."Ah sige po Sir, mag-ingat po kayo," mahinang sagot ko at pinanood ko na lamang silang umalis sa aking harapan ngunit tila napatigil sa paglalakad ang babae at hinarap ako."Parang nakita na kita I don't know where pero-," saad niya at tila ba kinabahan ako bigla. Agad naman akong tinitigan ni Knight at agad niyang hinawakan ang kamay nung babae."She's the daughter of our maid, she's not literally the one that I hired pero dahil narin sa tinutulungan niya ang kanyang ina sa bahay ay masasabi kong maid narin siya. Kaya baka nakikita mo siya noon kung

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 8 (She Will Be Loved)

    ALANA"I miss you," mahinang saad niya habang nakayakap sa akin, hinagod ko naman ang kanyang likod at napangiti. Halos magkasing tangkad lang pala sila ni Knight, hanggang dibdib lang nila ako. Kung ganito lang sana si Knight katulad ng kapatid niya, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa."Namiss rin kita Ash," sagot niya at agad naman niya akong hinarap at tinitigan na para bang di makapaniwala ngunit agad ding napalitan iyon ng ngiti."How are you and kuya?" bahagyang tanong niya na agad ko namang ikinalungkod ng mga mata ko kahit nakangiti ang mga labi ko."We're fine, we're happy Ash. Ikaw? Ikaw ang kamusta? Sikat na sikat ka na Ash ah ibang-iba ka na. Kahit saan makikilala ka kaya no wonder kung pinagkakaguluhan ka ng mga fans mo kaya naparito ka," tawa ko na siya namang ikinatawa niya, magkaibang magkaiba talaga ang ugali nitong magkapatid na ito, salungat sa isa't isa."Hindi naman," sagot niya na nakangiti na para bang modelo ng toothpaste."Pa humble ka pa

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 9 (Ang Pagdating Ng Karibal)

    KNIGHTI cursed under my breath nang maalala ang nangyari kanina sa kwarto, nakapasok siya sa kwarto ko at nilinis ang higaan ko. Nakalimutan ko na naman atang ilock ang pinto ngunit kahit na ganun ay di naman siya pumapasok, napakahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ang kanyang mga mata, mga matang kakagaling lang sa iyak. Pinagbuhatan ko na naman siya ng kamay, hindi ko nama iyong gustong gawin sa kanya pero tila hindi ko napipigilan ang aking galit dahil sa kanyang ginawa. Siya ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng babaeng dapat ay nasa posisyon niya.Napabilis ang takbo ng aking sasakyan dahil sa galit na gusto ko ng isigaw kanina pa. Bakit ba ganito na lang ang poot ko sa kanya. Agad naman akong napapreno ng wala sa oras nang makita kong nag red light.“Dammit!” I cursed under my breath at bahagyang napa suntok sa manibela.Bahagya muna akong naghanap ng paparkingan para makapagrelax kahit konti lang, wala naman talaga akong meeting ngayon, rason ko lamang iyon

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 10 (The Signs)

    ALANAMag-aalas quatro palang ng umaga nang magising ako, hindi ko parin maialis sa isip ko ang mga sinabi niya kahapon. Concern ba siya sa akin o ayaw niya lang akong paalisin dito sa bahay? Mahal na ba niya ako?“Stop it Alana pinapaasa mo na naman ang sarili mo,” usap ko sa aking sarili at napabuntong hininga na lamang. Kinuha ko ang isang maliit na remote sa lamesa at pinindot ito, gusto kong makita ang labas. Dahan dahang gumalaw ang kurtina at iniluwa nun ang madilim pa na kalangitan.FLASHBACK“Who said you’ll be working?” isang baritonong boses ang nagpakabog ng aking puso, kahit na hindi ko pa nililingon kung sino ang nagsalita ay alam ko kung kanina ito nanggaling.“Hey bro,” bungad sa kanya ni Ash at kumaway. Naglakad naman siya papunta sa aming direksyong at humila ng upuan at umupo malapit sa akin. I don’t know if this is a part of pretending, mag pe-pretend na naman ba kami?Ewan ko ba pero habang tumatagal ang pagpapanggap namin ay mas lalo akong nasasaktan but this is

