”Dahil ba nawalan ako ng alaala?” Sabi ni Nolan, parang isa siyang kawawang bata na inabanduna ng mga magulang, “Kaya ba hindi mo na ako kailangan?”Tumawa si Maisie at niyakap siya. Dinikit niya ang mga labi sa tainga nito at sinabing, “Sino ang nagsabing hindi na kita kailangan? Kailangan ko ng puso mo. Kailangan ko ng katawan mo. Gusto kong maangkin ang bawat parte mo.”Mariin siyang tiningnan ni Nolan. Malambing at kaakit-akit ang ngiti ni Maisie. Lagi nitong kinikiliti ang puso niya, at bawat cell sa katawan niya ay sumisigaw na lumapit pa kay Maisie.Hinalikan niya ang noo nito at seryosong sinabi, “Umuwi muna tayo at sa iyo na ako.”Mas dumidilim ang langit.Kulay dilaw ang liwanag na nagmumula sa bedside table. Kalahati ng mukha ni Nolan ay naiilawan nito habang sinusuklay niya ang buhok ni Maisie gamit ang kaniyang kamay.Tumalikod si Maisie at nahiga sa dibdib ni Nolan. Pagkatapos ay sinabi niya, “Nolan, may gusto akong hiramin mula sa iyo.”Yumuko si Nolan at nagtanon
Mukhang walang mabuting intensyon ang grupo ng mga tao sa harap nila. Pero, walang natatandaan ang mga loan sharks na nagawa nila para galitin ang mga taong ‘to.Naupo sa couch si Maisie at nagtanong, “Magkano ang utang na pera sa inyo ni Yorick?”Nagulat ang mga lalaki. Kilala nila kung sino si Yorick, pero hindi nila inaasahang siya ang dahilan kung bakit nandito ang grupo ni Maisie.Nagtaka silang lahat kung kailan nagkaroon ng supporter mula sa high society si Yorick.Suot ang peke niyang ngiti, nagsalita ang isang lalaki, “Nasa $70,000.”Nilapag ni Maisie ang silver briefcase sa mesa, at binuksan naman yun ni Quincy. Puno ng perang papel ang briefcase, at mukhang nasa mga $150,000 ang laman nito.Walang ekspresyon na nagsalita si Maisie, “Babayaran ko ang utang niya. $150,000 ang laman niyan. Ibigay niyo sa akin ang debt contract ni Yorick.”Isang lalaki ang nagpunta sa desk para hanapin ang debt contract ni Yorick. Nang mahanap niya ito, inabot niya ito kay Maisie gamit an
Sa isang rental house sa isang coastal town…Magulo ang bahay. Nakakalat sa mesa ang mga fast food boxes na kahapon pa nandun.Hindi na kasing init noong summer ang panahon, maalinsangan ang klima sa mga coastal areas. Malamig sa gabi, kaya walang langaw na lumilipad-lipad.Puno na ng upos ng sigarilyo ang ashtray. Umilaw ang phone na nasa mesang katabi ng kama, kinuha ito ni Yorick para tingnan.Matindi ang hangover niya pero agad siyang nagising matapos makita ang laman ng phone niya. Naupo siya at tinitigan ang extra na $150,000 sa kaniyang account.Nanginginig ang kamay ni Yorick na nakahawak sa kaniyang phone. Kinusot niya ang mga mata at muling tiningnan ang kaniyang phone. Nasa account niya pa rin ang $150,000.Binuksan niya ang kaniyang bank account at nalaman na isang oras na simula nang i-transfer ang pera sa kaniya.Bumalik si Yorick sa kaniyang sarili nang marinig niya na may kumakatok sa pinto. Nagsuot siya ng pantalon at nagpunta sa pinto.Binuksan ni Madam Vander
Hindi nabuhay nang normal si Yorick matapos magtago ng ilang taon. Isa siyang matagumpay na lalaki noon pero ngayon ay mahirap na.Nangungulila siya sa mga araw na isa siyang matagumpay at prestihiyosong lalaki, at gabi-gabi siyang nangungulila.Pero wala ng silbi pa na magsisi ngayon.Sa isip niya ay resulta ng kasakiman ng kaniyang ina ang lahat ng nangyari sa kaniya.“Dad, bakit niyo sinisisi si lola? Malinaw naman na hindi ito kasalanan ni lola. Hindi mangyayari ang lahat ng ‘to kung binigay sa akin ni Tito Stephen ang Vaenna imbes na kay Maisie.”Nang marinig na pinagtatanggol pa rin ni Hector si Madam Vanderbilt, pinanlisikan siya ng mata ni Hector at saka suminghal.‘Kung alam ko lang na lalaking walang kwenta at inutil ang bastardong ‘to, sinakal ko sana siya noong ipinanganak siya.”Pinakalma ni Madam Vanderbilt ang emosyon ng kaniyang anak at sinabi kay Yorick, “Anak, nangyari na ang nangyari. Kayo na lang ni Hecky ang natitirang kadugo ko ngayon. Paano mo nagagawang m
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maizie. “Kung ganun, sabihin mo kay Nole na nandito ako.”Magalang at propesyunal pa rin na nakangiti ang receptionist. “Ms. Hannigan, sana ay maintindihan niyo kami. Sinusunod lang namin ang utos ni Mr. Goldmann. Pwede niyo siyang personal na tawagan.”Nagdilim ang ekspresyon ni Maizie, at dahan-dahan niyang nilabas ang kaniyang cell phone pero hindi siya nag-dial ng number. Wala siyang number ni Mr. Goldmann.‘Lumabas naman siya noong nakaraang nandito ako para yayain siya ng dinner, kaya bakit niya tinatanggihan ang meeting request ko ngayon?’Samantala, lumabas naman ng elevator si Nolan, pero ang taong kasabay niyang maglakad ay hindi si Quincy, pero isang babaeng maikli ang buhok.Hindi nakasuot ng formal attire ang babae, casual at neutral ang damit niya, at parang isang tunay na lalaki ang kagwapuhan niya.“Nole!” Nang makita si Nolan, tumakbo si Maizie palapit sa kaniya, at ang three-inches high heels na suot niya ay nabali nang sumung
”Mr. Goldmann, mukhang nasa iyo ang mga mata ni Ms. Hannigan. Kailangan niyong mag-isip ng paraan, kung hindi, siguradong magseselos ulit si Ms. Vanderbilt,” Paalala sa kaniya ni Quincy.Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Hindi ba nila alam na may asawa ko?”Pagkasabi nito, tinitigan ni Nolan si Quincy. “Sikreto ba kaming nagpakasal at hindi namin ginawang public ang relasyon namin?”Nagulat si Quincy.“‘Nakalimutan ni Mr. Goldmann ang nangyari three years ago. Pinigilan ni Mr. Goldmann Sr. ang mga balitang hindi maganda para kay Mr. Goldmann noon, at pinagbawalan din ang mga empleyado ng Blackgold na banggitin ang ‘Ms. Vanderbilt’ sa harapan ni Mr. Goldmann.‘Siyempre, si Mr. Goldmann mismo ang nag-issue ng ban na yun. Pero alam pa ba niya ang mga detalyeng yun?’Nahihiyang pinaliwanag ni Quincy ang lahat kay Nolan. “Mr. Goldmann, huwag niyo ito masyadong isipin. Ang mahalaga kay Ms. Vanderbilt ay ang kapakanan niyo. Kaya niya piniling hindi sabihin sa publiko ang relasyon niyo.”
Ang pinaka nakakatawang detalye ay galing mismo ang kwento sa bibig ni Maizie. Sinabi nito sa isa sa mga best friend niya na nagbago na ang kaniyang plano, at ang best friend niyang yun ay nasa WhatsApp group na kasali din si Ryleigh. At naka-share sa group chat participants ang chat history ni Maizie at yun ang dahilan kung bakit hindi makahinga ngayon nang maayos si Ryleigh.Napailing na lang si Maisie. “Kakaiba talagang yang group chat mo.”“Pangit kasi ang reputasyon ni Maizie sa circle na yun. Maganda ang relasyon ng mga taong yun sa kaniya, pero ang totoo ay madalas nilang pag-usapan nang patago si Maizie.” Pagkatapos sabihin yun, nakapalumbaba si Ryleigh at kumurap. “Isa lang akong invisible witness, at halos hindi ako nagsasalita sa group. Nagtitingin-tingin lang ako paminsan-minsan para makuha ko ang mga tsismis na hindi mahanap kahit ng mga news reporters.”Biglang nagka-interes si Maisie, kaya kinuha niya ang cell phone niya at tumaas ang mga kilay. “Bakit hindi mo rin ak
Hinawakan nang mahigpit ni Maisie ang kamay ni Nolan. Sobrang mahal nila ang isa’t-isa, kasing ganda niya ang buwan, at kaakit-akit ang mga mata niya habang bumubulong sa tainga nito, “Magpapakuha pa rin ba tayo ng wedding photos?”Mahigpit siyang niyakap ni Nolan, hinalikan ang sulok ng mga labi niya habang tumutulo ang pawis sa sentido nito at pumatak sa sulok ng mga mata niya na para bang nadampian siya ng isang nag-aalab na luha.“Hindi ba’t sinabi mo sa akin na ayaw mo?”Bumulong si Maisie, “Sino nagsabi sa iyo na hindi ko gusto?”Pinagmasdan niya si Maisie habang lumilitaw ang mga ugat sa kamay niya, si Maisie naman ay hinihingal na, at paputol-putol na ang sinasabi, “Kailan ko sinabi… kailan ko sinabing hindi ko yun gusto?”Pinulupot ni Nolan ang mga braso sa baywang ni Maisie at binuhat ito, hinalikan niya ang tainga nito at mahinang tumawa. “Okay, magsisimula ang shooting natin nang madaling araw.”Kinabukasan, sa Wedding Palace…Nakaupo sa dressing room si Maisie haban
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging