Share

02: Pagsisimula ng ugnayan

last update Last Updated: 2021-07-14 15:47:12

Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.

'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.

Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito.

Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste.

"wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa.

"yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.

Sa pagkakatumba ng duguang lalaki ay naisip ni Erinn na pagkakataon na ito para siya ay makatakas.

Di na nagdalawang isip pa si Erinn at naglakad agad siya palayo sa nakahandusay na duguang lalake, pero bigla nalang siyang napahinto ng maisip niya na baka nangangailangan lang ng tulong ang lalaking iyon.

Nakakakonsensya naman kung iiwanan nalang niya iyon ng basta basta.

Naguguluhan man sa kanyang isip, ay binalikan na lamang niya ulit ang nakahandusay na duguang lalake upang siyasatin.

"ano bang gagawin ko?  sa tingin ko ay di naman mabangis na nilalang ang isang ito, pero bakit kaya siya nagtamo ng ganyang mga sugat?" si Erinn at siniyasat pa ng maigi ang nakahandusay na lalaki.

Nakita ni Erinn sa likod ng lalaki malapit sa balikat nito ang nakabaon na itim na palaso.

"teka, ang gusto ba niya ay alisin ko ang palaso na iyon?" si Erinn at agad niyang nilapitan sa bandang gilid ang nakahandusay na lalaki kung nasaan nakatarak ang itim na palaso.

"bahala na, basta ang alam ko ay kailangan ng tulong ng lalaking ito" saad ni Erinn at agad siyang kumuha ng towel sa kanyang bag.

Habang sinisiyasat ni Erinn ang likod ng duguang lalaki para maalis ang itim na palaso ay tila nahulog naman sa kakaibang panaginip ang lalaking ito.

Sa isang lugar na nababalot ng purong kadiliman ay may isang boses na pumangibabaw sa lahat.

"Mahal na mahal kita Volt" saad ng boses ng isang babae.

Dahil sa kadiliman ay walang maaninag ang lalaki na nababalot sa itim na balabal, pero natitiyak niya na kilala niya kung kanino galing ang naturang boses na iyon.

"Elledea?!! nasaan ka?! Elledea!!! wag mo akong iwan!! mahal na mahal kita Elledea!!" sigaw ng lalaki na napapalibot sa kadiliman.

Hinanap niya kung saan nagmula ang tinig, sinuong niya ang buong kadiliman pero wala, sadyang napakadilim ng paligid para makita niya ang babaeng kanyang sinisinta.

"Elledea! nasan ka na ba? bakit ganon? napakadilim ng paligid ko pero bakit nakikita ko ang aking kabuuan? nasaang lugar ba ako?" Pagtataka ni Volt sa kanyang sarili.

Sa pag-iisip ni Volt ay isang sigaw ang umalingawngaw sa buong kadiliman.

"Elledea???"

Matagumpay naman na naalis ni Erinn ang palaso at gaya ng inaasahan ay nagsisiritan ang mga dugo ng nakahandusay na lalaki, kaya naman agad tinapalan ni Erinn ng malinis na towel ang pinag alisan niya ng palaso sa likod nito.

Labis na pinagpawisan si Erinn sa kanyang ginawa at dahil sa kuryosidad ay di niya napigilang siyasatin ang itim na palaso.

"ngayon lang ako nakakita ng ganitong palaso, kakaiba ang disenyo nito kumpara sa mga ordinaryong palaso na nakikita ko, pero bakit kaya nagtamo ang lalaking to ng ganito?" pagtataka ni Erinn at itinapon nalang niya ang itim na palaso sa may damuhan.

Inisip nalang niya na baka nabiktima ang lalaking ito ng mga patibong ng isang mangangaso lalo pa't nagmula ang lalaking ito sa kagubatan na matatagpuan malapit sa likod ng kanilang eskwelahan.

Napagpasyahan ni Erinn na dadalhin na lamang niya sa hospital ang lalaking nakahandusay para mas masuri pa ang kalagayan nito ng mga duktor.

Kaya kahit may kabigatan ay pinilit niyang pinasan ang lalaki para makalabas na sa eskwelahan at makahanap ng masasakyan.