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Wife   CHAPTER 11 (The Moves)

    ALANA“Ito naman joke lang,” agad niyang saad at tumalikod papuntang ref at may kinuha.“Akala ko ba two days kang mawawala?” tanong ko at nagsimulang itali ang apron sa aking katawan.“Ganun mo ba ako gustong di makita dito sa bahay?” balik niyang tanong uli sa akin ngunit nakatalikod parin.“Ito naman baliw ka rin minsan eh because you said you would be gone for two days,” sagot ko at kumuha ng mga ingredients para sa gagawin kong leche flan.“Yun nga din ang akala ko but my manager said na may big project ako ngayon sa isang kilalang kompanya and you will be surprised if I tell you,” agad naman siyang humarap sa akin na nakangiti, kung sino mang babae ang makakakita nito ay tiyak na malulusaw sila.“Mind if you tell me Ash?” ngiting tanong ko at sinimulan ko ng hiwalayin ang egg yolk sa egg white.“For now, it’s a secret, anong lulutuin mo?” tanong niya at lumapit sa direksyon ko, amoy na amoy ko rin ang kanyang preskong pabango, napakalapit niya sa akin at tila ramdam ko ang kanya

    Huling Na-update : 2023-03-21
  • The Wife   CHAPTER 12 (Cold Blooded Prince)

    ALANA“Alana,” boses na siyang laging nagpapatibok ng puso ko, agad ko namang kinuha ang aking kamay sa pagkakahawak ni Ash, ni hindi ko namalayang magkahawak kamay pala kami. “Knight, gising ka na pala. Halika dito ipaghahanda kita,” saad ko at agad namang umalis sa harapan ni Ash at kumuha ng plato.Nakalimutan ko palang di man lang ako nakapagsangag ng kanin anong kakainin ni Knight? Leche flan lang pala ang ginawa namin ni Ash. “Ow bati na kayo?” tanong ni Ash na siya namang ikinaharap ko.“A-ah pag ganyan ka-kasi Ash it means bati na kami ni kuya mo,” sagot ko na lamang dahil wala naman atang balak sumagot si Knight.Mabuti nalang at okay na ang leche flan pero di pa malamig, okay narin to sa pandesal kahit papaano may naitatabi pa pala akong tinapay dito. Mabuti nalang nilagay inayos ito ni nanang.“You’re not ready,” saad ni Knight na siya namang ikinakunot ng noo ko.Nilapag ko sa kanilang harapan ang tinapay at ang leche flan, agad naman itong sinunggaban ni Ash na siya nam

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • The Wife   CHAPTER 13 (Give Me a Favor)

    ALANAMalapit na kami sa aming kompanya nang biglang lumingon sa aking gawi si Knight. "Hindi naman mainit dito, bumaba ka na dito. Pumara ka ng taxi, ayokong makita ka nila na bababa sa aking sasakyan," saad niya at narinig ko ang pag unlock ng kanyang sasakyan. Tila ba gusto kong maiyak sa sinabi niya, heto na naman ako at nasasaktan. Tama naman siya, we are private at pumayag ako sa kasunduang ito. Bakit ba kasi hindi ko nalang dinala ang sasakyan ko."O-okay," sagot ko at akma ng bubuksan ang pinto ng sasakyan nang bigla niya akong hawakan sa aking braso."Wait, here's the money para ipang bayad sa taxi," saad niya at ikinuyom sa aking palad ang isang libong papel.Dahan dahan akong lumabas sa kanyang sasakyan at isinara ito. Agad naman niyang pinaharurot ang sasakyan at tuluyan na lamang akong iniwan. "It's okay Alana, pumara ka nalang," pag cheer ko sa aking sarili dahil kung hindi ko gagawin yun ay iiyak na naman ako at magmumukhang tanga dahil nasa highway pa naman ako. Agad

    Huling Na-update : 2023-03-23

Pinakabagong kabanata

  • The Wife   SPECIAL CHAPTER

    KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 7

    THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 6

    ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 5

    ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 4

    KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 3

    THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 2

    SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 1

    KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi

  • The Wife   EPILOGUE 1.3

    Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status