Humigpit ang hawak ni Nolan sa mga balikat niya hanggang sa niyakap ni Maisie ang baywang nito at nilapat ang pisngi sa dibdib para pakinggan ang tibok ng puso ni Nolan."Zeeโฆ""Tapos ka na bang magalit?" Tiningnan siya ni Maisie, halatang proud ito.Tinikom ni Nolan ang maninipis niyang labi, pakiramdam niya ay itinatali siya.Inayos ni Maisie ang necktie niya. "Nag-enjoy ka ba sa lunch niyo ni Maizie?"Napahinto si Nolan at umiwas ng tingin. "Alam mo ba kung bakit ko siya kasamang kumain?""Para pagselosin ako," Nakangiti ang mga mata ni Maisie, "Hindi ko alam kung talagang nagtatampo ka sa akin, kaya hinintay na lang kita na bumalik sa akin.""Mamamatay ka ba kung ikaw ang unang kakausap sa akin?"Nakaramdam ng pagkatalo si Nolan sa unang pagkakataon, pero hindi siguro ito ang unang beses na nangyari ito.Hinalikan ni Maisie sng Adam's apple niya. Kumunot ang kaniyang noo, mahigpit na niyakap ang baywang nito at sinabing, "Itigil mo yan, Maisie."Pero, tinulak si
Napa-angat ng ulo si Maisie. "Sino yun?""Si Madam Vanderbilt," Lumingon si Kennedy at sumagot, "Sa tatlong taon na lumipas, pumupunta siya dito at binibigyan kami ng problema. Kahit na naging Soul Jewelry ang Vaenna Jewelry, isa pa rin ito sa mga assets ng mga Vanderbilt. Akala nila ay patay ka na, at pinipilit niyang ipamana sa apo niya ang assets ni Stephen."Tumawa si Maisie. Habang nilalaro niya ang hawak niyang pen, sinabi niya, "Paglipas ng maraming taon, hindi pa rin nagbabago ang mga Vanderbilt sa Coralia."Napabuntong-hininga na lang si Kennedy. "Mas lumalala lang sila. Hindi ito ang unang beses na pumunta sila dito at gumawa ng eksena. Nagpatawag pa sila ng pulis, pero walang nagawa ang mga pulis. Pagkatapos ng lahat, ikaw ang legal na tagapagmana ng mga assets ni Stephen ayon sa will niya."Pagkatapos magsalita, tiningnan niya si Maisie at sinabing, "May gagawin ka ba tungkol dito?"Tumayo si Maisie at sumagot "Hindi muna ako magpapakita. Gusto kong makita kung an
"Ang sabi ni Ms. Alice sa akin ay gulpihin ko kayo nang mabuti dahil mukhang gustong-gusto niyo yun. At saka, nakulong na dati ang apo mo. Sanay na siguro siyang mabugbog, kaya magiging maganda siyang punching bag para maensayo ang skills ko."Natakot si Hector at nagtago sa likod ni Madam Vanderbilt. "Lola, g-gusto niya akong bugbugin.""Tara na. Hindi dapat tayo mag-abala sa mga barbarian na 'to!"Dahil alam ng taong nasa likod ni Saydie ang tungkol sa pagkakakulong ng apo niya, alam ni Madam Vanderbilt na hindi nila dapat banggain ang babaeng nasa harapan nila ngayon.Bumalik si Maisie sa kaniyang opisina at nagtanong tungkol sa lahat ng nangyari sa mga Vanderbilt sa Coralia sa nakalipas na tatlong taon. Tatlong taon na palang nalulugi ang mga Vanderbilt. Hindi nila nagawang tustusan ang operation ng kanilang hot spring hotel kaya binenta nila ito sa halagang $150,000.Hindi sapat ang halagang yun para sa mga Vanderbilt, lalo na at sa nakalipas na tatlong taonโnalulong sa
โDahil ba nawalan ako ng alaala?โ Sabi ni Nolan, parang isa siyang kawawang bata na inabanduna ng mga magulang, โKaya ba hindi mo na ako kailangan?โTumawa si Maisie at niyakap siya. Dinikit niya ang mga labi sa tainga nito at sinabing, โSino ang nagsabing hindi na kita kailangan? Kailangan ko ng puso mo. Kailangan ko ng katawan mo. Gusto kong maangkin ang bawat parte mo.โMariin siyang tiningnan ni Nolan. Malambing at kaakit-akit ang ngiti ni Maisie. Lagi nitong kinikiliti ang puso niya, at bawat cell sa katawan niya ay sumisigaw na lumapit pa kay Maisie.Hinalikan niya ang noo nito at seryosong sinabi, โUmuwi muna tayo at sa iyo na ako.โMas dumidilim ang langit.Kulay dilaw ang liwanag na nagmumula sa bedside table. Kalahati ng mukha ni Nolan ay naiilawan nito habang sinusuklay niya ang buhok ni Maisie gamit ang kaniyang kamay.Tumalikod si Maisie at nahiga sa dibdib ni Nolan. Pagkatapos ay sinabi niya, โNolan, may gusto akong hiramin mula sa iyo.โYumuko si Nolan at nagtanon
