Share

05: new friend

last update Huling Na-update: 2021-08-17 12:57:35

Nakakapanibago ang buong araw na ito para kay Erinn sa eskwelahan.

Nagpunta na kasi si Briston kasama ang buong basketball team sa inihandang training camp ng kanilang coach kaya isang linggo din niya itong di makakasama.

Sanay naman nang mag-isa si Erinn pero siyempre nasanay na din siya na nasa tabi niya parati ang kanyang kaibigan na si Briston kaya napakalaking pagbabago pa din ang kanyang nararamdaman.

Gaya ng dati ay mga mapanuri at mapanghusgang mga mata pa din ang ginagawad sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.

Pilit na lang iniiwasan ni Erinn ang mga ito para na din hindi makaakit ng kaguluhan, baka kasi mamaya ay may makaisip na bigla nalang siyang pagtripan lalo na at wala sa kanyang tabi ang tigapag tanggol niyang si Briston.

Habang mag-isang binabaybay ni Erinn ang kahabaan ng hallway sa kanilang eskwelahan papunta ng labasan ay napagpasyahan muna nitong dumaan sa banyo para makapaghilamos.

Yun nga lang, ang di alam ni Erinn ay may nakasunod pala sa kanya na minamanmanan ang bawat kilos niya.

Pagkapasok ni Erinn sa comfort room ay agad niyang sinipat ang paligid kung may iba pa bang tao doon.

Pero gaya ng inaasahan, dahil sa uwian na ng mga estudyante ay wala na siyang naabutan sa lugar na iyon.

Nagtungo si Erinn sa may lababo na may nakadikit na malaking salamin sa pader na nasa harap nito.

Agad niyang binuksan ang gripo at pinadaloy ang tubig na agad niyang idinampi sa kanyang mukha.

'mukhang kaakibat na talaga ng buhay ko ang mahusgahan at mapag tripan, tama nga siguro ang sinabi ng tatay ko noon sa akin na puro kamalasan lang ang dala ko, kaya maging siya ay iniwan din ako' si Erinn na pinilit ngumiti sa harap ng salamin kahit kasabay noon ay ang pagpatak ng kanyang mga luha na humalo sa mga butil ng tubig sa kanyang mukha.

Pero kahit ganoon pa man ang namumutawi sa isip ni Erinn ay di pa din siya nawawalan ng pag asa, dahil may tao pa naman na tanggap siya at alam niyang mahal siya kahit ano pa siya, gaya ng kanyang tiyahin at ni Briston.

Sapat na dahilan na iyon para lumaban siya at magpatuloy sa buhay, pasasaan man at makakakilala at makakatagpo din siya ng mga tao na matatanggap din siya gaya nalang ng kanyang kaibigan na si Briston.

Parang sa marathon, kung alam mo naman na may nag aantay at sumusuporta sa iyo sa finish line, kahit isang tao lang ay bakit ka hihinto sa pagtakbo sa kalagitnaan ng laban? di man ikaw yung first o ikaw man yung pinaka huli, ang importante ay pinatunayan mo na kaya mong tapusin ang nasimulan mong takbo sa buhay.

Muling naghilamos si Erinn ng kanyang mukha para mapawi ang luha sa kanyang mga mata at agad niyang kinuha ang bimpo sa kanyang bag para pangtuyo.

Habang nagpupunas ng kanyang mukha ay bigla siang nakadinig ng impit na sigaw sa kung saan.

Napalingon si Erinn sa kanyang paligid pero wala namang ibang tao doon kundi siya lang kaya binalewala nalang niya ito at inisip na baka imahinasyon lamang niya ang narinig na iyon.

Pero muli ay narinig nanaman niya ang impit na sigaw.

Biglang kinabahan si Erinn dahil biglang pumasok sa kanyang isip ang haka haka ng ibang estudyante tungkol sa babaeng multo na nagpaparamdam sa kanilang eskwelahan.

Gustuhin man ni Erinn na umalis na sa lugar na iyon, pero tila may biglang bumagabag sa kanyang isip.

Kung papakinggan kasing mabuti ang impit na sigaw na iyon ay tila galing ito sa isang tao na nahihirapang sumigaw dahil sa may nakapasak sa bibig nito na kung ano at tila humihingi ito ng tulong.

Muling pinakinggan ni Erinn ang impit na sigaw at lakas loob niyang sinilip ang bawat cubicle sa C.R. na iyon.

Ngunit sa kasamaang palad ay nabigo siyang mahanap ang pinagmumulan ng tinig na iyon at muli ay bumalik nanaman sa kanyang isip ang posibilidad na baka multo nga iyon na nagpaparamdam sa kanya.

Kaya dali dali siyang pumunta sa sink kung saan nakapatong ang kanyang bag at agad niyang isinukbit ito sa kanyang likudan para makalabas na sa lugar na iyon.

Ngunit, bago pa man niya marating ang pintuan palabas ay narinig nanaman niya ang impit na sigaw, may kalakasan na ito kumpara sa kanina kaya natitiyak niya na malapit sa kinatatayuan niya ang pinagmumulan noon.

Doon ay umagaw ng kanyang atensyon ang bodega na pinaglalagyan ng mga kagamitang panglinis ng janitor, may padlock na nakakabit dito pero hindi naman ito naka-lock.

Kahit sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ay pinuntahan pa din niya ang bodega na iyon at dahan dahan itong binuksan.

Pagkabukas sa maliit na bodega ay napaupo nalang si Erinn sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkagulat ng tumambad sa kanyang mga mata ang isang lalaking nakabusal ang bibig at nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.

"a-anong nangyari sayo?" pagkagulat ni Erinn at agad niyang nilapitan ang lalaki para matulungan ito.

Agad niyang tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay at paa nito pati na rin ang busal sa bibig nito para ito ay makapagsalita.

"maraming... salamat.." habol hiningang sambit ng lalaki matapos matanggal ni Erinn ang busal sa bibig nito.

"teka parang namumukhaan kita" si Erinn ng matitigang mabuti ang hitsura ng lalaki.

May pagkakulot ang magulo nitong buhok, natatakpan ng makapal na eyeglasses ang may pagka bilugan nitong mata, may pagkatangos ang ilong, mga peklat ng pinagbakasan ng pimples sa ilang parte ng pisngi nito at katamtamang puti na kulay ng balat.

Kung titignan ay may hitsura naman ang lalaking ito kung aayusan lang ito ng mabuti.

"Di ba ikaw yung transfer student na laging nakaupo sa pinakadulo? magkaklase tayo sa ibang subject" saad ni Erinn ng lubos niyang maalala ang lalaki.

"oo ako nga yun, ang pangalan ko pala ay Chester" pagpakilala nito.

"ako naman si Erinn, teka paano ka ba napunta diyan? sinong gumawa sayo niyan?" pagtataka ni Erinn habang inaalalayan sa pagtayo si Chester.

"basta ang natatandaan ko ay pauwi na ako nung mga oras na yun, tapos bigla nalang akong hinarang ng grupo ni Lisa, pinagtulungan nila ako at itinali ang aking mga kamay at paa, tapos yun, biglang may humataw ng malakas sa likod ko at nawalan ako ng malay, nagising nalang ako diyan sa masikip at mabahong lugar na yan, sakto at narinig ko yung lagaslas ng tubig sa gripo kaya naisip ko agad na may ibang tao dito" saad ni Chester na iniinda ang sakit ng likod niya habang inaalalayan siya ni Erinn papunta ng sink para makapag punas, madumi kasi ang ilang bahagi ng mga braso nito at mukha.

"akala ko talaga ay diyan na ako aabutin ng umaga, buti nalang at nandyan ka at nailigtas mo ako" pasasalamat ni Chester habang hinuhugasan ang kanyang mga braso.

"grabe talaga yang grupo nila Lisa, basta masabi niyang ayaw niya sa paningin niya ay pagtritripan nalang niya at gagawan ng kung anu-anong kalokohan" nasabi nalang ni Erinn at inabutan si Chester ng bimpo para pangtuyo nito sa kanyang mukha.

"sinabi mo pa, pero kung sabagay, ganito rin naman ang napapala ko sa dati kong eskwelahan, madalas nga akong tuksuhin na nerd, baduy at may sariling mundo kaya ang ending ay wala gaanong nakikipagkaibigan sa akin" saad ni Chester na mararamdaman ang lungkot nito sa kanyang pinagdaanan.

Naintindihan naman ni Erinn si Chester dahil katulad din ng nararanasan niya ang mga pinagdadaanan nito.

Bigla niyang naisip na di lang ang mga kagaya niya ang madalas natutukso, napagtritripan, nilalayuan at hinuhusgahan, na may mga tulad din ni chester, at iba pa na gaya ng tao na may disability, pagiging chubby at overweight, skin color, at kung anu-ano pa.

"bayaan mo na, sadya talagang madaming tao ang mapanghusga, ang importante naman ay totoo tayo sa ating mga sarili at wala tayong ginagawang masama sa ibang tao, di bale, simula ngayon ay magkaibigan na tayo" si Erinn at nilahad niya ang kanyang kamay para makipag shake hands kay Chester.

Bumakas naman ang ngiti sa mukha ni Chester at agad din itong nakipag kamay.

"sigurado ka ba sa pakikipagkaibigan mo sa akin Erinn? baka naman madamay ka pa sa pambubully sa akin ng mga estudyante dito?" pagkabahala ni Chester.

"sus! kung alam mo lang, halos parehas lang tayo ng pinagdadaanan, lalo na sa katulad kong bakla, tsaka ramdam ko naman na mabuti kang tao" tugon ni Erinn.

"nako, bihira lang yung mga nagsasabi sakin ng ganyan, sarap pakinggan sa tenga, pero teka, diba kaibigan mo yung sikat na varsity player dito sa buong campus? baka mapasama lang ang imahe niyo nang dahil sakin?" pag alangan ulit ni Chester.

"ano ba yang iniisip mo? di naman importante yung mga ganyan ganyan no, ang mahalaga sa pagkakaibigan ay yung nagkakaintindihan kayo, nagkakasundo sa mga bagay bagay at ang pagiging tapat at totoo, wag mong intindihin si Briston dahil sobrang bait ng kaibigan kong yun, matutuwa pa yun pag nalaman niya na may bago akong kaibigan at natitiyak kong makakasundo mo din siya" paliwanag ni Erinn na ikinapanatag naman ng kalooban ni Chester.

"salamat ha? sa wakas may matatawag na din akong kaibigan sa eskwelahang to" tugon ni Chester na natapos nang ayusin ang kanyang sarili.

"nako, ang mabuti pa ay umalis na tayo at madilim na sa labas, baka masaraduhan na tayo dito sa eskwelahan, may alam akong masarap na kwek-kwek dun sa kanto, ginutom na din kasi ako eh" saad ni Erinn na sinang ayunan naman ni Chester.

Ngunit, nang papalabas na sila ng C.R ay nagulat nalang si Erinn ng hindi niya mabuksan ang pintuan.

"Chester, subukan mo ngang buksan yung pintuan, ayaw eh" saad ni Erinn at sinubukan din naman agad ito ni Chester.

Mga ilang pihit at kabig din ang ginawa ni Chester sa pintuan ngunit gaya ni Erinn ay di niya din ito mabuksan.

"ayaw talaga Erinn, parang nasaraduhan tayo mula sa labas" pagkabahala ni Chester.

"teka, wag mong sabihin na...." saad ni Erinn at bigla niyang naisip na may mga estudyanteng pinagdiskitahan nanaman siya.

Habang nakakulong sina Erinn at Chester sa loob ng C.R. ay nagbubunyi naman ang grupo ni Lisa sa may labas ng eskwelahan.

"well done Lisa! iba ka talagang mag-isip ng plano!" saad ni Jam na talagang napapalakpak pa sa pagkahanga ng ginawa ni Lisa.

"of course, na-i-apply ko pa ang kasabihan na ‘hitting of  two birds with one stone’, tiyak na mabubulok yung bwiset na baklang yun kasama yung sinto sintong nerd na yun sa banyo, at! patikim palang yan sa impyernong ipapalasap ko sa Erinn na yan habang wala si Briston sa tabi niya, sinisigurado ko na isisiksik ko sa utak niya ang lugar na dapat niyang kalagyan!" saad ni Lisa na tila damang dama na niya ang kanyang tagumpay.

Napa palakpak naman ang dalawang alalay nito na akala mo ay nanonood ng litanya ng isang kontrabida sa pelikula.

"the best teh! para akong nanonood ng isang kontrabida sa isang teleserye, ang galing!" pagkamangha ni Jam kay Lisa.

"tse!! anong kontrabida?! excuse me! ako ang bida dito at yang Erinn na yan ang kontrabida dahil sa pag eksena niya sa amin ni Briston! remember that!" pagtataray ni Lisa na talagang napataas pa ang kilay nito.

"okay! chill! pero Liz, di ba parang sobra naman ata yung ginawa natin kay Erinn at dun sa nerd? madami kasing usap usapan tungkol sa babaeng multo na nagpapakita sa eskwelahan pag sumasapit na yung gabi eh" saad naman ni Jen na tila nakaramdam ng konsensya para kina Erinn.

Sa pagkakadinig nito ay mas lalo pang tumaas ang kilay ni Lisa.

"so anong gusto mong mangyari? na bumalik tayo doon sa loob ng eskwelahan para palabasin sila? in your dreams! kung gusto mo ikaw nalang! tara na nga Jam, iwanan na natin tong babaeng to" saad ni Lisa at nagsimula ng maglakad papuntang sakayan kasunod ni Jam.

Bahagyang napaisip si Jen, pero dahil sa may kadiliman na ang paligid ay pinangunahan ito ng takot.

"uy saglit! suggestion lang naman eh!!" sigaw ni Jen at kumaripas na din ito ng takbo para makahabol kina Lisa.

Pagbalik sa C.R. kung saan nakakulong sina Erinn at Chester ay tila nawalan na sila ng pag-asa pang mabubuksan nila ang pintuan na iyon.

Napaupo nalang sila sa sahig at nag-isip ng iba pang maaaring paraan upang sila ay makalabas.

"mukhang dito na talaga tayo aabutin ng umaga" saad ni Chester kalakip ng malalim na buntong hininga.

Hindi naman tumugon si Erinn bagkus ay tila may sumagi sa kanyang isipan.

Agad na tumayo si Erinn mula sa pagkakasalampak sa sahig at agad niyang tinignan ang kisame na ikinataka ni Chester.

"anong problema Erinn?" pagtataka ni Chester na maging siya ay napatayo na din.

"para kasing may nakita ako kanina na pwede nating malusutan palabas ng banyo na ito" saad ni Erinn habang iniisa isa ang mga cubicle.

Sa pinakadulo ng cubicle ay doon nakita ni Erinn ang isang rectangular air duct na gawa sa sheet metal.

"teka, parang nakakita na ako sa action films ng mga ganyan" si Chester ng makita ang rectangular air duct na nakita ni Erinn sa kisame.

"oo Chester, at yung mga ganyang air duct na gawa sa makapal na metal sheet ay kayang suportahan ang humigit kumulang na 100 kilograms, tiyak na magagamit natin yan na daan palabas" paliwanag ni Erinn na ikinabuhay naman muli ng loob ni Chester.

"ayos yan! sa wakas may pag-asa na tayong makalabas dito" pagkagalak ni Chester.

Wala nang sinayang na panahon sina Erinn at Chester, nagtulungan sila na maakyat ang rectangular air duct na iyon.

Gamit ang liwanag ng cellphone, ay ginapang nila ang madilim at maduming air duct na iyon na kumukonekta sa hallway ng kanilang eskwelahan.

Di nagtagal ay narating na nila ang hallway ng kanilang eskwelahan at maingat silang bumaba mula sa may kataasang air duct.

Nang makababa, sinipat agad ni Erinn ang madilim na hallway gamit ang liwanag ng cellphone.

Kung titignan ang paligid ay akala mo nasa haunted school ka at bigla nalang may lalabas na kung anu-anong espirito sa paligid dahil sa sobrang tahimik at dilim dito.

Magsasalita sana si Chester tungkol sa katakut-takot na hitsura ng kanilang paligid ngunit bigla nalang siyang may naramdaman na kung anong presensya sa kanyang likod.

"E-Erinn... buti pa.. umalis na agad tayo sa lugar na ito, di maganda yung kutob ko eh" saad ni Chester na biglang pumalibot ang takot sa kanyang kabuuan.

"mabuti pa nga, ako din eh, baka mamaya totoo pala yung sinasabi nung mga estudyante tungkol sa babaeng multo dito" saad ni Erinn habang iniilawang maigi ang may kahabaan na hallway na may mga nakasarang classroom.

Pagtalikod ni Chester ay di niya inaasahang makita ang isang babae na sunog ang mga braso at binti, nagtataglay ng duguan at sunog na mukha, panga na halos hihiwalay na sa buto ng mukha nito at isang mata na tuluyan ng lumuwa sa pagkakakabit na tanging ang mga ugat nalang ang kumakapit sa utak nito.

Biglang na-estatwa si Chester sa pagkagulat dahil napaka lapit lang ng pagitan ng nakakatakot na babaeng ito sa kanya.

Sisigaw na dapat si Chester para agad na silang tumakbo ni Erinn palabas ng lugar na iyon ngunit bigla nalang pumasok ang nakakatakot na babae sa katawan nito.

Kaugnay na kabanata

  • The Vampire who will fall inlove with me   06: Saved by the bell

    Walang kamalay malay si Erinn sa nangyari kay Chester, nagulat na lamang ito ng bigla itong bumulagta sa kanyang likuran at nawalan ng malay.Labis na nabahala si Erinn sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya agad niya itong nilapitan."Chester! anong nangyari sayo?!" pag alala ni Erinn na pilit ginigising ang nawalan ng malay na si Chester.Ilang alog at tapik pa ay nagulat nalang si Erinn ng biglang bumukas ang mga mata ni Chester at gumalaw ng mabilis ang mga kamay nito para siya ay sakalin.Agad nagpumiglas si Erinn sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Chester, na tila pursigido itong bawian siya ng buhay."Ches...ter!! a-a-anong... gina...gawa mo?!" si Erinn na pilit kinokontra ang mga kamay ni chester sa pagkakasakal sa kanya.Di tumugon si Chester bagkus ay bigla nalang pumula ang mga mata nito at unti unting nang

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • The Vampire who will fall inlove with me   01: Pagtatagpo

    "Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan."bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa.Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw

    Huling Na-update : 2021-07-14
  • The Vampire who will fall inlove with me   02: Pagsisimula ng ugnayan

    Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito.Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste."wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa."yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.

    Huling Na-update : 2021-07-14
  • The Vampire who will fall inlove with me   03: Balita ni Briston

    Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa ba

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • The Vampire who will fall inlove with me   04: Volt

    Mabilis na tinatakbo ni Volt ang malawak na kagubatan papunta sa hile-hilerang bundok na milya milya ang kalayuan sa bayan ng Miserya.Sa takbong 90 mph na mas mabilis pa sa isang cheetah na tinaguriang fastest land animal at may panaka naka pang pagtalon talon sa mga matataas na puno na walang kahirap hirap ay agad na narating ni Volt ang kanyang destinasyon.Huminto si Volt sa pintuan ng isang grey na mansyon na nakatayo malapit sa paanan ng ilang kabundukan at halos napapalibutan din ng mga nagtataasang puno at malinis na ilog.Kung titignan ang mansyon na ito, ay tila iginaya ito sa disenyo sa mga sinaunang kastilyo sa pransiya at masasabing maraming dekada na ang pinaglipasan nito dahil sa kalidad ng hitsura nito mula sa labas.Mula dito ay humugot muna ng lakas ng loob si Volt bago pumasok sa mansyon na iyon.Malinis, maluwang at maayos ang loob ng mansyon na iyon, mamahalin ang mga naka display na babasagin

    Huling Na-update : 2021-08-16

Pinakabagong kabanata

  • The Vampire who will fall inlove with me   06: Saved by the bell

    Walang kamalay malay si Erinn sa nangyari kay Chester, nagulat na lamang ito ng bigla itong bumulagta sa kanyang likuran at nawalan ng malay.Labis na nabahala si Erinn sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya agad niya itong nilapitan."Chester! anong nangyari sayo?!" pag alala ni Erinn na pilit ginigising ang nawalan ng malay na si Chester.Ilang alog at tapik pa ay nagulat nalang si Erinn ng biglang bumukas ang mga mata ni Chester at gumalaw ng mabilis ang mga kamay nito para siya ay sakalin.Agad nagpumiglas si Erinn sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Chester, na tila pursigido itong bawian siya ng buhay."Ches...ter!! a-a-anong... gina...gawa mo?!" si Erinn na pilit kinokontra ang mga kamay ni chester sa pagkakasakal sa kanya.Di tumugon si Chester bagkus ay bigla nalang pumula ang mga mata nito at unti unting nang

  • The Vampire who will fall inlove with me   05: new friend

    Nakakapanibago ang buong araw na ito para kay Erinn sa eskwelahan.Nagpunta na kasi si Briston kasama ang buong basketball team sa inihandang training camp ng kanilang coach kaya isang linggo din niya itong di makakasama.Sanay naman nang mag-isa si Erinn pero siyempre nasanay na din siya na nasa tabi niya parati ang kanyang kaibigan na si Briston kaya napakalaking pagbabago pa din ang kanyang nararamdaman.Gaya ng dati ay mga mapanuri at mapanghusgang mga mata pa din ang ginagawad sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.Pilit na lang iniiwasan ni Erinn ang mga ito para na din hindi makaakit ng kaguluhan, baka kasi mamaya ay may makaisip na bigla nalang siyang pagtripan lalo na at wala sa kanyang tabi ang tigapag tanggol niyang si Briston.Habang mag-isang binabaybay ni Erinn ang kahabaan ng hallway sa kanilang eskwelahan papunta ng labasan ay napagpasyahan muna nitong dumaan sa b

  • The Vampire who will fall inlove with me   04: Volt

    Mabilis na tinatakbo ni Volt ang malawak na kagubatan papunta sa hile-hilerang bundok na milya milya ang kalayuan sa bayan ng Miserya.Sa takbong 90 mph na mas mabilis pa sa isang cheetah na tinaguriang fastest land animal at may panaka naka pang pagtalon talon sa mga matataas na puno na walang kahirap hirap ay agad na narating ni Volt ang kanyang destinasyon.Huminto si Volt sa pintuan ng isang grey na mansyon na nakatayo malapit sa paanan ng ilang kabundukan at halos napapalibutan din ng mga nagtataasang puno at malinis na ilog.Kung titignan ang mansyon na ito, ay tila iginaya ito sa disenyo sa mga sinaunang kastilyo sa pransiya at masasabing maraming dekada na ang pinaglipasan nito dahil sa kalidad ng hitsura nito mula sa labas.Mula dito ay humugot muna ng lakas ng loob si Volt bago pumasok sa mansyon na iyon.Malinis, maluwang at maayos ang loob ng mansyon na iyon, mamahalin ang mga naka display na babasagin

  • The Vampire who will fall inlove with me   03: Balita ni Briston

    Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa ba

  • The Vampire who will fall inlove with me   02: Pagsisimula ng ugnayan

    Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito.Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste."wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa."yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.

  • The Vampire who will fall inlove with me   01: Pagtatagpo

    "Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan."bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa.Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status