ALANA
Nanginginig ang buo kong katawan sa takot na pagbuksan siya ng pinto. He was banging and shouting against the door again. He was drunk. “Bitch! Hindi mo ba bubuksan ang pintong ito o hihintayin mong wasakin ko ito sa pagmumukha mo?" sigaw niya ng malakas. "Sandali lang," humihingal kong sagot. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot habang papalapit ako sa pinto. At nang pagbuksan ko siya ay sinalubong ako ng maitim niyang awra. Ang nag-aapoy niyang mga mata na puno ng galit at agad akong tumilapon sa sahig hawak-hawak ang sa ngayon ay namamagang pisngi ko. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na hindi ko na maramdaman sa sakit. Immune na yata ang katawan ko at sanay na sa ganito. Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng kirot . . . ang paa ko.Na dislocate ‘ata ang paa ko. Napaiyak ako sa sakit na lalong ikinagalit niya dahilan upang hilahin niya ang aking buhok na tila ba makukuha na ito sa anit ko sa sakit. "Ano? Iiyak ka na naman ba?" marahas niyang sigaw malapit sa tainga ko dahilan para mapapikit ako ng aking mga mata at malayang umagos ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang kumawala. Dapat ay immune na ako sa ganitong sitwasyon pero tila ba hindi pa rin natututo ang katawan at puso ko sa lahat.Hanggang kailan?Kailan ba niya ako matututunang mahalin ako bilang asawa niya?Ganoon ba kahirap para sa kan’ya na mahalin ako? Ano bang ginawa ko para maging ganoon na lamang ang galit niya sa akin.“Dahil sayo! Dahil sayo, ang babaeng dapat nasa posisyon mo na dapat ay asawa ko ay wala dito! Siya ang gusto ko at siya lang ang mamahalin ko! Ano bang ginamit mong gayuma o kulam sa mga magulang ko to agree of this fucking marriage?” sigaw niya na mas hinigpitan pa ang paghatak sa aking buhok.Wala akong sapat na boses para sagutin siya. Naging ritwal na sa bahay na ito ang paggawa nito sa akin. Namamanhid ang buong katawan ko at nasanay na pero ang puso ko ay tila hindi pa. Sa parte ng katawan ng tao tila puso ‘ata ang pinakataksil sa lahat.“Please,” bulong ko—iyon lang ang nasabi ko habang humihinga sa sakit.“You slut!” sigaw niya pero bago pa niya matanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko ay isang malakas na sampal ulit ang dumapo sa mukha ko at tinulak ako na parang basahan lamang. Oo, parang basahan na nga talaga ang tingin niya sa akin na para bang nakakadiri akong tingnan at hawakan.Pagewang-gewang siya habang naglalakad papunta sa kwarto namin. Iniwan niya akong tulala at pumuputok sa sakit. Nabalot ng katahimikan ang silid hanggang sa muling tumahimik—isang katahimikan na dapat ay isang kaligayahan. Napangiwi ako sa sakit habang sinusubukan kong bumangon. Ganito na ang nakagawian ko tuwing gabi. I want to cry, but my eyes won't let me—my body is weak, I've cried a day, but the pain is still there.Ano bang ginawa ko para matanggap ko ang lahat ng ito? Minahal ko siya, pero bakit ang hirap para sa kan’ya na mahalin niya rin ako? Ilang taon na ang lumipas ngunit ‘di ko pa rin matigilang ‘di itanong iyon sa aking sarili. Tumitibok pa rin ang puso niya para sa kan’ya. Mahal niya pa rin ang babaeng iyon kahit na mag-asawa na kami. Akala ko natutunan niya na akong mahalin noong pumayag siya sa kasal namin pero nagkamali ako, umakto siya na mahal niya ako sa harap ng mga magulang namin ngunit kapag kami na lang ay umaarte siya na parang walang nangyari. Naging malamig at malupit siya. Ibang Knight ang nakita ko.I curled up into a ball and closed my eyes as the wind caressed