Mukhang walang mabuting intensyon ang grupo ng mga tao sa harap nila. Pero, walang natatandaan ang mga loan sharks na nagawa nila para galitin ang mga taong โto.Naupo sa couch si Maisie at nagtanong, โMagkano ang utang na pera sa inyo ni Yorick?โNagulat ang mga lalaki. Kilala nila kung sino si Yorick, pero hindi nila inaasahang siya ang dahilan kung bakit nandito ang grupo ni Maisie.Nagtaka silang lahat kung kailan nagkaroon ng supporter mula sa high society si Yorick.Suot ang peke niyang ngiti, nagsalita ang isang lalaki, โNasa $70,000.โNilapag ni Maisie ang silver briefcase sa mesa, at binuksan naman yun ni Quincy. Puno ng perang papel ang briefcase, at mukhang nasa mga $150,000 ang laman nito.Walang ekspresyon na nagsalita si Maisie, โBabayaran ko ang utang niya. $150,000 ang laman niyan. Ibigay niyo sa akin ang debt contract ni Yorick.โIsang lalaki ang nagpunta sa desk para hanapin ang debt contract ni Yorick. Nang mahanap niya ito, inabot niya ito kay Maisie gamit an
Sa isang rental house sa isang coastal townโฆMagulo ang bahay. Nakakalat sa mesa ang mga fast food boxes na kahapon pa nandun.Hindi na kasing init noong summer ang panahon, maalinsangan ang klima sa mga coastal areas. Malamig sa gabi, kaya walang langaw na lumilipad-lipad.Puno na ng upos ng sigarilyo ang ashtray. Umilaw ang phone na nasa mesang katabi ng kama, kinuha ito ni Yorick para tingnan.Matindi ang hangover niya pero agad siyang nagising matapos makita ang laman ng phone niya. Naupo siya at tinitigan ang extra na $150,000 sa kaniyang account.Nanginginig ang kamay ni Yorick na nakahawak sa kaniyang phone. Kinusot niya ang mga mata at muling tiningnan ang kaniyang phone. Nasa account niya pa rin ang $150,000.Binuksan niya ang kaniyang bank account at nalaman na isang oras na simula nang i-transfer ang pera sa kaniya.Bumalik si Yorick sa kaniyang sarili nang marinig niya na may kumakatok sa pinto. Nagsuot siya ng pantalon at nagpunta sa pinto.Binuksan ni Madam Vander
Hindi nabuhay nang normal si Yorick matapos magtago ng ilang taon. Isa siyang matagumpay na lalaki noon pero ngayon ay mahirap na.Nangungulila siya sa mga araw na isa siyang matagumpay at prestihiyosong lalaki, at gabi-gabi siyang nangungulila.Pero wala ng silbi pa na magsisi ngayon.Sa isip niya ay resulta ng kasakiman ng kaniyang ina ang lahat ng nangyari sa kaniya.โDad, bakit niyo sinisisi si lola? Malinaw naman na hindi ito kasalanan ni lola. Hindi mangyayari ang lahat ng โto kung binigay sa akin ni Tito Stephen ang Vaenna imbes na kay Maisie.โNang marinig na pinagtatanggol pa rin ni Hector si Madam Vanderbilt, pinanlisikan siya ng mata ni Hector at saka suminghal.โKung alam ko lang na lalaking walang kwenta at inutil ang bastardong โto, sinakal ko sana siya noong ipinanganak siya.โPinakalma ni Madam Vanderbilt ang emosyon ng kaniyang anak at sinabi kay Yorick, โAnak, nangyari na ang nangyari. Kayo na lang ni Hecky ang natitirang kadugo ko ngayon. Paano mo nagagawang m
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maizie. โKung ganun, sabihin mo kay Nole na nandito ako.โMagalang at propesyunal pa rin na nakangiti ang receptionist. โMs. Hannigan, sana ay maintindihan niyo kami. Sinusunod lang namin ang utos ni Mr. Goldmann. Pwede niyo siyang personal na tawagan.โNagdilim ang ekspresyon ni Maizie, at dahan-dahan niyang nilabas ang kaniyang cell phone pero hindi siya nag-dial ng number. Wala siyang number ni Mr. Goldmann.โLumabas naman siya noong nakaraang nandito ako para yayain siya ng dinner, kaya bakit niya tinatanggihan ang meeting request ko ngayon?โSamantala, lumabas naman ng elevator si Nolan, pero ang taong kasabay niyang maglakad ay hindi si Quincy, pero isang babaeng maikli ang buhok.Hindi nakasuot ng formal attire ang babae, casual at neutral ang damit niya, at parang isang tunay na lalaki ang kagwapuhan niya.โNole!โ Nang makita si Nolan, tumakbo si Maizie palapit sa kaniya, at ang three-inches high heels na suot niya ay nabali nang sumung
โDaisie.โ Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. โSobrang ganda mo ngayon.โโThank you,โ nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. โI propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.โ Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. โSa inyo rin ni Morrison.โ Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. โAng galing mo kanina.โTumawa si Daisie. โTalaga?โDagdag pa ni Nolan, โIkaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.โNgumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. โDad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.โ โMa-swerte ka talaga.โ Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. โDapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriageโpuno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrickโs Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. โAng pawis ng palad mo.โ Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, โKinakabahan ako.โ Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. โNandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.โ Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. โAng gwapo mo sa uniform na โto.โTumawa si Nollace. โAt sobrang gand
