Share

The Wife's Comeback
The Wife's Comeback
Author: Queenregina1994

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2024-12-19 19:27:47

Janissa's POV

"Ate Lyn malapit na maluto 'yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya."

"Magdagdag pa kayo pagkaluto n'on."

"Opo."

May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kasi 'yong nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.

Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganoong klaseng tao kasi 'yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.

Marami na akong na-encounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kasi akong maapplyan na maayos na trabaho dito sa aming lugar, kung meron man abusado naman ang boss o kaya 'yong over time ko thank you lang, edi mas mabuting magpagod sa negosyo atleast kumikita pa.

Maaga kaming nag-uumpisa dahil may pang almusal din kaming tinda, iba rin 'yong pangtanghalian namin na paninda, hindi na kami umaabot ng gabihan dahil ayaw ko naman abusuhin ang mga tauhan ko. Alas tres palang pinapauwi ko na sila depende kung wala ng kumakain.

Ilang taon na rin akong nagtitinda dito, minahal ko na ang negosyo ko, maayos naman ang takbo ng pera para sa akin, sakto lang para sa akin, may naiipon pa paunti unti kahit hindi gaanong kalakihan.

Hinihintay na lang namin matapos 'yong mga natirang kumakain upang makapagligpit na kami ng maayos at makauwi na.

'Yon ngang bahay ko walking distance lang dito, gan'on din ang mga kasamahan ko, nangungupahan ako, wala akong sariling bahay pero kaya naman ng budget ko, mabait naman 'yong may ari ng inuupahan ko.

Mabuti naman at nakahanap ako ng malilipatan ko simula ng naghiwalay kami ng asawa kong si Theodore, hindi ko alam kung paano humantong sa ganun ang pagsasama namin pero masaya naman na ako ngayon, payapa ang isipan ko walang inaalala na kahit ano kung hindi ang sarili ko na lang.

Maaga akong kinasal kay Theodore dahil naging magkasintahan kami simula noong nag aaral kami ng high school, magkalapit lang kami ng bahay noon sa probinsya, hanggang college magkarelasyon kami, dalawang taon lang ang tinapos kong kurso habang siya at apat na taon.

Nakahanap siya ng maayos na trabaho at naging maayos parin naman ang relasyon namin noong unang taon ng aming pagsasama, ngunit ng tumagal na ang daming pasubok sa buhay namin lalo at inaassign siya sa malalayong lugar at minsan sa ibang bansa pa, matalino kasi si Theodore kaya naman siya ang paborito ng boss niyang isama tuwing mag out of the country siya, nagtrabaho din naman ako para malibang noon kaso mas lumala ang hindi namin pakakaintindihan kaya humantong sa hiwalayan.

Maayos naman kaming nag usap, kaso hindi kami legally separated, kasal parin kami sa papel. Walang annulment na nangyari pero nakapag usap kami ng maayos na walang pakealamanan kung magkaroon ng karelasyon ang isa sa amin, ano namang pake ko doon kung sakali, hay nako.

Wala na nga akong balita sa kaniya dahil pinutol ko na ang ugnayan naming dalawa sa isat isa ang hirap naman na makialam pa sa lalaking iyon dahil napakamapride, ang dami talaga naming hindi pagkakaunawaan noon, siguro dahil pareho kaming nagtatrabaho at pagod tuwing nagkikita kami.

Walang third party na nangyari, parehong malinis record namin pagdating sa pangangaliwa noong nagsasama pa kami, yun nga lang hindi ko alam kung may kinakasama na siya ngayon, ako kasi? Narauma na ayaw ko ng umibig pa, ayaw ko na magmahal muli ng lalake, sa umpisa lang magaling, sa umpisa lang mabait, sa umpisa ka lang niya pagbibigyan at ituturing na prinsesa kaso kapag nagtagal na doon palang niya ipapakita ang tunay niyang ugali.

