Malakas na tunog ng cellphone ang nagpagising kay Sophie kinabukasan. Pikit-mata niyang tinatanggal ang mabigat na bagay na nakadagan sa baywang niya. Nang hindi niya iyon matanggal, kinapa na lang niya sa side table ang cellphone niya at sinagot ang tawag.
"H-hello?"
"Princess? Are you just waking up? Tanghali na a," anang Daddy niya sa kabilang linya. Agad siyang nahimasmasan at napamulagat. "Anyway, pauwi na kami ng Tita Lucy mo. Nandito na kami sa airport," dugtong pa nito sa masiglang boses.
Oh my God! Ngayon ang uwi ng mga magulang niya!
"D-Dad!" Taranta siyang bumalikwas ng bangon bago hinila ang kumot hanggang sa dibdib niya.
"O, bakit parang gulat n
Benitez Residence"Daddy, I'm fine. No need for bodyguards," protesta ni Sophie sa sinabi ng Daddy niya. They just arrived home a few minutes ago. Naunang makauwi ang mga ito. Nagdahilan sila ni Rob na nagtungo sila sa presinto nang maaga kaya sila magkasama. "Besides, p-patay na po 'yong nagtangka sa akin," dugtong pa niya bago sumulyap kay Rob na nakatayo sa likod ng mga magulang nito na nakaupo sa salas. Kagaya nila ng mga magulang niya.Dumiretso ng upo ang Daddy niya, marahang umiling. "I won't take any chances, Sophie. Hindi pa natin alam kung sino ang mastermind sa tangkang pagpatay sa 'yo. It's either you stop modelling and stay home or go out with bodyguards surrounding you."Napamaang siya. Just like Rob, she hates being followed. Noong chief p
Nang gumabi, bisita ulit ni Sophie si Rob. Sinubukan niyang h'wag itong harapin kaya lang nagalit ang Daddy niya. Kung hindi raw niya haharapin si Rob, papaakyatin nito ito sa kuwarto niya.Nataranta siya. Hindi na puwedeng pumasok ang salot sa kuwarto niya. Delikado. She knew full well what happens when it's just the two of them in a room. Her defenses are weak when it comes to him. And she promised herself na kahit kailan, hindi na pwedeng maulit 'yon.Nagmamaktol siyang lumabas ng kuwarto niya at hinarap ito. Naabutan niya ito sa salas, may dalang isang tangkay ng puting orchids na pamilyar sa kanya. Alanganin niyang tinanggap ang bulaklak bago iyon inilapag sa center table sa sala. Inaya niya ito sa gazebo sa rose garden para makapagsarilinan sila.She stood in the midd
Malakas na tunog ng cellphone ni Sophie ang nagpagising sa kanya kinabukasan. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, naka-flash sa screen ng cellphone niya ang number ni Rachel. Magkasabay na bumangon ang kaba at guilt sa dibdib niya. Ni ayaw nga siyang kausapin ng maldita bakit siya nito tatawagan? Alanganin niyang sinagot ang tawag."H-hello.""Sophie. It's Rachel, " pormal na sagot nito sa kabilang linya."Why did you call?""I want to talk to you. Babae sa babae."Pakiramdam niya nanuyo agad ang lalamunan niya. Lalong bumigat ang dibdib niya."S-saan?""Sa Casa Vieja. Luncht
"That's a wrap!" sigaw ni Tim sa mga tauhan nitong production staff ng magazine cover ni Sophie na lalabas sa huling quarter ng taon. Pumalakpak ito bago siya nilapitan. "Thank you, Sophie. Mami-miss kita. Don't forget to call from time to time," sabi nito bago siya niyakap."I will miss working with you too, Tim," sabi niya, gumanti ng yakap sa bakla.She'll be returning to Paris in two days and her pictorial today is her last day of work in the country. Sa totoo lang, excited na siyang bumalik sa Paris. Hindi dahil sa gustong-gusto na niyang magtrabaho. But she really wanted to get away from the drama she have had as quickly as possible.It has been five days since she and Rachel had talked. Limang araw na rin niyang hindi kinakausap si Rob. Pati si Tita Mae na araw-araw siyang pinup
Kinagabihan"Emilio?" manghang sabi ng Daddy ni Sophie sa bisita nila na nasa sala. Sumilip siya mula sa kusina. She saw a man, who has the same built as her father, shook her father's hand. She's sure, dating kasamahan ng Daddy niya sa trabaho ang bisita nila.Sanay na siya sa mga gano'n. Kahit na ilang taon na rin mula nang mag-retire ang Daddy niya sa serbisyo, paminsan-minsan binibisita pa rin ito ng mga dating classmates nito sa PMA o kaya naman ng mga dati nitong tauhan para humingi ng pabor.Tinuloy niya ang pag-inom ng tubig mula sa bottled water bago sinilip ang niluluto ni Tita Lucy at Yaya Isay sa stove. Calderetang Baka, her Daddy's favorite.Plinano niyang tumulong sa pagluluto kaya siya bumaba s
Imbes na sa loob ng bahay, sa gazebo idiniretso ni Sophie si Rob. Ayaw niya kasing makita pa ng Daddy niya si Rob. Baka kausapin pa ng Daddy niya si Rob kung sakali, magtagal pa ito sa bahay nila na ayaw niyang mangyari.Marahan niyang inilapag ang dala nitong bouquet sa garden set na nasa gazebo bago siya sumandal sa balustre ng gazebo, ilang hakbang ang layo kay Rob.Uncomfortable silence came afterwards. Nanatili si Rob na nakatayo at nakatitig lang sa kanya. Halatang marami itong gustong sabihin subalit hindi nito alam kung saan mag-uumpisa.He turned to you to scratch his itch!Umiwas siya ng tingin at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. Magkasabay na bumangon ang galit at sakit sa kanyang dibd
"Sige mukmok galore ka diyan!" paninita ni Raine sa kanya na bahagya pang humikab bago nagtungo sa kitchen ng condo niya upang i-on ang coffee maker. Kanina pa siya nakatanga sa malaking bintana ng unit niya.Madilim pa nang lumabas siya ng bahay nila kanina. Sleep was elusive the whole night. At dahil hindi rin lang siya makatulog, nagpasya siyang magmukmok na lang sa ibang lugar. Doon sa kung saan siya malayang umiyak, sumigaw, magwala at mapakabaliw. Doon sa lugar na malayo kay Rob. Kaya heto siya ngayon, nasa condo unit niya at kasama si Raine.Subalit ngayon, habang tumatagal ang pananatili niya sa unit niya, she's slowly realizing how stupid she was to go there. Even her very own house reminded her of Rob. Of course it would. They did the deed there!Nagbu
"What's this, Sophie? I said, I want you to lose some weight in your mid- section. But you gave me another two pounds instead!" Ms. Elle frustratedly sighed and brushed her hair with her fingers.She wanted to speak, to explain herself. But words just won't come out of her mouth. She was standing in the middle of Ms. Elle's huge office surrounded by glass wall panels, overlooking the stupendous view of the city of Paris. She just couldn't stand to see the disappointment on Ms. Elle's face. Elle De Rossi is the owner and manager of the modelling agency she's been working with for the past two years.Nasa mid-fifities na si Ms. Elle ngunit maganda pa rin. The woman has shoulder-length blonde hair and still has an attractive face despite the fine lines and wrinkles due to aging. Ito ang naka-discover sa kanya sa isang mall sa Makati