my cheeks, hoping that it was all a nightmare. Ngunit bigla kong iminulat ang aking mga mata at isang luha ang tumakas nang makita kong totoo ang mga nangyayari. Nandito na sana ang mga magulang namin para umarte siya ulit na mahal niya ako at kung paano niya ako alagaan—kahit na ang lahat ng ‘yon ay pawang pagpapanggap lamang. Kahit sa pagpapanggap lang naramdaman ko ang kaniyang pagmamahal. Ngunit niloloko at ginagawa ko lang na tanga ang sarili ko. “Magbihis ka, darating ang mga magulang natin,” matigas na sabi niya habang minamasahe ang kanyang noo."Dito?” mahinang tanong ko at dahan-dahan kong nakitang namuti ang kanyang mga buko-buko sa kamay at ang mga ugat sa kanyang braso ay unti-unti kong nakikita sa pagporma ng kanyang kamao."Magbihis ka na lang!" asik niya dahilan upang mapaatras ako sa takot. Noong una, napakaamo niya pagkatapos naming ikasal at tuwang-tuwa siyang sinabi sa kanyang mga magulang kung gaano siya nagpapasalamat na asawa na niya ako. Noong una ay akala kong stress at problema lamang kaya siya ganoon ngunit nagkamali ako.Pumili na ako ng damit at naglagay ng cream sa may parte ng aking katawan kung saan ay may pasa. Ilang araw na rin at hindi pa ito gumagaling ngunit araw-araw naman akong naglalagay ng cream ngunit tila wala ng bisa. Nakuha koi tong pasa kamakailan lang dahil ginalit ko si Knight at kasalanan ko rin naman iyon.Nakarinig ako ng busina ng sasakyan, tanda na nandito na ang mga magulang namin. Dali-dali akong sumilip sa bintana namin at nakita kong binuksan ni Knight ang gate at pinapasok sila. Puno ng ngiti ang mga magulang niya habang bumababa ng sasakyan at walang bakas ni anino ng aking mga magulang na hindi naman ako nagtaka kung bakit marahil ay busy sila sa bagong tayo nilang negosyo ngunit ayos lang naman ‘yon para sa akin.Sinalubong sila ni Knight ng may ngiti sa kaniyang mga labi at hinalikan ang kanyang ina at niyakap ang kanyang ama, dahilan para ako rin ay mapangiti. Ngayon ko na lamang nakita siyang ngumiti dahil kapagka kami na lang ang tao dito sa bahay ay ni hindi niya ako nginingitian.Nagmamadali akong pumunta sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Ang aking mga mata ay sumasalamin sa isang tunay na mapagkunwari, heto na naman kami at magkukunwari sa kanilang mga mata bilang isang masayang mag-asawa. Mabuti na lang at maaga akong nagising at nakapagluto na at mabuti na lang din at medyo marami-rami rin iyon, beefsteak with potatoes, paborito iyon ni Knight pero sinabihan ako ng kaniyang ina na huwag sabihin sa kan’ya na. Pagkababa ko sa hagdan ay agad akong niyakap ng mahigpit ng kaniyang nanay “My beautiful Alana, how are you?” napasigaw siya sa tuwa at puno ng kaligayahan ang mga mata ng ina ni Knight sabay lapit sa akin at agad akong niyapos ng pagkahigpit-higpit na yakap.“Were completely fine mom and-“ Hindi ko na naipagpatuloy pa ang aking sasabihin nang agad siyang nagsalita."So, magkaka-baby na ba kayong dalawa?" bulong niya na ikinamula ng mukha ko sa hiya. Wala akong lakas para sagutin siya, pero kumindat lang siya sa akin at ngumiti. Napaka easy go lucky lang niya katulad din siya ni mama."Pupunta kayong dalawa sa San Francisco para mag-honeymoon," anunsiyo niya at kinindatan ako sa pangalawang pagkakataon."San Francisco?" biglang tanong ni Knight.Nakaramdam ako ng tuwa nang marinig ko ang lugar na San Francisco dahil gustong-gusto ko talagang makapunta at gumala-gala naman kahit papaano dahil simula noong ikasal kami ay hindi na ako nakakakalabas ng bahay."Yes, San Francisco, isn't it wonderful?I swear you'll enjoy it there. That's where I and your Dad made you," she giggled, as Knight rolled his eyes. I'm not sure, but I felt rejected and in pain once more. Is he opposed to the idea of his parents?"We don't need to mom," malamig niyang sagot at ibinaling ang kanyang takong sa kusina."Don't mind him, Alana, baka iniisip lang niya ang buong gastos," natatawa niyang sabi kahit alam ko na ang buong dahilan. Alam ko naman kung bakit at ‘di na dapat ako mag-expect na tatanggapin niya ito, it was so good to be true.Nakatuon lamang ang aming atensyon sa aming kinakain nang basagin ng kaniyang ama ang katahimikan."Is Knight taking good care of you, Alana?" tanong niya habang nakatingin kay Knight na abala sa pag-inom ng tubig niya."Yes, Knight is taking excellent care of me; don't worry about it, dad," sagot ko at nagulat ako nang sunggaban ni Knight ng halik ang pisngi ko at ngumiti. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mamula at matuwa.“I love you,” wika niya dahilan upang mapangiti ako, totoong ngiti ngunit unti-unti itong naglaho nang maalala ko na palabas lang ang lahat ng ito. Kahit ngayon lang makita ko na mag-asawa kami, ganito pala ang pakiramdam, ganito pala ang imahe ng may asawang nagmamahal sayo.“Oh look at my son,” wika ng kaniyang ina na itinuturo kami na may kagalakan sa kaniyang mga mata ngunit para akong tinutusok daahil para na ring nagsinungaling ako sa kanila ngunit iba ang tingin ng kaniyang ama na para bang hindi komporme dahilan upang umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Look at our son, honey. When he was a baby, I would kiss him and tell him how much I loved him, and now he is a grown-up man with a beautiful woman. So, when can I expect to see my apo or apos?” tanong niya habang pinapalakpak ang kaniyang mga kamay na siya namang ikinatawa naming lahat.Ilang araw pa lang ang nagdaan nang binisita kami ng kaniyang mga magulang ngunit bakit ganoon pa rin ang sitwasyon namin?Malamig at malamyos na hangin ang bumabot sa buo kong katawan ngunit hindi ako nakramdam ng kahit na anong kalamigan. Dahan-dahang ipinikit ko ang aking mga mata at inayaang lamunin na lamang ako ng kadiliman dahil hindi ko na rin kayang itayo pa ang aaking sarili na para bang pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ko. Nakatulog na lamang ako na may malalim na iniisip at hinagpis.I’m hoping that this will pass like a dream, a dream that I had in the first place.KNIGHTAs I watched the people dancing wildly on the dance floor, I wheezed the last smoke from my cigarette."Anong oras ba tayo uuwi?" pangalawang tanong ni Thaddeus sa akin.Tinapunan ko siya ng tingin dahil kanina pa ako iritang-irita sa kaniya. "Ano bang minamadali mo at tanong ka ng tanong? Mauna ka ng umuwi kung gusto mo," asik ko na maskin siya ay nagulat sa inasal ko."Relax bro, I'm not leaving you here, I was just asking," wika niya at kinuha ang isa pang baso na may lamang alak at agad itong nilagok.Hindi ko na siya pinansin pa at tinuunan na lamang ng pansin ang paglalagok ko ng alak. Hindi ko pa gustong umuwi at madatnan ang babaeng siyang sumira at naging dahilan ng pagkamiserable ng buhay ko na sana ngayon ay masaya sa piling ng babaeng mahal ko. Napaka-ambisyosa naman niya kung pati ba naman ang pagiging mapagmahal na asawa ay gagawin ko porke't pinakasalan ko siya. Siya ang may kasalanan ng lahat-lahat ng ito. Nagkukunwari pang mabait sa harapan ko at sa harapan ng
ALANANaalimpungatan na lamang ako ng gising nang maramdaman kong may umuuyog sa aking balikat."Naku iha bumangon ka nga diyan ang lamig-lamig ng sahig," wika ni Nanang at inalalayan akong bumangon. Nandirito na pala siya at tila nalimutan ko yata ang petsa kung kailan siya babalik. Umuwi kasi muna siya sa kanilang probinsya dahil sa anak niya at ngayon naabutan niya na naman ako sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ako makatingin ng tuwid sa kan'yang mga nagtatanong na mga mata at tila ba alam na niya kung ano mismo ang nangyari.Agad niyang kinuha ang aking mga kamay at doon ko na lamang nakita na may mga bagong pasa na naman ako at nakatutuwang tingnan ang mga dilaw ko na mga pasa dahil gumagaling na sila at ngayon ay may bago na naman."Iha, hahayaan mo na lang bang tratuhin ka ng ganito ng asawa mo? Ilang taon na kayong kasal at ganito pa rin ang sitwasyon ninyo. Dito ka na ba magpapakamatay? Ang ganda-ganda mong bata ka papasa ka bilang artista kung lalabas ka lamang sa lunggang ito
ALANA"I've been there sa kinatatayuan mo iha, that is why I want to help you. Look at me, I'm getting old and I'm not happy dahil sinunod ko ang puso ko kasi mahal ko 'yong tao. Hanggang sa tumanda na lang ako 'di ko naramdaman ang mahalin. Pero kahit na ganoon hindi na rin ako nagsisisi kasi choice ko ito at lalo akong magsisisi kapag hindi kita ginabayan. I know how much you love Knight kitang-kita naman sa mga mata mo but please love yourself more. Ibang-iba na ang hitsura mo ngayon kaysa sa dati mahalin mo ang sarili mo. Paano na lang kung makikita ka ng papa mo? Gusto mo ba 'yon? Kung hindi mo pa gustong mapahiwalay kay Knight fix yourself pero kapag hindi mo na kaya you know to reach me iha," malumanay na saad niya.Naririto na kami ngayon nakaupo sa sa hardin at humihigop ng kape. Panay naman ang hila ko pababa ng aking long sleeve na siya namang hindi maiwasang tingnan ng matanda.Tiningnan ko naman si Momsy na parang nagungusap ang aking mga mata. "Mahal ko po si Knight, Mom
ALANATila ba natigilan ako saglit sa mga sinabi ni momsy sa akin kanina. Masyado na ba talaga akong nagiging tanga? Tanga na ba ako sa kakaibig sa kan'ya at sa kagustuhan na ibigin niya rin ako? Nakakatawang isipin na asawa na ako ni Knight for how many years and yet wala pa ring nangyayari sa amin grelasyon. Para bang may nakaharang pa rin sa aming dalawa ang pinagkaiba lang ay may singsing kami sa isa't-isa. Ngunit sa mga nagdaang araw na rin ay napapansin kong 'di na niya isinusuot ang kan'yang singsing at doon din ako nanlulumo dahil kahit na 'yon na lang sana ang nakikita ko sa kan'ya para maisip ko ring pinahahalagahan niya rin ang aming kasal ngunit marahil ay nakalimutan niya na lamang itong suotin o naiwan sa kan'yang opisina . . . itinago o naiwala na niya ito. Sino ba naman ang niloloko ko?"Stop it Alana, mamahalin ka rin niya. Just be a wife to him at pasasaan ba at matututunan ka rin niyang mahalin. Cheer up Alana," bukang bibig ko na lamang at pinilit na ngumiti. Nap
ALANAHindi ko mapigilang 'di na naman maluha sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi pa rin pala ako manhid sa sakit at hindi pa rin pala ito kailanman mawawala sa akin."Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet."Wala na riyan ang mga damit mo. Kunin mo na 'yang mga naka-karton diyan iyan ang mga damit mo dahil ayokong nakikita ang mga basurang 'yan tulad mo na malapit sa mga damit ko. Ang dumi-dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat . . . hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko
ALANA"Ah Sir Knight, naririto po pala kayo," masiglang bati ko, dapat ay maging proud ako sa sarili ko dahil sa pagpapanggap na ito, ngunit di ko parin mapigilang di laruin ang aking mga kamay sa aking likuran."Yes, we were just going to get something, so if you may excuse us," malamig na sagot niya at iginiya ang babaeng kasama niya paalis, hawak hawak niya ito sa bewang, ni kailanman ay di ko naranasang hawakan ako ni Knight ng ganun."Ah sige po Sir, mag-ingat po kayo," mahinang sagot ko at pinanood ko na lamang silang umalis sa aking harapan ngunit tila napatigil sa paglalakad ang babae at hinarap ako."Parang nakita na kita I don't know where pero-," saad niya at tila ba kinabahan ako bigla. Agad naman akong tinitigan ni Knight at agad niyang hinawakan ang kamay nung babae."She's the daughter of our maid, she's not literally the one that I hired pero dahil narin sa tinutulungan niya ang kanyang ina sa bahay ay masasabi kong maid narin siya. Kaya baka nakikita mo siya noon kung
ALANA"I miss you," mahinang saad niya habang nakayakap sa akin, hinagod ko naman ang kanyang likod at napangiti. Halos magkasing tangkad lang pala sila ni Knight, hanggang dibdib lang nila ako. Kung ganito lang sana si Knight katulad ng kapatid niya, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa."Namiss rin kita Ash," sagot niya at agad naman niya akong hinarap at tinitigan na para bang di makapaniwala ngunit agad ding napalitan iyon ng ngiti."How are you and kuya?" bahagyang tanong niya na agad ko namang ikinalungkod ng mga mata ko kahit nakangiti ang mga labi ko."We're fine, we're happy Ash. Ikaw? Ikaw ang kamusta? Sikat na sikat ka na Ash ah ibang-iba ka na. Kahit saan makikilala ka kaya no wonder kung pinagkakaguluhan ka ng mga fans mo kaya naparito ka," tawa ko na siya namang ikinatawa niya, magkaibang magkaiba talaga ang ugali nitong magkapatid na ito, salungat sa isa't isa."Hindi naman," sagot niya na nakangiti na para bang modelo ng toothpaste."Pa humble ka pa
KNIGHTI cursed under my breath nang maalala ang nangyari kanina sa kwarto, nakapasok siya sa kwarto ko at nilinis ang higaan ko. Nakalimutan ko na naman atang ilock ang pinto ngunit kahit na ganun ay di naman siya pumapasok, napakahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ang kanyang mga mata, mga matang kakagaling lang sa iyak. Pinagbuhatan ko na naman siya ng kamay, hindi ko nama iyong gustong gawin sa kanya pero tila hindi ko napipigilan ang aking galit dahil sa kanyang ginawa. Siya ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng babaeng dapat ay nasa posisyon niya.Napabilis ang takbo ng aking sasakyan dahil sa galit na gusto ko ng isigaw kanina pa. Bakit ba ganito na lang ang poot ko sa kanya. Agad naman akong napapreno ng wala sa oras nang makita kong nag red light.“Dammit!” I cursed under my breath at bahagyang napa suntok sa manibela.Bahagya muna akong naghanap ng paparkingan para makapagrelax kahit konti lang, wala naman talaga akong meeting ngayon, rason ko lamang iyon
KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam
THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman
ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio
ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala
KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.
THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a
SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng
KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi
Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t