Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2024-12-19 19:31:03

Janissa's POV

Tinulungan ako ng kasama ko sa karindirya na mamili ng isusuot ko sa pupuntahan kong kasal, nakakatuwa lang kasi medyo gumaan ang pakiramdam ko hbang ginagawa ko yun, kailangan din pala talagang lumabas para magunwind.

Nakakagaan sa pakiramdam, araw araw na lang kse ang trabaho at maghanap ng pagkakakitaan kaya naman 'yong mood ko paiba iba din kung minsan, kailangan pala gumala din at maglibang, kaso nga lang iniisip ko 'yong gastos kapag lalabas ako, pero kagaya kanina magaan naman ang pakiramdam ko kapag lumalabas ako, gagawin ko na iyon isang beses sa isang linggo.

May binili na rin akong regalo para sa kaibigan kong ikakasal sana magustuhan niya, dalawang araw bago ang kasal niya at pinaalam ko na din sa mga kasama ko sa karindirya na magsasara muna kami, parang day off na rin nila iyon.

Nag aayos na ako ng gamit ko dahil tutuloy ako sa hotel ng dalawang gabi at isang araw, hindi naman kasi ako makakauwi agada gad pagkatapos ng kasal, ang sab isa akin ni Martha mayroon daw siyang ibibigay na kwarto ng hotel para sa akin, mayaman ang mapapangasawa niya kaya sa hotel ang venue.

Habang nag aayos ako ng gamit ko biglang may nahulog sa sahig. 'yong kwintas na niregalo sa akin ng dati kong asawa, ito 'yong mamahaling iniregalo niya sa akin, itinatago tago ko pa kasi sayang din. Bakit kaya nahulog ito? ang layo naman ng lagayan niya dito sa kinukuha kong gamit.

Isuot ko kaya sa kasal?

Wala naman siguro si Theodore doon?

Hindi naman siguro niya inimbita ang dati kong asawa sa kasal niya?

At kahit iimbita man niya ito ay masyado siyang abala, mayaman at negosyante na si Theodore malamang abala na iyon sa mga negosyo niya.

Bagay kasi ito sa isusuot kong damit sa kasal, wala man lang akong kahit anong palamuti sa katawan na maisusuot, mabuti na lang pala nakita ko ito.

Malaking halaga ito kapag sinanla pero hindi ko ginawa, ewan ko ba sa sarili ko, wala naman na akong pakealam sa dati kong asawa kaya pwede ko itong ibenta anytime, kaso nanghihinayang kasi ako, 'yong pakiramdam ko ang nagpipigil sa akin.

Kaya isusuot ko na lang ito sa araw ng kasal ng kaibigan ko.

Nagbukas pa ako ng karindirya ng ilang araw, sayang ang kita at sayang din daw ang sasahurin ng mga kasama ko kaya pinagbigyan ko na, kinagabihan ay umalis na rin ako papunta sa hotel na sinasabi ni Martha.

May dala akong cellphone, ito 'yong luma kong phone pero gumagana pa naman, kaya pang pantext at pantawag, hindi ako mahilig sa social media dahil hindi naman kaya ng phone ko yun, wala din naman akong kokontakin kaya hindi na ako bumili ng bago.

Nakarating ako sa pupuntahan ko ng ligtas, sinalubong ako ng kaibigan ko sa may lobby ng hotel. " Akala ko hindi ka pupunta."

"Pwede ba yun? syempre pupunta ako."

"Halika dadalhin kita sa kwarto mo."

Ngayon lang ulit ako nakarating sa lugar na ito, dati man akong nagtatrabaho sa Maynila ay naninibago parin ako ngayon parami na kasi ng parami ang mga tao lalo ang mga buildings dito.

Hinatid niya ako sa kwarto ko, room 406 ang kwarto ko at napakalawak ng lugar na ito. " Ako lang ang tutuloy dito?"

"Marami pa kayo, pero tig iisa kayo ng kwarto, hindi naman pwedeng may kasama ka dito baka mamaya bigla kang magkababy ng walang ama hahaha."

"Baliw ka talaga, kahit isang babae lang sana na kasama ko dito ang lawak ng kwarto oh."

