KNIGHTI cursed under my breath nang maalala ang nangyari kanina sa kwarto, nakapasok siya sa kwarto ko at nilinis ang higaan ko. Nakalimutan ko na naman atang ilock ang pinto ngunit kahit na ganun ay di naman siya pumapasok, napakahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ang kanyang mga mata, mga matang kakagaling lang sa iyak. Pinagbuhatan ko na naman siya ng kamay, hindi ko nama iyong gustong gawin sa kanya pero tila hindi ko napipigilan ang aking galit dahil sa kanyang ginawa. Siya ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng babaeng dapat ay nasa posisyon niya.Napabilis ang takbo ng aking sasakyan dahil sa galit na gusto ko ng isigaw kanina pa. Bakit ba ganito na lang ang poot ko sa kanya. Agad naman akong napapreno ng wala sa oras nang makita kong nag red light.“Dammit!” I cursed under my breath at bahagyang napa suntok sa manibela.Bahagya muna akong naghanap ng paparkingan para makapagrelax kahit konti lang, wala naman talaga akong meeting ngayon, rason ko lamang iyon
ALANAMag-aalas quatro palang ng umaga nang magising ako, hindi ko parin maialis sa isip ko ang mga sinabi niya kahapon. Concern ba siya sa akin o ayaw niya lang akong paalisin dito sa bahay? Mahal na ba niya ako?“Stop it Alana pinapaasa mo na naman ang sarili mo,” usap ko sa aking sarili at napabuntong hininga na lamang. Kinuha ko ang isang maliit na remote sa lamesa at pinindot ito, gusto kong makita ang labas. Dahan dahang gumalaw ang kurtina at iniluwa nun ang madilim pa na kalangitan.FLASHBACK“Who said you’ll be working?” isang baritonong boses ang nagpakabog ng aking puso, kahit na hindi ko pa nililingon kung sino ang nagsalita ay alam ko kung kanina ito nanggaling.“Hey bro,” bungad sa kanya ni Ash at kumaway. Naglakad naman siya papunta sa aming direksyong at humila ng upuan at umupo malapit sa akin. I don’t know if this is a part of pretending, mag pe-pretend na naman ba kami?Ewan ko ba pero habang tumatagal ang pagpapanggap namin ay mas lalo akong nasasaktan but this is
ALANA“Ito naman joke lang,” agad niyang saad at tumalikod papuntang ref at may kinuha.“Akala ko ba two days kang mawawala?” tanong ko at nagsimulang itali ang apron sa aking katawan.“Ganun mo ba ako gustong di makita dito sa bahay?” balik niyang tanong uli sa akin ngunit nakatalikod parin.“Ito naman baliw ka rin minsan eh because you said you would be gone for two days,” sagot ko at kumuha ng mga ingredients para sa gagawin kong leche flan.“Yun nga din ang akala ko but my manager said na may big project ako ngayon sa isang kilalang kompanya and you will be surprised if I tell you,” agad naman siyang humarap sa akin na nakangiti, kung sino mang babae ang makakakita nito ay tiyak na malulusaw sila.“Mind if you tell me Ash?” ngiting tanong ko at sinimulan ko ng hiwalayin ang egg yolk sa egg white.“For now, it’s a secret, anong lulutuin mo?” tanong niya at lumapit sa direksyon ko, amoy na amoy ko rin ang kanyang preskong pabango, napakalapit niya sa akin at tila ramdam ko ang kanya
ALANA“Alana,” boses na siyang laging nagpapatibok ng puso ko, agad ko namang kinuha ang aking kamay sa pagkakahawak ni Ash, ni hindi ko namalayang magkahawak kamay pala kami. “Knight, gising ka na pala. Halika dito ipaghahanda kita,” saad ko at agad namang umalis sa harapan ni Ash at kumuha ng plato.Nakalimutan ko palang di man lang ako nakapagsangag ng kanin anong kakainin ni Knight? Leche flan lang pala ang ginawa namin ni Ash. “Ow bati na kayo?” tanong ni Ash na siya namang ikinaharap ko.“A-ah pag ganyan ka-kasi Ash it means bati na kami ni kuya mo,” sagot ko na lamang dahil wala naman atang balak sumagot si Knight.Mabuti nalang at okay na ang leche flan pero di pa malamig, okay narin to sa pandesal kahit papaano may naitatabi pa pala akong tinapay dito. Mabuti nalang nilagay inayos ito ni nanang.“You’re not ready,” saad ni Knight na siya namang ikinakunot ng noo ko.Nilapag ko sa kanilang harapan ang tinapay at ang leche flan, agad naman itong sinunggaban ni Ash na siya nam
ALANAMalapit na kami sa aming kompanya nang biglang lumingon sa aking gawi si Knight. "Hindi naman mainit dito, bumaba ka na dito. Pumara ka ng taxi, ayokong makita ka nila na bababa sa aking sasakyan," saad niya at narinig ko ang pag unlock ng kanyang sasakyan. Tila ba gusto kong maiyak sa sinabi niya, heto na naman ako at nasasaktan. Tama naman siya, we are private at pumayag ako sa kasunduang ito. Bakit ba kasi hindi ko nalang dinala ang sasakyan ko."O-okay," sagot ko at akma ng bubuksan ang pinto ng sasakyan nang bigla niya akong hawakan sa aking braso."Wait, here's the money para ipang bayad sa taxi," saad niya at ikinuyom sa aking palad ang isang libong papel.Dahan dahan akong lumabas sa kanyang sasakyan at isinara ito. Agad naman niyang pinaharurot ang sasakyan at tuluyan na lamang akong iniwan. "It's okay Alana, pumara ka nalang," pag cheer ko sa aking sarili dahil kung hindi ko gagawin yun ay iiyak na naman ako at magmumukhang tanga dahil nasa highway pa naman ako. Agad
ALANAHanggang ngayon ay palaisipan sa akin ang mga sinabi ni Knight. He wants me to stay away from his brother but why? Paano ko naman iiwasan ang kanyang kapatid kung nasa iisang bahay lang naman kami. At bakit niya naman ako pinaiiwasan sa kanya? Is there's something wrong?Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking balat, nasa hardin ako ngayon upang kumuha ng sariwang hangin I badly need it, I can't seem to understand Knight. Nagseselos ba siya? Pero isang malaking kalokohan lamang iyon, bakit naman siya magseselos? At sa kanyang kapatid pa pero kahit na, isang malaking katangahan at palaisipan parin sa akin ang isiping nagseselos siya, napaka imposible. Pero kong iisipin ay napakasarap pakinggan at damhin, napakasarap maramdaman ang pakiramdam na nagseselos si Knight. Such a fool Alana, but you are already. "Knight," bulong ko habang nakapikit at dinama ang hanging humahaplos sa aking pisngi. Pagmulat ko ng aking mga mata ay kita ko naman ang mga nagdadamihang mga bituin s
ALANA “Knight,” tanging sambit ko at tila ba nanigas ako sa aking posisyon at agad namang umalis sa pagkakadagan sa akin si Ash at tinulungan akong tumayo. Tila naramdaman naman niya ang panlalamig ng mga kamay ko at nakatingin pa siya sa akin. “We were just having fun kuya. Nasobrahan lang kasi-“ he didn’t have the chance to continue his words when Knight cuts him off.Tinitigan lamang siya ni Knight at para bang nagtitigas bagang nakatitig lamang siya rito ngunit kalmado lamang si Ash. “Anyway I have to go, I have a late night meeting with my manager,” kalmadong saad niya at lumingon sa aking gawi. “Sorry Alana if this will get you in trouble, I’ll talk to him,” he whispered and he was about to walk when I grab his arm to stop him and now Knight was staring at my grip. “It’s okay, you don’t need to. I’ll handle this and besides we’re not doing anything,” ngiting saad ko at tila naman may pag-aalinlangan ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. “Alana, in my room... now,” ma
ALANANaalimpungatan ako ng gising dahil sa tumunog ang sinet kong alarm clock. Hinayaan ko na lamang na lamunin ako ng antok kagabi ngunit ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata. Nandirito pa pala ang alarm clock na binili ko noon, may gumuhit na ngiti sa akingmga labi dahil hindi man lang ito inalis ni Knight sa lamesa niya, kulay pink ito at alam kong ayaw na ayaw niya ito noon pero nakakapagtaka lang dahil andirito pa ito.Mag-aalas kwatro palang ng umaga, mas mabuti ito para maimulat ko na ng maayos ang aking mga mata dahil sa pamamaga nito. May trabaho pa ako mamaya at ayokong nakakastress ang aking pagmumukha pag makikisalamuha ako ng mga tao. Ramdam ko parin ang sakit sa pagitan ng aking mga hita ayoko sanang maging malisyosa pero parang malaki talaga ang kanya at ganito kasakit ang sinapit ko.Tila naman nag-init agad ang aking mga pisngi at tainga dahil sa mga iniisip ko, agad ko namang ipinilig ang aking ulo.“Alana, stop,” nakapikit kong saad at kinurot ang aking kamay.
KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam
THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman
ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio
ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala
KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.
THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a
SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng
KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi
Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t