Ngunit, dahil sa gabi na ay madalang nalang ang mga sasakyan na dumadaan doon.

Tiyempo naman at di nabigo si Erinn na makita ang isang pedicab at agad niya itong tinawag para humingi ng tulong.

"oh, malalim na ang gabi ah" saad ng pedicab driver pagkalapit sa kinaroroonan ni Erinn.

"pakitulungan naman po ako, kailangan po kasing madala ng lalaking to sa ospital, malalim po ang mga natamo niyang sugat eh" paliwanag ni Erinn.

Labis naman ang pagtataka ng pedicab driver ng siyasatin niya ang lalaki na nakapasan kay Erinn.

"sigurado ka? kayong mga kabataan talaga, iinom inom tapos di naman pala kaya, mabuti pa ay iuwi mo nalang yan sa bahay nila para mahimasmasan" saad ng pedicab driver na tinulungan si Erinn sa pagsakay ng sugatang lalaki sa loob ng pedicab.

Labis na pagtataka ang bumalot kay Erinn sa sinabi ng pedicab driver na tila hindi man lang ito nagulat sa kalagayan ng lalaking nakapasan sa kanya. 

Pero, laking gulat nalang ni Erinn ng makita niya ang lalaki na tila naghilom na ang mga malalalim na sugat nito at nawala na ang mga bakas ng dugo nito sa buo nitong katawan.

"pero paanong?" labis na pagkagulat ni Erinn na ikinataka din ng pedicab driver.

"parang nakakita ka ng multo? sa susunod kasi kung iinom kayo siguraduhin niyo yung kaya niyo lang, mga kabataan talaga" saad ng pedicab driver habang napapakamot nalang sa ulo nito papunta sa kanyang bisikleta.

Labis man ang pagtataka ay napag pasyahan nalang ni Erinn na iuwi ang lalaking iyon sa kanyang bahay.

Samantala, habang nasa byahe ay nagsisimula namang maglabasan ang mga butil ng pawis sa lalaking iyon dahil sa kakaibang panaginip na tinatamasa nito.

"Elledea?!!! nasaan ka??!!" sigaw muli ni Volt at muli nanaman siyang tumakbo sa kawalan.

Di nagtagal ay biglang lumiwanag ang maliit na parte ng kadiliman at doon ay nakita niya ang isang babaeng nakahandusay na naliligo sa sarili nitong dugo habang nakatarak ang espada sa dibdib nito.

"Hindi.... Hindi ito maaari!!! Elledea!!!" si Volt na agad naglabasan sa mga mata nito ang mga dugong luha.

Tumakbo si Volt papunta sa kanyang sinisinta, pero ang nakapagtataka ay kahit na anong takbo niya eh hindi siya makalapit sa kinaroroonan ni Elledea.

Napaluhod nalang si Volt sa kanyang kinatatayuan habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha niyang dugo mula sa kaniyang mga mata.

"napakagandang tanawin hindi ba?" muli ay isang tinig nanaman ang pumangibabaw sa buong kadiliman.

Sa pagkakadinig ni Volt ng boses na iyon ay bumakas sa kanyang mukha ang matinding galit at poot.

"ikaw!!! alam kong ikaw ang may kagagawan nito kay Elledea! magpakita ka!! harapin mo ako!!!" sigaw ni Volt at gaya ng inaasahan ay nagkaroon ng bahagyang liwanag sa kanyang likudan kung saan makikita ang isang lalaking nakatayo hawak ang isang espada.

Habang nakapaloob pa din si Volt sa isang malalim na panaginip ay maayos naman na naihiga ni Erinn ang lalaking kanyang tinulungan sa malambot niyang kama.

Agad na kinuha ni Erinn ang kanyang first aid kit at isang t-shirt para pampalit sa punit punit na damit ng lalaki.

Naghanda din si Erinn ng maliit na planggana na may malinis na tubig at bimpo para mapunasan ito.

Bago punasan ni Erinn ang lalaki ay dito napagmasdan niya ang kabuuan nito.

Kakaiba ang kaputian ng lalaking ito lalo na kapag nasinagan ng liwanag ng buwan.

Nagtataglay ito ng gwapong mukha, matangos na ilong, makapal na kilay at mapulang mga labi.

Di din naiwasan ni Erinn na mapansin ang katawan nito na kababakasan ng mga marka ng naghilom na mga sugat.

Di gaanong develop ang abs nito pero masasabi na Lean ang katawan nito at walang kataba taba.

Maganda din ang hubog ng dibdib at mga braso nito na tila naging alaga sa push-ups.

"maganda din kaya ang kanyang mga mata?" nasabi ni Erinn habang pinagmamasdan nito ang maamong mukha ng lalaki na himbing na natutulog.

Dito, Napansin din ni Erinn ang labis na pagpapawis ng lalaki at may kalaliman nitong paghinga na tila may iniinda ito na kung anong sakit.

"teka, ano kayang nangyayari sa kanya?" pagkabahala ni Erinn.

Naisip nalang ni Erinn na punasan na lang ang katawan ng lalaki, baka sakali kasing guminhawa ang pakiramdam nito at maibsan ang nararamdaman nitong paghihirap.

Habang pinupunasan ni Erinn ang katawan ng lalaki ay nananatili pa din si Volt sa malalim nitong panaginip.

"Bakit mo to nagawa kay Elledea?!! bakit di nalang ako?!" sigaw ni Volt na mararamdaman ang galit at poot sa bawat salitang binibitiwan nito.

Di naman tumugon ang lalaking may hawak na espada at ngumiti lang ito na tila may halo ng pang iinis.

"magbabayad ka sa ginawa mo!!" sigaw ni Volt at agad niyang sinugod ang lalaking may hawak ng espada.

Di naman nabigo si Volt at nagawa niyang atakihin ang kanyang katunggali, yun nga lang, mabilis na naisalag ng lalaki ang kanyang espada mula sa mapamuksang kamay ni Volt.

Sa tunggalian ng lakas ng dalawa ay di maiwasang di makita ni Volt ang kanyang repleksyon sa espada, ang kanyang greyish silver na mga mata ay walang humpay sa pagluha ng dugo at mula sa repleksyon din na iyon sa kanyang likod ay muli niyang nasilayan ang nakahandusay na si Elledea sa may kalayuan.

Sa pagkakakita ni Volt sa walang buhay na si Elledea ay umigting lalo ang kanyang galit at nagbigay ito sa kanya ng karagdagang lakas para masupil ang kanyang katunggali.

Nagapi ni Volt ang taong pumaslang kay Elledea at naglaho nalang ito na parang bula.

"sa wakas, naipaghiganti na kita Elledea" saad ni Volt at muli niyang hinarap ang nakahandusay na walang buhay na si Elledea at nagbakasakali siyang muli na lumapit sa kanyang sinisinta. 

Sa pagkakataong ito, Hindi siya nabigo at nagawa na niyang malapitan at mahawakan ang bangkay ng kanyang pinakamamahal na si Elledea.

Tinanggal niya ang espadang nakatarak sa dibdib nito at niyakap niya ito ng mahigpit.

Patuloy ang pag-iyak at pagdadalamhati ni Volt habang yakap yakap ang bangkay ni Elledea.

"sana man lang ay may nagawa ako para mailigtas ka, pero wala, naging mahina ako Elledea" saad ni Volt na wala pa ding humpay sa pagluha niya ng dugo.

Bigla namang napatigil sa pagyakap si Volt sa katawan ni Elledea ng bigla niyang maramdaman ang pag galaw ng kamay nito.

"Elledea???" pagtataka ni Volt at pinagmasdan niya ng maigi ang napaka inosenteng mukha ni Elledea.

Sa pagkakatitig niya ay bigla nalang bumukas ang mga mapupulang mata ni Elledea na labis namang ikinasaya ni Volt.

"buhay ka? totoo ba ito? hindi ba ako nananaginip?" pagkagalak ni Volt at marahan niyang hinaplos ang mukha ng kanyang sinisinta.

"Hindi Volt, nagbalik lang ako dahil gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita at..." saad ni Elledea na biglang napatigil dahil sa paglabas ng dugo sa kanyang bibig.

Nabahala naman si Volt sa nangyari.

"Elledea? ano bang nangyayari? di ko maintindihan? ano bang nais mong sabihin sakin?" naguguluhang tanong ni Volt.

Nagulat nalang si Volt ng bigla siyang sakalin ni Elledea at mas lalong umigting ang pagkakapula ng kulay sa mga mata nito.

"mahal na mahal kita Volt!!!! kaya isasama kita hanggang kamatayan!!!!!" sigaw ni Elledea na halos pilipitin na ang leeg ni Volt, kulang nalang eh matanggal na ang ulo nito mula sa kanyang katawan.

Labis naman ang pagkabahala ni Erinn sa lalaking kanyang tinulungan dahil palalim ng palalim ang paghinga nito at talagang butil butil na pawis ang namumuo sa ilang parte ng katawan nito.

Agad na lumapit si Erinn sa nakahigang lalaki at pilit niya itong kinakalma.

"ano bang gagawin ko? binabangungot ata ang lalaking to?" labis na pagkabahala ni Erinn lalo pa at mas naging masidhi pa ang panginginig ng buong katawan nito.

Napabalikwas nalang si Erinn at napaupo sa sahig ng bigla nalang bumangon paupo mula sa pagkakahiga ang lalaki.

Kasabay ng pagmulat ng mga mata nito ay ang pagtama ng liwanag ng buwan sa kabuuan ng lalaki.

Doon ay kitang kita ni Erinn ang napakagwapong lalaki na kanyang tinulungan at nasilayan din niya ang napakagandang mata nito na kulay greyish silver na lalong nagpadagdag sa kakisigan nito.

Di naman nakakibo si Erinn sa sobrang pagkagulat at pinagmasdan lang niya ang lalaki na sinisipat ang sarili nito.

Labis na gumuhit sa mukha ng lalaki ang pagtataka lalo na sa suot niyang puting damit na may winnie the pooh na design na ikinabalik naman ng ulirat ni Erinn.

"Ano kasi... pasensya ka na sa damit, wala na kasi akong ibang mapapahiram na kakasya sayo eh" pagbasag ng katahimikan ni Erinn na naging sanhi upang tignan siya ng matalim ng lalaki.

Napalunok naman si Erinn sa pagkakatitig sa kanya nito, na tila ba gusto siya nitong kainin.

"Nasaan ako? sino ka?" saad ng lalaki na di pa din inaalis ang matalim niyang pagkakatitig kay Erinn.

"ah...kasi.. nakita kita sa may parteng kakahuyan malapit sa eskwelahan namin, tapos madami kang sugat at punong puno ka ng dugo, inalis ko pa nga yung itim na palaso na nasa sa likod mo eh, tapos..." pagsalaysay ni Erinn na hindi na natuloy dahil sa biglang pagsalita ng lalaki.

"ibig sabihin... Niligtas mo ako?" labis na pagtataka at pangamba ng lalaki.

"parang.... ganun na nga, di bale, wag kang mag alala, ligtas ka naman dito sa bahay ko, ano ba kasing nangyari sayo?" pagsiyasat ni Erinn.

Di naman tumugon ang lalaki at tila may malalim itong inisip na biglang bumagabag sa kanya ng labis.

"ah-eh, baka nagugutom ka na, saglit ipag iinit lang kita ng makakain" si Erinn na agad tumayo at agad kumuha sa kanyang aparador ng ready to eat food.

Agad na pumunta si Erinn sa gilid ng kanyang aparador kung saan nakalagay ang kanyang portable microwave para initin ang pagkain para sa lalaki.

Pero nagulat nalang siya ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na pumalibot sa kanyang kwarto na nagmula sa pagbukas ng glass door papunta sa kanyang balkonahe.

Paglingon niya ay bigla nalang nawala na parang bula ang lalaki na kanyang tinulungan.

Tumakbo siya palabas ng balkonahe para tignan kung nandito ito pero wala, naglaho na ito ng tuluyan.

"Sino ba ang lalaking iyon? o ang dapat ko bang itanong ay kung ano ba ang lalaking iyon?" nasabi nalang ni Erinn ng may halong pagkadismaya ng hindi na niya makita ang lalaking kanyang iniligtas.

Lumipas ang gabi na ito na madaming katanungan ang namutawi sa isip ni Erinn.

Related chapters

  • The Vampire who will fall inlove with meย ย ย 03: Balita ni Briston

    Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa ba

    Last Updated : 2021-08-14
  • The Vampire who will fall inlove with meย ย ย 04: Volt

    Mabilis na tinatakbo ni Volt ang malawak na kagubatan papunta sa hile-hilerang bundok na milya milya ang kalayuan sa bayan ng Miserya.Sa takbong 90 mph na mas mabilis pa sa isang cheetah na tinaguriang fastest land animal at may panaka naka pang pagtalon talon sa mga matataas na puno na walang kahirap hirap ay agad na narating ni Volt ang kanyang destinasyon.Huminto si Volt sa pintuan ng isang grey na mansyon na nakatayo malapit sa paanan ng ilang kabundukan at halos napapalibutan din ng mga nagtataasang puno at malinis na ilog.Kung titignan ang mansyon na ito, ay tila iginaya ito sa disenyo sa mga sinaunang kastilyo sa pransiya at masasabing maraming dekada na ang pinaglipasan nito dahil sa kalidad ng hitsura nito mula sa labas.Mula dito ay humugot muna ng lakas ng loob si Volt bago pumasok sa mansyon na iyon.Malinis, maluwang at maayos ang loob ng mansyon na iyon, mamahalin ang mga naka display na babasagin

    Last Updated : 2021-08-16
  • The Vampire who will fall inlove with meย ย ย 05: new friend

    Nakakapanibago ang buong araw na ito para kay Erinn sa eskwelahan.Nagpunta na kasi si Briston kasama ang buong basketball team sa inihandang training camp ng kanilang coach kaya isang linggo din niya itong di makakasama.Sanay naman nang mag-isa si Erinn pero siyempre nasanay na din siya na nasa tabi niya parati ang kanyang kaibigan na si Briston kaya napakalaking pagbabago pa din ang kanyang nararamdaman.Gaya ng dati ay mga mapanuri at mapanghusgang mga mata pa din ang ginagawad sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.Pilit na lang iniiwasan ni Erinn ang mga ito para na din hindi makaakit ng kaguluhan, baka kasi mamaya ay may makaisip na bigla nalang siyang pagtripan lalo na at wala sa kanyang tabi ang tigapag tanggol niyang si Briston.Habang mag-isang binabaybay ni Erinn ang kahabaan ng hallway sa kanilang eskwelahan papunta ng labasan ay napagpasyahan muna nitong dumaan sa b

    Last Updated : 2021-08-17
  • The Vampire who will fall inlove with meย ย ย 06: Saved by the bell

    Walang kamalay malay si Erinn sa nangyari kay Chester, nagulat na lamang ito ng bigla itong bumulagta sa kanyang likuran at nawalan ng malay.Labis na nabahala si Erinn sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya agad niya itong nilapitan."Chester! anong nangyari sayo?!" pag alala ni Erinn na pilit ginigising ang nawalan ng malay na si Chester.Ilang alog at tapik pa ay nagulat nalang si Erinn ng biglang bumukas ang mga mata ni Chester at gumalaw ng mabilis ang mga kamay nito para siya ay sakalin.Agad nagpumiglas si Erinn sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Chester, na tila pursigido itong bawian siya ng buhay."Ches...ter!! a-a-anong... gina...gawa mo?!" si Erinn na pilit kinokontra ang mga kamay ni chester sa pagkakasakal sa kanya.Di tumugon si Chester bagkus ay bigla nalang pumula ang mga mata nito at unti unting nang

    Last Updated : 2021-08-22
  • The Vampire who will fall inlove with meย ย ย 01: Pagtatagpo

    "Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan."bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa.Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw

    Last Updated : 2021-07-14

Latest chapter

  • The Vampire who will fall inlove with meย ย ย 02: Pagsisimula ng ugnayan

    Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito.Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste."wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa."yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.

  • The Vampire who will fall inlove with meย ย ย 01: Pagtatagpo

    "Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan."bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa.Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw

DMCA.com Protection Status