Share

Chapter 35: Time Stood Still 2

"Naiintindihan mo na ba ngayon kung bakit hindi ka puwedeng mag-isa sa condo mo?" ani Rob nang nasa daan na sila.

Hindi siya sumagot. Lumilipad kasi ang isip niya, pati ang dibdib niya puno ng kaba. How did her life turned into this? She felt like a prey running from a hunter she does not even know!

Sinapo niya ang ulo bago tarantang umayos sa pagkaka-upo sa passenger's seat. Noon niya nasulyapan ang rearview mirror. Mabilis niyang nilingon ang likurang bahagi ng sasakyan. Lalong tinambol ng kaba ang dibdib niya nang makita niyang may nakabuntot sa kanilang itim na kotse. Kabado siyang tumingin kay Rob na nasa daan pa rin ang konsentrasyon.

"Detail ko 'yan. Alam mong protocol 'yan sa pamilya ng chief of staff. Hindi pa kasama ang private bodyguards ko na lihim din tayong sinusundan."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status