“That was my drink,” sambit niya habang nakakunot ang noo.
Aba, kahit pogi ito at nakakalaglag ng panty, that’s still her drink. Hindi dapat ito nang-aagaw ng tagay ng iba dahil hindi ‘yon magandang tignan. At saka, siya rin ang magbabayad kaya hindi talaga pwedeng mang-agaw ng shot.
“And?” tanong nito na para bang nang-iinsulto.
Pakiramdam ni Alana ay parang umakyat sa kanyang ulo ang lahat ng kanyang dugo at gusto na niyang manapak. But she doesn’t want to ruin to create chaos. Magulo na nga ang isipan at buhay niya, manggugulo pa siya rito?
Hindi naman ganon kakapal ang pagmumukha niya, e no?
“And? That was mine. If you want to have a drink, why don’t you order?” naiiritang tanong niya rito.
Kumunot ang noo ng binata sa kanyang sinabi. “What if I don’t.”
“Then don’t drink. Don’t go around and stealing someone else’s glass because it wasn’t your order in the first place,” sambit niya rito. Tumingin siya sa baso na wala ng laman at pilit na kinakalma ang sarili. “Ikaw ang magbabayad non.”
“You’re drunk,” sambit nito. “But why do you still want to get drunk even more? Are you heartbroken?”
Sa tanong nito ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Muli niyang tinukod ang siko sa counter top at pinatong ang kanyang pisngi sa kanyang palad. She looked at the empty glass in front of her and sighed.
“Masama ba kung balak kong magpakalasing?” mahinang tanong niya. “Masama bang kahit saglit lang, makalimutan ko muna ang mga problema ko?”
“Liquors won’t help you run away from your problem,” sambit nito gamit ang baritono nitong tinig.
Siguro kung single siya at hindi siya nagdadamdam ngayon, siguro ay maglalaway rin siya sa hitsura ng lalaking kausap niya ngayon. Makisig ang katawan nito at mukhang katulad ni Paolo, alaga rin sa gym ang katawan nito.
Humugot siya ng malalim na hininga at pinikit ang mga mata. Ano ba itong mga naiisip niya? She’s broken, right? Her man cheated on her with her stepsister!
Sa isipin ‘yon ay nanubig ang kanyang mga mata. Mahina siyang tumango sa sinabi ng gwapong estranghero at mahinang kinagat ang ibabang labi. “You’re right.”
“What?”
“Liqours won’t help me get rid of my problems. Mas lalo pang lumala,” sambit niya at pinaglaruan ang baso sa kanyang kamay. “Nagpakalasing ako ngayong gabi dahil gusto kong kalimutan muna ang lahat kahit sandal lang pero bakit ganun? Bakit mas lalo ko lang silang naaalala? Everything plays inside my head like a motherfucking broken disc.”
Yumuko siya at humikbi. Hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili. Narinig niyang nag-order ang lalaki ngunit hindi na niya ito pinansin pa. She just closed her eyes and started crying.
Ngunit agad din siyang natigil sa paghikbi nang may maglapag ng baso sa kanyang tabi. Pabalda ito na kahit sobrang ingay ng musika ay narinig niya pa ito. She lifted her head to see it was the handsome man. Ito ang naglapag ng baso.
She looked at the glass and found out it was full of alcohol. “Para saan ‘to?”
“Your sobs are irritating me,” masungit nitong sambit. “Go and drink.”
Alana didn’t hesitate to nod her head and smile. Kinuha niya ang baso at tinunga ang laman nito. The liquor has a very bitter taste… kasing pait ng buhay niya ngayon. Pero wala siyang reklamo dahil parang tubig na lang niya ito kung inumin.
Nang mailapag niya ang basong wala ng laman ay muli siyang nag-angat ng tingin sa binata. Dala-dalawa na ang kanyang paningin at nakakaramdam na rin siya ng panhihilo.
How is she gonna get home after this? Hindi naman siguro pwedeng matulog siya sa kalsada, ‘di ba?
She looked at the bartender and raised the glass. “Another shot, please?”
--
SHE LOOKS SO DRUNK but he’s not planning to stop her. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang mukha ng dalaga sa malapitan kaya naman hindi niya sasayangin ang pagkakataong matitigan ito nang malapitan.
Hindi imposibleng makuha ng dalaga ang kanyang atesnyon. She looks so freaking pretty. A kind of beauty that he never saw his entire life. Hindi niya alam kung kalasinga pa ba ‘to o sadyang nagiging totoo siya sa mga sinasabi niya ngayon.
But she’s pretty. And her pretty face is enough to give him the courage to come down and approach her. He wanted to ask her about his plans. Sana lang talaga ay pumayag ito. Dahil kung hindi ay hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
“Hindi ba talaga kayo marunong makuntento?” biglang usal nito dahilan para tignan niya. “Ganon ba talaga kayo kauhaw sa pakikipagsiping?”
That surprised him even though he already see it coming. Mukhang heartbreak ito ngayon. And he doesn’t know what are the exact words to tell this woman and help her calm down a bit.
Muli itong binigyan ng inumin ng bartender na agad naman nitong tinanggap. He’s aching to steal the glass from her. Lasing na ito. He’s drunk too but he’s still a little sober. Hindi tulad sa babaeng kanyang katabi ngayon.
“What do you mean?” he asked.
He wanted to know. Hindi niya alam na may ganitong side rin pala siya, ang pagiging chismoso. Or maybe this is just the liquor speaking and acting.
“I caught my boyfriend and stepsister sleeping together,” she mumbled and took a very deep breath. “Ang kakapal ng mga mukha. Kinukumbinsi pa akong magkaroon ng anak para lang pala huthutan ako ng pera. Bakit ganun? Hindi ba sapat ang mga binibigay ko sa kanila?”
He doesn’t understand a word she was saying. All the time, his eyes are glue to her lips. There’s something urging him to kiss the woman in front of him right now.
“Do you want to have a child?” wala sa sarili niyang tanong rito.
“I was considering that,” she replied and chuckled nonchalantly. “Nevermind.”
Is this a good thing? Hindi niya alam.
Nang subukang bumaba ng dalaga sa high stool ay muntikan na itong natumba. Mabilis ang kanyang kamay na saluhin ito at hapitin sa beywang.
“Do you want to forget everything tonight?” he asked.
Her sleepy eyes looked at him. “Of course, who… who wouldn’t.”
“Then spend the night with me.”
Nagising siya nang maramdaman niyang parang may kung anong heartbeat sa kanyang utak. She tried to open her eyes but she’s too sleepy to do so. Hinilot niya ang kanyang sintido at balak na sanang tumihaya nang hindi siya makagalaw. It feels like there’s something heavy placed above her tummy.Sinikip ni Alana na idilat ang mga mata. This is just another-day hangover. Kailangan niyang gumising dahil may gagawin pa siya sa office. Marami pa siyang nakatamba na trabaho at hindi niya pwedeng basta na lang na pabayaan ang kanyang sekretaryang gawin ang lahat ng ito.Ang unang bumungad sa kanya ay ang braso ng isang lalaki. Kumunot ang kanyang noo at wala sa sariling nilingon ang taong na sa kanyang likuran. Ganoon na lang ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ang isang estrangherong… gwapong nilalang!What happened last night?Alana tried to recall what happened last night but heck… she couldn’t remember anything! Ang huli niyang naalala ay kausap lamang ang bartender at nagrereklamo r
“And?” tanong ni Alora. “What happened? Did you slap your stepsister’s thick face?”Mariing napalunok ang dalaga at humugot ng malalim na hininga. “You know I can’t do that. Tita loves Joey so much.”“Pero hindi mo deserve ang ginawa nila! Isa pa ‘yang stepmother mo! Kunsintidor. Hindi na sila nahiya sa ‘yo? Ikaw na nga ‘tong nagpapakain sa kanila tapos may gana pa silang maging ganon sa ‘yo. Aly, you’re too kind!”Hinawakan niya ang kamay ng kanyang kaibigan dahil kitang-kita na niya ang pamumula nito, ibig sabihin ay kanina pa ito nagtitimpi ng galit. Pilit siyang ngumiti rito.“Calm down, Lora.” Pinisil niya ang kamay nito. “Hayaan mo na sila.”“I can’t calm down,” saad nito. “You know what, it’s a good thing you caught them before you let that jerk touch you. At ‘yang kinakapatid mong ahas, dapat diyang pinapasagasaan, e. Ano? Magiging mabait ka na lang?”Tipid siyang ngumiti rito. “Who says I’m being kind? Hindi ko lang sila inabala kagabi. Paolo is a strong man. Kung magwawala a
“Kaya mo ‘yan,” sambit ng kanyang kaibigan at hinawakan ang kanyang kamay. “Do you want me to come inside with you?”Umiling siya. “I am fine, Alora. You can leave right after I stepped out of your car. Kaya ko na ang sarili ko. Don’t worry about me.”Kumunot ang noo nito. “What the hell are you talking about? Sinong hindi mag-aalala sa sitwasyon mo ngayon? Walang ibang papanig sa ‘yo dahil stepmother at stepsister mo ‘yang kahaharapin mo. You know what, susunod ako. Go now and I’ll follow you.”Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Lora has a point as well. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang stepmother. Biological daughter nito si Joey kaya naman kailangan niya pa ring maging cautious.Napipilitan siyang tumango rito at humugot ng malalim na hininga. “Sige. Mauuna muna ako sa loob.”Tumango si Lora. “Go on. I’ll park this car first before I come after you.”Ngumiti siya rito saka siya bumaba ng sasakyan. Ramdam ni Emory ang pinaghalong galit at kaba sa kanyan
“Calm down now, okay? I’m here,” pagpapakalma sa kanya ng kanyang kaibigan na alam niyang tulad niya ay galit sa mga nangyari.Hinawakan niya ang kamay ni Alora. She forced a smile even with a teary eye. “Thank you for what you did a while ago, Lora. I just… I just couldn’t find the strength to talk back to them after she slapped me.”Yes. That was the reason that’s why she was so still. Never in her life have she ever imagined that someone would have the audacity to slap her that way. At mula pa sa taong kinikilala niyang ina… kinikilala niyang pamilya. “I know,” sambit ni Alora. “Nagalit din ako nang makita kong sinampal ka niya. Even that evil and traitor stepsister of yours tried to slap you. But nah. Not in front of my face.”She bit her lower lip. Sa totoo lang ay hindi pa rin siya maka-get over sa katotohanang nasampal siya ng kanyang kinikilalang ina. Sobrang taas ng kanyang respeto sa kanyang Tita at pinapahalagahan niya ito dahil mahal na mahal ito ng kanyang ama.Binalot s
“Calm down, okay? It will all be over,” sambit ni Lora at hinawakan ang kanyang balikat. “You got this.”Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. “Hindi ko maiwasang mag-alala, Lora. Tita was so kind to me for the past two years. Kasal din siya kay Daddy at nakita kong mahal na mahal ni Daddy si Tita. What if my father gets mad at me for treating my stepmother like that?”Umiling ito sa kanya. “Your father will never get mad at you. Kung nakikinig man siya ngayon o kung buhay man siya ngayon, he would never let anyone treat his daughter like that. Mahal na mahal ka kaya ni Tito. At for sure, naririnig ni Tito ang mga usapan na hindi mo naririnig kaya baka ‘di mo alam, siya pala ang may pakana ng lahat ng ‘to.”Saglit siyang napaisip sa sinabi nito. May tama nga naman si Lora. Maybe it was all her father’s doing. Baka alam na ng kanyang ama at ngayon pa lang siya nito ginising sa katotohanan.“Thank you,” sambit niya sa kaibigan. “Magbibihis muna ako kasi marami pa akong meeting na kail
Hindi siya mapakali. Alam niyang may mali. Sa paraan ng pagtingin ng mga tao sa kanya magmula nang pumasok siya sa loob ng building. Ang mga simpleng bulungan ng mga empleyado niya sa tuwing siya ay dumadaan, alam niyang may mali.Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang kanyang sekretaryang si Myrna. May hilaw itong ngiti sa labi na parang may dalang balita na alam niyang ikakapanibugho niya.“Did you ask around?” mahinang tanong niya rito.Her secretary smiled awkwardly at her and said, “Everyone saw the picture of you and that unknown guy you’re with last night. Sabi nila, lowkey cheater ka raw po at ginagamit mo ang ganda mo para lokohin ang tulad ni Sir Paolo.”That made her jaw dropped. “Ito ang kumakalat na bali-balita kaya ganon sila tumingin sa ‘kin? K-kanino nila nalaman?”“Kay Miss Joey,” sagot nito. “Miss Joey forwarded a mail to all of the employees and everyone’s talking about it since this morning. I and Miss Czarina tried to take it down but it already
“What am I gonna do now?” mahinang tanong niya sa kanyang sekretarya at kaibigan na nasa loob ng kanyang opisina.It’s been two weeks and now is the day of their said electing of the new CEO. Hindi sana siya papayag ngunit dahil sa pagbabanta ng mga shareholders at board of directors sa kanya na aalisin ang shares at investment dito ay wala siyang ibang nagawa kundi ang pumayag.Mahal na mahal niya ang kompanya ng kanyang daddy at hindi niya magagawang hayaan itong mauwi lang sa wala. Sana lang talaga ay may mga mabuting loob ang iilan sa mga investors at pumanig sa kanya. She was the one who made progress of the company afterall.Wala sa sarili siyang napatayo nang makaramdam siya ng pagkaduwal. Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig at nagmamadaling tumakbo patungong banyo sa labas ng kanyang opisina.As soon as she walked inside the comfort room, she hurriedly went to the sink. Walang segundong sinayang si Alana. Agad siyang sumuka rito at naramdaman naman niya ang paghagod ng kung
“A-ano?” wala sa sarili niyang tanong at tumingin sa kanyang kaibigan. “You’ve got to be kidding me. How can I get pregnant?”“Were you sexually active two weeks or three weeks before today?” tanong ng doctor.Sexually active?Muling sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya dalawang linggo ang nakakaraan. It was exactly two weeks ago. When she met this business tycoon in a club and that became her career’s downfall.Wala sa sarili siyang napatingin sa doctor na mukhang pinapanood ang eskpresyon niya. She bit her lower lip. “Is it possible to happen at one time? Isang beses lang ‘yon.”Ngumiti ito sa kanya. “Isang beses man, dalawa o tatlo, as long as you’re fertile, you can get pregnant. It sometimes only take one time to have a child.”Pakiramdam ni Alana ay gumuho ang kanyang mundo sa narinig. Nagsasalita pa ang doctor ngunit wala na siyang panahon pa para pakinggan ang mga sinasabi nito.Ang magulo niyang buhay ay mas lalong gumulo dahil dito. Sunod-sunod na nagpatakan ang lu
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may
Hindi na mabilang ni Alana kung ilang beses na siyang umikot sa harap ng salamin. The loves her fit! Mahapit ito sa katawan ngunit kahit papano ay mukha naman itong disente. Hindi niya mapigilang mapahugot ng malalim na hininga at kakagatin niya na sana ang ibabang labi nang magsalita si Joey.“Isang kagat mo pa sa labi mo at susungalngalin na kita ng kutsara,” saad nito. “Kanina pa ako retouch nang retouch sa labi mo. Ano ba kasi ang iniisip mo?”“Oo nga,” sang-ayon naman ni Angel na ngayon ay na sa kama. “Bakit parang hindi mo gusto ang hitsura mo? Mukha ka ngang Barbie na ngayon lamang pinanganak, e. Ang kinis-kinis mo nga, e.”Hilaw siyang ngumiti rito at pinasadahan ng tingin ang sarili sa harap ng salamin. “Hindi kaya. Ang ganda ng damit saka ang ganda ng makeup ko. Thank you so much for this, guys. You made me this pretty.”“Walang problema, ano ka ba?” Ngumiti sa kanya si Angel.Sakto namang pumasok ang kanyang mga anak sa loob ng kanilang silid. May malawak na ngiti sa labi n
Alora left that morning, and Alana felt the all the loneliness creeping in. Kahit na gaano pa kaingay ang bibig ng dalawang babaeng kasama niya ay hindi maiaalis sa kanya ang lungkot. Iba pa rin talaga silang dalawa ni Alora. The vibe is just different. And she wanted it back. Gusto niyang ibaalik ang lahat sa dati.“Girl, ayos ka lang?” Umupo si Joey sa pang-isahang couch at tumingin sa kanya. “Seems like that bitch said something that turned your mood like this. Care to share it with us?”She blinked her eyes several times and looked at Joey. Napaangat naman ang kanyang kilay nang dumapo ang kanyang paningin kay Angel na kakalabas pa lang ng kusina. May malapad itong ngiti sa labi habang may hawak na… cookies?“Ang sarap ng cookies niyo, ah. Kanina pa ako hindi nagsasawang kumain,” anito at naglibot ng tingin. “Huh? Nasaan ‘yung kaibigan mo, Dai? Bakit kayo na lang ng pangit ang nandito?”Agad na umismid si Joey sa sinabi ni Angel. “Sa ating dalawa, ikaw pa ang mas pangit. Kaya wala