"Ayos lang yan mag enjoy ka dito, nasa kabilang kwarto lang din ako tapos ang family ko nandito din at ibang kamag anak, para naman may privacy kayo."

"Salamat ah."

"Bakit ikaw ang nagpapasalamat? Ako dapat ang magpasalamat kasi aattend ka."

"Heto pala regalo ko, ibibigay ko na sayo, nakakahiya kasi ibigay sa araw ng kasal mo."

"Nako nagabala ka pa." nabot niya din lang 'yong munti kong regalo. " Oh siya magpahinga ka na, may libreng dinner naman dito, ihahatid mamaya, kung may kailangan ka nasa kabilang kwarto lang ako room 405."

Hindi naman ako nagutom, bumili ako ng tinapay at juice kanina sa may labas bago ako pumunta dito, nilibot ko na lang ang buong lugar at huminto malapit sa may bintanang malaki, kitang kita dito ang ganda sa labas, ang nagliliwanag na matataas na gusali at ang mga maliliwanag na sasakyan, buhay na buhay ang Maynila kahit gabi, sa probinsya lang talaga maaga natutulog ang mga tao.

Sakto naman ang pagdating ng dinner ko, mag isa ko lang sito para akong pasyente, dapat pala dinala ko 'yong kasama ko sa karindirya pwede naman sabi ni Martha kanina, ang boring tuloy.

Pwede naman kong makihalubilo sa pamilya nila Martha kaso nahihiya ao at pagod na rin ako, bukas na ang kasal kaya kailangan ko magpahinga, nagbyahe ako ng matagal dahil sa traffic, galing pa akong Pampanga tapos naabutan ako ng traffic, probinsya na ang pinanggalingan ko pero matraffic parin.

Maaga na lang akong nagpahinga kaya maaga din akong nagising, lumabas ako ng room ko at napakatahimik, mga staff ng hotel lang ang nasasalubong ko.

Mamaya pang hapon ang kasal doon pa talaga sa rooftop ng hotel gaganapin 'yong wedding, hindi naman gaanong mataas doon pero maganda kasi ang view kaya doon nila gaganapin.

Gising na rin ang bride, syempre excited sa araw niya, habang ako? Lumabas muna ng hotel at naglakad lakad, mabuti na lang may nakita akong nagtitinda ng taho malapit sa hotel kaya bumili ako, mamaya pa kasi 'yong almusal na ihahatid, maaga akong nagising kaya nagutom ako agad.

Nagpalipas lang ako ng oras at bumalik na sa hotel, naipon tuloy 'yong breakfast at lunch ko, ang dami kong kakainin.

Sayang din kung hindi ko uubusin, lumabas pa kasi ako ng hotel at naglakad lakad, ang daming bilihan sa paligid kaya natagalan akong bumalik, binilhan ko ng pasalubong ang mga kasama ko sa karindirya.

Naghanda na ako dahil dalawang oras na lang at gaganapin na ang kasal, ako ang mag aayos ng sarili ko kahit hindi ako gaanong marunong magmake up.

Natagalan ako mag ayos ng buhok ko, kumpleto naman ako ng gamit kasi alam kong walang mag aayos sa akin, sinuot ko na rin 'yong dress na binili ko.

Pansin ko tuloy sa katawan ko na mas sumexy ako, natawa na lang ako habang nakatitig sa may salamin. Sa kakatrabaho ko ito, 'yong everyday routine ko hindi ko na namamalayan ang sarili ko, hindi ko na naaalagaan, pinapagod ko ang sarili ko para kumite ng pera.

Mabuti na lang hindi pa ako mukhang matanda, alam kong baby face pa ako. Hindi kasi ako palaging nagmamake up, ngayon lang na may okasyon.

Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa venue, ang dami ng tao. Dito na rin nila dadalhin 'yong pastor na magkakasal sa kanila, ito na rin 'yong reception.

Wala man lang akong kakilala ngayon dito, ngumingiti lahat ng makasalubong ko kaya ngumingiti na lang din ako sa kanila.

Wala akong makausap kahit na sino, lahat sila dito magkakakilala.

Naghanap ako ng pwedeng maupuan, lahat occupied na pero may mga bakante naman, naghanap ako banda sa gilid para hindi naman ako masyadong expose.

"Pwede makitable."

"Sige po."

Mabuti may nakita akong babae kasama ang baby niya at ang nanay ata niya, baka kaibigan ni Martha ito kaya nasa gilid din hindi nakikihalubilo.

Nakipagkwentuhan ako sa kanila at tama nga ang hinala ko, kaibigan nga siya ni Martha.

Ilang minuto lang ay nagumpisa ng tumunog ang musika at sabay nun ay ang paglabas ng mga ikakasal. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila na pumapasok, bigla kasing sumagi sa akin ang kasal ko.

Ganiyan din ako kasaya noon.

Ganiyan din ako kaexcited.

Pero anong nangyari sa amin ngayon ng napakasalan ko. " Theodore?" habang nakatitig ako ay bigla kong nakita ang dati kong asawa sa pangatlong table. Sinusundan ko kasi ng tingin si Martha habang naglalakad kaya ng masagi ng mata ko 'yong pangatlong table ay nandoon din si Theodore.

Kinusot ko pa ang aking mga mata kahit na may make up ako upang malinawan lang kung si Theodore ba ang nakita ko, at hindi nga ako nagkakamali.

"Nandito din siya." Sambit ko.

"Po? Ano po yun?" tanong ng katabi ko.

"Ha? Ah eh wala wala."

Bakit ganito ang pakiramdam ko, bigla akong kinilabutan at kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siya, hindi naman pagmamahal ito, siguro nagulat lang ako, kalma self, wala ka namang ginagawang masama.

Napabuntong hininga ako, hindi ako nakapagconcentrate sa kasal dahil hindi ko maiwasan na mapatingin sa dati kong asawa na si Theodore.

Mabilis lang naman ang palitan nila ng sumpa, este sumpaan, ganito na ang naiisip ko ng makita ko ang dati kong asawa, sumpa tuloy.

Ang dami lang pinagsasabi, hindi talaga ako mapakali ngayon, may nakita akong bar counter sa may gilid kaya doon muna ako pumunta lalo at wala namang gaanong pumupunta banda doon.

Bakit ba ako umiiwas? Wala naman akong kasalanan sa dati kong asawa ah.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong kriminal?

"Maam want some drinks?" aya sa akin ng bartender, may paganito pa sila sa loob ng venue, siguro para din mamaya after ng wedding, may mga malalasing.

Uuwi na lang ako agad mamaya pagkatapos nito, magpapaalam na lang ako kay Martha, ayaw ko magstay dito ng matagal, hindi ako komportable.

Binigyan ako ng drinks nung bartender. Ininom ko ito agad. " Nakakalasing ba to?"

"Konti lang maam, gusto niyo po ba 'yong nakakalasing?"

"Huwag masyado." Sagot ko.

Nakakain naman na ako kanina, ang sarap ng alak nila, hindi ko alam kung anong timpla ito pero parang juice lang, hindi pa naman ako lasing.

Abala na ang lahat, ang ibang bartender nagdadala na ng alak sa mga table, ako tog nandito sa bar counter sa gilid mag isa.

"Can you give me some whiskey?" may lalaki sa gilid ko habang umiinom ako ng alam.

"Okay, sir."

"Maam sir pwede po ba namin makuha ang mga pangalan niyo para sa souvenir na ibibigay?" may lumapit sa harapan ko na bartender din, anong souvenir kaya yun.

"Sure, I'm Theodore."

"Janissa."

Sabay kaming bumangit ng pangalan ng lalake sa gilid ko at pagkatapos nun at para na akong estatwa na nakatitig lang sa bartender.

Tama ba ang rinig ko?

Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko at nakatingin din pala siya sa akin, hindi nga ako nagkakamali, ang dati kong asawa ang nandito sa gilid ko.

"Okay sir, maam pakihintay na lang po 'yong souvenir." Sabi ng bartender na hindi na namin pinansin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, magsasalita ba ako o hindi? Pero nasa tabi ko na ang dati kong asawa, kailangan ko bang kamustahin siya?

"Long time no see." Siya na ang nagumpisang magsalita.

"Oo nga." Napalihis ako ng tingin at napapikit, bakit baa ko nasa ganitong sitwasyon ngayon, akala ko hindi ito invited.

Kanina lang nakatayo siya pero ng makita niya ako ay umupo siya sa tabi ko, dito na din siya uminom ng alak.

Ang tahimik naming dalawa, pero ang ingay ng music dito sa loob ng venue. Pareho kaming umiinom, ako kuha lang ng kuha at utos lang ng utos sa bartender.

"Baka masobrahan mo." bigla nanaman siyang nagsalita.

"Konti lang naman to." Pero nakakailang baso na ako, hindi ko alam ang sasabihin, hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, baka kung anong isipin ng lalakeng ito kapag umalis agada ko, ayaw ko naman ng ganun.

Wala naman akong ginagawang masama kaya dapat ay hindi ako mahiya sa kaniya.

"Kamusta ka na?"

"Okay na okay naman ako." 'yong ngiti ko paran ngiting aso.

"Halata nga." Napakanatural lang niya ngayon pero ako tong naiilang.

Ikaw ba naman makita mo ang dati mong asawa after ilang taon, tapos dito pa sa kasalan? Kahit sabihin kong wala na akong nararamdaman sa kaniya ay naiirita parin ako.

Uminom na lang ako ng uminom sabi naman ng bartender konti lang ang tama nitong iniinom ko, pero bakit parang tinatamaan na ako?

Kaugnay na kabanata

  • The Wife's Comeback   Chapter 4

    Janissa's POVNaghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga 'yong tama sa akin ng alak na iniinom ko."Congrats nga pala." Bati ko sa kaniya dahil naalala ko 'yong napanuod ko sa balita noon."Huh?""Nakita kita sa balita noong nakaraan.""Ah yun ba.""Congrats." Inulit ko muli siyang batiin. " Ang layo na ng narating mo." nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kasi naman parang umeepekto na 'yong alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. "Habang ako ganito parin, hamak parin.""What do you mean?""Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago sa

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Wife's Comeback   Chapter 1

    Janissa's POV"Ate Lyn malapit na maluto 'yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.""Magdagdag pa kayo pagkaluto n'on.""Opo."May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kasi 'yong nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganoong klaseng tao kasi 'yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.Marami na akong na-encounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kasi akong maapplyan na maayos na trabaho dito sa aming lugar, kung meron man abusado naman ang boss o kaya 'yong over time ko thank you lang, edi mas mabuting magpagod sa negosyo atleast kumikita pa.Maaga kaming nag-uumpisa dahil may pang almusal din kaming tinda, iba rin 'yong pangtanghalian namin na paninda, hindi n

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Wife's Comeback   Chapter 2

    Theodore's POVAfter a long long time, I've been waiting for this!"Success ang proposal mo sir, congrats!""Salamat.""Congrats sir Theodore!"My sleepless nights, my back pain, my stress and my overthinker mindset are now gone, sulit na sulit lahat ng iyon dahil sa nakamit kong gantimpala ngayon galing sa prestihiyosong parangal sa ibang bansa.Hindi ko akalain na mas marami ang kapalit ng mga sakripisyo ko kaya naman may kaunting salo salo kami ngayon dito sa kompanya.Lahat sila masaya para sa akin, lahat ng mga empleyado ko ay nagsisibati sa kung ano na ang narating ko. "I'm happy for you Theodore." Hector said, isa siya sa mga matagal ko ng empleyado dito. "Sir Theodore pala I'm sorry." Sa sobrang tagal na naming magkakilala para na kaming magkapatid, mag ate dahil mas matanda siya sa akin ng dalawnag taon, yun nga lang may napapansin akong kakaiba sa kaniya may araw at oras na masyado siyang malapit sa akin, kumbaga higit pa sa magkapatid ang turing niya sa akin, hindi ko alam

    Huling Na-update : 2024-12-19

Pinakabagong kabanata

  • The Wife's Comeback   Chapter 4

    Janissa's POVNaghihintayan kaming may magsalita, maski siya ramdam kong gusto niyang makipag usap sa akin kaso ang tipid kong magsalita, gusto ko rin naman makipag usap sa kaniya kaso naiilang ako, hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya.Habang nagpapakiramdaman kami pareho naman kaming order ng order ng maiinom, nararamdaman ko na nga 'yong tama sa akin ng alak na iniinom ko."Congrats nga pala." Bati ko sa kaniya dahil naalala ko 'yong napanuod ko sa balita noon."Huh?""Nakita kita sa balita noong nakaraan.""Ah yun ba.""Congrats." Inulit ko muli siyang batiin. " Ang layo na ng narating mo." nag uumpisa na akong dumaldal, hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong magsalita at kumausap sa kaniya kasi naman parang umeepekto na 'yong alak a nainom ko, konti lang daw ang tam anito kaso naramihan ko ang inom. "Habang ako ganito parin, hamak parin.""What do you mean?""Walang pagbabago, parang straight line lang na hindi gumagalaw, walang pagbabago sa

  • The Wife's Comeback   Chapter 3

    Janissa's POVTinulungan ako ng kasama ko sa karindirya na mamili ng isusuot ko sa pupuntahan kong kasal, nakakatuwa lang kasi medyo gumaan ang pakiramdam ko hbang ginagawa ko yun, kailangan din pala talagang lumabas para magunwind.Nakakagaan sa pakiramdam, araw araw na lang kse ang trabaho at maghanap ng pagkakakitaan kaya naman 'yong mood ko paiba iba din kung minsan, kailangan pala gumala din at maglibang, kaso nga lang iniisip ko 'yong gastos kapag lalabas ako, pero kagaya kanina magaan naman ang pakiramdam ko kapag lumalabas ako, gagawin ko na iyon isang beses sa isang linggo.May binili na rin akong regalo para sa kaibigan kong ikakasal sana magustuhan niya, dalawang araw bago ang kasal niya at pinaalam ko na din sa mga kasama ko sa karindirya na magsasara muna kami, parang day off na rin nila iyon.Nag aayos na ako ng gamit ko dahil tutuloy ako sa hotel ng dalawang gabi at isang araw, hindi naman kasi ako makakauwi agada gad pagkatapos ng kasal, ang sab isa akin ni Martha mayr

  • The Wife's Comeback   Chapter 2

    Theodore's POVAfter a long long time, I've been waiting for this!"Success ang proposal mo sir, congrats!""Salamat.""Congrats sir Theodore!"My sleepless nights, my back pain, my stress and my overthinker mindset are now gone, sulit na sulit lahat ng iyon dahil sa nakamit kong gantimpala ngayon galing sa prestihiyosong parangal sa ibang bansa.Hindi ko akalain na mas marami ang kapalit ng mga sakripisyo ko kaya naman may kaunting salo salo kami ngayon dito sa kompanya.Lahat sila masaya para sa akin, lahat ng mga empleyado ko ay nagsisibati sa kung ano na ang narating ko. "I'm happy for you Theodore." Hector said, isa siya sa mga matagal ko ng empleyado dito. "Sir Theodore pala I'm sorry." Sa sobrang tagal na naming magkakilala para na kaming magkapatid, mag ate dahil mas matanda siya sa akin ng dalawnag taon, yun nga lang may napapansin akong kakaiba sa kaniya may araw at oras na masyado siyang malapit sa akin, kumbaga higit pa sa magkapatid ang turing niya sa akin, hindi ko alam

  • The Wife's Comeback   Chapter 1

    Janissa's POV"Ate Lyn malapit na maluto 'yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.""Magdagdag pa kayo pagkaluto n'on.""Opo."May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kasi 'yong nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganoong klaseng tao kasi 'yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.Marami na akong na-encounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kasi akong maapplyan na maayos na trabaho dito sa aming lugar, kung meron man abusado naman ang boss o kaya 'yong over time ko thank you lang, edi mas mabuting magpagod sa negosyo atleast kumikita pa.Maaga kaming nag-uumpisa dahil may pang almusal din kaming tinda, iba rin 'yong pangtanghalian namin na paninda, hindi n

DMCA.com Protection Status