“What am I gonna do now?” mahinang tanong niya sa kanyang sekretarya at kaibigan na nasa loob ng kanyang opisina.It’s been two weeks and now is the day of their said electing of the new CEO. Hindi sana siya papayag ngunit dahil sa pagbabanta ng mga shareholders at board of directors sa kanya na aalisin ang shares at investment dito ay wala siyang ibang nagawa kundi ang pumayag.Mahal na mahal niya ang kompanya ng kanyang daddy at hindi niya magagawang hayaan itong mauwi lang sa wala. Sana lang talaga ay may mga mabuting loob ang iilan sa mga investors at pumanig sa kanya. She was the one who made progress of the company afterall.Wala sa sarili siyang napatayo nang makaramdam siya ng pagkaduwal. Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig at nagmamadaling tumakbo patungong banyo sa labas ng kanyang opisina.As soon as she walked inside the comfort room, she hurriedly went to the sink. Walang segundong sinayang si Alana. Agad siyang sumuka rito at naramdaman naman niya ang paghagod ng kung
“A-ano?” wala sa sarili niyang tanong at tumingin sa kanyang kaibigan. “You’ve got to be kidding me. How can I get pregnant?”“Were you sexually active two weeks or three weeks before today?” tanong ng doctor.Sexually active?Muling sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya dalawang linggo ang nakakaraan. It was exactly two weeks ago. When she met this business tycoon in a club and that became her career’s downfall.Wala sa sarili siyang napatingin sa doctor na mukhang pinapanood ang eskpresyon niya. She bit her lower lip. “Is it possible to happen at one time? Isang beses lang ‘yon.”Ngumiti ito sa kanya. “Isang beses man, dalawa o tatlo, as long as you’re fertile, you can get pregnant. It sometimes only take one time to have a child.”Pakiramdam ni Alana ay gumuho ang kanyang mundo sa narinig. Nagsasalita pa ang doctor ngunit wala na siyang panahon pa para pakinggan ang mga sinasabi nito.Ang magulo niyang buhay ay mas lalong gumulo dahil dito. Sunod-sunod na nagpatakan ang lu
“Coffee?”Wala sa sarili siyang napatingin sa nagsalita at agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. She nodded her head and released a very deep breath. “Yes, please.”Yuen smiled at her and immediately left to make her some coffee. Muli niyang tinanaw ang malawak na syudad sa baba at humugot ng malalim na hininga. Reminiscing the past makes her want to cry… but happy at the same time.After the news of her carrying the tycoon’s baby, she immediately left. At mas naging desperada pa siyang umalis nang malaman niya mula sa kanyang kaibigang si Alora na hinahanap siya ng business tycoon na ‘yon. Hindi niya alam ang rason kung bakit siya nito hinahanap ngunit kahit nag anon ay agad siyang umalis para maiwasan ito.Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang sakit sa dibdib ni Alana habang inaalala ang kompanya ng kanyang ama na nabawi ng kanyang stepsister dahil sa kanyang pagkakamali. It’s been years but the pain of being betrayed by them is still haunting her.“Here’s your coffee.”Na
“Congratulations!”Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi nang maputol ang ribbon. Inangat niya ito at agad na tumingin sa camera. Ganoon din naman si Yuen na may malawak na ngiti sa labi. And at this moment, wala siyang ibang maramdaman kundi satisfaction habang nakatingin sa mga taong pumapalakpak para sa kanya.So this is what success feels like. The applause from people she doesn’t know but willing to clap for her is making her feel so happy. Hindi niya maiwasang humugot ng malalim na hininga at tumingin kay Yuen.“Thank you,” she said. “For helping me.”Humarap ito sa kanya at tinapik ang kanyang pisngi. “You should thank yourself, not anyone else. It’s not my doing. It’s yours.”“Pouvons-nous poser des questions, Mlle Sandoval?” tanong ng isang reporter dahilan para roon mabaling ang kanyang atensyon. [translation: Can we ask some questions, Miss Sandoval?]She nodded her head without hesitation. “Go on.”“Devons-nous nous attendre à votre prochain mariage avec M. Yuen Fortun?”
“Miss, Miss, Miss!” sabik na wika ng kanyang sekretaryang si Myrna. Yes, she kept Myrna by her side. Si Myrna ang pinakaunang tao niyang pinahanap kay Cindy nang magsimula na siyang magplano sa pagpapatayo sa kanyang business. She felt bad for leaving her secretary behind. Kasama niya kasi ito sa ilang taon niyang pagpapatakbo sa kompanya ng kanyang ama. She was even scared that Myrna would decline. But gladly, Myrna didn’t hesitate to say yes. Nalaman niya rin na matapos niyang umalis ay nag-file rin ito ng resignation letter dahil ayaw na niyang magtrabaho sa kompanyang ‘yon. Good for her. Because she hired Myrna without bothering to contact her old workplace. She didn’t have to look for a new competent secretary because Myrna is already here. “What is it?” tanong niya rito dahil sa kaba. Sabik itong naglapag ng folder sa kanyang harapan at ngumiti sa kanya. “Miss, we have a big client! Should we accept it?” Walang pagdadalawang isip siyang tumango. “Of course. But what makes yo
“Are you leaving for work again, mama?” mahinang tanong ng kanyang anak na si Aurora. “I’m going to miss you again.”Sumikip ang kanyang dibdib sa narinig. Hinawakan niya ito sa braso at masuyong hinila para yakapin ito nang mahigpit. She caressed her baby’s hair and inhaled her scent. She’s going to miss her babies and that’s for sure.Napatingin siya sa anak niyang si Ryo na nakatitig lang sa kanila. He’s the most nonchalant kid she’d ever encountered. Wala itong ekspresyon sa mukha at kung tumingin ito ay parang isa kang walang kwentang bagay sa kanyang paningin.Alana raised her hand to tell her son to come over. Agad naman itong naglakad at lumapit sa kanya. Kumalas sa pagkakayakap si Aurora kaya’t ito naman ang kanyang niyakap nang mahigpit. Ryo hugged her back and that made her smile. Hinalikan niya ang sintido nito saka siya kumalas sa yakap.Hinawakan niya ang kamay ng dalawa niyang anak at tumingin sa mga ito. May tipid na ngiti sa kanyang labi. She’s fighting back her tears
As soon as they landed at the Ninoy Aquino International Airport, a man in a security guard uniform fetched them. Ito ang naghatid sa kanila sa apartment na titirhan nila. Nakakabigla nga dahil sa sa isang exclusive villa pa talaga sila pinapatuloy.“Wow,” saad ni Ivory. “That Matson Willy is really rich. How can he afford to let us stay here? Damn. This place is beyong comfortable!”Tipid siyang ngumiti at tumango. Yes, they’re in a very exclusive villa. Alam niya namang mayaman si Matson Willy ngunit bakit tila’y sumusobra na ‘to? This is too much.“Anyway, can I have a little rest, Miss Alana?” pagpapaalam ni Architect Salas.She nodded her head. “Go on.”Matamis itong ngumiti sa kanya at agad na umalis. She took a very deep breath and sat on the couch. Now that she’s in the Philippines, what now? Nagbabalik siya sa bansang tinakbuhan niya ilang taon na ang nakakaraan.And while staring into the horizon, one thing came up inside her mind. At ‘yon ay ang makita ang puntod ng kanyang
Hindi alam ni Alana kung paano niya nalulunok ang kinakain niyang ngayon. Pakiramdam niya ay may bumabara sa kanyang lalamunan. Pinipilit na nga niyang lumunok kahit pakiramdam niya ay gusto niyang isuka ang pagkain.But the food is damn delicious! How could she throw it away?“Calm down,” mahinang usal ng lalaking kanyang kaharap.Nag-angat siya ng tingin dito. Sinubukan niyang makipagtagisan ng tingin dito ngunit masyadong nakakapanghina ang mga mata ng binata. His eyes are like telling her to obey what he wanted her to do.Binaba niya ang hawak na kutsara at nag-iwas ng tingin. “How do you know me?”“Stop beating around the bush,” malamig nitong usal dahilan para mapatingin siya rito. His cold eyes looked at her and that made her knees wobble out of fear. “You knew who I am.”Nagkaroon ng bikig sa kanyang lalamunan bigla at agad siyang nabulunan. She immediately covered her mouth as she started coughing. Naglapag ang binata ng baso sa kanyang harapan ngunit patuloy lamang siya sa p
Months passed and Alana finally got discharged from the hospital. It wasn’t an easy kind of journey for her. Sa loob ng ilang buwan niyang pananatili sa hospital ay naramdaman niya ang kalinga ng kanyang pamilya. She haven’t seen her stepmother–– Rita, for quite some time now. Wala na rin naman siyang planong makita ito.“Bakit ka umiiyak diyan? Dress lang naman ang sinusukat, hindi wedding gown.”Wala sa sarili siyang napakurap nang marinig ang nagsalita. Nilingon niya ito at nakita si Joey na nakataas ang kilay sa kanya. Mahina siyang natawa sa behavior nito at humugot ng malalim na hininga.Speaking of Joey, naging successful din ang operation ng kanyang ina na si Lumina. Na-i-discharged nila ito at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Amerika. Hindi niya nga alam kung anong ginagawa ng babaitang ito rito sa Pinas.“I’m not crying,” she denied and scoffed. “Sinipon lang ako.”Umismid din naman ito sa kanya. “So anong plano mo kay Yuen? Sa pagkakaalam ko, na sa basement pa rin siya han
Ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang katawan. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang control dito. For the first time, she felt this useless.Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari bago siya humantong sa ganitong kalagayan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at ramdam niya ang panunubig ng kanyang nakapikit na mga mata. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Ang nagagawa niya na lang ngayon ay ang patalasin ang kanyang pandinig.And then she heard a baby’s cry. Sumikdo ang kanyang dibdib. She wanted to get up and get the baby but she couldn’t even move a limb. It’s like she’s paralyzed. At kahit tinig niya ay hindi niya mahagilap. She wanted to talk, to call for someone to help her. Ngunit hindi. Hindi niya magawa.Kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang mahiga na lang doon, nakapikit, at parang patay na nakikiramdam lamang sa paligid. Marami siyang naririnig na mga
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may