ALANA
Naalimpungatan na lamang ako ng gising nang maramdaman kong may umuuyog sa aking balikat."Naku iha bumangon ka nga diyan ang lamig-lamig ng sahig," wika ni Nanang at inalalayan akong bumangon. Nandirito na pala siya at tila nalimutan ko yata ang petsa kung kailan siya babalik. Umuwi kasi muna siya sa kanilang probinsya dahil sa anak niya at ngayon naabutan niya na naman ako sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ako makatingin ng tuwid sa kan'yang mga nagtatanong na mga mata at tila ba alam na niya kung ano mismo ang nangyari.Agad niyang kinuha ang aking mga kamay at doon ko na lamang nakita na may mga bagong pasa na naman ako at nakatutuwang tingnan ang mga dilaw ko na mga pasa dahil gumagaling na sila at ngayon ay may bago na naman."Iha, hahayaan mo na lang bang tratuhin ka ng ganito ng asawa mo? Ilang taon na kayong kasal at ganito pa rin ang sitwasyon ninyo. Dito ka na ba magpapakamatay? Ang ganda-ganda mong bata ka papasa ka bilang artista kung lalabas ka lamang sa lunggang ito," saad niya at inalalayan akong umupo.Nasa kusina na kami ngayon at agad naman niyang kinuha ang heater at nagsalin ng tubig at isinaksak ito."Nanang wala akong balak na mag-artista." Mapakla kong tawa at hinimas-himas ang bagong pasa sa aking mga kamay. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Nakong bata ka! Papa-explain mo pa sa akin. Ang ibig ko lang namang iparating sayo ay hindi siya worth it sa'yo hindi niya lamang iyon nakikita kasi 'yang asawa mong iyan ay walang puso. Ewan ko ba sa batang 'yan at naging gan'yan ang ugali niyan," wika niya at agad na tumungo sa heater nang marinig niyang lumitak na ito. Agad siyang kumuha ng malinis na bimpo sa drawer at ipiniga sa mainit na tubig. Dahan-dahan niya naman itong idinampi sa aking kamay kung saan ang may mga pasa."Ang init ang sakit Nanang," wika ko at hinipan ang parte kung saan niya ito pinunasan."O mabuti pa 'to naramdaman mong masakit 'yang asawa mo 'di ka naman nasasaktan. Ang sarap magmura iha alam mo 'yon?" namumuyos sa galit niyang sambit at 'di ko na napigilan ang aking sarili na hindi matawa. Ngayon na lang ata ako tumawa ng ganito at tila natigilan din si Nanang sa kan'yang ginagawa at nakatingin lamang sa akin."O ayan ang ganda-ganda mo kapag nakangiti. Hay naku! Ano nagugutom ka na ba? Sandali at ipagluluto agad kita ."Ngumiti naman ako na hindi naman abot sa aking mga mata. "Sige nanang akyat muna ako sa kwarto para maligo tapos bababa din po ako agad para kumain ng luto niyo. Namiss ko na po kasi yung mga luto niyo," ngiting saad ko at dahan dahan bumaba sa aking kinauupuan."Oh siya sige tatawagin na lamang kita para makakain ka, nangangayayat ka na o."TININGNAN ko ang sarili ko sa salamin tama nga si Nanang nangangayayat na nga ako. Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng kwarto walang kabuhay-buhay tila tulad ko rin. Ilang taon na ring ganito ang set-up namin ni Knight, kan'ya-kan'ya kami ng kwarto at ito ako ngayon nasa isang guest room.Dahan-dahan kong hinubad ang aking saplot at maluha-luhang tinitigan ang hubad kong katawan. Parang mga mapa ng mga pasa at tanging leeg at mukha ko lamang ang walang bahid ng mga ito. Iba't-ibang kulay ng mga pasa ang makikita sa aking katawan may violet, red, yellowish at green. Mamamatay na ba ako dito?"Why can't you love me Knight?" bulong ko sa hangin at hinayaang tumulo ang mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala.May luha pa pala akong ilalabas.Iginiya ako ng aking mga paa patungo sa banyo. Gusto ko ng lamunin ako ng tubig para kahit sandali ay malimutan ko ang sakit.Namimili na ako ng aking susuotin nang biglang may kumatok sa pinto at agad naman akong nabuhayan sa pag-aakalang si Knight ang kumakatok. Naririto ba siya upang humingi ng tawad dahil sa nangyari kagabi? 