Sobrang lalang-lala na si Shania na halos araw-araw ay pinapapunta nito ang kaniyang kalaguyo na si Bryan sa mansion. Simula sa pag-alis ni Ivo sa mansion ay nakaabang na si Bryan sa labas para pumasok sa loob hanggang sa ilang oras din silang nasa kwarto at alam niyang may ginagawang milagro. Mabuti na lang at hindi nito nakikita ng kambal ang pinaggagawa ni Shania. Siguro sinasakto rin ng babae na hindi sila mahuli dahil baka magsumbong ang kambal kay Ivo. “Gaga, lumalala na talaga si Ma’am Shania. Halos wala na itong pakialam kung makita man natin silang m********n kung saan. Palibhasa hindi tayo sumusumbong kay Sir Ivo.” Napatingin siya sa dalawang marites na katabi niya habang nasa garden sila nagdidilig ng halaman. “Ikaw na lang kaya Gianna ang magsumbong. Tutal close na rin naman kayo na, Sir at may past pa kayo baka paniwalaan ka noon,” saad ni Amy sa kaniya. Ngumiwi siya sa suhestyon nito ngunit nagulat na lang siya nang binatukan ito ni Vanessa. Masaya rin naman kasama a
Natapos ang kanilang hapunan na puro katatawanan. Nakakatawa kasi ang dalawang Marites na sina Vanessa at Amy dahil sa mga kwento nito noong kabataan nila. Na kesyo si Vanessa raw ay umiihi pa sa shorts noong Grade 3 siya samantalang si Amy naman ay palaging sinusuotan ng kaniyang ama ng mga panlalaking damit. Mag-childhood best friend kasi itong sina Amy at Vanessa kaya alam nila ang baho ng isa't-isa. Naalala niya tuloy si Maria na kaibigan niya sa probinsiya. Si Maria ang palagi niyang kasama simula bata pa sila, ito rin ang tagapagtanggol niya dahil medyo may pagka-amazona kasi iyon. Ang huling balita niya sa dalaga ay nakapagpangasawa raw ito ng kano at nasa Amerikana. Sana nga lang ay magkita silang dalawa at magkasama ulit. "Gianna, iyong pinag-usapan natin ah, naroon si Sir Ivo sa garden puntahan mo na," bulong ni Vanessa sa kaniya. Kasalukuyan kasi silang nagliligpit ng pinagkainan, simula kanina ay hindi nawala ang kaniyang kaba kahit na dini-divert niya ang kaniyang isipan
Biglang nagulat si Gianna dahil sa paglabas ng kanilang anak. Hawak-hawak niya ang pisngi na ngayon ay humahapdi dahil sa ginawang pagsampal ni Ivo sa kaniya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang kasalanan niya, nagsasabi lang naman siya ng totoo at hindi man lang naniwala si Ivo. Ano nga ba ang laban niya? Sana kumuha muna siya ng ebedensiya bago man lang sinabi niya sa lalaki ang totoo. Pero umasa siya sa CCTV na ngayon ay wala ng silbi dahil hindi man na-record doon ang kahalayang ginagawa ni Shania kasama ang kabit niya. “Mom? Ba’t ka sinaktan ni Dad?” naiiyak na tanong Gavin. Agad siyang lumapit sa kaniyang kambal at niyakap sila. “A-Anong ginagawa niyo r-rito? Hindi ba natutulog na kayo? May pasok pa kayo bu-bukas…” Bigla siyang nakaramdam ng sakit dahil sa nakikita niyang awa at sakit sa mga mata ng kaniyang anak. “M-Mom… Ayaw ko na po rito, sinasaktan naman tayo rito, alis na lang po tayo, balik na po tayo sa dati. Balik na po tayo sa bahay ni Tita Sabel.” Doon ay napahagulh
Mula noong araw na iyon hindi na pinapansin ng kambal sina Ivo at Gianna. Masakit man kay Gianna ang nangyari subalit may tiwala siya kay Ivo, alam niyang babawi ito sa kanila. Pilit niyang kinakausap ang dalawa niyang anak subalit hindi naman siya nila pinapansin. “Mga anak, pansinin n’yo naman si Mommy, oh. Sana maintindihan niyo kung bakit nagawa ko ito, para rin naman sa kinabukasan niyo ito at isa pa nagsisisi naman si Daddy niyo eh, nagawa niya lang iyon dahil galit siya,” saad niya sa kambal. Nasa loob siya ng kwarto nila at pilit na kinakausap ang kaniyang anak. “Kayo po, Mom? Hindi ba kayo naaawa sa sarili niyo? Sinaktan ka ni Dad at hindi namin alam ang rason kung bakit. Galit kami, Mom. Galit kami kay Dad at nagtatampo kami sa iyo,” saad ni Gavin. Napakagat siya ng labi nang marinig ang sinabi ni Gavin sa kaniya. Sobrang matured na mag-isip ng anak niyang lalaki. “Anak, sabi ng Dad mo, babawi siya sa inyo. Let’s give him one more chance,” wika niya habang hinahalikan an
