Share

04: Volt

last update Huling Na-update: 2021-08-16 16:35:05

Mabilis na tinatakbo ni Volt ang malawak na kagubatan papunta sa hile-hilerang bundok na milya milya ang kalayuan sa bayan ng Miserya.

Sa takbong 90 mph na mas mabilis pa sa isang cheetah na tinaguriang fastest land animal at may panaka naka pang pagtalon talon sa mga matataas na puno na walang kahirap hirap ay agad na narating ni Volt ang kanyang destinasyon.

Huminto si Volt sa pintuan ng isang grey na mansyon na nakatayo malapit sa paanan ng ilang kabundukan at halos napapalibutan din ng mga nagtataasang puno at malinis na ilog. 

Kung titignan ang mansyon na ito, ay tila iginaya ito sa disenyo sa mga sinaunang kastilyo sa pransiya at masasabing maraming dekada na ang pinaglipasan nito dahil sa kalidad ng hitsura nito mula sa labas.

Mula dito ay humugot muna ng lakas ng loob si Volt bago pumasok sa mansyon na iyon.

Malinis, maluwang at maayos ang loob ng mansyon na iyon, mamahalin ang mga naka display na babasagin at moderno ang pagkakaayos ng disenyo sa kabuuan nito.

Nang walang makitang tao sa kanilang tanggapan ng panauhin ay agad inihiga ni Volt ang kanyang sarili sa malambot na sofa.

Ipinanatag ni Volt ang kanyang katawan at muli niyang inisip ang mga nangyari sa kanya.

'naipaghiganti ko na si Elledea, nakitil ko na ang buhay ng pumaslang sa kanya, pero bakit ganun? pakiramdam ko ay may mali sa desisyon na ginawa ko? Parang may hindi tama' agam-agam sa isip ni Volt.

Sa lalim ng kanyang iniisip ay humarap naman siya sa kabilang gilid mula sa kanyang pagkakahiga.

'pero matapos noon, ay di ko akalain na isang ordinaryong tao pa ang magliligtas sa akin ng panahon na iyon, kung di niya siguro tinanggal ang nakabaong pana sa likuran ko ay maaaring naubusan na ako ng dugo at tuluyan nalang na binawian ng buhay' muling pag iisip ni Volt.

Sa gitna ng kanyang pag iisip ay bigla nalang na may boses na umagaw ng kanyang atensyon.

"Volt? buti naman at nakauwi ka na, saan ka ba nanggaling?" saad ng isang magandang babae na kung titignan ay tila nasa early 30's ang edad at nakasuot ng itim na damit na maihahalintulad sa isang traje de mestiza.

Di naman tumugon si Volt at nanatili lamang ito sa kanyang pwesto.

"Volt? bakit ba hindi ka makasagot? at saka bakit ganyan ang hitsura mo? tapos yung suot mong damit? kailan mo pa nakahiligan yang si Winnie the pooh?" saad ng babae at agad itong umupo sa upuan na kaharap ng sofa na kinahihigaan ni Volt.

Napabuntong hininga naman si Volt at umupo ito mula sa kanyang pagkakahiga.

"may inasikaso lang po" simpleng tugon ni Volt na hindi niya magawang titigan ang mga mata ng babae dahil alam niya sa kanyang sarili na may pagkakamali siyang nagawa.

"inasikaso? tulad ng ano? mas importante pa ba yan kaysa sa pag-lilikib mo sa mga Vanzar ni Freya?" tugon ng babae kay Volt.

Translations:

* Pag-lilikib - pamamanhikan

* Vanzar - Magulang

"mas importante ang ginawa ko, Naningil ako ng isang kabayaran, hindi matatahimik ang kalooban ko kung hindi ko iyon gagawin" paliwanag ni Volt na pinapanatili pa din niyang kalmado ang kanyang emosyon.

Sa pagkakadinig naman ng babae sa mga sinabi na iyon ni Volt ay bigla na lamang itong nabahala.

"nahihibang ka na ba Volt?!! hindi ba't sinabi ko na sa iyo na kalimutan mo na ang nakaraan? Di mo ba alam na mapanganib ang ginawa mong hakbang? Kalimutan mo na si Elledea! Matagal na siyang wala at kailan man ay di na babalik pa! kahit ubusin mo pa ang lahi ng kumitil sa kanyang buhay ay hindi mo na mababago pa ang katotohanan!"  tugon ng babae na talagang napakapit pa itong mahigpit sa kanyang kinauupuan.

"pero Veeza!  kahit pa balibaligtarin natin ang mundo ay si Elledea lang ang nilalaman ng puso ko! siya lang at wala ng iba! kailan man ay hindi na mawawala sa aking puso at isipan ang nabuo naming pagmamahalan, di ko naman hahayaan na basta ganun na lang ang sasapitin ng kanyang pagkamatay" paliwanag ni Volt at nagsisimula na namang mangilid sa kanyang mga mata ang mga luhang dugo na anumang sandali ay dadaloy sa kanyang pisngi.

Translation:

* Veeza - Mother

Agad naman na nahabag ang kanyang ina at agad nitong nilapitan at niyakap ang kanyang anak.

Damang dama niya ang pighati at kasawian ni Volt sa mga salitang binigkas nito. 

Alam niya kung gaano kamahal ni Volt si Elledea, dahil siya mismo ay naging saksi sa nabuong pagmamahalan ng dalawa.

"Volt, naiintindihan ko ang nararamdaman mo bilang iyong Veeza, kahit naman ako ay nalungkot din sa pagkawala ni Elledea, pero Volt, may mga bagay tayo na kailangan tanggapin sa ating buhay, palayain mo na ang sarili mo mula sa nakaraan, isa pa ay, andyan naman si Freya na handa kang tulungan at nakikita kong mahal na mahal ka niya, yun naman ang importante hindi ba?" saad ng ina ni Volt.

Agad na naging seryoso ang mukha ni Volt at biglang kumunot ang noo nito sa sinabi ng kanyang ina.

"ilang beses ko bang sasabihin na wala akong nararamdan o mararamdaman ni katiting na pagmamahal kay Freya!?? Kayo lang naman ang nagpupumilit sa akin sa kanya eh, para ano? Mas lalong lumakas ang angkan natin dahil mapapanig sa atin ang mga lahi ng Jilakatuna? yun lang naman yon di ba?" pag angal ni Volt na talagang nakakaramdam ng pagkainis at pagkadismaya dahil labis niyang inaasahan na sa lahat ng nilalang ay ang kanyang Ina ang labis na makakaintindi sa kanyang nararamdaman.

"gusto ko lang din naman na sumaya kang muli, ang makalimot, at saka isa na din itong paraan upang mapanatili natin ang mapayapang ugnayan ng ating angkan sa mga angkan ng Jilakatuna, ayokong pagmulan ng katakot takot na kaguluhan ang iyong gagawing pagtanggi kay Freya" paliwanag ng ina ni Volt na pilit pinapaintindi ang sitwasyon na maaari nilang kaharapin.

Naiintindihan naman din ni Volt ang kanyang ina, alam niyang sa kaibuturan ng kanyang isip ay di din siya makakatanggi sa kahilingan nito bandang huli dahil kailangan din niyang pangalagaan ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Tama kasi ang kanyang ina, na baka pagmulan lang ng matinding lamat ang kanyang iniisip na  pagtanggi kay Freya na nabibilang sa angkan ng mga Jilakatuna.

"sabihin na natin na wala na akong pagpipilian pa at kinalaunan ay mabibilanggo ako sa isang pagmamahal na wala namang kasiyahan at kalayaan, pero Veeza..." si Volt at tinignan ng makahulugan ang kanyang ina.

"ako ngayon ay napako sa isang tungkulin, isang tungkulin na hindi pwedeng labagin at takasan dahil isa itong batas na ipinataw sa ating angkan, sobrang halaga ng tungkulin na ito dahil sa oras na ito ay hindi ko sundin ay maaari ko itong ikamatay" pagpapatuloy ni Volt. 

Sa narinig ng ina sa mga sinabi ng kanyang anak ay labis na nanlaki ang mga mata nito at bahagyang napaatras.

Biglang nabahala ang isipan nito sa kung ano ang kinakaharap ni Volt tungkol sa batas na iyon.

"Volt? ano ba tong pinagsasabi mo? di ka naman lubos na nasugatan sa ginawa mong paghihiganti hindi ba?" kinakabahang tugon ng ina ni Volt at agad niyang siniyasat ang braso ni Volt na kakikitaan ng mga bakas ng sugat na tuluyan ng naghilom.

"tama ang iyong naiisip Veeza" saad ni Volt at agad niyang pinunit ang kanyang suot na damit at doon tumambad ang maraming bakas ng sugat sa kanyang katawan na talagang ipinangalandakan niya sa kanyang ina.

"muntikan ko nang ikamatay ang ginawa kong paghihiganti, pero di sinasadya na natagpuan ako ng isang ordinaryong tao at nagawa akong iligtas nito sa kapahamakan" pag kwento pa ni Volt na mas lalo pang nagpadagdag ng kaba sa kanyang ina na naging sanhi upang mapatayo pa ito sa kanyang kinauupuan.

"Hindi!!! Hindi ito maaari Volt!! nagkaroon ka ng ugnayan sa isang ordinaryong tao? at nagawa ka pang iligtas nito sa kapahamakan??? Nugas blatis!! paano na ngayon to? nang dahil diyan sa paghihiganti mong iyan ay nagkaroon ka nanaman ng panibagong suliranin!!" paghisterical ng ina ni Volt at bigla nalang itong nakaramdam ng hilo dahil sa kanyang nabalitaan..

Agad na umupo muli ang ina ni Volt sa upuan na kaharap ng kanyang anak at pinilit niyang kinalma ang kanyang sarili.

"Veeza, sabihin nalang natin na marahil ay sinadya ito ng pagkakataon para makalaya ako ng pansamantala sa isang huwad na pag-ibig na kahit kailan man ay hindi ko maibibigay kay Freya" saad ni Volt at hinalkan niya sa pisngi ang kanyang ina bago ito umalis patungo sa kanyang kwarto.

Mabilis na kumalat ang balitang ito sa pamilya ni Freya.

Gaya ng inaasahan ay nadismaya ang mga ito lalo na at kailangan pa nilang iurong ang sana ay nalalapit na pagtatakda ni Volt sa kanilang anak na si Freya.

Wala naman silang magagawa dahil sa nakapaloob ito sa batas ng mga Valatuna at hindi nila ito pwedeng pakialaman.

Ang importante sa kanila ay ang tuparin pa din ni Volt ang pagkakatakda nito kay Freya.

Sa Milya milyang layo mula sa mansyon nila Volt ay matatagpuan ang palasyo nila Freya sa mataas na parte ng bundok na napapalibutan ng ilang mga nagtataasang bato.

Pinipili ng mga Jilakatuna ang mga lugar na malalamig ang klima at maraming lilim para manirahan.

Di kasi sila kagaya ng mga Valatuna na nakakatagal sa matinding sikat ng araw kaya sa gabi lamang sila madalas nakikita.

May kalakihan ang palasyo na iyon at kung titignan ay maihahambing ito sa mga lumang palasyo sa inglatera.

Gaya ng mansyon nila Volt ay nakaayos din ang loob ng palasyo nila Freya sa modernong istilo at naglalaman din ito ng mga mamahaling display at mga antigo na para bang ikaw ay nasa isang vintage museum.

Sa isang bahagi ng palasyo ay isang sigaw ang namutawi sa gitna ng katahimikan.

"Hindi ito maaari!!!!!" Sigaw ng babae na may pagka rose gold ang kulay ng buhok habang nakaharap ito sa salamin at tinitignan ang kanyang repleksiyon.

Kitang kita sa repleksyon ng salamin ang labis na galit sa ekspresyon ng kanyang mukha at makikita din ang matingkad na pagkapula ng kanyang mga mata.

Dahil sa tindi ng pagkadismaya niya ay kinuha niya ang mamahaling vase sa kanyang silid at ibinato niya iyon sa may salamin na naging sanhi ng matinding pagkakalamat nito.

"kung kailan naman napasa-akin na si Volt at tiyaka naman nangyari ang ganito?!! napakatagal kong inintay ang pagkakataon na makasama siya at maging aking kabiyak, nawala na nga si Elledea na siyang balakid sa aming dalawa pero ano?! may panibago nanamang humadlang sa pagsasama namin!!!" si Freya na agad nanamang kumuha ng mamahaling vase na nakadisplay sa kanyang kwarto at muli niya itong binato sa salamin na naging sanhi ng tuluyang pagkawasak nito.

Di naman nagtagal at pumasok sa kwarto ni Freya ang mga Vanzar nito. 

"Ano bang nangyayari dito?!!" pagkabahala ng ina ni Freya na labis na nagulat sa kinahinatnan ng mga mamahalin niyang vase.

"Ang mga mamahalin kong vase??!!!" saad ng ina ni Freya at agad tumakbo sa mga nabasag niyang vase habang si Freya ay nakaupo sa gilid habang umiiyak ng dugo.

"mas inuna mo pa talaga yang mga vase mo kaysa sa ating filia?" saad ng ama ni Freya at agad nilapitan nito ang kanyang anak.

Translation:

* filia / filius – daughter / son

"ano ba naman kasing pumasok diyan sa kokote mo Freya? pati tong mga nananahimik kong vase ay dinamay mo pa" saad ng ina ni Freya at nilapitan na din ang kanyang umiiyak na anak.

"Veeza! Drakza! bakit ganun ang nangyari kay Volt? paano na ang nalalapit naming pagtatakda?" si Freya habang patuloy pa din sa pagluha nito.

Translation:

*Drakza - Father

"Susme! dahil kay Volt nagawa mo nang basagin tong mga mamahaling antigo kong vase?! ano ka ba naman Freya?!" pagkawindang ng ina ni Freya na napahawak pa sa ulo nito dahil sa kunsomisyon.

"pwede bang itigil mo muna yang tungkol sa mga vase mong yan?" pagsaway naman ng ama ni Freya sa asawa nito.

Umayos nalang ang ina ni Freya kasabay ng pagligid ng mga mata nito.

"Freya, wala na tayong magagawa tungkol sa bagay na yan, nakapaloob yun sa batas ng mga Valatuna at hinding hindi natin iyon pwedeng pakialaman, kung bakit kasi pipili ka nalang ng tatakdain ay galing pa sa angkan ng mga Valatuna at isang pang mahinang nilalang na gaya ng Volt na yan" saad naman ng ama ni Freya.

"Drakza? eh si Volt ang minahal ko eh, siya ang nilalaman ng puso ko at siya ang gusto kong makasama sa habang buhay" paninindigan ni Freya.

"kung yan naman pala talaga ang pasya mo eh di antayin mong matapos ang tungkulin niya, pasasaan man ay itatakda pa din naman kayo" pagpayo ng ama ni Freya.

"pero... paano kung malaman ni Volt? baka hindi na niya ituloy ang pagtatakda namin?" bigla nalang may naisip si Freya na ikinakaba niya.

Napaisip naman ang kanyang mga magulang sa sinabi nito.

"ang alin ang malalaman ni Volt?" pagtataka ng ina ni Freya.

Hindi naman nakatugon si Freya na tila nabuhusan siya ng malamig na tubig sa kanyang nasabi.

"ah basta, wala kang dapat ipag alala, matutuloy ang pagtatakda niyo ni Volt, maayos na itong napagkasunduan at di na ito pwedeng urungan pa, basta antayin mo lang matapos ang kanyang tungkulin" saad naman ng ama ni Freya.

"mabuti pa ay kumain nalang tayo" pag anyaya ng ama ni Freya.

"mabuti pa nga, tsaka ibili mo ako ng mga bagong vase ha? Tutal kunsintidor ka naman eh" saad naman ng ina ni Freya na ikinailing nalang ng asawa nito.

Pagkalabas ng mga magulang ni Freya sa kanyang silid ay may bigla itong naisip.

'kailangan malaman ko kung sino yung sagabal sa pagtatakda namin ni Volt! Hahanapin ko kung sino siya!" sa isip ni Freya kasabay ng lalong pag igting ng pagka kulay pula ng kaniyang mga mata.

Balik sa mansyon nila Volt...

Naisipang magbabad ni Volt sa bathtub sa kanyang may kalakihang banyo para makaramdam ng ginhawa ang kanyang buong katawan.

Dito ay inalala niyang muli ang masayang pagsasama nila ni Elledea, pati na din ang mga pangakong pinagsaluhan nila sa isa’t isa na hindi na kailanman matutupad pa.

Di nagtagal ay agad siyang umahon sa pagkakalublob sa bathtub at agad niyang tinungo ang parte ng kanyang banyo kung nasaan ang malaking salamin.

Sa repleksyon na iyon ay kitang kita ang kahubadan ng katawan ni Volt, makisig at nagtataglay ng kakaibang kaputian, mapapansin din na nawala na ang mga bakas ng mga sugat na natamo nito sa kanyang katawan na animo'y walang nangyaring anumang kapahamakan sa kanya.

Mas lumapit pa siya sa salamin at kanyang tinitigan ng mabuti ang kanyang mapang-akit na kulay greyish silver na mga mata.

"patawad Elledea, alam kong sumumpa ako na ikaw lamang ang aking proprotektahan at paglalaanan ko ng aking buhay, pero marahil ay sinadya na din ng panahon ang pangyayaring ito para mabigyan ako ng mahabang panahon para hindi ako makulong sa isang huwad na pag-ibig" saad ni Volt sa harap ng kanyang repleksyon habang paunti unting nilalamon ng halumigmig ang kalinawan ng salamin.

Kaugnay na kabanata

  • The Vampire who will fall inlove with me   05: new friend

    Nakakapanibago ang buong araw na ito para kay Erinn sa eskwelahan.Nagpunta na kasi si Briston kasama ang buong basketball team sa inihandang training camp ng kanilang coach kaya isang linggo din niya itong di makakasama.Sanay naman nang mag-isa si Erinn pero siyempre nasanay na din siya na nasa tabi niya parati ang kanyang kaibigan na si Briston kaya napakalaking pagbabago pa din ang kanyang nararamdaman.Gaya ng dati ay mga mapanuri at mapanghusgang mga mata pa din ang ginagawad sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.Pilit na lang iniiwasan ni Erinn ang mga ito para na din hindi makaakit ng kaguluhan, baka kasi mamaya ay may makaisip na bigla nalang siyang pagtripan lalo na at wala sa kanyang tabi ang tigapag tanggol niyang si Briston.Habang mag-isang binabaybay ni Erinn ang kahabaan ng hallway sa kanilang eskwelahan papunta ng labasan ay napagpasyahan muna nitong dumaan sa b

    Huling Na-update : 2021-08-17
  • The Vampire who will fall inlove with me   06: Saved by the bell

    Walang kamalay malay si Erinn sa nangyari kay Chester, nagulat na lamang ito ng bigla itong bumulagta sa kanyang likuran at nawalan ng malay.Labis na nabahala si Erinn sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya agad niya itong nilapitan."Chester! anong nangyari sayo?!" pag alala ni Erinn na pilit ginigising ang nawalan ng malay na si Chester.Ilang alog at tapik pa ay nagulat nalang si Erinn ng biglang bumukas ang mga mata ni Chester at gumalaw ng mabilis ang mga kamay nito para siya ay sakalin.Agad nagpumiglas si Erinn sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Chester, na tila pursigido itong bawian siya ng buhay."Ches...ter!! a-a-anong... gina...gawa mo?!" si Erinn na pilit kinokontra ang mga kamay ni chester sa pagkakasakal sa kanya.Di tumugon si Chester bagkus ay bigla nalang pumula ang mga mata nito at unti unting nang

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • The Vampire who will fall inlove with me   01: Pagtatagpo

    "Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan."bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa.Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw

    Huling Na-update : 2021-07-14
  • The Vampire who will fall inlove with me   02: Pagsisimula ng ugnayan

    Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito.Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste."wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa."yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.

    Huling Na-update : 2021-07-14
  • The Vampire who will fall inlove with me   03: Balita ni Briston

    Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa ba

    Huling Na-update : 2021-08-14

Pinakabagong kabanata

  • The Vampire who will fall inlove with me   04: Volt

    Mabilis na tinatakbo ni Volt ang malawak na kagubatan papunta sa hile-hilerang bundok na milya milya ang kalayuan sa bayan ng Miserya.Sa takbong 90 mph na mas mabilis pa sa isang cheetah na tinaguriang fastest land animal at may panaka naka pang pagtalon talon sa mga matataas na puno na walang kahirap hirap ay agad na narating ni Volt ang kanyang destinasyon.Huminto si Volt sa pintuan ng isang grey na mansyon na nakatayo malapit sa paanan ng ilang kabundukan at halos napapalibutan din ng mga nagtataasang puno at malinis na ilog.Kung titignan ang mansyon na ito, ay tila iginaya ito sa disenyo sa mga sinaunang kastilyo sa pransiya at masasabing maraming dekada na ang pinaglipasan nito dahil sa kalidad ng hitsura nito mula sa labas.Mula dito ay humugot muna ng lakas ng loob si Volt bago pumasok sa mansyon na iyon.Malinis, maluwang at maayos ang loob ng mansyon na iyon, mamahalin ang mga naka display na babasagin

  • The Vampire who will fall inlove with me   03: Balita ni Briston

    Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa ba

  • The Vampire who will fall inlove with me   02: Pagsisimula ng ugnayan

    Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito.Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste."wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa."yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.

  • The Vampire who will fall inlove with me   01: Pagtatagpo

    "Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan."bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa.Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status