'Di ko mapigilang hindi mapangiti at dali-daling kinuha ang isang pares ng t shirt at short at dali-dali itong isinuot."Iha, tapos ka na ba? Lumabas ka na kung tapos ka na ha. Nasa ibaba si Madam Alcantara, iha, pinapatawag ka niya nais ka 'atang makausap," saad niya sa kabilang pinto at tila ba nauupos na kandila akong napaupo sa kama nang malamang hindi pala si Knight ang kumakatok.Masyado na yata akong nagiging ambisyosa sa lagay na ito and why would he do such a thing?Napapikit ako ng aking mga mata at napabuntong-hininga. "Huwag ka ng umasa Alana, please," mahing bulong ko habang nakatingin sa salamin agad naman akong humablot ng jogging pants at sweat shirt. Hindi niya dapat makita ang mga tinatagong pasa ko."Sige po lalabas narin po ako," sigaw ko at narinig nalang ang kanyang mga yabag na paalis."MOMSY, kumusta po? Napadalaw po 'ata kayo? Gusto ninyo po bang gisingin ko si Knight?" bati ko at agad naman siyang nakipag beso0beso sa akin.Umiling naman siya. "I'm good iha, thanks for asking and still maganda. Can I talk to you?" wkay niya at hinila ako papalabas."There is no need for you to wake Knight; please stop all of this nonsense, both of you; I knew it from the beginning," sambit niya at 'di ko naman napigilang hindi magulat kumabog ng husto ang dibdib ko sa kaba dahil sa mga titig niya."I c-can explain-." Hindi ko na napatapos ang nais kong sabihin dahil agad niya akong pinutol."There is no need iha, maganda ka at halos nasa sa iyo na ang lahat ang 'di ko lang makuha-kuha ay kung bakit 'di ka magawang mahalin ng apo ko. Kung pagod ka na nandito lamang ako iha, gagabayan kita sa lahat. Oo apo ko si Knight but I will not tolerate him anymore at ngayon na asawa ka na niya. Ilang taon na kayong mag-asawa iha, at kung maayos man kayo ni Knight bakit nasa ibang kwarto ka? Huwag mo ng ilihim ito sa akin hind ko ito ipagsasabi sa mga magulang mo at kahit na sa mga magulang ni Knight. Nais ko na sa iyo ito manggaling kapag nakahanap ka na ng lakas ng loob, iha," saad niya at hinagod ang aking likod at nararamdaman ko namang iiyak na naman ako ulit."I've tried everything, but I guess it's still not enough," mahinang tugon ko."If he wants you, he can come get you himself. No self-respecting lady chases after a man. No matter how much of a handsome devil he may be."ALANA"I've been there sa kinatatayuan mo iha, that is why I want to help you. Look at me, I'm getting old and I'm not happy dahil sinunod ko ang puso ko kasi mahal ko 'yong tao. Hanggang sa tumanda na lang ako 'di ko naramdaman ang mahalin. Pero kahit na ganoon hindi na rin ako nagsisisi kasi choice ko ito at lalo akong magsisisi kapag hindi kita ginabayan. I know how much you love Knight kitang-kita naman sa mga mata mo but please love yourself more. Ibang-iba na ang hitsura mo ngayon kaysa sa dati mahalin mo ang sarili mo. Paano na lang kung makikita ka ng papa mo? Gusto mo ba 'yon? Kung hindi mo pa gustong mapahiwalay kay Knight fix yourself pero kapag hindi mo na kaya you know to reach me iha," malumanay na saad niya.Naririto na kami ngayon nakaupo sa sa hardin at humihigop ng kape. Panay naman ang hila ko pababa ng aking long sleeve na siya namang hindi maiwasang tingnan ng matanda.Tiningnan ko naman si Momsy na parang nagungusap ang aking mga mata. "Mahal ko po si Knight, Mom
ALANATila ba natigilan ako saglit sa mga sinabi ni momsy sa akin kanina. Masyado na ba talaga akong nagiging tanga? Tanga na ba ako sa kakaibig sa kan'ya at sa kagustuhan na ibigin niya rin ako? Nakakatawang isipin na asawa na ako ni Knight for how many years and yet wala pa ring nangyayari sa amin grelasyon. Para bang may nakaharang pa rin sa aming dalawa ang pinagkaiba lang ay may singsing kami sa isa't-isa. Ngunit sa mga nagdaang araw na rin ay napapansin kong 'di na niya isinusuot ang kan'yang singsing at doon din ako nanlulumo dahil kahit na 'yon na lang sana ang nakikita ko sa kan'ya para maisip ko ring pinahahalagahan niya rin ang aming kasal ngunit marahil ay nakalimutan niya na lamang itong suotin o naiwan sa kan'yang opisina . . . itinago o naiwala na niya ito. Sino ba naman ang niloloko ko?"Stop it Alana, mamahalin ka rin niya. Just be a wife to him at pasasaan ba at matututunan ka rin niyang mahalin. Cheer up Alana," bukang bibig ko na lamang at pinilit na ngumiti. Nap
ALANAHindi ko mapigilang 'di na naman maluha sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi pa rin pala ako manhid sa sakit at hindi pa rin pala ito kailanman mawawala sa akin."Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet."Wala na riyan ang mga damit mo. Kunin mo na 'yang mga naka-karton diyan iyan ang mga damit mo dahil ayokong nakikita ang mga basurang 'yan tulad mo na malapit sa mga damit ko. Ang dumi-dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat . . . hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko
ALANA"Ah Sir Knight, naririto po pala kayo," masiglang bati ko, dapat ay maging proud ako sa sarili ko dahil sa pagpapanggap na ito, ngunit di ko parin mapigilang di laruin ang aking mga kamay sa aking likuran."Yes, we were just going to get something, so if you may excuse us," malamig na sagot niya at iginiya ang babaeng kasama niya paalis, hawak hawak niya ito sa bewang, ni kailanman ay di ko naranasang hawakan ako ni Knight ng ganun."Ah sige po Sir, mag-ingat po kayo," mahinang sagot ko at pinanood ko na lamang silang umalis sa aking harapan ngunit tila napatigil sa paglalakad ang babae at hinarap ako."Parang nakita na kita I don't know where pero-," saad niya at tila ba kinabahan ako bigla. Agad naman akong tinitigan ni Knight at agad niyang hinawakan ang kamay nung babae."She's the daughter of our maid, she's not literally the one that I hired pero dahil narin sa tinutulungan niya ang kanyang ina sa bahay ay masasabi kong maid narin siya. Kaya baka nakikita mo siya noon kung
ALANA"I miss you," mahinang saad niya habang nakayakap sa akin, hinagod ko naman ang kanyang likod at napangiti. Halos magkasing tangkad lang pala sila ni Knight, hanggang dibdib lang nila ako. Kung ganito lang sana si Knight katulad ng kapatid niya, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa."Namiss rin kita Ash," sagot niya at agad naman niya akong hinarap at tinitigan na para bang di makapaniwala ngunit agad ding napalitan iyon ng ngiti."How are you and kuya?" bahagyang tanong niya na agad ko namang ikinalungkod ng mga mata ko kahit nakangiti ang mga labi ko."We're fine, we're happy Ash. Ikaw? Ikaw ang kamusta? Sikat na sikat ka na Ash ah ibang-iba ka na. Kahit saan makikilala ka kaya no wonder kung pinagkakaguluhan ka ng mga fans mo kaya naparito ka," tawa ko na siya namang ikinatawa niya, magkaibang magkaiba talaga ang ugali nitong magkapatid na ito, salungat sa isa't isa."Hindi naman," sagot niya na nakangiti na para bang modelo ng toothpaste."Pa humble ka pa
KNIGHTI cursed under my breath nang maalala ang nangyari kanina sa kwarto, nakapasok siya sa kwarto ko at nilinis ang higaan ko. Nakalimutan ko na naman atang ilock ang pinto ngunit kahit na ganun ay di naman siya pumapasok, napakahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ang kanyang mga mata, mga matang kakagaling lang sa iyak. Pinagbuhatan ko na naman siya ng kamay, hindi ko nama iyong gustong gawin sa kanya pero tila hindi ko napipigilan ang aking galit dahil sa kanyang ginawa. Siya ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng babaeng dapat ay nasa posisyon niya.Napabilis ang takbo ng aking sasakyan dahil sa galit na gusto ko ng isigaw kanina pa. Bakit ba ganito na lang ang poot ko sa kanya. Agad naman akong napapreno ng wala sa oras nang makita kong nag red light.“Dammit!” I cursed under my breath at bahagyang napa suntok sa manibela.Bahagya muna akong naghanap ng paparkingan para makapagrelax kahit konti lang, wala naman talaga akong meeting ngayon, rason ko lamang iyon
ALANAMag-aalas quatro palang ng umaga nang magising ako, hindi ko parin maialis sa isip ko ang mga sinabi niya kahapon. Concern ba siya sa akin o ayaw niya lang akong paalisin dito sa bahay? Mahal na ba niya ako?“Stop it Alana pinapaasa mo na naman ang sarili mo,” usap ko sa aking sarili at napabuntong hininga na lamang. Kinuha ko ang isang maliit na remote sa lamesa at pinindot ito, gusto kong makita ang labas. Dahan dahang gumalaw ang kurtina at iniluwa nun ang madilim pa na kalangitan.FLASHBACK“Who said you’ll be working?” isang baritonong boses ang nagpakabog ng aking puso, kahit na hindi ko pa nililingon kung sino ang nagsalita ay alam ko kung kanina ito nanggaling.“Hey bro,” bungad sa kanya ni Ash at kumaway. Naglakad naman siya papunta sa aming direksyong at humila ng upuan at umupo malapit sa akin. I don’t know if this is a part of pretending, mag pe-pretend na naman ba kami?Ewan ko ba pero habang tumatagal ang pagpapanggap namin ay mas lalo akong nasasaktan but this is
ALANA“Ito naman joke lang,” agad niyang saad at tumalikod papuntang ref at may kinuha.“Akala ko ba two days kang mawawala?” tanong ko at nagsimulang itali ang apron sa aking katawan.“Ganun mo ba ako gustong di makita dito sa bahay?” balik niyang tanong uli sa akin ngunit nakatalikod parin.“Ito naman baliw ka rin minsan eh because you said you would be gone for two days,” sagot ko at kumuha ng mga ingredients para sa gagawin kong leche flan.“Yun nga din ang akala ko but my manager said na may big project ako ngayon sa isang kilalang kompanya and you will be surprised if I tell you,” agad naman siyang humarap sa akin na nakangiti, kung sino mang babae ang makakakita nito ay tiyak na malulusaw sila.“Mind if you tell me Ash?” ngiting tanong ko at sinimulan ko ng hiwalayin ang egg yolk sa egg white.“For now, it’s a secret, anong lulutuin mo?” tanong niya at lumapit sa direksyon ko, amoy na amoy ko rin ang kanyang preskong pabango, napakalapit niya sa akin at tila ramdam ko ang kanya
KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam
THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman
ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio
ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala
KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.
THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a
SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng
KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi
Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t