Share

Kabanata 607

”Zee, ako pa rin ang tiyahin mo. Kahit paano, alam mo ng mayroon ka pang ako sa mundong ito.”

Ngumiti si Maisie at tumango.

Dumating si Maisie sa Soul Jewelry, at nakita niya si Quincy na nakaupo sa couch nang pumasok siya sa opisina.

Napahinto si Maisie at nilibot ang tingin sa kwarto. “Quincy, bakit ka nandito? Nasaan si Nolan?”

Kung nasaan si Quincy, nandoon din si Nolan.

Napakamot sa mukha si Quincy at ngumiti. “Pinapasundo kayo sa akin ni Mr. Goldmann.”

“Sundo?”

“Oo, may surpresa daw siya sa inyo at dadalhin ko kayo dun.”

Humalukipkip si Maisie nang makita niya ang kakaibang kinikilos ni Quincy. “Anong surpresa?”

“Hindi na yun surpresa kung sasabihin ko sa inyo.” Inilahad ni Quincy ang isang kamay at yumuko. “Shall we go, Ms. Vanderbilt?”

Ngumiti si Maisie. Bakit may pasurpresa pa si Nolan imbes na magtrabaho? Nagtaka tuloy siya sa ‘surpresa’ na ito.

Ginawang misteryoso ni Nolan ang buong proseso. Hindi lang siya naka-blindfold habang papunta doon, pero kinailangan d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status