Share

Kabanata 662

Hindi niya inaasahan ang pagtawag ni Quincy. Tinanong siya nito kung binisita siya ni Nolan sa ospital.

Nag-isip sandali si Maisie at sumagot, “Hindi ko siya nakita ngayong araw, at nakalabas na ako ng ospital. Anong problema?”

Sandaling nag-alinlangan si Quincy. “Biglang inalam kanina ni Mr. Goldmann ang nangyari three years ago, kanina pa siya umalis. Hindi pa siya bumabalik sa kumpanya.”

Tumayo sa tapat ng bintana si Maisie, nakakunot ang noo. “Inimbestigahan ni Nolan ang nangyari three years ago?”

“Opo, tungkol sa aksidente, hindi ko alam kung may naalala si Mr. Goldmann at kung yun ang dahilan kung bakit niya inalam ang nangyari. Buong maghapon na siyang wala sa Blackgold. Kaya akala ko ay kasama niyo siya.”

Matagal na natahimik si Maisie.

Ilang beses na tinawagan ni Maisie si Nolan, pero walang sumasagot. Gabi na pero hindi pa rin ito umuuwi.

Nagpadala na rin ng mga tao si Quincy sa mga lugar na madalas puntahan ni Nolan, pero wala silang nakita.

Nakaupo sa loob ng kotse
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status