Share

CHAPTER 2- DEAL

Author: NORWEINA
last update Last Updated: 2024-12-13 19:08:48

TININGNAN ng maigi ni Hillary ang mga mata ni Mr. Joaquin at ikinaway ang kanyang mga kamay sa harapan para malaman kung may deperensya ba ito sa mata.

Natawa bigla si Mr. Joaquin sa kanyang ikinilos, sinenyasan din siya nitong umayos ng pagkakaupo. "I'm not blind, dear. I can see you clearly." Aniya.

"But sir? I look different from the picture. You should be disappointed at me" Gusto pa ni Hillary na hikayatin itong i-reject siya.

Napatingin din si Hillary sa mga magulang niyang hindi makapagsalita dahil iba rin ang kanilang inaasahan na mangyayari pero mayroong tuwa sa kanilang puso na tinanggap ang kanilang anak ni Mr. Joaquin na walang masamang sinabi. Maliban lang kay Lorraine Gavinski na makikita sa reaksyon ng mukha na hindi niya gusto si Hillary.

"Mr. Joaquin, are you serious with this? B-baka po kasi magkamali kayo ng desisyon?" Tanong ni Harold, gusto niyang klaruhin nito ang kanyang desisyon.

"Yes, I am serious with this. Ang anak mo ang pinipili ko na maging bride ng aking anak. And I'm going to set the wedding tomorrow morning. Is that okay Hillary?" Ngumisi ng malapad si Mr. Joaquin habang nakatingin ng deretso kay Hillary na namumutla na.

Sa mga oras na ito, maraming pumasok na mga bagay sa isipan ni Hillary, karamihan sa mga ito ay mga bagay na kanyang kinakatakot na mangyari, isa na rito ay malagay sa alanganin ang buhay ng kanilang pamilya.

Kung tatanggihan niya ang kasal, tiyak na mapapahiya sila sa publiko kapag ginawa niya iyon, baka mas lalong malugmok ang kanilang negosyo. Ang tanging magagawa niya nalang sa ngayon ay pumayag para wala ng problema. Inisip niya nalang ang kapakanan ng kanilang negosyo. Kailangan nila ng tulong at makukuha nila iyon mula sa pamilya Gavinski.

Nang mapabalik sa reyalidad si Hillary, napalunok siya ng laway bago sumagot. "Y-yes po. P-pumapayag po ako." Nauutal niya pang sagot.

Imbes na matuwa ang kanyang mga magulang sa kanyang sagot, nagkaroon ng kalituhan sa kanilang mga mukha lalo na ang kanyang ina.

"Anak? S-sigurado ka na ba talaga?" Nag-aalala siya na mapilitan itong ikasal sa taong hindi niya naman gusto.

"S-s'yempre naman Mommy, sino pa bang aayaw sa anak niyang si Hugo?"

Sa katunayan, dapat narito rin si Hugo ngayon para kilatasin ang kanyang magiging bride pero hindi na ito naglaan ng oras at mas inuna pa ang ibang bagay, wala kasi itong pakialam.

Ang pangangamba ni Lucille sa anak ay posibleng hindi maganda ang magiging trato ng kanyang mapapangasawa.

"Pero anak kung napipilitan ka lang we can cancel this engagement if you want." Sabi ni Harold.

Bilang ama ayaw ni Harold na maliitin ang kanyang pinakamamahal na babaeng anak. Naghahangad man siya na makakuha ng pondo para sa negosyo pero mas mabigat pa rin sa kanya ang kapakanan ng anak. Ipapakasal ito sa taong medyo matanda sa kanya ng anim na taon kaya normal na mag-alala siya sa kalagayan nito.

"Why are you worried Mr. Bermudez? This arranged marriage is crucial to save your crumbling business. Besides, your daughter is in good hands, my son is a good man." Mahinahong sabi ni Mr. Joaquin, kanina niya pa napapansin na hindi sila komportable tatlo.

"Umm...it's not like that Mr. Gavinski, gusto sana naming humingi ng kaunting oras para makapagdesisyon kami ng maayos. We want to make sure our daughter decide what she wants for herself hindi lang para sa amin." Tugon ni Harold.

“Sure, take your time.” Pahintulot ni Joaquin Gavinski.

Napabuntong-hininga si Hillary na sobrang nalilito na ngayon kung ano ba ang kanyang uunahin, ang kanya bang sarili o ang pamilya?

×××××

Matapos makipag-usap ng pamilya Bermudez sa mga Gavinski, nagpunta si Mr. Joaquin sa opisina ng anak para kausapin ito tungkol sa kanyang darating na kasal.

Makikita niya ang anak na nakaupo sa kanyang desk at sobrang tutok ito sa pagbabasa ng mga dokumento. Napaangat naman ito ng ulo nang marinig ang ingay ng sapatos ng kanyang ama na papalapit sa kanyang mesa.

"Hugo, tomorrow is your wedding day. You have to prepare." Seryosong sabi ni Joaquin.

Saglit na natigilan si Hugo sa pagbuklat ng folder at walang reaksyon ang kanyang mukha na tumingin sa ama na naupo sa harapan.

"I know you hate marriages but you can't run away from this. May nahanap na akong babae na magiging katapat mo." Aniya, napainom pa si Joaquin ng alak na nasa tabi. "And she's 21 years old, not bad, right?"

"This is not a good idea, Dad. Getting married is not in my plans! You really planned for me to marry a twenty year old? That's b*llsh*t!" Inis na sabi ni Hugo, sumakit ang kanyang ulo dahil sa mga pinanggagawa ng ama ng walang permiso mula sa kanya.

"Hugo, if you don't want to get married then expect that you won't inherit this company. You know you need to become a married man to be eligible to acquire all of our assets. Don't wait for your cousins to steal this company from us." Paliwanag ni Joaquin. Matagal niya na itong kinukumbinsi na magpakasal pero ayaw din nitong pumayag. ”Lastly, this is your mother's dream.”

Natahimik si Hugo na walang masabi, may punto ang ama niya dahil posibleng mawalan siya ng kapangyarihan sa kompanya kapag hindi pa siya kasal sa kanyang edad. Naalala niya rin ang pangarap ng kanyang yumaong ina na matagal ng namatay.

"Dad, I know, but I should be the one deciding, not you!" Reklamo ni Hugo.

"Hugo! I have the right to decide because I know what's the best for you." Dikta ni Joaquin at hindi niya gusto ang pananalita nito.

"Really, Dad? Eh, hindi mo nga ako tinatanong kung gusto ko ba o hindi? Ikaw lang naman ang laging nasusunod, it's all about your decisions, not mine!"

"I'm your father, Hugo. Hangga't buhay ako, masusunod ang mga utos ko. I'm doing this for your good, so listen. Tomorrow, you have to get married!"

Gustong matawa ni Hugo. "Hindi pa ako pumapayag, Dad. Don't dictate me what to do!" Pagmamatigas niya.

Napahampas naman si Joaquin sa mesa sa sobrang inis, "It's all set, bukas na bukas kailangan mong maghanda. You have to be there for your bride."

Bago umalis si Joaquin, mayroon siyang inilagay na folder sa mesa at naglalaman iyon ng impormasyon tungkol kay Hillary Bermudez.

Pag-alis ni Joaquin, kinuha niya ang folder at binuksan, unang bumungad sa kanya ay ang magandang larawan ng isang babae.

Hindi niya gustong maikasal sa kahit na sinong babae pero sa oras na nakita niya ang mukha ng babaeng kanyang papakasalan bukas, parang mayroong nagtulak sa kanya na ituloy ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 3- WEDDING DAY

    SA araw ng sabado, magaganap na ang kasalan ni Hillary at Hugo at maraming mga nagulat sa biglaang announcement ng pamilya Gavinski. Tsaka na-intriga rin ang mga tao kung sino nga ba si Hillary Gail Bermudez. "This gown is worth $5,000. This looks good on you, darling." Sabi ng baklang designer na tumulong na mag-ayos sa suot na gown ni Hillary. "Talaga?? Mga 200k na 'yun, ah?" Gulat na tanong ni Hillary na napahawak sa magandang design ng kanyang white gown na kumikinang-kinang sa liwanag. Napatingin din siya sa kanyang repleksiyon at hindi siya makapaniwala na nagbago ang hitsura ng kanyang mukha. Inahit ng make-up artist ang kanyang makakapal na kilay, ni-rebond ang buhaghag niyang buhok at itinanggal ang kanyang braces. "Ako pa ba ito?" Sa sobrang pagkamangha, pakiramdam niya tuloy ay ibang tao na ang makikita niya sa salamin at parang naglaho ang dating siya. "Yes, darling. You look wonderful! For sure mahuhulog agad ang loob ni Sir Hugo sa inyo." Masayang sabi ng stylist na

    Last Updated : 2024-12-13
  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 4- I DO?

    NAGSIMULANG maglakad si Hillary sa pasilyong may mga nagkalat na mga bulaklak habang nakakapit siya sa braso ng ama. Hindi naman maalis ang kanyang mga mata sa lalaking nasa altar na siya ring nagmamasid sa kanyang paglalakad.Ito ang unang beses na nagkita ang dalawa, at pareho silang estranghero sa isat-isa. Ngunit pamilyar na kay Hillary si Hugo dahil dala nito ang sikat na apelyido ng pamilya Gavinski. Si Hugo Gabriel Gavinski ay nasa edad na bente-siete anyos, isang business tycoon na hawak ang malaking kompanya ng Gavinski. Malawak rin ang impluwensya nila hindi lang sa bayan kung hindi na rin sa buong bansa at may koneksyon pa sila sa ibang bansa. Kaya hindi pa rin makapaniwala si Hillary na ganoon ka-mapangyarihan ang taong kanyang paakasalan. And now he's waiting for her in the altar! Habang naglalakad si Hillary, pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng oras at hindi talaga maalis ang kanyang mga mata sa mukha nito na masungit kung tingnan. Sa isip naman ni Hugo ay napap

    Last Updated : 2024-12-13
  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 5-TRICK

    Matapos ang kasalan, sumapit ang gabi kung saan ay nanatili si Hillary sa kanilang magiging kwarto at doon siya nagpapahinga matapos ang nakakapagod na araw. Nakahiga siya ngayon sa malambot na kama at sinubukang matulog pero napatingin siya sa bumukas na pinto at nakitang pumasok si Hugo. Pansin ni Hillary na mukhang lasing ito dahil uminom ito kanina sa reception. Nangilabot din siya nang biglang mapaisip na matutulog sila sa iisang kama bilang mag-asawa. "D-dito ka ba matutulog?" Tanong ni Hillary sa lalaki na tinanggal ang kanyang coat at necktie. "I'm here to ask you a question." Tugon ni Hugo, naupo ito sa couch na nasa tapat at para itong nasa talk-show na magbabato ng mga maanghang na tanong. "What kind of questions?" Pagtataka ni Hillary na umayos ng pagkakaupo. Seryosong tumingin si Hugo na mayroong inis sa mga mata. Naiinis siyang isipin kung papaano pumayag ang ama na si Hillary ang babaeng ipakasal sa kanya na nagbagong anyo lang pala. May itinapon si Hugo na laraw

    Last Updated : 2024-12-13
  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 6-MISUNDERSTANDING

    Walang natanggap na sagot si Hugo mula sa ama at naisipan niya nalang umalis pero bago siya lumabas, may inihabilin muna siyang salita."Don't expect me to treat her right. I didn't ask for a wife in the first place." Malamig niyang sabi.Pagkatapos ay tuluyan ng lumabas si Hugo mula sa silid-aklatan ng kanyang ama.Nang lumabas siya, nakita niya ang babae na matiyagang naghihintay sa tabi ng pader.Matalim niyang tiningnan si Hillary, at ang kanyang mga mata ay puno ng inis. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay ni Hugo at nilampasan siya.Pumasok naman si Hillary sa silid-aklatan at nagsimula, "Sir Joaquin, ipinangako niyo sa akin na bibigyan niyo.."Bago matapos ni Hillary ang sasabihin agad siyang pinutol ni Joaquin, "Huwag mong banggitin ang bagay na 'yan sa kahit sino sa pamilya. Naresolba na ang problema sa inyo ng pamilya at ipapangako

    Last Updated : 2025-01-01
  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 7-QUESTIONS

    Klarong-klaro kay Hillary na pinapakita ni Hugo na wala talaga siyang pakialam at wala din naman siyang pakialam sa kanya. Kung magpataasan sila ng pride, panalo si Hillary d'yan. Ngayon na parte na ng pamilya Gavinski si Hillary, magtitiis nalang siyang makasama ang pamilyang ito kahit hindi niya gusto, lalo na ang kanyang asawa na gusto niyang balatan ng buhay. Napabuntong-hininga si Hillary at napabalik sa kwarto sa taas para magpahinga. Magkasama dapat sila ngayong gabi pero masaya siya na umalis ang lalaki dahil sosolohin niya ang malaki at malambot na kama. Kanina pa sana siya nakatulog pero binulabog siya ng asungot na si Hugo. Samantala, bumalik si Mayor Harrison sa kanilang kwarto at nakita ang kanyang asawang si Jennifer na nakahiga na sa kama, "Honey, maari mo bang samahan si Hillary sa kanyang kwarto ngayon? Iniwan kasi siya ni Hugo at binastos. Ayaw kong isipin ng mga tao na mayroong gulo sa pagitan nila. Hindi maganda na pag-usapan ito ng maraming tao, madadamay tayo.

    Last Updated : 2025-01-01
  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 8-BREAKFAST

    "No! Hindi ako aalis, gusto kitangmakasama ka, Hugo, please I'll stay with you. We better leave together, hmm? Lisanin natin ang lugar na ito at hayaan mo na ang bride mo!" Desperadang iyak ni Vanessa. Walang mayaw sa kakaiyak at halos mawalan na ng malay. Nang dumating ang sundo niya, hindi pa rin niya gustong umuwi. At napilitan si Hugo na akayin siya papalabas at inilagay ito sa loob ng sasakyan, "Take her home and please ingatan niyo siya."Nang gabing iyon, si Hugo ay nakaranas ng matinding sakit ng ulo na kulang nalang ay matumba siya kaya agad siyabf napainom ng gamot. Dahil hindi siya dinadalaw ng antok, pumunta siya sa kanyang study room at binuklat ang mga dokumento na nakuha mula sa kanyang ama at binasa ang mga nakalagay doon.Hindi niya alam kung tama bang magpakasal siya sa isang babaeng hindi niya pa nakikilala ng lubusan, at pakiramdam niya ay isang malaking pagkakamali na pumasok siya sa isang kasal na hindi niya mahal ang babae. Naiinis talaga siya kay Hillary, hin

    Last Updated : 2025-01-02
  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 9-SHAME

    Nagmatigas pa rin si Jennifer sa asawa at wala siyang balak na makinig sa mga sinasabi ni Mayor Harry sa kung anong mga dapat niyang gawin. Ayaw niyang kinokontrol siya nitong parang robot. Inis naman na pinagsabihan ulit ni Mayor Harry ang asawa, "Jennifer, kung marinig ko ulit na nanggugulo ka, alam mo na kung ano ang magiging kahihinatnan!"Tiningnan naman ni Jenny ang pagtalikod ng asawa at nanlumo siya sa kama, bigla rin siyang naiyak dahil sa pagmamalupit nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya kinakampihan nito. At ang nangyaring ito ay isinisisi niya agad kay Hillary, kung hindi dahil sa babaeng iyon, hindi sana siya napagalitan ng asawa. Nang dahil sa kanya, ganito siya tinatrato ni Harry. Kung ganito lagi ang sitwasyon, hindi siya kailanman magbibigay galang kay Hillary. Hindi siya makakapayag na magtagal ito at kakampihan ng kahit na sino, lalo na ng kanyang sariling asawa. Samantala, may isang taong na naghihintay kay Jennifer sa ibaba.Habang naghi

    Last Updated : 2025-01-03
  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 10-FAKE??

    Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Mr. Joaquin nang tanungin niya ang kasambahay, "Nasaan si Hugo?" "Sir, hindi po makontak ang iyong anak." Sagot ni Butler Arthur. Napailing si Mr. Joaquin. "Wala talagang respeto ang lalaking ‘yun. Wala ng ibang gumawa khng hindi tumakas." Sa sandaling iyon, isang itim na kotse ang huminto sa harapan ng mansyon. Mula rito, lumabas ang isang matangkad na lalaking may malamig na ekspresyon, at matikas ang kanyang paglalakad na nakakapukaw pansin sa sinumang babae ang makakakita. Maingat niyang isinara ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob ng lumang bahay. Nang makita siya ni ni Joaquin mas lalong hindi maipinta ang mukha nito, hindi pa man ito nakakapagsalita ay biglang tumayo si Jenny at may mapanuksong ngiti na naglaro sa kanyang mga labi. "Tingnan mo nga naman," aniya. "Magkasama kayo ni Vanessa kagabi, pero hindi kayo sabay na dumating ngayong umaga. Ano ba ang iniiwasan niyong dalawa? Natatakot ka bang malaman ang ginawa niyo?"

    Last Updated : 2025-03-01

Latest chapter

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 149-SENT

    Maagang-maaga pa lang ay nakasuot na ng sportswear sina Jackson at Hugo habang tumatakbo sa oval sa loob ng kanilang bakuran."Alis ako ng ilang araw. Ikaw na muna ang bahala sa mga gawain sa paaralan. Kapag sumibat ka pa ulit, pagbalik mo, babaliin ko mga binti mo." Pananakot ni Hugo.Napalunok ng laway si Jackson na agad nangako, “Promise!”Muling nagsalita si Hugo, "I -report mo rin sa akin araw-araw kung anong ginagawa ni Hillary.""Ayoko. Gusto mo pa akong maging espiya sa tabi niya."Pagkasabi pa lang nito, tinapik agad ni Hugo ang likod ng ulo ng pamangkin niya."Sinasabi ko sa'yo, bantayan mo siya!"Napangiwi si Jackson habang hawak ang batok niya, "Hindi na kailangan bantayan ng asawa mo. Mas okay pa ngang siya ang magbantay sa akin.""Wala ka talagang silbi.” Panunukso ni Hugo.Makalipas ang ilang ikot, umuwi na silang dalawa.Nagising si Hillary at naka-pajama pang hinanap ang asawa niya sa buong bahay."Nasaan ang asawa ko?"Sumagot ang kasambahay, "Nasa likod mo po."Pagha

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 148-HIDDEN TRUTH

    Tinakpan ng makakapal na ulap ang luha ng buwan. Tahimik na nag-upo ang mag-aama sa loob ng mahabang oras bago sila naghiwa-hiwalay.Pagbalik ni Hugo sa kwarto, nakita niya ang kanyang pusa na nakahiga sa kama—mainit tulad ng araw, at muli siyang nakaramdam ng pagiging konektado. Ang pamilya na nabuo niya kasama si Hillary ang siyang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng saya at kapanatagan.Bumalik siya sa kanyang pwesto, marahang inangat ang ulo ng babae, at inakbayan ito. Masyado na itong antok at hindi na namalayang muli siyang hinalikan nito.Sa panaginip niya, ibinuka niya ang kanyang bibig at kinagat ang labi ng asawa niya."Mm, ang sarap~" Biglang ungol ni Hillary.Nagitla si Hugo at bahagyang natawa. "Ano na namang pagkain ang napanaginipan mo?"Sa panaginip ni Hillary, tinawag niya ang asawa, "Asawa ko... hmm, ang sarap mo.."Muling natawa si Hugo at mahina niyang sinabi, "Ibig sabihin, napanaginipan mong kinakain mo ang asawa mo."Napailing si Hugo na hinalikan ng pisnge nito

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 147-LOST

    Kumatok si Hugo sa pinto. "Dad, labas ka muna sandali."Masama ang timpla ni Mr. Joaquin at sumagot, "Tulog pa ako.""Bibigyan kita ng limang minuto, pumunta ka sa opisina ko." Pagkasabi nito, umalis na si Hugo.Napamura si Mr. Joaquin, “Panira naman ‘to si Hugo."Pero, makalipas ang limang minuto, nagtungo rin siya sa opisina ng kanyang bunsong anak na may masamang mukha. "Ano bang problema?"Nasa loob din si Harry, nakaupo sa opisina ng kapatid niya.Isinara ni Hugo ang pinto, umupo siya sa gilid at seryosong sinabi sa kanyang ama at kuya, "Nakita ko yata si Amelia."Pagkasabi ni Hugo, napansin ni Mr. Joaquin ang bigat ng sinabi ng anak, kaya pala pinatawag sila sa opisina.Nang marinig ang sensitibong pangalan, agad na nanlamig ang paligid. Hindi agad nakapagsalita si Mr. Joaquin. Nakaramdam siya ng isang matinding kaba na hindi niya maipaliwanag kung takot ba ito o tuwa.Tinanong siya ni Harry, "Sigurado ka bang hindi ka lang namalik-mata? Labinlimang taon na ang lumipas, baka hind

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 146-BUSY

    Ang mga reklamo ni Hillary ay nauwi sa mga impit na ungol.Wala nang matakbuhan ang kanyang dila sa bibig, at dahil sa halik ay nawalan siya ng ulirat, hindi na niya napansin na may dalawang malalaking kamay na dahan-dahang pumapasok sa kanyang bewang.Hanggang sa dahan-dahang umakyat ang mga kamay na iyon.Napakislot si Hillary at mabilis na itinulak ang kamay ng kanyang asawa mula sa kanyang katawan. “Mmm, mahal, ikaw talaga.”Lasing na lasing si Hugo sa halik kaya halos ipadapa niya ang kanyang misis sa mesa at tuksuhin ito sa ilalim niya. Isang halik lang, muntik nang mauwi sa kung ano pa.Pagbalik nila sa kwarto, dumiretso si Hugo sa banyo para maligo. Samantalang si Hillary ay gumulong sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot.Napapikit si Hugo habang tumatagaktak ang tubig sa kanyang mukha. Noong binata pa siya, wala siyang interes sa ganoong bagay. Pero ngayon na may asawa na siya, nag-iba na ang takbo ng kanyang utak. Dati, ayaw niya ng laman. Ngayon, gustong-gusto niya.Parang

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 145-FIXED

    "Hillary, huwag ka nang pupunta sa lugar kung saan kayo nagpunta kahapon."Kagat-labing hindi sumagot si Hillary.Sabi ni Hugo, "Pagkatapos ng klase, manatili ka na lang sa bahay at maghintay sa akin na umuwi.”Tahimik lang si Hillary.Ang dali lang para sa asawa niyang sabihin na manatili siya sa bahay eh lakwatsera siyang babae. Kahit saan-saan nalang din siya napapadpad at naglilibot sa mga hindi alam na lugar, tsaka paborito niyang libangan ang billiards pero paminsan-minsan lang siya na maglaro kapag magkasama sila ni Jackson.Sa loob ng kwarto, nagkwento naman si Hugo ng matagal tungkol sa masasamang epekto ng billiards at iba pang competitions. Nagkunwari si Hillary na nakikinig. Pero sa loob-loob niya, iniisip lang niya na gusto lang siyang ilayo ng asawa sa kanyang mga libangan at ilihis ang atensyon niya rito."Hillary, ano ang sinabi ko kanina?"Napatulala si Hillary na hinypnotize ng sarili niya. Patay! Hindi niya alam na may pa-quiz pala! Wala siyang narinig!Kita ni Hugo

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 144-LINK EMOTIONS

    Bumalik si Hugo noong hapon. Nakauwi na rin mula sa paaralan sina Hillary at Jackson.Pagkakita kay Hugo na dumating, agad na tumakbo si Hillary papalapit sa kanya. “Asawa ko, andito ka na.”Nakita ni Hugo ang pag-iingat sa kilos ng asawa, kaya niyakap niya ito saglit.Pagkatapos, agad niyang binitiwan si Hillary at sinabi, “Behave ka muna, may aasikasuhin lang ako.”Lumapit naman si Hugo kay Jackson na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa cellphone. Nang marinig ang tawag ng tiyuhin, itinapon niya ang sandalan, tumayo, at sumunod kay Hugo paakyat sa study room.“Uncle, kung paparusahan mo ako, sabihin mo na agad para hindi ako kabahan.”Halos kusa nang pumasok si Jackson sa "kulungan" para parusahan. “Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa mo, pero sinasabi ko na ngayon pa lang, kapag may nangyari kay Hillary, ikaw ang sisingilin ko. Huwag na huwag kang babalik sa gano’ng klaseng lugar.”“Rinig mo ba ako?” tanong ni Hugo, seryoso ang tono.Hindi sumagot si Jackson. Dahil kung sasang

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 143-SACRIFICE

    “Hillary, magpaliwanag ka ngayon sa akin!”Galit na sigaw ni Hugo habang nakatayo sa harap ng kanyang asawa. Mula nang ikasal sila, hindi naging maayos agad ang pagsasama nila. Ngunit kalaunan, si Hillary ay parang batang inalagaan at pinahalagahan ni Hugo. Kaya't nang bigla niya itong sigawan, ikinagulat iyon ng lahat.Nasa loob sila ng opisina ni Hugo sa mansyon. Nakatayo si Hillary sa gitna ng silid, at doon na siya napaiyak. Tumulo ang luha niya at hindi siya tumigil sa paghikbi. Para siyang batang pinagalitan ng magulang, at hindi niya alam ang gagawin.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang manggas ng suot niya.Nainis si Hugo sa sarili. Napakuyom siya ng kamao at padabog na lumapit sa kanyang umiiyak na asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.“Hillary, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nakipaglaro sa mga siraulong lalaki doon?” mariin niyang sambit.Hindi na halos makita ni Hillary ang paligid dahil sa luha. Hindi na niya alam kung anong isasagot.

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 142-FOUND

    Habang si Hugo ay balisa na mabilis na nagmamaneho, hinahanap ang kanyang nawawalang asawa. Tinawagan niya ang kanyang biyenan upang alamin kung nasaan ang kanyang asawa. Nang malaman nina Harold at Lucille na nawawala ang kanilang anak na si Hillary, agad nilang tinawagan si Jeah, ngunit walang sumasagot."Hugo, hindi ko makontak si Hillary, Jackson, at Jeah. Paano kung tawagan na natin ang pulis?" mungkahi ni Lucille.Nakapagitan si Hugo. Binaba niya ang tawag sa kanyang mga biyenan at tinawagan si Denmark, isang kaibigan na kilala sa pagiging madaldal. "Denmark, nawawala na naman ang asawa ko. Kailangan ko ng tulong mo para hanapin siya."Hindi nagtagal, naging aktibo muli ang grupo ng limang magkakaibigan. Desperadong tinawag ni Johanson si Hugo sa group chat, "Hugo, may problema ba kayo ng asawa mo? Bakit siya nawawala tuwing kailan lang? Hindi ba't kamakailan lang ay nagpadala kayo ng rosas para ipakita ang pagmamahalan ninyo?"Alam din ni Dave ang tungkol sa pagkawala ng asawa n

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 141-SHOOT

    “Pasensiya ka na kung naiinggit ka. May asawa ako, eh. Wala akong magagawa ro’n. Kung naiinggit ka sa pagmamahal na natatanggap ko, kapag natalo ka mamaya, hahanap ako ng lalaking maglalagay ng love mark sa leeg mo para hindi ka na malungkot.”Tahimik ang paligid matapos bigkasin ni Hillary ang mga salitang iyon. Parang lumamig ang hangin sa loob ng venue. Ang mga tagahanga ni Dexter na kanina’y todo hiyaw, ngayon ay natigilan, napaatras, habang ang ilan ay napanganga sa tapang ng sinabi ni Hillary.Natural na bagay sa mundo na ang babae ay may asawa, at walang masama ro’n. Pero ang suhestiyon ni Hillary na dapat maghanap ng asawa ang kalaban ay isang insulto sa tinatawag na dragon master na si Dexter. Hindi nagpigil si Hillary sa pagkamuhi niya—bumanat siya agad. Nilait siya kanina, kaya huwag siyang sisihin kung may kagat ang mga salita niya ngayon.Kung sumasapol si Hillary, palaging sa puso. Para siyang kutsilyong dumudulas sa kalamnan—hindi siya marunong magpakahinahon sa salita.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status