Hindi niya inaasahan ang pagtawag ni Quincy. Tinanong siya nito kung binisita siya ni Nolan sa ospital.Nag-isip sandali si Maisie at sumagot, “Hindi ko siya nakita ngayong araw, at nakalabas na ako ng ospital. Anong problema?”Sandaling nag-alinlangan si Quincy. “Biglang inalam kanina ni Mr. Goldmann ang nangyari three years ago, kanina pa siya umalis. Hindi pa siya bumabalik sa kumpanya.”Tumayo sa tapat ng bintana si Maisie, nakakunot ang noo. “Inimbestigahan ni Nolan ang nangyari three years ago?”“Opo, tungkol sa aksidente, hindi ko alam kung may naalala si Mr. Goldmann at kung yun ang dahilan kung bakit niya inalam ang nangyari. Buong maghapon na siyang wala sa Blackgold. Kaya akala ko ay kasama niyo siya.”Matagal na natahimik si Maisie.Ilang beses na tinawagan ni Maisie si Nolan, pero walang sumasagot. Gabi na pero hindi pa rin ito umuuwi.Nagpadala na rin ng mga tao si Quincy sa mga lugar na madalas puntahan ni Nolan, pero wala silang nakita.Nakaupo sa loob ng kotse
Pagkatapos humarap sa basa at malagkit na hangin mula sa dagat, hindi na ganun kainit ang katawan ni Nolan, at kahit ang kulay niya ay mukhang nilalamig na.Niyakap niya si Maisie, at nilapat ang ulo nito sa dibdib niya, at saka pinatong ang baba sa balikat nito. “Zee, mahal mo ba ako?”Nagulat si Maisie, hinawakan niya ang malamig nitong mga pisngi. “Bakit mo yan biglang tinanong?”Hinawakan ni Nolan ang kamay niya at puno ng pagmamahal siyang tiningnan. “Gusto kong marinig yun mula sa iyo.”Tumawa si Maisie at naningkit ang kaniyang mga mata. Lumapit siya sa mga labi ni Nolan at marahan niya itong hinalikan. “Masaya ka na ba sa sagot ko?”Pinisil ni Nolan ang baba niya, at binalot ng malakas nitong aura ang katawan niya, lalo na ang kaniyang mga labi.Malalim siyang hinalikan ni Nolan na kinahumalingan naman niya. Ilang minuto ang lumipas bago siya binitawan ni Nolan. Bakas ang emosyon sa kaniyang mga matang natatakpan ng mga ulap, dahilan para mas maging misteryoso ito at kaak
May sinabi si Quincy kay Nicholas, at medyo nakahinga siya nang makita niya si Nolan. “Mr. Goldmann, nakabalik ka rin sa wakas.” Ngumuso si Nicholas. “Hindi na siya 3-year-old na bata. Iniisip mo bang mawawala siya sa landas?”Yumuko si Maisie at hindi mapigilang tumawa. Lumapit siya kay Nicholas. “Dad, ayos lang po si Nolan, huwag kayong mag-alala.”Tinitigan ni Nicholas si Nolan. May sinabi sa kanya si Quincy at mataimtim na kinausap si Maisie. “Plano mo bang sabihin sa kanya ang nangyari three years ago?”Ngumiti si Maisie. “Sinabi ko na sa kaniya lahat.”Nagulat nang ilang sandali sa Nicholas, at tumingin kay Nolan pero wala siyang sinabi.Huminto si Nolan sa tabi ni Maisie. “Dad, kung ano man ang nangyari sa amin ni Zee three years ago. Haharapin ko yun kasama siya.”Tahimik nang ilang sandali si Nicholas bago siya tumayo. “Dahil nagdesisyon ka ng harapin yun, hindi ko na alalahanin na magkaroon ka ng problema sa bagay na yan. Oras na para sabihin natin yan sa publi
Ngumiti si Maisie nang mas lumapit si Katrina. “Ms. Zalensky, hello, ako si Alice, designer ng Soul Jewelry.”Binuklat niya ang mga pahina ng libro pagkatapos ipakilala ang sarili. “Nandito kayo para magpa-customise ng isang pares ng couple rings. Nagkataon naman na kailangan kong mag-disenyo ng isang pares ng mga singsing, kaya sinabihan ko sila na unahin ang appointment niyo. Mayroon ba kayong ibang kailangang gawin ngayon?”Tiningnan siya ni Katrina. “Ayos lang. May oras ako.”“Natutuwa akong marinig yan.” Lumingon sa gilid si Maisie. “Sumunod kayo sa akin.”Pagkapasok sa loob ng VIP reception room, pinaupo muna ni Maisie si Katrina, nagpunta siya sa gilid para kumuha ng mga samples at kaswal na nagtanong, “Mayroon ka bang specific design na naiisip, at wedding or couple rings ba ito?”Itinabi ni Katrina ang handbag niya at mahinahong sumagot, “Wedding ring.”“I see.” Gumalaw ang mga mata ni Maisie. Nilabas niya ang isang sample drawing, lumakad papunta sa mesa, naupo at nilap
Iniwan ni Katrina ang address at umalis sa Soul. Tinabi ni Maisie ang address. Matagal na siyang naghahanap ng paraan para makalapit kay Katrina, pero si Katrina pala ang lalapit sa kaniya.Mayroon itong video na magagamit para ma-blackmail si Barbara. Dahil pumayag siyang tulungan si Barbara, matatapos na ang lahat sa oras na mahawakan niya ang computer ni Katrina.Kung magagawa nila ang singsing, yun ang pinakamagandang oras.Bumalik si Katrina sa Stanford Manor. Sinabi ng kasambahay na tumawag lang si Eugene at binanggit ang tungkol sa mga taong naglantad ng pagkatao niya, huwag daw siyang mag-alala.Pagkatapos marinig yun, sumimangot si Katrina. Simula nang mangyari ang insidenteng yun, hindi na nagpakita o tumawag man lang sa kaniya si Eugene. Paanong hindi siya mag-aalala?Mas lalo siyang nag-alala nang maisip yun.Limang taon na silang magkasama ni Eugene at isa lang siyang kabit, kaya ang tanging kinukunan niya lang ng pera ay mga Chase. Hindi niya hahayaan na matap
May bigla naman dumating sa pinto. Nang makita ni Helios na nandoon si Nolan, hindi siya mukhang nagulat. "What a coincidence."Humalukipkip si Nolan at tiningnan siya. "Naayos ko na ang isyu sa mga Hannigan, pero nakikipag-usap ka pa din sa asawa ko."'Isyu sa mga Hannigan?'Tiningnan silang dalawa ni Maisie. 'Diniin ba ni Nolan ang mga Hannigan dahil kay Helios?'Huminto si Helios sa harapan ni Nolan. Siya lang siguro ang taong makakatapat sa itsura, status at disposisyon ni Nolan sa Bassburgh.Tumawa siya. "Nandito ako para kausapin si Ms. Vanderbilt tungkol sa sarili kong problema. Problema mo ang selos mo. Wala silang kaugnayan."Huminga nang malalim si Nolan, naninigas ang kaniyang ekspresyon. "Mr. Boucher, napaka—""Nolan," Tinulak ni Maisie si Nolan sa likuran niya, seryoso ang kaniyang mukha, "Umayos ka."Natahimik si Nolan.Tumalikod si Maisie at tiningnan si Helios. "Mr. Boucher, anong maitutulong ko?"Tiningnan ni Helios si Nolan, saka tinanong si Maisie
O baka, mayroon pa rin pagmamahal si Eugene sa asawa niya. Sila lang ang nakakaalam kung ano ang totoo.At dahil nanghingi ng divorce si Samantha dahil sa eskandalong yun, wala ng pakialam pa si Eugene sa ibang babae dahil wala naman talaga siyang balak pakasalan ang babaeng yun.Malapit na nilang malaman. Kapag nalaman nila na si Barbara yun—at may video si Katrina na magagamit bilang blackmail —malalagay sa kapahamakan si Barbara.Kumunot ang noo ni Helios "Kilala mo ba kung sino ang nagbulgar sa kaniya?""Pasensya na, pero hindi ko pwedeng sabihin sa iyo."Yumuko si Maisie. Kahit na isa itong kumplikadong sitwasyon, wala siyang planong isuplong si Barbara. "Ayaw kong may utang ako sa ibang tao, at pumayag na akong tulungan siya."Sandaling natahimik si Helios, saka ngumiti. "Alam ko na ngayon kung sino siya."Natigilan si Maisie, pero bago pa siya makasagot, nagsuot na ng sunglasses si Helios, tiningnan si Nolan at makahulugang tiningnan si Maisie. "Huwag kang mag-ala
Kumunot ang noo ni Nolan. “Alam ba ni Eugene Boucher na may kaugnayan siya sa mga Chase?”Tumango si Quincy. “Sa palagay ko ay oo. Pero dahil itinanggi ng mga Chase ang pagkatao ni Katrina, kahit na alam niya, anak lang sa labas si Katrina na hindi tinatanggap ng mga Chase.”Sa madaling salita, naglalaro lang si Eugene. Kung mayroong anumang benepisyo sa kaniya si Katrina, matagal na siyang nakipag-divorce kay Samantha.Mayroong naisip si Quincy at sinabing, “Oo nga pala, Mr. Goldmann, medyo malapit si Ms. Vanderbilt sa anak ni Mr. Chase na si Barbara. Noong araw ng gem-hunting event, bukod kay Ms. Hill, nandun din si Ms. Chase.”Hindi nagsalita si Nolan. Gayunpaman, naalala niya ang sinabi ni Maisie na ayaw niyang magkautang sa iba at ang mga Chase ang humawak sa kaso ni Mr. Ludwig ng Passion Jewelry.‘May kinalaman ba ang ‘utang’ na yun kay Barbara?’Wala siyang pakialam kung bakit dinamay ni Barbara si Maisie sa mga Boucher. Kailangan mas marami pa siyang malaman sa lalong mad
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell