Hindi nagkulang si Ivo sa pag-aaruga sa kanila lalo na sa kaniyang mga anak. Nakikita niya ang pagmamahal sa mga bata at sobrang masaya siya dahil doon. Hindi rin nakatakas ang minsang pagpapakilig nito sa kaniya na hindi niya maintindihan dahil wala namang namamagitan sa kanila. O kaya she’s just over-reacting at napagkakamalan niyang sweet sa kaniya si Ivo. “Nasaan ang Daddy niyo?” tanong niya sa kambal na ngayon ay kumakain ng breakfast. Today is their family day kaya naman ay excited siya. Kita rin sa mga bata na excited ito dahil maaga pa lang ay nagising na ang mga ito. Hindi man nila sinasabi iyon ngunit halata sa kanilang mga mata ang kasiyahan. Halos araw-araw ay sinusuyo sila ni Ivo, minsan nga ay naaawa na siya kay Ivo dahil hindi man lang ng dalawa ito pinapansin. Tanging siya lamang ang nakakausap ng dalawa kaya sobrang lungkot na lungkot si Ivo. Katahimikan lang ang sinagot ng kaniyang mga anak kaya napahinga siya ng malalim. Hindi naman siguro pwedeng ganito sila pala
Kabanata 31.2 "Nanay! Ang ganda ng dagat, oh! Rito po tayo, langoy tayo roon!" masiglang sigaw ni Avery sa kan'ya habang hinihila siya ng bata kung saan. Nasa likod din nila ang dalawang mag-ama na kasalukuyang naglalakad at nakapamulsa. Tanging bikini lang ang suot niya't iyon ang nadala niya walasiyang choice kung 'di iyon ang isuot niya, alangan namang magpantalon siya ehnasa beach sila, baka pagtawanan lamang siya ng mga tao roon. Mabuti na lang atmay baon siyang floral cover up dress kahit papano ay natatakpan nito angkatawan niya. Ilang oras din silang nagbabad sa dagat, hindi mapalis ang kan’yang ngiti sa labi nang makitang tuwang-tuwa ang kan’yang kambal. Maluha-luha niyang tinitigan ang mag-aamang nasa harapan niya’t naglalaro. Ang pangarap niyang makita ang mag-aamang nagbo-bonding ay angtanging pangarap niya noon pa man. Hindi niya akalaing matutupad iyon. “Hindi maalis ang ngiti mo, Gianna. Masaya kami dahil masaya siSir Ivo ngayon, dahil iyon sa inyo ng kambal.
Kabanata 31.3Simula noong araw na iyon ay hindi na niya nakita si Shaniah. Hindi na rin nag-cross ang landas nila at malaki ang pasasalamat niya roon dahil hindi hinayaan ng tadhana na magkita sila ni Ivo. Gabi na at tulog na ang lahat, si Ivo ay katabi ng kambal, pinapatulog ang mga ito samantalang siya ay nasa terrace ng hotel at nagpapahangin. Napangiti siya nang makita ang kislap ng karagatan na nagmumula sa Liwanag ng kalangitan. Bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan nang malanghap ang sariwang hangin. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang maalala ang mga magulang niya. Malapit din sila sa karagatan at ganito ang ginagawa niya tuwing gabi bago matulog. Miss na miss na niya ang inay at itay niya, simula noong tumutongtong siya ng Maynila ay hindi na siya nakauwi. Ang minsang pangarap niya para sa mga ito ay nawala ng parang bola nang mabuntis siya ni Ivo at isinilang ang kambal. Kahit kunti ay nagpapadala rin siya ngunit alam niyang hindi iyon sapat para sa pamilya. Mabuti n
Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya.Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila.Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos.Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan.Sa pagbukas
Mabilis silang nakauwi sa probinsya nila, kahit na naguguluhan ang kambal ay sumama na rin ito sa kan’ya. Wala siyang sinayang na oras dahil alam niyang magigising na si Ivo, Mabuti na nga lang ay hindi siya nahirapang maghanap ng masasakyan papunta sa probinsya nila. Ilang oras din ang byahe kaya pagod-pagod sila.Agad siyang nag-text kina Amy at Vanessa na ligtas silang nakauwi sa probinsya. Hawak-hawak niya ang dalawang anak niya palabas ng Bus. Huminga siya ng malalim nang maaninag niya ang bahay nila sa harap niya. Maganda ang bahay nila, sementado na ito at may tindahan sa harapan, bagay na ipinagmamalaki niya dahil kahit papaano ay may naipundar siya bilang manager sa coffee shop para sa mga magulang niya. Iyon nga lang ay kahig-isang tuka pa rin sila dahil may maintenance ang kan’yang ama. Lahat ng pinapadala niya ay nagagastos sa mga gamot ng kan’yang ama.Buong byahe ay kinakabahan siya, marami na rin ang sumasagi sa kan’ya
“Alam mo ba, iyong anak ni Mela na si Gianna, umuwi na pala rito sa atin. Nakita ko kanina’t pinapaliguan ang dalawa niyang anak sa may poso nila. Makikiigib sana ako kaso namataan ko silang naliligo roon,” bulong ng isang matandang babae sa tambayan, mismo sa labas ng bakuran nila Gianna. Tinapik naman ng isang matanda ang babae kaya napa-aray ito.“Ano ka ba, marinig nga kayo, nasa harap kayo ng bahay nila,” saway ng isa kaya napairap ito sa kan’ya.“Ay kumare, totoo naman, nasaan kaya ang ama? Bali-balita rito na nabuntis daw iyan at tinakasan ng lalaki. Kawawa naman, maaga kasing naglandi eh, ‘yan tuloy ang napala,” natatawang sagot ng isa.“Mas malala pa nga ata ‘yong anak mo, Marites dahil kabit siya ni Kapitan Tarug!” Sumama ang mukha ni Marites sabay hampas sa kan’yang kaibigan na si Sharon.“Hoy! Mas maswerte pa naman ang anak ko dahil kahi
“Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo.“Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila.“R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito.“Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um
Walang nagawa si Ivo kung ‘di ang umalis sa bahay ni Gianna. Gusto pa sanang kausapin nito ang mga magulang ng babae ngunit pinilit talaga ni Gianna na huwag munang gawin iyon dahil alam niyang lalala lang ang lahat. Gusto niyang kausapin muna ang mga magulang para magpaliwanag. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay bumungad sa kan’ya ang magulang niyang seryosong nag-uusap. Nang makita siya nito ay agad na umupo ang mga ito ng tuwid. “Hindi ka namin pinalaking mang-aagaw Gianna kaya sana’y maintindihan mo kami ng ama mo. Ayaw ka lang naming masaktan, anak ka namin at malaki ang pagmamahal namin sa iyo lalo na sa mga apo ko. Kalimutan mo na ang lalaking iyon at alam kong makakalimutan din ng kambal ang ama nila.” Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin, gusto niyang tumutol. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang kalimutan ang lalaki dahi mahal na mahal niya ito. “Alam ko ang mga tinginang iyan, Gianna. Hindi ako papayag na sumama kayo sa lalaking iyon, kapag ginawa mo iyan ma