Share

Kabanata 912

Ito na rin huling pag-uusap nina Maisie at Maizie pagkatapos makulong ng huli.

Naglalakad si Maisie sa corridor at makikita si Nolan na nakatayo sa dulo nito. Hinihintay niya si Maisie.

Ngumiti siya habang papalapit si Maisie. “Tapos mo na siyang kausapin?”

Tumango si Maisie at huminto sa harapan ni Nolan. “Oo, gusto ko lang malaman kung bakit ang laki ng galit niya sa akin.”

Hinawakan ni Nolan ang kamay niya at hinalikan ang kaniyang mga daliri. “Kahit anong isipin ng iba, ang misis ko ang pinaka the best.”

Tumingkayad si Maisie at mas lumapit pa. “Ganoon ba ako kagaling?”

Niyakap ni Nolan ang baywang niya. Makikita ang tuwa sa kaniyang mga mata. “Bukod sa maliit na tigre na kailangan kong harapin paminsan-minsan, ayos ka lang naman.”

Nasamid si Maisie. “Sinong tinatawag mong tigre?”

Hindi na sumagot si Nolan, pero makikita ang saya sa kaniyang mga kilay at mata.

“Ahem, mukhang mali ang dating ko.” Naiilang na inistorbo ni Officer Zaleski ang dalawa, at mabilis naman na tinul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status