“Alana!”
Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin sa tumawag sa kanyang pangalan. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi nang makita ang kanyang stepmother at stepsister na pumasok sa loob ng kanyang opisina.
“Tita!” she greeted her stepmother and stood.
Lumapit siya rito at yumakap nang mahigpit sa kanyang kinikilalang ina ngayon. Her father died two years ago. Ngunit bago ito mawala ay iniwanan siya nito ng bagong pamilya na mag-aalaga sa kanya bago lumisan ang kanyang ama.
She also greeted her stepsister, Joey. Niyakap siya nito nang mahigpit at muli siyang bumaling sa kanyang stepmother. Nakangiti ito nang malapad sa kanya at halos maningkit na ang mga mata nito.
“Have a seat, Tita, Joey.” Nangiti niyang iminuwestra ang longue area ng kanyang opisina para makaupo ang kanyang stepmom at stepsister.
Nagmamadali namang umupo si Joey sa mahabang sofa at itinanday ang mga paa sa babasaging mesa sa gitna. Mahina siyang napailing. Ilang beses niya nang nasabihan ang kanyang kinakapatid tungkol sa pagpapatong ng paa sa mesa ngunit hindi naman ito nakikinig sa kanya.
“Myrna,” pagtawag niya sa kanyang sekretarya. “Can you make us some coffee?”
"Okay, Miss."
“Oh no,” agad na pag-angal ni Joey. “Hindi ako magtatagal dito. May lakad pa ako sa mall kasama mga kaibigan ko.”
Tipid na ngumiti si Alana at tumango. “Mag-iingat ka mamaya.”
Joey smiled at her. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Nagulat si Alana nang bigla siyang niyakap ni Joey sa braso at humilig sa kanyang balikat. “Pero may request ako.”
“What is it?” she asked confusedly.
“Well, may gusto kasi akong bilhin. And then mommy maxed out my card. Can I borrow your card instead?” malambing na tanong ni Joey.
Her lips parted as she looked at her stepmother. May hilaw rin itong ngiti sa labi na para bang aminado ito sa nagawa. Alana bit her lower lip as she looked at her stepsister. “P-pero, Joey. Kakahulog ko lang ng pera sa card mo, ‘di ba? P-paanong naubos na?”
Umalis si Joey mula sa pagkakasandal sa kanyang balikat at nakangusong tumingin sa kanya. “Pinagdadamutan mo na ba ako, Aly? Saka, nasabi ko na, 'di ba? Nawaldas ni Mommy sa Cebu.”
She looked at her stepmother and her stepmom just nodded her head, it’s like telling her na pagbigyan na lang ang kanyang kinakapatid. Mahinang napakamot si Alana sa kanyang kilay at humugot ng malalim na hininga saka tumango.
“Okay, okay. Wait for a moment.”
Napipilitang tumayo si Alana at lumapit sa kanyang purse. Kinuha niya ang kanyang wallet at isang credit card. She turned to Joey and handed her the card.
“H’wag ka masyadong bumili ng mahal, ah.”
She’s trying to save up kasi. Balak niyang i-surprise ang kanyang boyfriend ng proposal kaya het siya, nag-iipon. Gusto niya na kasing magpatali sa kanyang kasintahan na isang gym instructor sa isang sikat na gym dito sa BGC.
“Asus! Babalik lang din naman sa ‘yo ang perang mawawaldas ko,” saad nito at sinilid na ang credit card sa loob ng purse nito. “Anyways, I’ll go ahead. Thank you so much, sis! Love yah!”
Nagmamadali itong lumabas ng silid at sa isang kurap, wala na si Joey sa kanyang paningin. Mahina siyang napailing at bumaling sa kanyang stepmother na parang sumasakit na ang ulo sa kanyang kinakapatid.
Pumasok muli sa silid si Myrna dala ang dalawang tasa ng kape para sa kanya at sa kanyang stepmother. Muling umupo si Alana sa sofa at tumingin sa kanyang mommy. Nilapag naman ng kanyang sekretarya ang tray na may lamang dalawang tasa ng kape sa center table.
“Thank you, Myrna.” Ngumiti siya rito.
Yumuko muna ang kanyang sekretarya saka ito naglakad palabas ng silid. At nang maiwan na silang dalawa ng kanyang stepmom ang nandito sa loob kanyang opisina.
“Thank you for this coffee, hija,” saad nito.
“No problem, Tita.” She smiled. “Bakit nga po pala kayo napabisita? How was your trip in Cebu? Ang aga niyo yatang nakabalik”
Hinilot nito ang kanyang sintido at humugot ng malalim na hininga. “Ayon. Pasensya ka na, Alana. Naubos ko ang pera para sa Cebu kaya sa ‘yo nanghihingi si Joey.”
Well, it’s not that she’s complaining. Stepmother at stepsister niya na lang ang meron siya bukod sa kompanyang naiwan ng kanyang ama. Siya na ang nagpalago sa negosyo ng kanyang ama at buwan-buwan niya ring binibigyan ng pera ang dalawa niyang natitirang pamilya.
Pero parang ang bilis naman yatang maubos ng perang binigay niya. Hindi naman gaanong malaki itong negosyo ng kanyang ama. Samakatuwid, hindi pa masyadong kilala ang kanilang negosyo at ‘yon at sinusubukan niyang i-achieve: ang palaguin ang negosyong iniwan ng kanyang ama.
“Ayos lang po,” sambit niya at hilaw na natawa.
Sumimsim ang kanyang stepmom sa kape nito saka ito nagsalita, “I heard about your plan. Thinking about proposing to your boyfriend, huh.”
Namula ang kanyang pisngi sa narinig. Umiwas siya ng tingin. “Uhm, saan niyo po narinig?”
“Naikwento sa ‘kin ni Joey,” saad nito. “Hindi naman sa nangingialam ako, pero kaya siguro hindi pa naiisipan ng kasintahan mo ang magpakasal sa ‘yo kasi hindi mo siya binibigyan ng anak.”
“Po?” Nanlaki ang kanyang mga mata at wala sa sariling napatingin sa kanyang stepmother. “A-anak?”
Her stepmother smiled, nodding her head. “Yes, Alana. Anak. Gwapo si Paolo at maraming babae ang naghahabol sa kanya. Kung ako sa ‘yo, bigyan mo na ng anak. Paniguradong magpapakasal ‘yan sa ‘yo.”
Saglit siyang napatanga sa harap ng kanyang stepmother. “B-but, Tita… we never done that…”
Yes, wala pa talaga. Even during their three years of relationship, she’s still pure. Minsan nga ay naaawa na siya sa kanyang kasintahan dahil celibate na ito ng ilang taon magmula nang maging sila.
“Then you should do it now, hija. And besides, you need an heir. It’s a win-win situation for the both of you. You’re not getting any younger. Have a child and get married.”
Have a child? Pero wala pa siyang planong magkaanak…
Hindi maalis sa isipan ni Alana ang naging usapan nila ng kanyng stepmother. Kahit kailan ay hindi pa sumagi sa kanyang isipan ang magkaroon ng anak, lalo na sa panahon ngayon. Kahit masasabi niyang padami na nang padami ang investors ng kanyang negosyo, still, hindi pa rin ‘yon sapat para magkaroon ng anak.Maghanda pa nga lang ng proposal, hirap na siya e. Ang magkaroon pa kaya ng anak na sobrang mahal ang bayad sa ospital?“Ang lalim naman yata ng iniisip mo.”Wala sa sarili siyang napatingin sa kanyang matalik na kaibigan na si Alora. Isa ito sa mga taong malapit sa kanya. They met way back in college and they’re called the twin A’s. Kasi magkatugma ang kanilang pangalan: Alora and Alana.Humugot siya ng malalim na hininga. “Wala. Naisip ko lang ang sinabi ni Tita sa ‘kin. About sa pagkakaroon ng anak. What do you think, Lora?”“I think that’s nonsense,” diretsong sambit nito. “I mean, duh? Why are you gonna do that? Ikaw pa nga itong nagbabalak mag-initiate ng proposal, tapos bib
She bit her lower lip as she pressed the code on his door. Nang bumukas ito ay agad niyang hinugot ang phone mula sa kanyang purse para i-text si Paulo na dumiretso ng uwi. She’s excited. Kahit wala sa isip niya ang magkaroon ng anak, she’s excited to hear his opinion about having a baby.Matapos ay muli niyang sinilid ang phone sa loob ng bag at tinulak na pabukas ng pinto. Ngunit ang ngiti niya ay unti-unting napawi nang mapansin niyang bukas ang ilaw sa living room. Her brows furrowed. Maingat niyang hinubad ang kanyang suot na sapatos at papasok na sana siya ng living room nang dumapo ang kanyang paningin sa lagayan ng sapatos.Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib nang makita ang isang pares ng pulang high heel na nasa shoe rack. Wala sa sarili niya itong pinulot at tinignan. This isn’t hers. May mga heels siya ngunit ang pinakaayaw niyang kulay ay red!Kaninong heels ito?“Uhm…”Wala sa sarili siyang napatingin sa pinto ng silid ng kanyang kasintahan dahil mula roon ang tinig. Mul
“NO. I’M NOT GONNA do that,” he said while gritting his teeth.Malakas na hinampas ng kanyang ama ang mesa dahilan para mahulog ang mga gamit na nakapatong dito, including the papers fell as well. Ngunit nasindak ba siya? No. He was even amused to see his father this mad.Sinabi ng kanyang secretarya na mayroon siyang meeting ngayong gabi at heto ang ama niya, pinatawag siya sa mansion para sa isang walang kwentang usapan.“You’re not getting any younger, Rhett. Anong gusto mong mangyari? Ang tapusin ang henerasyon sa ‘yo?!” galit nitong sambi.“Hon, calm down,” pagpapakalma ng kanyang ina sa kanyang ama na kulang na lang ay lumabas ang litid sa galit. “Let your son decide for his life.”“Let him decide? Until when, Rita? Hanggang sa maging ugod-ugod na siya?” baling nito sa kanyang ina saka ito muling tumingin sa kanya. “I and your mother are not getting any younger, Rhett. You are our only son and you’re planning to end the generation with you?!”That’s right. He’s the only son of t
He clutched and stomped on brake. Sakto rin ang pagdating niya sa finish line. He won, but he’s still in a sour mood. Pinatay niya ang kanyang makina at lumabas ng sasakyan. Kasunod niya si Lucifer at ang panghuli ay si Alas. Parehong mga miyembro ng Pericolosi ang dalawa habang siya ay sa ibang organisasyon.“May pakpak yata sasakyan mo, e.” Natatawang lumabas ng sasakyan si Lucifer. “Oh, ba’t parang ikaw pa mas lugi samin sa mukha mo ah.”Inirapan niya lang ito at hinubad ang suot na helmet. Naglakad siya patungo sa bench at humugot ng malalim na hininga. Umupo siya roon at nilapag ang helmet sa kanyang tabi.“What happened?” kunot-noong tanong ni Alas.Tatlo lamang sila rito sa racing area na pag-aari ng mga Vazquez. Wala ang may-ari dahil na sa Cebu ito, abala kakahabol sa shota niya na parang hindi. Tahimik ang buong paligid dahil gabi na at tatlo lang sila.Kinuha niya ang bottled water at binuksan ito saka tinunga. Matapos ay tinapon niya ito sa malapit na basurahan at inis na
“That was my drink,” sambit niya habang nakakunot ang noo.Aba, kahit pogi ito at nakakalaglag ng panty, that’s still her drink. Hindi dapat ito nang-aagaw ng tagay ng iba dahil hindi ‘yon magandang tignan. At saka, siya rin ang magbabayad kaya hindi talaga pwedeng mang-agaw ng shot.“And?” tanong nito na para bang nang-iinsulto.Pakiramdam ni Alana ay parang umakyat sa kanyang ulo ang lahat ng kanyang dugo at gusto na niyang manapak. But she doesn’t want to ruin to create chaos. Magulo na nga ang isipan at buhay niya, manggugulo pa siya rito?Hindi naman ganon kakapal ang pagmumukha niya, e no?“And? That was mine. If you want to have a drink, why don’t you order?” naiiritang tanong niya rito.Kumunot ang noo ng binata sa kanyang sinabi. “What if I don’t.”“Then don’t drink. Don’t go around and stealing someone else’s glass because it wasn’t your order in the first place,” sambit niya rito. Tumingin siya sa baso na wala ng laman at pilit na kinakalma ang sarili. “Ikaw ang magbabayad
Nagising siya nang maramdaman niyang parang may kung anong heartbeat sa kanyang utak. She tried to open her eyes but she’s too sleepy to do so. Hinilot niya ang kanyang sintido at balak na sanang tumihaya nang hindi siya makagalaw. It feels like there’s something heavy placed above her tummy.Sinikip ni Alana na idilat ang mga mata. This is just another-day hangover. Kailangan niyang gumising dahil may gagawin pa siya sa office. Marami pa siyang nakatamba na trabaho at hindi niya pwedeng basta na lang na pabayaan ang kanyang sekretaryang gawin ang lahat ng ito.Ang unang bumungad sa kanya ay ang braso ng isang lalaki. Kumunot ang kanyang noo at wala sa sariling nilingon ang taong na sa kanyang likuran. Ganoon na lang ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ang isang estrangherong… gwapong nilalang!What happened last night?Alana tried to recall what happened last night but heck… she couldn’t remember anything! Ang huli niyang naalala ay kausap lamang ang bartender at nagrereklamo r
“And?” tanong ni Alora. “What happened? Did you slap your stepsister’s thick face?”Mariing napalunok ang dalaga at humugot ng malalim na hininga. “You know I can’t do that. Tita loves Joey so much.”“Pero hindi mo deserve ang ginawa nila! Isa pa ‘yang stepmother mo! Kunsintidor. Hindi na sila nahiya sa ‘yo? Ikaw na nga ‘tong nagpapakain sa kanila tapos may gana pa silang maging ganon sa ‘yo. Aly, you’re too kind!”Hinawakan niya ang kamay ng kanyang kaibigan dahil kitang-kita na niya ang pamumula nito, ibig sabihin ay kanina pa ito nagtitimpi ng galit. Pilit siyang ngumiti rito.“Calm down, Lora.” Pinisil niya ang kamay nito. “Hayaan mo na sila.”“I can’t calm down,” saad nito. “You know what, it’s a good thing you caught them before you let that jerk touch you. At ‘yang kinakapatid mong ahas, dapat diyang pinapasagasaan, e. Ano? Magiging mabait ka na lang?”Tipid siyang ngumiti rito. “Who says I’m being kind? Hindi ko lang sila inabala kagabi. Paolo is a strong man. Kung magwawala a
“Kaya mo ‘yan,” sambit ng kanyang kaibigan at hinawakan ang kanyang kamay. “Do you want me to come inside with you?”Umiling siya. “I am fine, Alora. You can leave right after I stepped out of your car. Kaya ko na ang sarili ko. Don’t worry about me.”Kumunot ang noo nito. “What the hell are you talking about? Sinong hindi mag-aalala sa sitwasyon mo ngayon? Walang ibang papanig sa ‘yo dahil stepmother at stepsister mo ‘yang kahaharapin mo. You know what, susunod ako. Go now and I’ll follow you.”Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Lora has a point as well. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang stepmother. Biological daughter nito si Joey kaya naman kailangan niya pa ring maging cautious.Napipilitan siyang tumango rito at humugot ng malalim na hininga. “Sige. Mauuna muna ako sa loob.”Tumango si Lora. “Go on. I’ll park this car first before I come after you.”Ngumiti siya rito saka siya bumaba ng sasakyan. Ramdam ni Emory ang pinaghalong galit at kaba sa kanyan
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may
Hindi na mabilang ni Alana kung ilang beses na siyang umikot sa harap ng salamin. The loves her fit! Mahapit ito sa katawan ngunit kahit papano ay mukha naman itong disente. Hindi niya mapigilang mapahugot ng malalim na hininga at kakagatin niya na sana ang ibabang labi nang magsalita si Joey.“Isang kagat mo pa sa labi mo at susungalngalin na kita ng kutsara,” saad nito. “Kanina pa ako retouch nang retouch sa labi mo. Ano ba kasi ang iniisip mo?”“Oo nga,” sang-ayon naman ni Angel na ngayon ay na sa kama. “Bakit parang hindi mo gusto ang hitsura mo? Mukha ka ngang Barbie na ngayon lamang pinanganak, e. Ang kinis-kinis mo nga, e.”Hilaw siyang ngumiti rito at pinasadahan ng tingin ang sarili sa harap ng salamin. “Hindi kaya. Ang ganda ng damit saka ang ganda ng makeup ko. Thank you so much for this, guys. You made me this pretty.”“Walang problema, ano ka ba?” Ngumiti sa kanya si Angel.Sakto namang pumasok ang kanyang mga anak sa loob ng kanilang silid. May malawak na ngiti sa labi n
Alora left that morning, and Alana felt the all the loneliness creeping in. Kahit na gaano pa kaingay ang bibig ng dalawang babaeng kasama niya ay hindi maiaalis sa kanya ang lungkot. Iba pa rin talaga silang dalawa ni Alora. The vibe is just different. And she wanted it back. Gusto niyang ibaalik ang lahat sa dati.“Girl, ayos ka lang?” Umupo si Joey sa pang-isahang couch at tumingin sa kanya. “Seems like that bitch said something that turned your mood like this. Care to share it with us?”She blinked her eyes several times and looked at Joey. Napaangat naman ang kanyang kilay nang dumapo ang kanyang paningin kay Angel na kakalabas pa lang ng kusina. May malapad itong ngiti sa labi habang may hawak na… cookies?“Ang sarap ng cookies niyo, ah. Kanina pa ako hindi nagsasawang kumain,” anito at naglibot ng tingin. “Huh? Nasaan ‘yung kaibigan mo, Dai? Bakit kayo na lang ng pangit ang nandito?”Agad na umismid si Joey sa sinabi ni Angel. “Sa ating dalawa, ikaw pa ang mas pangit. Kaya wala