Hindi ko talaga sukat akalain na magkakahiwalay kami ni Theodore, basta ang hirap talaga ng walang bigayan at pagkakaunwaan sa relasyon, manghihinayang ka na lang dahil sa tagal ng pagsasama namin, kapag nagsama na pala sa iisang bubong tsaka lang masusukat ang tatag namin bilang mag asawa kaso noong sumuko ako hinayaan na niya ako, pareho kaming napagod kakaintindi sa isat isa.

Bakit ko ba inaalala si Theodore? Bigla ko nanaman siyang naalala ang tagal tagal na nga ng panahon na lumipas tapos siya parin ang inaalala ko.

Kapag mag isa kasi ako at ganitong patulog na ako hindi ko maiwasang hindi mag isip ng tungkol sa nakaraan, lalo na 'yong tungkol sa dati kong asawa, wala na nga kaming pakealam sa isat isa tapos siya pa halos iniisip ko ngayon.

Kinabukasan, kagaya ng dati kong nakagawian nagising ako ng maaga kahit pinuyat ako ng sarili kong isipan, maaga akong nagluluto at naghahanda sa karinderya ko, bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon? dahil ba sa puyat? Dahil ba sa magkakalagnat ako? Pero hindi naman ako mainit?

Siguro nga kulang at bitin lamang ako sa pahinga.

Maaga palang pero may mga naghihintay na sa amin, mga suki namin kung tawagin, nakakatuwa dahil hindi kami nauubusan ng customer umulan man o umaraw.

Kaya palagi akong ginaganahan dahil alam kong may mga customer na nagaabang sa pagbubukas ko, syempre habang nagpapahinga at nagbabantay dito g mga customer ay binuksan ko 'yong TV sa gilid ko malapit dito sa kinauupuan ko upang makapanuod ng balita, tuwing umaga kasi yan ang inaabangan ng mga customer ko at ng mga taong bumibili sa amin lalo at maraming mga tricycle driver ang napapadaan dito sa kainan ko.

Habang nagbibilang ng sukli ay napatigil ako dahil biglang nabanggit sa balita ang pangalan ng dati kong asawa na si Theodore.

Napatingin ako sa telebisyon at nanuod ng balita, tungkol sa kaniya ang binabalita, napakasuccessful na niya ngayon at hindi ko akalain na isa na siyang business man, sikat na sikat siya sa ibang bansa at maski dito.

Napakayaman niya.

Hindi ko akalain na 'yong dati kong asawa naging ganiyan kayaman, kung sabagay napakasipag naman talaga niya sa trabaho at napakatalino.

Hindi alam ng mga kasama ko dito kung sino ang asawa ko, pero alam nilang hiwalay ako sa asawa, kaya naman hindi nila alam na nasa telebisyon ngayon ang dati kong asawa.

"Miss 'yong sukli ko?"

"Ay! Sorry po pasensya na, heto na po, maraming salamat." Maski 'yong susuklian ko nawala na sa isipan ko dahil sa pinapanuod kong balita.

Ano ba naman to nawala na ako sa focus ng makita ko si Theodore sa telebisyon, ang bilis ng panahon, hindi ko na siya maabot. Ang yaman na niya at ang successful, kung sabagay wala naman siyang ginawang kalokohan noon, hindi naman niya ako pinagpalit sa ibang babae at never ko siyang kinakitaan ng panloloko, kahit ganun may mga bagay talaga na hindi namin pinagkakasunduan, kaya kami naghiwalay.

Hindi naman ako nagsisisi atleast alam kong naging successful siya at masaya naman ako sa kung anong meron ako ngayon, masaya kaming pareho sa pinili naming landas, masyado lang kaming immature noon kaya padalos dalos sa pagdedesisyon, pataasan ng pride lalo at parehong pagod.

Nawawala ako sa focus ngayon ah, hindi ko inasahan ang makikita ko at mababalitaan, hindi ko naman kasi pinapakealaman ang buhay n ani Theodore, wala na kaming ugnayan sa isat isa kaya nabigla ako sa balita kanina pero masaya naman ako para sa kaniya.

"Ate bakit tulala ka diyan?"

"Ah wala to, puyat lang kagabi." Sagot ko.

"Nako ate, wala ka na ngang katabi napuyat ka pa," pagbibiro ng isa kong kasama, ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil ayaw ko naman ungkatin ang tungkol sa dati kong asawa, isip ko lang ang umuungkat sa kaniya kahit na matagal na kaming hindi nagkikita.

Sabagay nakita ko siya sa telebisyon kanina pero siya hindi niya pa ako nakikita, yun ang pagkakaalam ko, siguro may kinakasama na siya, imposibleng wala, ang tagal na naming hiwalay kaya posibleng may kasama na siyang iba.

Napag usapan naman na namin ang tungkol doon kaya dapat hindi na ako mabahala, relax lang Janissa, yan ang tinatatak ko sa isipan ko, sarili ko lang dapat ang aalalahanin ko.

Nagfocus ako sa ginagawa ko lalo at dumadami na ang customer namin, ang hirap ng wala ka sa focus dahil baka magkamali ako sa sukli ko.

Basta marami akong customer nakakagana magtrabaho.

"Janissa?" may bumanggit ng pangalan ko, tinitigan ko siyang mabuti dahil parang pamilyar ang kaniyang mukha.

"Ikaw nga!" bigla siyang sumigaw at lumapit sa akin.

"Ikaw nga!" niyakap pa niya ako ng mahigpit, parang kilala ko siya pero mas nauna niya akong nakilala.

"Ako to si Martha remember? Kaibigan mo na ako noon pa at kababata na rin, hindi mo baa ko naaalala."

"Ikaw nga! Pumuti ka kasi lalo at gumanda." Naaalala ko na siya, kababata ko siya tapos palagi kaming magkaklase since elementary hanggang high school, kilala niya rin ang ex-husband kong si Theodore.

"Ikaw naman nagkuskus lang ako pero anway, mabuti at nahanap kita, wala ka kasing social media hindi ka active doon, gusto sana kitang iinvite sa kasal ko, ikaw talaga ag matagal ko ng hinahanap nandito ka lang pala, heto 'yong invitation, aasahan kita diyan Janissa." Nag alangan akong pumunta, ang layo naman kasi kaso nakakahiya naman naging malapit kaming magkaibigan ni Martha kaya hindi ko siya matanggihan ang dami naming pinagdaanan din at pinagtulungan na problema, ayaw kong tumanggi at ayaw ko din sanang sumama.

"Salamat sa pag-imbita."

"Aasahan kita diyan Janissa, kakain kami dito ng mga kaibigan ko, siya ng apala ang mapapangasawa ko." Pinakilala niya ako sa magiging asawa niya.

Syempre pinagsilbihan namin sila at dinagdagan ko din ang ulam nila, ngayon lang kami nagkita ng kababata ko.

Hinayaan ko muna sila kumain, bumalik ako sa pwesto ko at tinignan 'yong invitation, sa isang hotel ang reception niya, nako naman hindi ko alam kung matutuwa baa ko o hindi dahil nakita ko ang kababata ko, sabi pa niyang inaasahan niya akong dumalo kaya naman parang wala akong choice na tumanggi.

Kailangan kong pumunta sa kasal niya, nakakakonsensya naman kung hindi, may ilang araw pa naman akong hihintayin kaya pwede ko pang paghandaan, makakabili pa ako ng regalo at isusuot ko.

Ayaw ko naman na dadalo lang ako tapos walang dala, paghahandaan ko din iyon.

Hindi nga ako humindi sa pagimbita niya kasi kapag sinabi ko yun baka magtampo siya, lalo at siya mismo ang nagimbita sa akin, siya mismo ang ikakasal.

