”Zee, ako pa rin ang tiyahin mo. Kahit paano, alam mo ng mayroon ka pang ako sa mundong ito.”Ngumiti si Maisie at tumango.…Dumating si Maisie sa Soul Jewelry, at nakita niya si Quincy na nakaupo sa couch nang pumasok siya sa opisina.Napahinto si Maisie at nilibot ang tingin sa kwarto. “Quincy, bakit ka nandito? Nasaan si Nolan?”Kung nasaan si Quincy, nandoon din si Nolan.Napakamot sa mukha si Quincy at ngumiti. “Pinapasundo kayo sa akin ni Mr. Goldmann.”“Sundo?”“Oo, may surpresa daw siya sa inyo at dadalhin ko kayo dun.”Humalukipkip si Maisie nang makita niya ang kakaibang kinikilos ni Quincy. “Anong surpresa?”“Hindi na yun surpresa kung sasabihin ko sa inyo.” Inilahad ni Quincy ang isang kamay at yumuko. “Shall we go, Ms. Vanderbilt?”Ngumiti si Maisie. Bakit may pasurpresa pa si Nolan imbes na magtrabaho? Nagtaka tuloy siya sa ‘surpresa’ na ito.Ginawang misteryoso ni Nolan ang buong proseso. Hindi lang siya naka-blindfold habang papunta doon, pero kinailangan d
Seryoso ang mukha ni Nolan habang hinihila pababa ang kaniyang kurbata. Bumagsak ito sa sahig pero hindi siya lumingon.Nagulat si Quincy. “Mr. Goldmann—-”Malungkot na lumabas si Maisie, kaya lumapit si Quincy sa kanya at nagtanong, “Anong nangyari kay Mr. Goldmann? Hindi ba kayo nakuhan ng wedding pictures?”Tumingala si Maisie. “Wedding pictures?”Nagpaliwanag si Quincy, “Oo, kahit na nawala ang alaala niya, hindi nawala sa isip niya na wala kayong wedding pictures. Gusto niya nga rin kumuha ng wedding rings. Kahit na hindi niya naaalala ang nangyari, sobrang mahalaga pa rin kayo sa kaniya.”Napako si Maisie sa kinatatayuan niya, nakakuyom ang mga kamay.Kahit na hindi nakakaalala si Nolan, nasa puso pa rin nito ang nakaraan nila at gustong bumawi, sa wedding photos man, wedding rings, o ang pangako nitong wedding ceremony.Galit si Nolan. Kahit na hindi pa bumabalik ang alaala nito, dapat ba siyang tanggihan dahil lang hindi nito naaalala ang nakaraan nila?Napatawa na lan
Hindi nagsalita si Maisie. Hindi nagtagal matapos ang tawag, pinadalhan siya ng litrato ni Quincy.Katulad na katulad ito ng inilarawan ni Ryleigh. Kumakain ng lunch sina Nolan at Maizie, at sinadya silang kunan sa isang anggulong mas intimate.Suminghal si Maisie. Inutusan ba ni Nolan si Quincy na i-send ito sa kaniya? Gusto ba niyang pagselosin siya?Matagal na naghintay si Quincy sa reply ni Maisie at saka siya nagsimulang mataranta. ‘Hindi na ba papansinin ni Ms. Vanderbilt si Mr. Goldmann?’Na-alarma na si Quincy nang puntahan ni Maizie si Nolan sa opisina.Agad siyang lumapit kay Nolan at yumuko para bulungan ito sa tainga. Humigpit ang hawak ni Nolan sa wine glass, at sumimangot ang mukha niya.Nakaupo si Maizie sa tapat niya at nag-eenjoy sa isang steak at wine. Nginitian siya nito bago nilapag ang wine glass. “Anong problema, Nole?”Nilapag ni Nolan ang baso niya sa mesa, pinunasan ang labi gamit ang napkin at sinabing, “Kailangan kong umalis.”Tumayo siya at aalis na
Humigpit ang hawak ni Nolan sa mga balikat niya hanggang sa niyakap ni Maisie ang baywang nito at nilapat ang pisngi sa dibdib para pakinggan ang tibok ng puso ni Nolan."Zee…""Tapos ka na bang magalit?" Tiningnan siya ni Maisie, halatang proud ito.Tinikom ni Nolan ang maninipis niyang labi, pakiramdam niya ay itinatali siya.Inayos ni Maisie ang necktie niya. "Nag-enjoy ka ba sa lunch niyo ni Maizie?"Napahinto si Nolan at umiwas ng tingin. "Alam mo ba kung bakit ko siya kasamang kumain?""Para pagselosin ako," Nakangiti ang mga mata ni Maisie, "Hindi ko alam kung talagang nagtatampo ka sa akin, kaya hinintay na lang kita na bumalik sa akin.""Mamamatay ka ba kung ikaw ang unang kakausap sa akin?"Nakaramdam ng pagkatalo si Nolan sa unang pagkakataon, pero hindi siguro ito ang unang beses na nangyari ito.Hinalikan ni Maisie sng Adam's apple niya. Kumunot ang kaniyang noo, mahigpit na niyakap ang baywang nito at sinabing, "Itigil mo yan, Maisie."Pero, tinulak si
Napa-angat ng ulo si Maisie. "Sino yun?""Si Madam Vanderbilt," Lumingon si Kennedy at sumagot, "Sa tatlong taon na lumipas, pumupunta siya dito at binibigyan kami ng problema. Kahit na naging Soul Jewelry ang Vaenna Jewelry, isa pa rin ito sa mga assets ng mga Vanderbilt. Akala nila ay patay ka na, at pinipilit niyang ipamana sa apo niya ang assets ni Stephen."Tumawa si Maisie. Habang nilalaro niya ang hawak niyang pen, sinabi niya, "Paglipas ng maraming taon, hindi pa rin nagbabago ang mga Vanderbilt sa Coralia."Napabuntong-hininga na lang si Kennedy. "Mas lumalala lang sila. Hindi ito ang unang beses na pumunta sila dito at gumawa ng eksena. Nagpatawag pa sila ng pulis, pero walang nagawa ang mga pulis. Pagkatapos ng lahat, ikaw ang legal na tagapagmana ng mga assets ni Stephen ayon sa will niya."Pagkatapos magsalita, tiningnan niya si Maisie at sinabing, "May gagawin ka ba tungkol dito?"Tumayo si Maisie at sumagot "Hindi muna ako magpapakita. Gusto kong makita kung an
"Ang sabi ni Ms. Alice sa akin ay gulpihin ko kayo nang mabuti dahil mukhang gustong-gusto niyo yun. At saka, nakulong na dati ang apo mo. Sanay na siguro siyang mabugbog, kaya magiging maganda siyang punching bag para maensayo ang skills ko."Natakot si Hector at nagtago sa likod ni Madam Vanderbilt. "Lola, g-gusto niya akong bugbugin.""Tara na. Hindi dapat tayo mag-abala sa mga barbarian na 'to!"Dahil alam ng taong nasa likod ni Saydie ang tungkol sa pagkakakulong ng apo niya, alam ni Madam Vanderbilt na hindi nila dapat banggain ang babaeng nasa harapan nila ngayon.Bumalik si Maisie sa kaniyang opisina at nagtanong tungkol sa lahat ng nangyari sa mga Vanderbilt sa Coralia sa nakalipas na tatlong taon. Tatlong taon na palang nalulugi ang mga Vanderbilt. Hindi nila nagawang tustusan ang operation ng kanilang hot spring hotel kaya binenta nila ito sa halagang $150,000.Hindi sapat ang halagang yun para sa mga Vanderbilt, lalo na at sa nakalipas na tatlong taon—nalulong sa
”Dahil ba nawalan ako ng alaala?” Sabi ni Nolan, parang isa siyang kawawang bata na inabanduna ng mga magulang, “Kaya ba hindi mo na ako kailangan?”Tumawa si Maisie at niyakap siya. Dinikit niya ang mga labi sa tainga nito at sinabing, “Sino ang nagsabing hindi na kita kailangan? Kailangan ko ng puso mo. Kailangan ko ng katawan mo. Gusto kong maangkin ang bawat parte mo.”Mariin siyang tiningnan ni Nolan. Malambing at kaakit-akit ang ngiti ni Maisie. Lagi nitong kinikiliti ang puso niya, at bawat cell sa katawan niya ay sumisigaw na lumapit pa kay Maisie.Hinalikan niya ang noo nito at seryosong sinabi, “Umuwi muna tayo at sa iyo na ako.”Mas dumidilim ang langit.Kulay dilaw ang liwanag na nagmumula sa bedside table. Kalahati ng mukha ni Nolan ay naiilawan nito habang sinusuklay niya ang buhok ni Maisie gamit ang kaniyang kamay.Tumalikod si Maisie at nahiga sa dibdib ni Nolan. Pagkatapos ay sinabi niya, “Nolan, may gusto akong hiramin mula sa iyo.”Yumuko si Nolan at nagtanon
Mukhang walang mabuting intensyon ang grupo ng mga tao sa harap nila. Pero, walang natatandaan ang mga loan sharks na nagawa nila para galitin ang mga taong ‘to.Naupo sa couch si Maisie at nagtanong, “Magkano ang utang na pera sa inyo ni Yorick?”Nagulat ang mga lalaki. Kilala nila kung sino si Yorick, pero hindi nila inaasahang siya ang dahilan kung bakit nandito ang grupo ni Maisie.Nagtaka silang lahat kung kailan nagkaroon ng supporter mula sa high society si Yorick.Suot ang peke niyang ngiti, nagsalita ang isang lalaki, “Nasa $70,000.”Nilapag ni Maisie ang silver briefcase sa mesa, at binuksan naman yun ni Quincy. Puno ng perang papel ang briefcase, at mukhang nasa mga $150,000 ang laman nito.Walang ekspresyon na nagsalita si Maisie, “Babayaran ko ang utang niya. $150,000 ang laman niyan. Ibigay niyo sa akin ang debt contract ni Yorick.”Isang lalaki ang nagpunta sa desk para hanapin ang debt contract ni Yorick. Nang mahanap niya ito, inabot niya ito kay Maisie gamit an
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging