“NO. I’M NOT GONNA do that,” he said while gritting his teeth.
Malakas na hinampas ng kanyang ama ang mesa dahilan para mahulog ang mga gamit na nakapatong dito, including the papers fell as well. Ngunit nasindak ba siya? No. He was even amused to see his father this mad.
Sinabi ng kanyang secretarya na mayroon siyang meeting ngayong gabi at heto ang ama niya, pinatawag siya sa mansion para sa isang walang kwentang usapan.
“You’re not getting any younger, Rhett. Anong gusto mong mangyari? Ang tapusin ang henerasyon sa ‘yo?!” galit nitong sambi.
“Hon, calm down,” pagpapakalma ng kanyang ina sa kanyang ama na kulang na lang ay lumabas ang litid sa galit. “Let your son decide for his life.”
“Let him decide? Until when, Rita? Hanggang sa maging ugod-ugod na siya?” baling nito sa kanyang ina saka ito muling tumingin sa kanya. “I and your mother are not getting any younger, Rhett. You are our only son and you’re planning to end the generation with you?!”
That’s right. He’s the only son of the Fuentabella’s seventh generation. Kaya siya pinatawag ng kanyang ama rito sa mansion para kausapin tungkol sa pagkakaroon ng anak na wala naman sa kanyang plano.
He believes that settling down and having a kid is just a pain in the ass. He’s not good with handling kids and every woman that he knew only wants him for money. Kaya ayaw niyang mag-asawa. Pero heto ang ama niya, pinagmamadali siya.
“I’m still twenty-eight. What’s in a rush?” bagot niyang tanong. “I can marry who I want and I’ll have a child if I want to. Not now.”
“Really?” sambit ng ama na para bang china-challenge siya. “Okay, then. You left me with no choice.”
Kumunot ang kanyang noo. “What do you mean?”
“I’m only giving you a year, Rhett Fuentabella. A year to present me your bloodline, your child. I don't give a fvck if it’s a boy or a girl. Because if not…” Sumama ang tingin nito sa kanya. “Wala kang makukuhang sintemo sa ‘kin.”
That made him chuckle. Dumikwatro siya ng upo at mapang-uyam na tumingin sa kanyang ama. “Was that supposed to scare me, then? Do you think I still need your money? Kaya kong tapatan ang pera mo, Dad.”
“At lahat ng pamana ko ay ibibigay ko kay Yuen,” dugtong nito dahilan para unti-unting mawala ang ngisi sa kanyang labi. “Yuen has been eyeing to hold my company and I’m not blind not to see that. So I’m giving you a deal, Rhett. A year.”
“But, Hon…” pag-angal ng kanyang ina. “That’s too much. Rhett is our son. Hindi mo naman siguro pwedeng pagkaitan si Rhett ng mamanahin. And besides, Yuen is just your nephew.”
“I don't care,” saad ng kanyang ama at mukhang pinal na ang desisyon nito. “It’s either he’ll give me a grandchild, or Yuen will have everything. Kaya mo namang tapatan ang yaman ko, ‘di ba? I don't think you still need my wealth.”
His jaw clenched. His father is provoking him and that’s obvious. At alam niya rin na seryoso ito sa sinasabi nito. The last time his father said he’ll give something to Yuen, tinototoo nito.
Yuen is his cousin, his mortal enemy. Lahat ng meron siya ay para bang inaagaw nito sa kanya at ayaw niya sa ganon. Even his favorite toys before. Kapag sinabi ni Yuen na may gusto itong laruan niya at narinig ng kanyang ama, ibibigay nito agad kahit na paboritong laruan niya pa. Kaya naman nagtatanim na siya rito ng galit.
“Stop pushing me into my limits,” mariing sambit niya sa ama.
“Rhett!” sita ng kanyang ama. “Leave the place now. Ako na ang bahala sa ama mo.”
Padabog siyang tumayo at sinipa ang center table ng kanyang ama sa loob ng library nito. It was made of glass, kaya agad itong nabasag sa isang malakas niyang pagsipa. Agad siyang lumabas ng library at lumabas ng bahay.
Panay ang pag-igting ng kanyang panga na kahit nakapasok na siya sa loob ng sasakyan ay parang may papatayin siyang tao. He’s mad. Alam na alam ng kanyang ama kung paano siya galitin.
A child? Who wants a child at this age?! Ni kasintahan nga ay wala siya, e. Ang anak pa kaya?
Hindi kailanman naisip ni Rhett ang magkaroon ng anak sa ganitong edad. He thinks it’s too early to have a child. Masaya siya sa buhay niya ngayon. He’s able to do what he wants and he can travel as far as he wanted na walang iniisip na mayroon siyang pamilyang iniwan.
He wanted to keep this life. But that old man… damn.
Napatingin siya sa kanyang phone nang mag-ring ito. Irita niya itong sinagot at dinikit sa kanyang tenga. “What do you want?”
“Race?” pag-aaya ng diablo na ngayon niya lang narinig. “Na sa Pinas ako.”
“Aiden will see us,” he replied.
“He’ll never know,” saad ni Lucifer at humalakhak. “Ngayon lang ako pinayagan ni Lyla kaya tara na. Do you wanna bet for a thrill?”
Tumingin muna siya sa rearview mirror saka niya pinaandar ang sasakyan. “How much?”
“A hundred?”
Hmm, sounds fun.
“Call.”
“Good. Same location. We’ll be waiting.”
Kumunot ang kanyang noo. “What the hell do you mean we? Are you planning to ambush me?”
Magkaiba kasi ang grupong kinabibilangan nilang dalawa ni Lucifer at bawal ang magkabilang grupo na magkasama para iwas sa gulo at alitan dahil parehong mainit ang kanilang ulo. But look at this devil.
“Kapangalan ko lang si Satanas pero one-fourth lang sa ugali niya namana ko. H’wag mo naman akong ganyanin. Ang kirot mo sa atay,” saad nito. “Kami lang ‘to nila Alas. Wala si Cameron, don't worry.”
He nodded. Hindi na siya sumagot pa. Agad niya nang pinatay ang tawag at humugot ng malalim na hininga.
Maybe a race will calm him down…
Or maybe not.
He clutched and stomped on brake. Sakto rin ang pagdating niya sa finish line. He won, but he’s still in a sour mood. Pinatay niya ang kanyang makina at lumabas ng sasakyan. Kasunod niya si Lucifer at ang panghuli ay si Alas. Parehong mga miyembro ng Pericolosi ang dalawa habang siya ay sa ibang organisasyon.“May pakpak yata sasakyan mo, e.” Natatawang lumabas ng sasakyan si Lucifer. “Oh, ba’t parang ikaw pa mas lugi samin sa mukha mo ah.”Inirapan niya lang ito at hinubad ang suot na helmet. Naglakad siya patungo sa bench at humugot ng malalim na hininga. Umupo siya roon at nilapag ang helmet sa kanyang tabi.“What happened?” kunot-noong tanong ni Alas.Tatlo lamang sila rito sa racing area na pag-aari ng mga Vazquez. Wala ang may-ari dahil na sa Cebu ito, abala kakahabol sa shota niya na parang hindi. Tahimik ang buong paligid dahil gabi na at tatlo lang sila.Kinuha niya ang bottled water at binuksan ito saka tinunga. Matapos ay tinapon niya ito sa malapit na basurahan at inis na
“That was my drink,” sambit niya habang nakakunot ang noo.Aba, kahit pogi ito at nakakalaglag ng panty, that’s still her drink. Hindi dapat ito nang-aagaw ng tagay ng iba dahil hindi ‘yon magandang tignan. At saka, siya rin ang magbabayad kaya hindi talaga pwedeng mang-agaw ng shot.“And?” tanong nito na para bang nang-iinsulto.Pakiramdam ni Alana ay parang umakyat sa kanyang ulo ang lahat ng kanyang dugo at gusto na niyang manapak. But she doesn’t want to ruin to create chaos. Magulo na nga ang isipan at buhay niya, manggugulo pa siya rito?Hindi naman ganon kakapal ang pagmumukha niya, e no?“And? That was mine. If you want to have a drink, why don’t you order?” naiiritang tanong niya rito.Kumunot ang noo ng binata sa kanyang sinabi. “What if I don’t.”“Then don’t drink. Don’t go around and stealing someone else’s glass because it wasn’t your order in the first place,” sambit niya rito. Tumingin siya sa baso na wala ng laman at pilit na kinakalma ang sarili. “Ikaw ang magbabayad
Nagising siya nang maramdaman niyang parang may kung anong heartbeat sa kanyang utak. She tried to open her eyes but she’s too sleepy to do so. Hinilot niya ang kanyang sintido at balak na sanang tumihaya nang hindi siya makagalaw. It feels like there’s something heavy placed above her tummy.Sinikip ni Alana na idilat ang mga mata. This is just another-day hangover. Kailangan niyang gumising dahil may gagawin pa siya sa office. Marami pa siyang nakatamba na trabaho at hindi niya pwedeng basta na lang na pabayaan ang kanyang sekretaryang gawin ang lahat ng ito.Ang unang bumungad sa kanya ay ang braso ng isang lalaki. Kumunot ang kanyang noo at wala sa sariling nilingon ang taong na sa kanyang likuran. Ganoon na lang ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ang isang estrangherong… gwapong nilalang!What happened last night?Alana tried to recall what happened last night but heck… she couldn’t remember anything! Ang huli niyang naalala ay kausap lamang ang bartender at nagrereklamo r
“And?” tanong ni Alora. “What happened? Did you slap your stepsister’s thick face?”Mariing napalunok ang dalaga at humugot ng malalim na hininga. “You know I can’t do that. Tita loves Joey so much.”“Pero hindi mo deserve ang ginawa nila! Isa pa ‘yang stepmother mo! Kunsintidor. Hindi na sila nahiya sa ‘yo? Ikaw na nga ‘tong nagpapakain sa kanila tapos may gana pa silang maging ganon sa ‘yo. Aly, you’re too kind!”Hinawakan niya ang kamay ng kanyang kaibigan dahil kitang-kita na niya ang pamumula nito, ibig sabihin ay kanina pa ito nagtitimpi ng galit. Pilit siyang ngumiti rito.“Calm down, Lora.” Pinisil niya ang kamay nito. “Hayaan mo na sila.”“I can’t calm down,” saad nito. “You know what, it’s a good thing you caught them before you let that jerk touch you. At ‘yang kinakapatid mong ahas, dapat diyang pinapasagasaan, e. Ano? Magiging mabait ka na lang?”Tipid siyang ngumiti rito. “Who says I’m being kind? Hindi ko lang sila inabala kagabi. Paolo is a strong man. Kung magwawala a
“Kaya mo ‘yan,” sambit ng kanyang kaibigan at hinawakan ang kanyang kamay. “Do you want me to come inside with you?”Umiling siya. “I am fine, Alora. You can leave right after I stepped out of your car. Kaya ko na ang sarili ko. Don’t worry about me.”Kumunot ang noo nito. “What the hell are you talking about? Sinong hindi mag-aalala sa sitwasyon mo ngayon? Walang ibang papanig sa ‘yo dahil stepmother at stepsister mo ‘yang kahaharapin mo. You know what, susunod ako. Go now and I’ll follow you.”Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Lora has a point as well. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang stepmother. Biological daughter nito si Joey kaya naman kailangan niya pa ring maging cautious.Napipilitan siyang tumango rito at humugot ng malalim na hininga. “Sige. Mauuna muna ako sa loob.”Tumango si Lora. “Go on. I’ll park this car first before I come after you.”Ngumiti siya rito saka siya bumaba ng sasakyan. Ramdam ni Emory ang pinaghalong galit at kaba sa kanyan
“Calm down now, okay? I’m here,” pagpapakalma sa kanya ng kanyang kaibigan na alam niyang tulad niya ay galit sa mga nangyari.Hinawakan niya ang kamay ni Alora. She forced a smile even with a teary eye. “Thank you for what you did a while ago, Lora. I just… I just couldn’t find the strength to talk back to them after she slapped me.”Yes. That was the reason that’s why she was so still. Never in her life have she ever imagined that someone would have the audacity to slap her that way. At mula pa sa taong kinikilala niyang ina… kinikilala niyang pamilya. “I know,” sambit ni Alora. “Nagalit din ako nang makita kong sinampal ka niya. Even that evil and traitor stepsister of yours tried to slap you. But nah. Not in front of my face.”She bit her lower lip. Sa totoo lang ay hindi pa rin siya maka-get over sa katotohanang nasampal siya ng kanyang kinikilalang ina. Sobrang taas ng kanyang respeto sa kanyang Tita at pinapahalagahan niya ito dahil mahal na mahal ito ng kanyang ama.Binalot s
“Calm down, okay? It will all be over,” sambit ni Lora at hinawakan ang kanyang balikat. “You got this.”Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. “Hindi ko maiwasang mag-alala, Lora. Tita was so kind to me for the past two years. Kasal din siya kay Daddy at nakita kong mahal na mahal ni Daddy si Tita. What if my father gets mad at me for treating my stepmother like that?”Umiling ito sa kanya. “Your father will never get mad at you. Kung nakikinig man siya ngayon o kung buhay man siya ngayon, he would never let anyone treat his daughter like that. Mahal na mahal ka kaya ni Tito. At for sure, naririnig ni Tito ang mga usapan na hindi mo naririnig kaya baka ‘di mo alam, siya pala ang may pakana ng lahat ng ‘to.”Saglit siyang napaisip sa sinabi nito. May tama nga naman si Lora. Maybe it was all her father’s doing. Baka alam na ng kanyang ama at ngayon pa lang siya nito ginising sa katotohanan.“Thank you,” sambit niya sa kaibigan. “Magbibihis muna ako kasi marami pa akong meeting na kail
Hindi siya mapakali. Alam niyang may mali. Sa paraan ng pagtingin ng mga tao sa kanya magmula nang pumasok siya sa loob ng building. Ang mga simpleng bulungan ng mga empleyado niya sa tuwing siya ay dumadaan, alam niyang may mali.Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang kanyang sekretaryang si Myrna. May hilaw itong ngiti sa labi na parang may dalang balita na alam niyang ikakapanibugho niya.“Did you ask around?” mahinang tanong niya rito.Her secretary smiled awkwardly at her and said, “Everyone saw the picture of you and that unknown guy you’re with last night. Sabi nila, lowkey cheater ka raw po at ginagamit mo ang ganda mo para lokohin ang tulad ni Sir Paolo.”That made her jaw dropped. “Ito ang kumakalat na bali-balita kaya ganon sila tumingin sa ‘kin? K-kanino nila nalaman?”“Kay Miss Joey,” sagot nito. “Miss Joey forwarded a mail to all of the employees and everyone’s talking about it since this morning. I and Miss Czarina tried to take it down but it already
Months passed and Alana finally got discharged from the hospital. It wasn’t an easy kind of journey for her. Sa loob ng ilang buwan niyang pananatili sa hospital ay naramdaman niya ang kalinga ng kanyang pamilya. She haven’t seen her stepmother–– Rita, for quite some time now. Wala na rin naman siyang planong makita ito.“Bakit ka umiiyak diyan? Dress lang naman ang sinusukat, hindi wedding gown.”Wala sa sarili siyang napakurap nang marinig ang nagsalita. Nilingon niya ito at nakita si Joey na nakataas ang kilay sa kanya. Mahina siyang natawa sa behavior nito at humugot ng malalim na hininga.Speaking of Joey, naging successful din ang operation ng kanyang ina na si Lumina. Na-i-discharged nila ito at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Amerika. Hindi niya nga alam kung anong ginagawa ng babaitang ito rito sa Pinas.“I’m not crying,” she denied and scoffed. “Sinipon lang ako.”Umismid din naman ito sa kanya. “So anong plano mo kay Yuen? Sa pagkakaalam ko, na sa basement pa rin siya han
Ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang katawan. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Gusto niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang control dito. For the first time, she felt this useless.Isa-isang pumasok sa kanyang isipan ang mga nangyari bago siya humantong sa ganitong kalagayan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at ramdam niya ang panunubig ng kanyang nakapikit na mga mata. She wanted to open her eyes but she couldn’t. Ang nagagawa niya na lang ngayon ay ang patalasin ang kanyang pandinig.And then she heard a baby’s cry. Sumikdo ang kanyang dibdib. She wanted to get up and get the baby but she couldn’t even move a limb. It’s like she’s paralyzed. At kahit tinig niya ay hindi niya mahagilap. She wanted to talk, to call for someone to help her. Ngunit hindi. Hindi niya magawa.Kaya naman wala siyang ibang choice kundi ang mahiga na lang doon, nakapikit, at parang patay na nakikiramdam lamang sa paligid. Marami siyang naririnig na mga
“How is she?” Agad na napatayo si Rhett nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room.For the very first time in his life, he’s trembling out of fear. He wanted to go inside and check, but he’s too scared to know the truth. What he witnessed a while ago is making his knees tremble.The doctor looked at him in the eye. Sa mga tingin pa lang nito ay pakiramdam niya’y nanghihina na siya. Hindi niya alam. Hindi niya kaya. He wanted to convince himself he’s just hallucinating. That maybe this is all just a nightmare.“I’m sorry to say this but...” Humugot ito ng malalim na hininga. “Your wife had a second degree burn. Magpasalamat na lamang tayo at hindi siya umabot sa third degree burn. At magpasalamat din tayo na ligtas ang bata.”Mariing naikuyom ni Rhett ang kanyang kamao. Hindi niya mawari kung para saan at kung bakit kailangang magpasalamat sa mga nangyari. Alana was burned! A second degree burn that probably peels her skin! And his child…Napatayo si Rita sa kanyang kinau
TRIGGER WARNING!!“Please, Yuen. Nakikiusap ako. Bitiwan mo ang bata. H’wag mo siyang idamay! Kung galit ka sa akin, ako na lang! H’wag na si Astrid. Please, not the child!”Paos na paos na siya ngunit pinilit niya pa ring sumigaw para pigilan si Yuen. She didn’t know na darating sa ganitong punto si Yuen. He looks so kind to her at first and it seemed like he couldn’t hurt a fly.But looking at the Yuen in front of her right now. Holding the crying baby upside down and below them is the tanker filled with fire. Sobrang sakit na ng dibdib ni Alana sa kakaiyak. Gusto niyang tumayo ngunit may sugat na siya sa hindi niya mabilang na pagsuntok at saksak sa kanya ni Yuen kanina.Ngunit lahat ng ‘yon ay pilit niyang iniinda. She tried to crawl but the maid whom she was talking to in the room slapped her hands with some wire that stings so bad.“Ce que je voulais vraiment, c'est que tu me choisisses, Alana. C'est vraiment difficile ? Je suis prêt à tout pour toi. Tu sais quoi, je peux modifi
After taking a bath with Astrid, the maid helped her carry the child while she’s busy washing the clothes na dinumihan ni Astrid. Nandito sila ngayon sa banyo at tahimik lamang ang maid na naghihintay sa kanya.“Uhm, may phone ba kayo rito?” she asked, trying to open a conversation between her and the maid.Tumango ito. “Oo naman. Kahit na sa gubat kami ay mayroon din naman kaming gadget. Pahirapan nga lang sa signal.”She nodded her head. “Dala mo ba ang phone mo ngayon?”Alana was hoping for the woman to nod her head. But to her disappointment, umiling ito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi ako nagdadala ng phone sa tuwing may ginagawa akong trabaho. Ayaw kong mapagalitan ako ni sir Yuen.”Ngumuso si Alana. “But can you lend me your phone even just for a moment? May tatawagan lang sana ako. Nakalimutan kong magbilin ng napkin sa mga umalis kanina para makapagbihis ako rito.”“Ganoon po ba? Sige po. Kukunin ko po pagkatapos niyong maglaba ng lampin ni baby,” saad nito.Agad na
Malapit nang sumapit ang umaga. This is one of the longest night she ever experienced. Hindi siya natulog. She was awake the whole night, trying to find ways to escape this hell with her baby. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang makitang ibang paraan para makatakas dito.She looked at the milk feeding bottle and noticed it’s almost empty. Wala na ring formula rito kaya’t parang gusto na naman niyang maiyak. Kumakalam na ang kanyang sikmura at nakakaramdam na rin siya ng hilo. She has an anemia and she’s scared it would attack right now.“Waving goodbye with an absent-minded smile. I watch her go with a surge of that well-known sadness. And I have to sit down for a while…” mahinang pagkanta niya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga. “The feeling that I'm losing her forever. And without really entering her world. I'm glad whenever I can share her laughter. This funny little girl…”This is one of her favorite songs na lagi niyang kinakanta sa tuwing inaayusan niya si Aurora. S
“Why are you doing this?” mahina niyang tanong dito.Tulog na tulog ngayon ang bata sa kanyang kandungan habang kaharap niya si Yuen. Kanina pa silang dalawang walang imik. Hindi niya tuloy alam kung makakaramdam ba siya ng takot o ano.“Why did you lie to me the moment I woke up from the hospital?” she asked softly. Sobrang paos na ang kanyang tinig ngunit pinipilit pa rin niyang makapagsalita.“Because I don’t want you to go back to your old life. I want you here with me.” Mahina itong natawa. “Ngunit kahit pala anong gawin ko, kahit nakalimot ka na, Rhett is still inside your heart. I don’t know what to do to replace him. Ako ang nakasama mo nang matagal at nakasama mo nang mga panahong naghihirap ka. Bakit hindi na lang ako?”“Yuen…” she whispered. “I’m sorry. Hindi ko naman ginusto ang lahat.”Umismid ito at muling tumunga sa hawak nitong alak. Nanatili ang kanyang tingin dito. She bit her lower lip as she stared at him. He lost weight, that is what she noticed. Nanlalalim na an
Nagkagulo na ang lahat ngunit hindi niya pa rin mahanap ang kanyang mga anak. May humila kay Riley at hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakaktaong ibigay si Astrid dito. Gising na ang bata dahil sa mga ingay ngunit hindi man lang ito humihikbi.“Aurora! Ryo!”Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa mga palitan ng putok. Hindi niya alam kung saan siya magtatago. She torn between hiding and looking for her kids. Ang batang hindi sa kanya ang hawak-hawak niya ngayon habang ang mga anak niya ay hindi niya alam kung nasaan na.Nagsisimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakayukong tumatakbo at panay ang lingon sa paligid. At dahil sa panay ang lingon niya sa paligid ay may nakabanggaan siyang lalaki.She was about to apologize when the man held her arm. “Tara na po, Miss Alana. Sunod po kayo sa ‘kin.”“Nakita niyo ba ang mga anak ko?” she asked with her shaking voice.“Opo. Na sa sasakyan na po. Halina po kayo.”Walang pagdadalawang-isip na sumama si Alana sa pag-iis
Panay ang kanyang paglilibot ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Wala namang nangyayari. Everything is good. May mga nakakalaro ang kanyang mga anak na bantay sarado niya naman.Wala siyang nakakausap bukod kay Rhett. May ngumingiti sa kanya ngunit hindi niya magawang ngitian pabalik dahil sa anxiety na nararamdaman ngayon. Sinabi na niya kay Rhett ang tungkol sa bagay na ‘yon at mukhang agad naman itong naalamarma. As he should! Mas lalo siyang hindi mapapakali kapag wala lang kay Rhett ang kanyang sinabi.“You must be Alana.”Nilingon niya ang mag-ari ng tinig at nakita ang isang babae na may malapad na ngiti sa labi at kung hindi siya nakakamali, she was the woman on the stage a while ago who was holding the child. Mukhang ito ang ina ng bata.Pinilit ni Alana na ngumiti at pinanood itong lumapit sa kanya.“Can I take a seat?”“Sure,” agad na sagot ni Alana at tinuro ang upuang inupuan ni Rhett kanina.Rhett excused himself a while ago dahil may