Sige na nga aattend na nga lang ako, mag day off muna ang mga kasama ko sa araw na iyon upang makapagpahinga din sila.

Kaugnay na kabanata

  • The Wife's Comeback   Chapter 2

    Theodore's POVAfter a long long time, I've been waiting for this!"Success ang proposal mo sir, congrats!""Salamat.""Congrats sir Theodore!"My sleepless nights, my back pain, my stress and my overthinker mindset are now gone, sulit na sulit lahat ng iyon dahil sa nakamit kong gantimpala ngayon galing sa prestihiyosong parangal sa ibang bansa.Hindi ko akalain na mas marami ang kapalit ng mga sakripisyo ko kaya naman may kaunting salo salo kami ngayon dito sa kompanya.Lahat sila masaya para sa akin, lahat ng mga empleyado ko ay nagsisibati sa kung ano na ang narating ko. "I'm happy for you Theodore." Hector said, isa siya sa mga matagal ko ng empleyado dito. "Sir Theodore pala I'm sorry." Sa sobrang tagal na naming magkakilala para na kaming magkapatid, mag ate dahil mas matanda siya sa akin ng dalawnag taon, yun nga lang may napapansin akong kakaiba sa kaniya may araw at oras na masyado siyang malapit sa akin, kumbaga higit pa sa magkapatid ang turing niya sa akin, hindi ko alam

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Wife's Comeback   Chapter 3

    Janissa's POVTinulungan ako ng kasama ko sa karindirya na mamili ng isusuot ko sa pupuntahan kong kasal, nakakatuwa lang kasi medyo gumaan ang pakiramdam ko hbang ginagawa ko yun, kailangan din pala talagang lumabas para magunwind.Nakakagaan sa pakiramdam, araw araw na lang kse ang trabaho at maghanap ng pagkakakitaan kaya naman 'yong mood ko paiba iba din kung minsan, kailangan pala gumala din at maglibang, kaso nga lang iniisip ko 'yong gastos kapag lalabas ako, pero kagaya kanina magaan naman ang pakiramdam ko kapag lumalabas ako, gagawin ko na iyon isang beses sa isang linggo.May binili na rin akong regalo para sa kaibigan kong ikakasal sana magustuhan niya, dalawang araw bago ang kasal niya at pinaalam ko na din sa mga kasama ko sa karindirya na magsasara muna kami, parang day off na rin nila iyon.Nag aayos na ako ng gamit ko dahil tutuloy ako sa hotel ng dalawang gabi at isang araw, hindi naman kasi ako makakauwi agada gad pagkatapos ng kasal, ang sab isa akin ni Martha mayr

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Wife's Comeback   Chapter 4

    Janissa's POVNaghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga 'yong tama sa akin ng alak na iniinom ko."Congrats nga pala." Bati ko sa kaniya dahil naalala ko 'yong napanuod ko sa balita noon."Huh?""Nakita kita sa balita noong nakaraan.""Ah yun ba.""Congrats." Inulit ko muli siyang batiin. " Ang layo na ng narating mo." nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kasi naman parang umeepekto na 'yong alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. "Habang ako ganito parin, hamak parin.""What do you mean?""Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago sa

    Huling Na-update : 2024-12-19

Pinakabagong kabanata

  • The Wife's Comeback   Chapter 1

    Janissa's POV"Ate Lyn malapit na maluto 'yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.""Magdagdag pa kayo pagkaluto n'on.""Opo."May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kasi 'yong nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganoong klaseng tao kasi 'yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.Marami na akong na-encounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kasi akong maapplyan na maayos na trabaho dito sa aming lugar, kung meron man abusado naman ang boss o kaya 'yong over time ko thank you lang, edi mas mabuting magpagod sa negosyo atleast kumikita pa.Maaga kaming nag-uumpisa dahil may pang almusal din kaming tinda, iba rin 'yong pangtanghalian namin na paninda, hindi n

DMCA.com Protection Status