Hindi nagkulang si Ivo sa pag-aaruga sa kanila lalo na sa kaniyang mga anak. Nakikita niya ang pagmamahal sa mga bata at sobrang masaya siya dahil doon. Hindi rin nakatakas ang minsang pagpapakilig nito sa kaniya na hindi niya maintindihan dahil wala namang namamagitan sa kanila. O kaya she’s just over-reacting at napagkakamalan niyang sweet sa kaniya si Ivo. “Nasaan ang Daddy niyo?” tanong niya sa kambal na ngayon ay kumakain ng breakfast. Today is their family day kaya naman ay excited siya. Kita rin sa mga bata na excited ito dahil maaga pa lang ay nagising na ang mga ito. Hindi man nila sinasabi iyon ngunit halata sa kanilang mga mata ang kasiyahan. Halos araw-araw ay sinusuyo sila ni Ivo, minsan nga ay naaawa na siya kay Ivo dahil hindi man lang ng dalawa ito pinapansin. Tanging siya lamang ang nakakausap ng dalawa kaya sobrang lungkot na lungkot si Ivo. Katahimikan lang ang sinagot ng kaniyang mga anak kaya napahinga siya ng malalim. Hindi naman siguro pwedeng ganito sila pala
Kabanata 31.2 "Nanay! Ang ganda ng dagat, oh! Rito po tayo, langoy tayo roon!" masiglang sigaw ni Avery sa kan'ya habang hinihila siya ng bata kung saan. Nasa likod din nila ang dalawang mag-ama na kasalukuyang naglalakad at nakapamulsa. Tanging bikini lang ang suot niya't iyon ang nadala niya walasiyang choice kung 'di iyon ang isuot niya, alangan namang magpantalon siya ehnasa beach sila, baka pagtawanan lamang siya ng mga tao roon. Mabuti na lang atmay baon siyang floral cover up dress kahit papano ay natatakpan nito angkatawan niya. Ilang oras din silang nagbabad sa dagat, hindi mapalis ang kan’yang ngiti sa labi nang makitang tuwang-tuwa ang kan’yang kambal. Maluha-luha niyang tinitigan ang mag-aamang nasa harapan niya’t naglalaro. Ang pangarap niyang makita ang mag-aamang nagbo-bonding ay angtanging pangarap niya noon pa man. Hindi niya akalaing matutupad iyon. “Hindi maalis ang ngiti mo, Gianna. Masaya kami dahil masaya siSir Ivo ngayon, dahil iyon sa inyo ng kambal.
Kabanata 31.3Simula noong araw na iyon ay hindi na niya nakita si Shaniah. Hindi na rin nag-cross ang landas nila at malaki ang pasasalamat niya roon dahil hindi hinayaan ng tadhana na magkita sila ni Ivo. Gabi na at tulog na ang lahat, si Ivo ay katabi ng kambal, pinapatulog ang mga ito samantalang siya ay nasa terrace ng hotel at nagpapahangin. Napangiti siya nang makita ang kislap ng karagatan na nagmumula sa Liwanag ng kalangitan. Bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan nang malanghap ang sariwang hangin. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang maalala ang mga magulang niya. Malapit din sila sa karagatan at ganito ang ginagawa niya tuwing gabi bago matulog. Miss na miss na niya ang inay at itay niya, simula noong tumutongtong siya ng Maynila ay hindi na siya nakauwi. Ang minsang pangarap niya para sa mga ito ay nawala ng parang bola nang mabuntis siya ni Ivo at isinilang ang kambal. Kahit kunti ay nagpapadala rin siya ngunit alam niyang hindi iyon sapat para sa pamilya. Mabuti n
Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya.Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila.Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos.Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan.Sa pagbukas