โSiya nga pala, nasaan si Cameron?โ Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, โKasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.โMatapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. โNagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.โ โNagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.โ Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. โHoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.โ Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. โMrs. Goldmann.โ Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. โTapos na ba kayo mag-usap?โ โSyempre. โDi ba gusto mo pumunta sa Hathawaysโ villa kasama si Dad ngayong tanghali?โ Ngumiti si Nolan. โHinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.โ Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. โPwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.โ โฆDalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, โGodfather!โ Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, โNolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.โ โTalaga?โ Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. โAko rin, excited na ako.โ โPwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, โdi ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.โ Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. โAlam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.โTumingin si Daisie sa kaniya. โAnong mga hiling mo?โ โMaging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.โNagulat si
โOo, totoo โyon,โ sagot ni Zephir. โParang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.โ Tinapik ni Naomi ang balikat niya. โHinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.โ Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. โฆHindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. โMommy! Daddy!โ Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. โMalaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.โ Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, โPero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.โ Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. โMukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.โ Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. โWhat a coincidence.โ โMas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,โ sabi ni Leah. โNalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.โHinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, โDapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.โ Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. โSiya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.โ โNakita ko na sila dati noong wedding niyo,โ sabi ni Morrison. โKaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.โโKailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,โ sabi ni Leah. โEngage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?โ Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, โEngaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, โ$10 para sa tatlong chance.โโ$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,โ sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, โAko na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.โ Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, โIbigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.โ Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, โBigyan mo po kani ng anim na hoops.โ Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, โA
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. โAnong problema? Hindi ka makatulog?โ โOoโฆโ diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, โGusto ko sana umihi kaso natatakot ako.โHinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, โSasamahan na lang kita.โ Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, โYou wait for me here.โLumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, โHintayin mo ako dito.โTumango si Nollace. โIsigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.โ Naglakad si Daisie pa