Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.
Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.
Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.
Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.
Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.
Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa bayan ng Miserya ito nakatira.
Dati na daw kasi silang nanirahan ng babaeng iyon kasama ng kanyang ina sa bayan ng Miserya noong bata pa lamang siya at talagang madaming haka-haka sa bayang ito ukol sa mga misteryosong nilalang.
Chat Box:
Rin_Rin_goaway: @Misteryoza_08, alam mo ba na may kakaibang nangyari sakin kagabi? as in, baka di mo paniwalaan๐ฑ
(typing.......)
Misteryoza_08: Hala! ๐ naintriga ako bigla bakla, itinigil ko talaga yung panonood ko ng getflix para sa chika mong yan.
(typing......)
Rin_Rin_goaway: paano kasi, may nagtangka nanaman mambully sakin, tapos ayun, nataguan ko sila, pero ang ending napunta ako sa mapunong parte ng eskwelahan namin ๐ฑ๐ฑ๐ฑ
(typing......)
Misteryoza_08: OMG!!! ๐ exciting naman!! di ba madami daw kababalaghan sa parte na yan?
(typing......)
Rin_Rin_goaway: true, at di lang kababalaghan, mga kakaibang nilalang pa kamo ๐ป
(typing.....)
Misteryoza_08: naku!!! sige na ituloy mo na yung kwento mo, nabibitin ako eh ๐
(typing...)
Rin_Rin_goaway: ayun na nga, bigla nalang may lumabas na duguang lalaki sa gilid ng puno, tapos take note, may palaso pang nakatarak sa likod niya, sobrang natakot ako, pero, pumsok pa din sa isip ko na tulungan siya at inalis yung palaso sa likod niya, daming sumirit na dugo friend.๐คฎ
(typing....)
Misteryoza_08: Hala! ๐ฒ so nabuhay naman ba siya? kala ko naman multo na eh, buti di ka tumakbo.
(typing.....)
Rin_Rin_goaway: akala ko nga nung una halimaw eh ๐ซ pero eto yung kakaiba, pagtapos kong alisin yung pana, pinasan ko siya at binalak kong dalhin sa ospital, pero pagsakay ko sa kanya sa tricycle at nang muli ko siyang sinipat ilang minuto lang ang nakalipas, akalain mong naghilom agad yung mga sugat niya? tanging mga bakas nalang ng peklat ang natira.๐ฑ
(typing....)
Misteryoza_08: AS IN??? nawala agad yung mga sugat niya? ๐ค parang kakaiba nga yan, teka, andyan pa ba siya ngayon? kunan mo ng litrato tapos send mo sakin.
(typing.....)
Rin_Rin_goaway: yun lang, nung magkamalay siya, bigla nalang siyang nawala na parang bula paglingat ko kagabi, as in ang bilis, ni hindi ko nga naramdaman eh ๐
(typing....)
Misteryoza_08: sayang! pero alam mo, malakas ang kutob ko, kabilang sa supernatural beings yung lalaking yun, biruin mo, mabilis maghilom yung mga sugat tapos mabilis? walang ganon na tao diba? ๐ค
(typing.....)
Misteryoza_08: basta pag nakita mo ulit yung lalaking yun update mo ko ha? mag research ako about sa mga supernatural beings na pwedeng ihalintulad sa description na sinabi mo, chat nalang ulit tayo, tawag na ako ni Madir eh ๐
END OF MESSAGE......
Matapos makipag chat ay napaisip nalang si Erinn sa mga sinabi ng ka-chatmate niya, na baka maaaring tama ang kutob nito.
Bigla nalang tuloy naisip ni Erinn yung hiniram niyang libro patungkol sa mga Supernatural beings.
Kinuha ni Erinn ang itim na libro sa kanyang bag na pinamagatang 'Arkiva Miserya' at kaniyang sinuri ito.
Wala itong table of contents at wala ding nakalagay na author, kahit introduction ay wala, sa unang buklat ay larawan agad ng kagubatan ang makikita mo.
May ilang pahina ito na naglalaman ng ilang impormasyon ukol sa mga diwata, mga taong lobo at mga bampira, pero may mga parte din sa librong ito na blanko at kulang kulang ang impormasyon na ibinigay.
"ano kayang problema ng librong to? bakit mas maraming blanko na pahina?" saad ni Erinn at agad naman nag alarm ang kanyang cellphone, tanda ito na kailangan na niyang mag-ayos para sa pagpasok sa eskwelahan.
Itinabi nalang niya ang libro na yun sa kanyang tukador at agad na siyang naghanda sa pagligo.
Maagang pumapasok ng eskwelahan si Erinn, pero gaya ng inaasahan niya, mga mapanghusgang mata agad ang mga sumasalubong sa kanya, yun bang mga titig na tila pinapatay ka nila sa isip nila?
Pero sanay na si Erinn dito, natural nalang to sa kanyang pang araw araw na buhay sa eskwela.
Pasalamat na nga siya at hanggang tingin nalang sila ngayon, dati kasi may bigla nalang magbubuhos ng kung ano sa kanya, kakabitan siya ng papel sa likod na may nakasulat na kababuyan o di naman kaya ay biglang may mampapatid sa kanya at tatawanan nalang siya ng lahat ng nakakita sa pagkakadapa niya.
Ilan lang yun sa mga pangyayari na ininda ni Erinn nung di pa niya nakikilala at nagiging kaibigan si Briston.
Pero wala eh, nasanay na siya, naging manhid na siya sa mga ganung bagay, iniisip nalang niya na darating ang bukas na bigla nalang magbabago ang pakikitungo ng mga taong humuhusga sa kanya, na magagawa din siyang tanggapin ng mga ito, na susubukang kilalanin at kaibiganin, dahil tao lang din naman siya, may karapatang mabuhay at may karapatan din na sumaya.
Sa classroom, habang nakatanaw si Erinn sa may bintana ay dumating naman si Briston, parehas kasi sila ng mga subject ngayong araw na to.
"uy!!! tulala ka nanaman diyan! ano nanaman ba yang iniisip mo?" pagbati ni Briston na agad umupo sa tabi ni Erinn.
"wala, napuyat lang ako sa research papers natin kagabi" may pagkalamyang saad ni Erinn na kahit ang totoo naman ay napuyat siya sa kakaisip sa lalaking tinulungan niya kagabi.
"Research papers? ikaw? mapupuyat sa bagay na yun? kilala kita Rinn, napaka sisiw lang sayo nung research papers natin" si Briston na di naniniwala sa palusot ni Erinn.
"Grabe ka naman, anong tingin mo sakin si Einstein? Si Newton? Ganon?" si Erinn na napapailing nalang kay Briston habang nangingiti sa espekulasyon nito.
"Pero di nga Rinn, siguro may ibang lalaki na diyan sa isip mo no?" si Briston na pilit tinignan sa mata si Erinn para makipag eye to eye contact at malaman kung nagsasabi ito ng totoo.
"pinagsasabi mo Ton? ikaw talaga, lakas tama ka namaman eh, kung anu-ano iniisip mo" si Erinn na tumingin sa ibang direksyon, di niya kasi kayang makipagtitigan ng matagal kay Briston .
"Sus! bakit umiiwas ka? kasi totoo? mas pogi ba sakin yan? mas ma-appeal? mas maganda ba yung katawan niyan kaysa sakin?" pangungulit ni Briston na pilit inihaharap si Erinn sa kanya.
"ano ba yang tanong mo Ton? tsaka bakit kailangan ikumpara mo pa sayo?" si Erinn.
"siyempre, ako dapat ang una lagi diyan sayo" tugon ni Briston na may pa-thumbs up pa na paturo sa kanyang dibdib.
"ewan ko sayo Ton, tsaka wala namang ibang lalaki na magtatangkang lumapit sakin dito para kaibiganin ako, i mean generally sa lahat ng mag-aaral dito, tanging ikaw lang naman ang nagtyaga na kilalalanin at kaibiganin ako" paliwanag ni Erinn na labis namang naramdaman ni Briston na may lungkot si Erinn sa pagkakasabi nito.
"yaan mo yang mga yan, pinipilit kasi nilang di makita yung mga magandang katangian mo, mas itinatak nila agad sa mga utak nila yung mga masamang sabi-sabi sayo kahit di ka pa naman nila nakilala ng lubusan" tugon ni Briston.
"Di ko nalang sila iniintindi, basta ako, masaya na ko na naging kaibigan kita, sapat na sa akin na may isang tao na di ako hinusgahan at laging nandyan para suportahan ako, ayoko din namang magaya sa iba na madami ngang kaibigan pero yung iba dun ay di naman masasabing totoo sa kanila" tugon ni Erinn.
Napangiti naman si Briston sa sinabi ni Erinn at agad niyang inakbayan ito.
"Na-touch naman ako sa sinabi mo sakin Rinn, pa-kiss nga" si Briston na agad ininguso ang labi niya kay Erinn.
Naging maagap naman si Erinn at agad nilayo ang mukha ni Briston sa kanya.
"Lakas talaga ng trip mo, alam mo naman na madami kang taga hanga dito at talaga namang mainit ako sa mga mata nila, gusto mo atang di na talaga ako makalabas ng buhay sa eskwelahang to eh" pag-iwas ni Erinn pero kahit ang totoo ay nakaramdam siya ng kakaibang tibok sa kanyang puso.
Noon pa lang ay alam na ni Erinn na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Briston at hindi yun hanggang sa pagkakaibigan lang, pero pilit nalang niyang iniiwasan ang damdamin na ito dahil ayaw niyang ito ang maging dahilan upang masira ang kanilang pagkakaibigan.
"parang kiss lang, eh sa natuwa ako sayo eh, pakialam ba nila? inggit lang yang mga yan, tsaka subukan lang talaga nilang saktan ka, wala silang mapagtataguan kahit saang lupalop pa sila sumuot, makikita at makikita ko pa din sila" saad ni Briston na nilakasan niya talaga ang boses niya para madinig at pagbantaan ang mga kaeskwela nila na nandoon sa paligid na nakamasid sa kanila.
"Briston? tama na nga, lalo lang akong pagdidiskitahan niyan eh" pagkabahala ni Erinn na talagang inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid ng ilang estudyante na napukaw ang atensyon.
Pero kahit ganun pa man, ay masaya si Erinn dahil handa siyang ipaglaban ng kanyang kaibigang si Briston sa kahit anumang oras.
"Nga pala Rinn, muntikan ko ng makalimutan yung ikwekwento ko, alam mo ba na nagsagawa si coach ng training camp para sa amin?" panimula ni Briston.
"oh, eh di maganda, para makapag bonding din kayo ng mga ka-team mo, tsaka para mas mahasa pa sila, for sure madami silang matututunan sayo" tugon ni Erinn.
"anung maganda dun? buti sana kung dito lang sa campus eh, kaya lang dun pa sa hot spring malapit sa paanan ng bundok naisipan ni coach isagawa yung training camp" salaysay pa ni Briston.
"uy pagkakaalam ko maganda yung lugar na yun, private kaya yung hot spring na yun at may kamahalan ang bayad, swerte mo no" pagkatuwa ni Erinn para sa kanyang kaibigan.
"anong swerte don? isang linggo kami dun Rinn, isang linggo akong mawawala dito sa campus, sila sila nalang, di ako sasama dun" saad ni Briston na talagang kumunot pa yung noo niya at napaka-cross arms pa.
Nakuha naman ni Erinn ang nais iparating ni Briston sa kanya, alam naman niya na siya ang dahilan kung bakit nag aalangan sumama dun ni Briston dahil ayaw siya nitong maiwan mag-isa.
Nakaramdam din naman si Erinn ng lungkot lalo pa at ilang araw din mawawala si Briston, halos nasanay na din kasi siya na andyan parati ang kanyang kaibigan sa kanyang tabi.
Pero naisip niya na hindi naman maaari na parati nalang ganun, lalo pa at may sariling buhay din naman si Briston, na hindi lang dapat halos sa kanya umikot ang buhay nito sa eskwelahan.
"Ton, dapat nandun ka, ikaw ang captain ng team niyo, ikaw yung tinutularan nila, ikaw yung inaasahan nila na gagabay at susuporta sa kanila maliban sa coach niyo" paliwanag ni Erinn.
"Pero Rinn..." si Briston na di na natuloy ang kanyang sasabihin dahil sa muling nagsalita si Erinn.
"Alam ko naman yung gusto mong sabihin, wag mo na akong alalahanin, nakasanayan ko naman nang mag-isa, kaya ko na yung sarili ko" pangungumbinse ni Erinn.
Napabuntong hininga naman si Briston at napaisip ng malalim.
"sumama ka na dun Ton, iisipin nalang ng mga ka-team mo na iniwan mo sila sa ere, saglit lang naman yung isang linggo, walang mangyayaring masama sakin okay?" dagdag pa ni Erinn na ikinabuntong hininga naman ng malalim ni Briston.
"okay... kung yan ang talaga gusto mo" nasabi nalang ni Briston na di pa din maialis sa kanyang isip ang mag-alala.
Hinawakan naman ni Erinn ang kamay ni Briston at ginawaran niya ito ng matamis na ngiti tanda na magiging maayos lang ang lahat.
"huwag ng mag-isip ng kung ano ha? buti pa ilabas mo na yung libro mo, may quiz tayo mamaya eh, bilis tatanungin kita" saad ni Erinn para maiba naman ang mood sa kanilang paligid at agad din niyang kinuha ang kanyang libro sa bag.
Habang masayang nag-aaral sina Briston at Erinn ay di nila namamalayan na pinagmamasdan pala sila ni Lisa na nasa hallway sa labas ng kanilang classroom.
"sige lang, namnamin mo lang ang pagkakataon na yan sa pinaka mamahal kong si Briston, bwiset ka talagang bakla ka, may araw ka din sakin" saad ni Lisa at agad na itong umalis sa lugar na iyon dahil sa pagkainis.
Dahil sa pagkawala ni Lisa sa mood ay napagpasyahan nalang niyang pumunta sa kaniyang tambayan sa likod ng cafeteria kung saan naroon ang dalawa niyang alalay.
"oh? bakit ganyan ang hitsura mo? may kinaiinisan ka nanaman ba?" saad ng alalay nito na may maikling buhok.
"hay nako Jam, tinatanong pa ba yan? malamang nakita nanaman niya si Briston na kasama yun si Erinn" saad naman ng isa pang alalay nito na nakaponytail ang buong buhok papunta sa left side.
"Kung sabagay Jen, yun lang naman ang pinaka nagpapawala ng mood niyang si Lisa, ewan ko ba kasi kay Briston, di ko maintindihan kung bakit buntot ng buntot diyan sa Erinn na yan, daig pa yung aso eh" saad naman ni Jam.
"kaya nga eh no? biruin mo, napaka gwapo, napaka hot at talagang napapabilang sa mga pinaka kilalang estudyante dito sa campus, tapos magiging kaibigan lang ng loser na Erinn na yun? kala mo pa mag jowa yung dalawang yun minsan eh, as in duh" may pagka arteng saad naman ni Jen.
Tila naman lalo lang nabwisit si Lisa sa pinag uusapan ng dalawang alalay niya.
"pwede ba?! hindi kayo nakakatulong na dalawa! lalo lang akong nabwibwiset sa mga pinagsasabi niyo!" sigaw ni Lisa at agad naman umayos sina Jam at Jen at agad umupo ang dalawang ito kaharap ni Lisa.
"Eh, ano na ba kasing plano mo?" sabay na sabay na saad nina Jam at Jen pagkaupo ng dalawang ito paharap kay Lisa.
Napataas naman ang kilay ni Lisa bago siya magsalita.
"basta, hindi ako papayag ng parati nalang ganito, kami dapat ni Briston ang nakikita ng mga estudyante dito na magkasama eh, panigurado pag naging kami na ni Briston ay kami ang tataguriang most hottest and most popular couple dito sa campus, tiyak na mas lalong dadami ang mga followers ko, at lahat ng estudyante dito ay luluhod sa aking harapan at tatanghalin akong reyna dahil sa tataglayin kong kasikatan" pagmamalaking saad ni Lisa na pinalakpakan naman nina Jam at Jen.
"Pero! mangyayari lang yun kung mawawala yang sagabal, bwiset at napaka-epal na bakla na yan sa buhay ni Briston, kaya sisiguraduhin kong malalasap ng baklang yun ang impyerno sa oras na pumunta si Briston sa training camp, MARK MY WORDS!!!" paniniguro ni Lisa.
Nagkatinginan nalang sina Jam at Jen sa maitim na pinaplano nitong si Lisa para kay Erinn.
Mabilis na tinatakbo ni Volt ang malawak na kagubatan papunta sa hile-hilerang bundok na milya milya ang kalayuan sa bayan ng Miserya.Sa takbong 90 mph na mas mabilis pa sa isang cheetah na tinaguriang fastest land animal at may panaka naka pang pagtalon talon sa mga matataas na puno na walang kahirap hirap ay agad na narating ni Volt ang kanyang destinasyon.Huminto si Volt sa pintuan ng isang grey na mansyon na nakatayo malapit sa paanan ng ilang kabundukan at halos napapalibutan din ng mga nagtataasang puno at malinis na ilog.Kung titignan ang mansyon na ito, ay tila iginaya ito sa disenyo sa mga sinaunang kastilyo sa pransiya at masasabing maraming dekada na ang pinaglipasan nito dahil sa kalidad ng hitsura nito mula sa labas.Mula dito ay humugot muna ng lakas ng loob si Volt bago pumasok sa mansyon na iyon.Malinis, maluwang at maayos ang loob ng mansyon na iyon, mamahalin ang mga naka display na babasagin
Nakakapanibago ang buong araw na ito para kay Erinn sa eskwelahan.Nagpunta na kasi si Briston kasama ang buong basketball team sa inihandang training camp ng kanilang coach kaya isang linggo din niya itong di makakasama.Sanay naman nang mag-isa si Erinn pero siyempre nasanay na din siya na nasa tabi niya parati ang kanyang kaibigan na si Briston kaya napakalaking pagbabago pa din ang kanyang nararamdaman.Gaya ng dati ay mga mapanuri at mapanghusgang mga mata pa din ang ginagawad sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.Pilit na lang iniiwasan ni Erinn ang mga ito para na din hindi makaakit ng kaguluhan, baka kasi mamaya ay may makaisip na bigla nalang siyang pagtripan lalo na at wala sa kanyang tabi ang tigapag tanggol niyang si Briston.Habang mag-isang binabaybay ni Erinn ang kahabaan ng hallway sa kanilang eskwelahan papunta ng labasan ay napagpasyahan muna nitong dumaan sa b
Walang kamalay malay si Erinn sa nangyari kay Chester, nagulat na lamang ito ng bigla itong bumulagta sa kanyang likuran at nawalan ng malay.Labis na nabahala si Erinn sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya agad niya itong nilapitan."Chester! anong nangyari sayo?!" pag alala ni Erinn na pilit ginigising ang nawalan ng malay na si Chester.Ilang alog at tapik pa ay nagulat nalang si Erinn ng biglang bumukas ang mga mata ni Chester at gumalaw ng mabilis ang mga kamay nito para siya ay sakalin.Agad nagpumiglas si Erinn sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Chester, na tila pursigido itong bawian siya ng buhay."Ches...ter!! a-a-anong... gina...gawa mo?!" si Erinn na pilit kinokontra ang mga kamay ni chester sa pagkakasakal sa kanya.Di tumugon si Chester bagkus ay bigla nalang pumula ang mga mata nito at unti unting nang
"Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan."bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa.Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw
Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito.Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste."wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa."yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.

Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa ba