Katulad ng inaasahan, kinuha ni Yorick ang pera at nagsimulang magsugal. Nanalo siya ng mahigit $30,000 sa unang gabi at ginastos ang kalahati na panlibre sa pagkain at inumin ng mga kaibigan niya.Naningkit ang mga mata ni Maisie. Kung ginamit nito ang pera para magsimula ng negosyo, tutulungan niya ito nang palihim. Isang magandang bagay kapag nagbago ang isang tao pagkatapos ng kamalian. Pwede niya sanang bigyan ng pagkakataon si Yorick dahil hindi naman naging masama sa kaniya at sa kaniyang ama ang tiyuhin niyang ito.Pero malas lang dahil hindi nito nagawang magbago, kaya hindi niya ito matutulungan.Nagpadala siya ng message sa kaniyang bodyguard.…Pagkatapos itong malaman ni Madam Vanderbilt, galit na galit siyang nagpunta sa tinutuluyan ni Yorick.“Ang sabi mo sa akin ay wala kang pera, pero ginamit mo lang sa sugal at pag-iinom ang pera mo!?”Naninigarilyo si Yorick habang nakaupo sa couch. Mayroon siyang hangover at kagigising pa lang kahit tanghali na. Wala siyang
Halos hindi makahinga si Madam Vanderbilt, “Bakit? Wala na tayo kahit na ilang daang dolyar?”Namutla ang mukha niya nang manatiling tahimik si Hector, “Hecky, ikaw…ginamit mo ang pera?”Bago pa makasagot si Hector, sumabog na sa galit si Madam Vanderbilt, “Bakit mo inubos ang pera? Saan mo yun ginamit?”Nakuha nila ang perang yun sa pagbebenta nila ng hot spring hotel. Marami pa dapat ang natira sa perang yun. Noong umalis sila sa Coralia, nag-renta lang sila ng murang hotel para makuha nila ang pamana ni Stephen.Nasa account niya ang pera, at dala niya rin ang card. Pero, nag-aalala siyang mawala niya yun, kaya binigay niya yun sa apo niya para itago.Naniniwala siyang susundin siya ng kaniyang apo at hindi gagastusin ang pera, pero ngayong bigla na lang yun nawala, paanong hindi siya magagalit?Hindi natuwa si Hector. “Pinangako niyong para sa kasal ko ang perang yun. Akin ang perang yun. Pwede ko yun gastusin sa kung saan ko man gusto!”“Hecky!” Mabigat ang tono ni Madam Va
Nakatayo sa gitna ng dilim si Nolan, walang liwanag, walang maaaring makita.Tiningnan ng psychologist ang kaniyang pocket watch, kinuha ang papel na inabot sa kaniya ni Quincy at sinabing, “Nakikita mo ba ang pinangyarihan ng aksidente?”Pinangyarihan ng aksidente?Tumulo ang pawis sa mga kilay ni Nolan.Nagbigay ng clue ang psychologist, “Noong naaksidente ang sasakyan ng misis mo, pumunta ka dun.”Nakatayo sa gitna ng dilim si Nolan, nakapako siya sa kaniyang kinatatayuan, pero nakikita niyang may apoy sa malayo. Mabibigat ang hakbang niya nang lumapit siya dun, may mga tunog siyang naririnig sa loob ng kaniyang isipan.“Zee, I’m sorry, Zee…“Hindi na natin kailangan mag-divorced, huwag mo akong iwanan….”Pinagmasdan ni Nolan ang lalaking nakaluhod sa harapan ng sasakyan, umiiyak.Huminto ang paghinga niya nang isang nakakabinging tunog ang narinig, natabunan nito ang lahat ng tunog sa paligid.“Nolan!”Dahan-dahan siyang tumingala.Nasa harapan niya si Maisie na may dal
‘Huwag mo akong kasakulaman!’“Nolan!”Isang boses ang humila mula sa putikan sa kaniyang subconscious at binalik siya sa realidad. Dahan-dahan niyang nakita ang taong nasa harapan niya. Hindi yun si Zee na puno ng galit, kung hindi si Zee na nagmamahal at nag-aalala sa kaniya.Hinawakan ni Maisie ang malamig niyang mukha. “Ayos ka lang ba, Nolan? Tinatakot mo ako.”Niyakap siya ni Nolan. Humigpit ang hawak niya sa mga balikat ni Maisie, ninamnam niya ang init nito, ang init na talagang nandoon, at unti-unting naglaho ang lamig sa kaniyang puso.Nagmaneho si Quincy papunta sa Goldmann mansion habang buong byahe ay nakasandal si Nolan sa balikat ni Maisie.Nilingon ni Maisie ang lalaking nakasandal sa kaniya. Ang sabi ni Quincy ay tila nagulat daw ito pagkatapos bigyan ng ilang psychological suggestion ng psychologist.Isang bagay na tinatanggihan at iniiwasan ng kaniyang subconscious mind tungkol sa nangyari…Iniiwasan ba nito ang tungkol sa kanilang anak?Nabanggit yun ni Mai
Humarap si Nolan kay Maisie at saka ito niyakap. Nakatulog siya agad pagkatapos nito.Kinabukasan, sa Soul Jewelry…Nakatanggap ng impormasyon si Maisie mula sa bodyguard na ang Cindy na nabanggit ni Hector ay si Cindy Benette, isang server sa isang club sa Bassburgh.Inabot niya ang impormasyon kay Saydie. “Imbestigahan mo ang babaeng ‘to sa club.”Tumango si Saydie at umalis sa opisina dala ang mga dokumento. Hindi nagtagal, pumasok naman si Kennedy. “Maisie, tumawag sa front desk si Madam Vanderbilt.”Napahinto si Maisie at tumaas ang mga kilay. “Tungkol ba sa pera?”Tumango si Kennedy. “Naka-admit siya sa ospital pero hindi niya mabayaran ang bill. Ginagamit niya ang identity niya bilang lola mo para front desk ang magbayad para sa kaniya.”Tahimik lang si Maisie.Pinili ng isantabi ni Madam Vanderbilt ang pride niya ngayong matanda na siya.Ngumiti siya. “Kapag tumawag siya ulit, ipasabi mo sa front desk na hindi responsable ang Soul sa pagbabayad ng anumang bills niya, a
Kinahapunan, umalis ng apartment si Cindy suot ang isang magarang dress. Tila mayroon siyang kausap sa kaniyang phone, at mukhang excited.Isang itim na kotse ang huminto sa harapan niya, at dalawang bodyguards na nakasuot ng itim na suits ang lumabas sa kotse. “Kayo ba si Ms. Benette?”Nagulat si Cindy. Naging alerto siya at nagtanong, “Sino kayo—”“Gusto kayong makita ng madam namin.”Binuksan ng bodyguards ang pinto, at doon na umalingawngaw ang alarm sa isip niya. Nang tatalikod na siya, biglang lumitaw si Saydie sa likuran niya, hinawakan siya sa buhok at hinila siya papasok sa kotse.Takot na takot si Cindy. Napaangat siya ng ulo at nalaman na hindi lang elegante at kagalang-galang ang babaeng nakaupo sa tabi niya, pero napakaganda rin nito.Pagkasakay nina Saydie at ng iba pa sa kotse, pinaandar na ng bodyguard ang kotse.Nanginginig si Cindy, pati mga ngipin niya ay nangangatal. “H…hindi kita kilala, at wala akong nagawang mali sa iyo. Saan niyo ako dadalhin?”Lumingon
Nang pumasok sila sa ward, nandoon si Yorick. Nakaupo siya sa isang upuan, at nakahawak sa mga balikat niya ang mga bodyguards sa likuran niya, dahilan para hindi niya magawang tumakas.Naguluhan si Madam Vanderbilt nang dalhin nila si Cindy sa loob ng ward. Nang lumuhod si Cindy sa sahig, nagtanong siya, “Sino siya—-”Bago pa niya matapos ang tanong, sumagot na si Saydie at walang ekspresyong sinabi, “Siya ang Cindy na binabaggit ng apo niyo. Siya na ang magpapaliwanag ng lahat.”“Cindy?”Lumingon si Madam Vanderbilt at muling tiningnan ang babae. Gumapang si Cindy papunta sa kama at humagulhol, “I’m sorry, Madam Vanderbilt. Patawarin niyo ako. Hindi ko dapat niloko si Hector. Pwede niyo bang sabihin sa kanila na pakawalan na ako?”Doon lang napagtanto ni Madam Vanderbilt na ang babae sa harapan niya ay ang babaeng pinagbigyan ng pera ni Hector. Agad siyang sumabog sa galit at tinulak si Cindy. “May lakas ng loob ka pang magmakaawa sa akin? Nasaan ang pera ng apo ko?”Bumagsak s
Hindi tumanggi si Maisie.“Oo,” Ngumiti siya, “Ako rin ang nagbigay sa iyo ng $150,000. Hindi mo yun sinabi kay lola, hindi ba?”Napalingon si Madam Vanderbilt kay Yorick.Hindi nagsalita si Yorick, ibig sabihin ay totoo ang sinasabi ni Maisie.“Wala akong pakialam kung gusto mong bumalik sa nanay at anak mo. Sa huli, ikaw ang bahala kung paano mo gagamitin ang pera,” Humalukipkip si Maisie, malamig ang kaniyang tingin. “Siyempre, kung handa kang gamitin ang pera sa tamang paraan, baka bigyan pa kita ng pagkakataon. Pero sayang at wala kang kwenta, at walang silbi ang pagbibigay sa iyo ng pera.”Kumuyom ang kamao ni Yorick at napayuko sa kahihiyan.Tiningnan ni Madam Vanderbilt si Maisie at sinabing, “Zee, dahil buhay ka pa at handa mong tulungan ang tito at pinsan mo—”“Lola, huwag kayong magkaroon ng maling ideya,” Pagputol sa kaniya ni Maisie. “Hindi ko sila tinulungan para sa wala. Ginagawa ko ito para makita niyo ang kabrutalan ng mundong ito.”Napatulala si Madam Vanderbi
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging