Share

Kabanata 621

Katulad ng inaasahan, kinuha ni Yorick ang pera at nagsimulang magsugal. Nanalo siya ng mahigit $30,000 sa unang gabi at ginastos ang kalahati na panlibre sa pagkain at inumin ng mga kaibigan niya.

Naningkit ang mga mata ni Maisie. Kung ginamit nito ang pera para magsimula ng negosyo, tutulungan niya ito nang palihim. Isang magandang bagay kapag nagbago ang isang tao pagkatapos ng kamalian. Pwede niya sanang bigyan ng pagkakataon si Yorick dahil hindi naman naging masama sa kaniya at sa kaniyang ama ang tiyuhin niyang ito.

Pero malas lang dahil hindi nito nagawang magbago, kaya hindi niya ito matutulungan.

Nagpadala siya ng message sa kaniyang bodyguard.

Pagkatapos itong malaman ni Madam Vanderbilt, galit na galit siyang nagpunta sa tinutuluyan ni Yorick.

“Ang sabi mo sa akin ay wala kang pera, pero ginamit mo lang sa sugal at pag-iinom ang pera mo!?”

Naninigarilyo si Yorick habang nakaupo sa couch. Mayroon siyang hangover at kagigising pa lang kahit tanghali na. Wala siyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status