Tiningnan ni Maisie ang batang babae at napansin niya na malalim ang iniisip nito, kaya pinisil niya ang pisngi nito. "Bakit ka pumunta dito?"Hindi mapaliwanag ang mukha ni Daisie. Hindi niya alam ang sasabihin bago siya nagsabi na, "Hinahanap…Hinahanap kita. Nagsisimula na ang meeting.""Kailangan mo na pumunta kung nagsisimula na. Pupunta na rin ako." sabi ni Joe sa kaniya. Tumango si Maisie.Nang makalayo na si Joe, ngumiti si Daisie. "Mommy, si Mr. Watson po ba ang first love niyo?"Muntik na mabulunan sa sarili niyang laway si Maisie. Yumuko siya at tiningnan si Daisie sa mata. "Alam mo na ba kung ano ang first love sa edad mo na yan?"Hindi naglakas-loob si Daisie na sabihin sa nanay niya na nalaman niya yun matapos niyang panoorin ang drama na kinabibilangan ng kapatid niya. "Siya nga po ba?"Walang magawa si Maisie. "Syempre hindi."Ngumiti si Daisie, at tumaas ang tono niya. "Nagkaroon na ba kayo ng first love?"Naningkit si Maisie, naka sulyap sa naka-suit sa corri
Nang nakababa ang kamay ng lalaki, lumapit sa kaniya si Maisie, hinawakan ang braso niya, at sinipa at natumba ito sa sahig. "Paano mo nagagawa 'yan sa bata?"Nagulat ang lalaki at mukhang hindi natutuwa, pero ayaw niyang ma-alerto ang iba, kaya tumayo siya at tumakbo.Napakunot si Maisie.'Paano nakapasok ang t*rantado na yun sa school? Mapapahamak ang mga bata sa kaniya!'Tumingin si Maisie sa bata, plano niya na pagaanin ang loob ng niya, pero nagulat siya nang makita niya ang mukha ng bata.Kakaiba ang ganda ng batang lalaki—mas maganda pa siya kaysa kay Daisie.Light color ang mata ng bata, maputi at malambot ang balat niya. Mayroon siyang wavy hair at napakahaba na pilikmata.Kahit sinong bata ay matatakot matapos ang nangyari, pero wala siyang emosyon at nakatayo lang sa pader na para bang walang nangyari.Sanay na siguro ang bata sa ganoon dahil ang mata niya naiiba kumpara sa ibang bata."Bakit mag-isa ka lang na nakatayo dito? Nasaan ang magulang mo?" Pumantay si Mai
Nagliliyab ang mga mata ni Nolan, pero sinusubukan niyang kontrolin ang lahat at hinalikan na lamang si Maisie. "Oo, kaya kailangan kitang parusahan."Nararamdaman ni Maisie ang maikling buhok sa leeg niya, binuhat siya ng malalakas na bisig ni Nolan. Mahigpit niyang niyakap ang leeg ni Nolan para hindi siya mahulog at nagkaroon ng masayang oras sa doorway.Sa ilalim ng madilim na langit, ang ilaw mula sa closet ay bahagyang kuminang sa maputing balat ni Maisie, nakakalat ang buhok niya sa unan na parang black algae.Mayroong nagbukas ng pinto sa kwarto. Bahagyang dinilat ni Maisie ang mata niya nang maramadam niyang gumalaw ang mattress. Nakaupo sa gilid ng kama si Nolan, hinahawakan ang mukha ni Maisie. "Hindi ka mag-di-dinner?"Lumingon si Maisie, namamaos ang boses niya dahil sa pagpilit. "Nauuhaw ako."Kinuha ni Nolan ang hinanda niyang tubig sa mesa para kay Maisie.Umupo siya at uminom ng tubig pero nabulunan dahil nagmamadali siyang uminom, nabuga niya ang tubig sa bagong
Humigpit ang pagyakap ni Nolan kay Maisie habang dinampian niya ng halik ang noo ni Maisie.Matapos ang dalawang araw, lumitaw ang pangalang "Maizie" sa Google Trends tulad ng inaasahan. Ang kumakalat na balita ay tungkol sa pagka bugbog ni Maisie sa "unang asawa" ng kung sino man ay talagang pinag-uusapan sa kalsada ng mga socialite.Pinatay ni Maisie ang phone niya at itinabi. Mayroong kumatok sa pinto, at inangat ni Maisie ang ulo niya. Isa yun sa babae niyang empleyado, at sinabi na, "Pasok."Pumasok ang babaeng empleyado na mayroong dalang dokumento. "Ms. Vanderbilt, gusto ng isang model na maging spokesperson ng line ng jewelry natin na para sa mga couple. Ito po ang profile niya na pinadala sa atin."Kinuha ni Maisie ang document, at bahagya siyang nagulat nang makita niya kung sino yun.Ang pangalan sa profile ay walang iba kundi si Xyla Mayweather. Mabilis makilala ang babae na nasa litrato. Kahit na hindi siya 'yung tipo na magagandahan ka sa unang tingin, hindi madaling
Nabigla si Maisie. "Kailan 'yan nangyari?""Nandoon ako sa high school party niyo ng taon na yun."Sa sobrang tagal ay nakalimutan na ni Maisie ang tungkol doon.'Hanggang saan ba ang hinanap niya?'Parang may naalala siya, ngumiti siya kay Louis at sinabing, "Pwede kong sabihin sa'yo, pero kailangan mo muna sagutin ang tanong ko."Habang hindi nawawala ang ngiti sa mukha ni Maisie, nagpatuloy siya, "Bakit gusto mong pakasalan si Ryleigh?"…#Supermodel Xyla nakabalik na mula sa ibang bansa#Naka-dekuwatro si Ryleigh sa couch habang kumakain ng fruit salad. Habang nag-i-scroll siya sa Facebook newsfeed, nakita niya ang balita, at matagal siyang napatitig sa screen.'Bumalik na si Xyla? Dahil bumalik na ang ex-girlfriend niya, ibig sabihin ba ay hindi na namin kailangan ituloy ang kasal?' Iniisip niya habang kumukuha ng piraso ng pakwan gamit ang tinidor.Nagmamadaling bumaba si Russel at sumigaw, "Ryleigh, pasaway ka!"Nanginig ang kamay niya, at ang pakwan na nasa harapan
Dinala ni Russell si Louis sa study room. Pagkatapos nilang maupo sa harap ng mesa, inutusan niya ang kasambahay na dalhan sila ng tsaa.Tiningnan ni Louis ang study room. Simple at klasik ang decoration ng study room. Lahat ng naka-display na libro sa shelf ay nakaayos mula sa classical at modern titles. Naisip niya na nararapat lang na maging scholarly family ng Bassburgh ang mga Hills.Matapos ibigay ng kasambahay ang tsaa, pinatigil ni Louis si Russell nang sasalinan siya ng tsaa nito. Sabi niya, "Ako na, Mr. Hill."Tumawa si Russell at sinabing, "Ayos lang."Matapos magsalin ng tsaa, bumuntong hininga siya. "Pasensya ka na sa nangyari kanina."Habang hawak ang tasa ng tsaa sa kamay niya, sabi ni Louis, "Mahigpit ka kay Ryleigh, pero alam ko na hindi mo naman siya sinasaktan nang malala kahit gaano ka pa ka-galit sa kaniya."Mapait ang ngiti ni Russell. Totoo na sinasaktan niya si Ryleigh madalas, pero hindi yun malakas. Kung tutuusin, nag-iisa niya lang itong anak, at mahal
Sinundan ni Ryleigh ang tatay niya sa pinto at sumigaw, "Dad!"Pero, hindi siya pinansin ni Russell. Bumalik siya sa kwarto niya at ni-lock ang pinto.Nanatili si Louis sa study room at tumingin kay Ryleigh, na nakatayo sa labas. Matapos ang ilang sandali, pumasok si Ryleigh at kinwelyohan siya, "Ano bang gusto mo, Louis? Bakit mo ako ini-imbestigahan?'"Mayroon ka bang lihim na hindi dapat malaman ng iba?" Kalmadong sagot ni Louis.Walang sinabi pabalik si Ryleigh.Tinanggal niya ang kamay niya at inayos ang kaniyang kwelyo. Pagkatapos nun, tumayo siya at tumingin sa kaniya. "Sa tingin mo ba kasalanan mo ang nangyari nang taon na yun?"Napatigil si Ryleigh. Mahigpit na nakakuyom ang kamao niya at tinanong, "Anong ibig mong sabihin?"Lumapit sa kaniya si Louis at sinabing, "Hindi ako naniniwala na ganoon kang klase ng tao."Matapos nun, umalis siya ng study room, iniwan si Ryleigh na nakatayo pa rin sa pwesto niya habang nawawalan ng pag-asa.Sa Blackgold…Nilagpasan ni Maisi
Niluwagan ni Nolan ang necktie niya at sinabi kay Quincy. "Hindi ako pupunta sa dinner. Sabihin mo sa kanila kailangan ko maligo kasama ang asawa ko."Napatahimik si Quincy.Kinagabihan, pinagsisihan ni Maisie ang lahat ng sinabi niya kaninang tanghali. Maaaninag ang maliit na alon sa kisame. Mahamog ang banto, at luminaw lang ang paningin niya nang nawala na ang residual heat doon.Sumandal siya sa dibdib ni Nolan at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Mayroong preskong amoy ang katawan niya matapos maligo, at ang butil ng pawis na tumutulo sa katawan niya ay parang batis ng ilaw."Hindi ka talaga pupunta sa dinner?" Tanong niya.Inangat niya ang basang buhok ni Maisie at hinawakan ito sa likod niya. "Ayaw ko rin naman talaga pumunta. At saka, hindi ba't mas importante na manatili sa misis ko kaysa makipag-socialize?"Natuwa si Maisie sa naging sagot niya. Tumayo siya at binalot ang katawan niya ng towel. Pagkatapos nun, kinuha niya ang hair blower at pumunta sa washbasin para p
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell