Nakatingin sa mesa si Maisie habang nagsasalita. "Napansin ko lang ng pagbabago kay Nolan nung ilang beses kaming magkasama. Kahit na bossy siya walang pakialam, at madalas magselos, cute siya at makulit minsan. Pero, pag nasa panganib ako, gagawin niya ang lahat para protektahan ako kahit na isaalang-alang niya ang buhay niya. Hinding-hindi ko hahayaan ang lalaking nagmamahal sa akin ng ganun."Tahimik na nakatingin si Madam Hathaway sa pinto.Nang parang may nararamdaman na si Maisie, tumalikod siya at napahinto.'Nolan? Kailan ka pa nandito? Saglit lang, kung nandito siya, ibig sabihin narinig niya lahat ng sinabi ko kanina!?'Tumawa si Madam Hathaway at sinabi, "Anong ginagawa mo dito? 'Di ba dapat nagpapahinga ka ngayon? Nagmadali ka bang pumunta dito dahil akala mo pahihirapan ko siya?"Nilipat ni Nolan ang tingin niya kay Maisie. May hiya na mapapansin sa kaniyang mukha, pero pinilit niyang kumalma. "Lola, kailan pa naging sobrang puti ng buhok niyo?"Alam ni Madam H
"Ikaw…"Nanatili sa isip ni Nolan ang mga nangyari noong araw na yun. Sumusunod lang siya sa basic instinct niya, at iyon ang bagay na hindi niya makokontrol.Binitawan niya si Maisie at hindi napigilang ilagay ang kamay sa kaniyang noo."Paano mo ako masisisi doon?"Si Maisie ang laging unang humahalik sa kaniya at nang-aakit. Nawawalan siya ng kontrol sa sarili niya pag lumalapit kay Maisie. Hinila ni Maisie ang kamay niya at sinabi, "Sige, sige. Titigilan ko na pangungulit ko sayo. Umuwi na tayo."'Umuwi na…'Biglang kumintab ang mga mata ni Nolan. Nang sabihin niya ang mga salitang 'uwi na', hindi niya alam kung bakit, pero nakaramdam siya ng pagkaalala dito. Niyakap siya ni Maisie. Sa mata ng ibang tao, sila ay masayang mag-asawa, at walang sinuman ang makakaisio na nag-divorce na sila.Nang makarating na sila sa East Island Villa, nakita nila si Titus na pinapagalitan ang grupo ng mga bodyguard dahil hindi nila binantayan nang maayos si Nolan. Huminto lang
"Marami tayong tauhan sa Metropolis. Bakit kailangan mo pang mag-alala para sa akin?" Hinaplos ni Strix ang balikat ni Saydie. "Bata ka pa. Hindi pwedeng buong buhay kang tumira sa Metropolis. Dapat umalis ka, lumabas ka doon, at sulitin ang i-alok ng mundo. At saka, susundan mo si Zee kung saan-saan. Mapapanatag ako pag nasa isip ko yun."Hindi inaasahan ni Maisie na ilalagay ni Strix si Saydie sa ganong trabaho. 'Laging nasa Metropolis lang si Saydie. Magiging mahirap sa kanya na masanay sa magiging buhay niya pag umalis siya sa Metropolis, diba?'May sasabihin sana si Maisie nang magsalita si Saydie. "Sige, susundan ko si Ms. Vanderbilt."Nagulat ulit si Maisie.Si Nolan na nakatayo sa hindi kalayuan, binaba ang kaniyang cell phone. Nang makitang matagal na nakikipag-usap si Maisie sa dalawang lalaki, mukhang medyo galit siya.Tumitig si Quincy kay Nolan habang nakatayo siya sa gilid.'Sobrang lala ng selos niya na malapit na ikasira ng airport.'Pumunta si Maisi
Tumakbo si Daisie papunta kay Nolan. "Daddy, magaling na po ba kayo?"Nagulat si Nolan, siguro ay dahil hindi handa ang isipin niyang matawag na "Daddy". Natulala siya ng ilang sandali.Ginalaw ni Daisie ang ulo niya. "Daddy?"Ginilid agad ni Quincy si Daisie, lumapit siya, at tumingin sa kaniya. "Bata, nagkaroon ng aksidente ang Daddy mo, at hindi niya maalala ang maraming bagay dito."Tinuro niya ang kaniyang ulo.Kumurap si Daisie. "Sinasabi mo ba na wala ng alam si Daddy?" Kumulot ang sulok ng mga labi ni quincy.Lumapit si Maisie sa tabi ni Daisie, bahagyang umupo, at inayos ang magulo niyang tirintas. "Ang memorya ni Daddy mo ay noong 17-years-old siya, kaya hindi niya muna tayo maalala sa ngayon."Nagkatinginan sina Daisie at Colton at tumingin kay Nolan. Umiyak sila na parang nakaramdam ng lungkot sa kondisyon ni Nolan.Kinuyom ni Nolan ang kamao niya, nilagay ito sa labi niya, umubo siya, at umiwas ng tingin. "Malapit ko na rin maalala ang lahat."Tumayo s
'Ibig sabihin, siraulo talaga ako?'Nang makitang nakatingin si Nicholas kay Nolan, dahan-dahang sumingit si Maisie, "Dad, tungkol kay Nolan, siya ay—"Tinaas ni Nicholas ang kamay niya para pigilan si Maisie, tumingin sa kanya, at sinabi, "Alam ko ang kondisyon niya. Huwag ka mag-alala, hindi kita sinisisi. Lahat ng ito ay kapalaran niya. Hindi na yun mahalaga basta humihinga pa siya."Napahinto si Nolan.'Totoo niya ba akong anak, o pinulot niya lang ako sa basurahan?'Nang makarating si Maisie sa pinto ng kwarto nila, biglang may anino na lumabas sa likod niya, itinukod ang braso sa pader, at pinulupot ang kamay kay Maisie. "Mag-usap tayo."Nagulat ng ilang sandali si Maisie at ngumiti. "Anong gusto mong pag-usapan, Mr. Goldmann?"Maingat na tinanong ni Nolan, "Nagkaroon ba ako ng kasalanan sayo dati? Niloko ba kita, o…"Sumikat sa maaliwalas niyang mukha ang puting ilaw sa koridor, na nagpakintab sa kaniyang noo at ilong, pero malalim pa rin ang kaniyang mata na par
"Oo." Tinupi ni Maisie ang dyaryo at tumingin sa kanya. "Pupunta ako ngayon sa kumpanya, kaya hindi mo ako makakasama ngayon." "Papasok ka rin sa trabaho?""Kung hindi, babayaran mo ba mga bills ko?" Tinaas niya ang kaniyang kilay at ngumisi, kinuha ang gatas sa lamesa, inubos ito, at tatayo na sana."Sinasabi mo bang hindi ko kayang bayaran mga bills mo?" Nanlilisik si Nolan nang tingnan siya.'Ganun na ba ako kawalang kwenta para pati ang asawa ko ay kailangan magtrabaho?'Hindi napigilan ni Maisie na tumawa ng marinig yun. Pumunta siya sa tabi ni Nolan at lumapit para tingnan siya habang nakapatong ang kamay niya sa lamesa, parang na-agrabyado. "Nagtatrabaho ako kasi sabi mo ayaw mo ng babaeng magastos. Sinabi mo rin na mas gusto ng babae na matalino at kayang mamuhay mag-isa.""Sinabi ko yun?" Kumunot si Nolan at inisip niya ang huling sinabi ni Maisie pero wala siyang magawa.Diniin ni Maisie sa kaniyang labi ang daliri niya at sinabi niya sa nakakaakit na boses, "
Natulala si Maisie at bahagyang nagulat.'Maiintindihan pa rin naman kung napag-desisyunan ni Madam Nera na i-terminate ang tanzanite supply na napagkasunduan nila sa Soul matapos ang insidente. Kung tutuusin, ang cooperation relationship na inalok ko kay Madam Nera ay base lang sa sarili niyang interes. Normal lang kung sasabihin niya na hindi siya naniniwala na mabibigay ng iba ang mga bagong benepisyo at gusto niyang itigil ang collaboration sa Soul Jewelry.'Hindi ko inakala na papanatilihin ni Madam Nera ang relasyon sa pagitan ng kumpanya namin, o alam ni Madam Nera na babalik din ako balang araw?'"Nga pala, lahat ba ng nasa Bassburgh ay iniisip na namatay ako sa aksidente?" biglang tanong ni Maisie.Sumagot si Kennedy, "Pinigilan ni Mr. Goldmann ang mabilis na pagkalat ng balita matapos ang aksidente. Kaya, karamihan ay hindi alam ang tungkol sa pagkamatay mo."Tumingin siya sa kay Maisie habang sinabi yun at sinabing, "Zee, dahil nakabalik ka na, Ibabalik ko na ang S
Mahigpit siyang niyakap ni Ryleigh.Nakita ni Maisie si Nolan. Bago siya makabalik sa kaniyang huwisyo, inalog ni Ryleigh ang balikat niya at magreklamo, "Kailan ka pa nakipagkita ulit sa sira ulong yun? Hindi ba't sabi mo ay hindi mo siya mapapatawad? Paano mo nagawang ilihim na makipagbalikan sa kaniya sa likod ko?"Walang ibang makita si Maisie kundi bituin habang inaalog siya ni Ryleigh. Nang may sasabihin na sana siya, may bisig na sumalo sa kaniya bago pa siya bumagsak. Mahigpit ang hawak sa kaniya ng lalaki at malamig na nakatitig kay Ryleigh."Itigil mo na ang pag alog sa kaniya. Hindi mo ba nakikita na nahihilo na siya?" sabi ni Nolan.Nagulat si Ryleigh. Kahit na hindi niya nakita si Nolan sa loob ng tatlong taon, hindi ganito ang itsura niya sa kaniyang memorya.Nakahalukipkip niyang sinabi, "Hah, huwag ka na magpanggap, sinungaling ka! Alam ko ang iniisip mo! Ikaw din, Zee. Paano mo nagawa na bumalik sa kaniya dahil lang sa may sinabi ang maganda sa'yo?"Hindi a
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging