Nanigas si Rowena. Bigla niyang hinawakan ang ulo niya at tumawa. “Nandito ka para maghiganti, tama, Maisie? Nandito ka para patayin ako, tama? Anong makukuha mo sa pagpatay sa akin?"Matalim niyang tiningnan si Maisie at sinabing, "Kapag pinatay mo ako, mabubuhay ba ulit ang mga taong yun? Hahaha, gawin mo! Hindi ako malulungkot kapag nakasama ko sila sa impyerno!"Habang nakayukom ang mga kamao, lumingon si Maisie sa kaniya. "Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang bumaba sa impyerno at makasama sila?""Sa madaling salita, hindi mo ako kayang patayin." Sabi ni Rowena sabay kibit-balikat. Mayroong nababaliw na ngiti sa mukha niya bago siya ulit nagpatuloy sa pagyayabang. "Ang tanging magagawa mo lang ay makipaglaro. Kahit na sagad sa buto ang galit mo sa akin, hindi mo ako kayang patayin."Ngumiti si Maisie at sinabing, "Bakit ko dudumihan ang kamay ko dahil lang galit ako sa iyo?"Habang naglalakad siya palapit kay Rowena, sinabi niya, "Nakuha ni Daniel ang karapat-d
Ngumiti si Nolan at hinawakan ang kamay ni Maisie. “Hindi na ako inuubo.”Nang magsasalita na si Maisie, isang tao ang dumating sa pinto.Ang bagong dating ay walang iba kung hindi si Erwin. Nakasuot ito ng isang coffee-colored trench coat dahilan para mas maging gwapo at regal ito.“Sana hindi ko kayo naiistorbong dalawa,” Sabi ni Erwin.Mabilis na tumayo si Maisie at nagtanong, “Tito Erwin, kumusta si Mr. Kestner?”Nilapitan ni Erwin si Maisie, sumagot siya, “Ayos lang si Adrian. Medyo napagod siya, pero ayos na siya.”Nagging istrikto si Strix nang kunin si Adrian mula kay Roger. Sa kabilang banda, nag-aalala naman si Roger na palakihin ito ni Strix, kaya wala siyang ibang magawa kung hindi ang pakawalan si Adrian.“Gatasan niya si Robert habang executioner naman niya si Daniel, at humina na si Roger nang mawala ang dalawa,” Sabi ni nolan sabay hawak sa kaniyang kumot. “Kahit na nasa tabi niya pa rin sina Shawn at Gregory, hindi banta ang isa man sa kanila.”Tumango
Maputla ang mukha ni Maisie. Yumuko siya at dinukot ang gintong singsing mula sa kaniyang bulsa. “Ito ang iniwan sa akin ng lolo ko. Ang sabi ng lalaking yun ay buhay pa ang lolo ko!”Hinawakan niya ang braso ni Nolan. “Nolan Goldmann, nagsinungaling ka sa akin, tama ba? Pwedeng buhay pa ang lolo ko, hindi pa siya patay!”‘Iisa na lang ang kamag-anak ko. Kung kaya niyang makagawa ng plano para lituhin kami, pwedeng buhay pa siya.’Muli siyang niyakap nang mahigpit ni Nolan. “Zee, alam kong masama ang loob mo, pero malinaw na malinaw na kung bakit binigay sa iyo ng lolo mo ang singsing ng mga de Arma.”Natulala si Maisie, at hindi niya mapigilang mapayukom ang mga kamay niyang nasa mainit na dibdib ni Nolan.‘Tama, bakit ipapasa sa akin ni lolo ang singsing na kumakatawan sa status ng patriarch o matriarch ng ng mga de Arma? Dahil gusto niyang manahin ko ang identity niya!’Hindi alam ni Maisie kung bakit siya nalulungkot. Kahit na wala siya masiyadong kontak sa lolo niya sa nagda
Nagsalin ng tsaa ang lalaki sa tasa. “Gusto kang makita ni lola.”Sandaling natahimik si Nolan. “Nasa Stoslo siya?”“Oo.” Uminom ng tsaa ang lalaki. “Pero hindi lang convenient sa kaniya na puntahan ka.”Habang nakatayo sa taas, bahagyang nagulat si Maisie nang marinig ang usapan nila.‘Nasa Stoslo ang lola ni Nolan?’Kaya niya ng mahulaan ang identity ng lalaki. Siguradong si Yorrick ito, ang kasalukuyang patriarch ng mga Hathaway.“Pwede mo siyang isama. Gusto rin makita ni lola ang granddaughter-in-law niya.” Nilapit ni Yorrick ang teacup sa kaniyang mga labi at ngumiti.Hindi nagtagal ang usapan nila, tumayo na si Yorrick at umals sa villa.Nakaupo si Maisie sa chaise lounge sa kwarto at nagbabasa ng libro. Inangat lang niya ang kaniyang tingin nang pumasok sa pinto si Nolan. “Tapos na kayong mag-usap?”“Hmm.” Nagawang sumagot ni Nolan, lumapit kay Maisie, naupo at nilapit ang katawan. “Anong binabasa mo?”“Tinitingnan ko lang ang content.” Sinara ni Maisie ang libro at n
Sumakay sila sa elevator papunta sa executive steak house na nasa 12th floor. Mukhang naka-reserve ang buong restaurant. May mga bodyguards na nakabantay sa labas, at iilan lang ang waitressess na naiwan para mag-serve sa kanila.Naghihintay si Yorrick sa corridor. Tiningnan niya ang kaniyang relo nang dumating ang dalawa. “Maaga ka.”Walang emosyong nagtanong si Nolan, “Nasaan si lola?”“Nasa loob siya,” Sabi ni Yorrick, tumalikod at nagpatiuna.Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie habang naglalakad sila papunta sa dining room. Hindi nagtagal, nakita nila ang isang matandang babae na kulay puti ang buhok at nakatalikod sa kanila, nilalaro nito ang isang green rose sa isang vase.Lumapit si Yorrick sa tabi ni Madam Hathaway at yumuko. “Lola.”Dinala ni Nolan si Maisie sa harap ng mahabang white table papunta sa tapat ni Madam Hathaway.Pinasok naman ni Madam Hathaway ang bulaklak sa vase, tinabi ito at dahan-dahang tumingala. “Ilang taon na simula noong huli kitang nakita. Kum
Nasa kalagitnaan ng pag-inom ng tubig si Maisie halos mabulunan siya nang marinig yun.Isang ngiti ang unti-unting lumitaw sa masungit at seryosong mukha ni Madam Hathaway. “Wala akong anumang pagtutol basta masaya si Nolan sa pagsasama nila. Ang problema ko ay nasa iyo.”Nang magbago ang pokus ng usapan, tinitigan niya si Yorrick. “Pinakilala ka ng tatay mo sa lahat ng babae at celebrities sa buong mundo, wala kang nagustuhan ni isa, pero malakas ang loob mong mang-asar ng iba?”Tumawa si Yorrick. “Sadyang hindi ko pa nakikita ang tamang babae. At saka, lola, bakit hindi ako pwedeng maging single habang buhay kung hindi rin kayo nagpakasal buong buhay niyo?”Nang mabanggit ito, sandaling nanlamig ang paligid ng dining room.Sinulyapan ni Maisie si Madam Hathaway. Kahit na hindi niya makita kung naiinis o natutuwa si Madam Hathaway, nahuli niya ang dilim na dumaan sa mga mata nito na agad namang naglaho.“Gaano kayo katagal dito sa Stoslo, lola?” Binago ni Nolan ang usapan.Inan
Hindi yun itinanggi ni Nolan.Hawak-hawak ni Strix ang isang chess piece, nakita niyang hindi gumalaw si Nolan. “Hindi maganda ang sitwasyon niya nitong nagdaang tatlong taon. Namatay sa aksidente ang tunay niyang ama, habang nawalan naman siya ng anak. Walang magagawang mabuhay pagkatapos ng lahat ng yun.”Binaba ni Nolan ang chess piece niya, bahagyang nagbago ang walang emosyon niyang ekspresyon. Simula nang malaman niyang buntis noon si Maisie at nawala ang bata dahil sa aksidente, alam niyang habangbuhay ang utang niya sa kaniya.Kung hindi siya tinulak palayo mula sa kaniya, baka hindi nangyari ang insidenteng yun.Tinitigan siya ni Strix. “Bakit? Hindi ka pa ba niya napapatawad?”Binawi ni Nolan ang tingin niya mula sa chessboard pero hindi sumagot nang tumingin siya sa ibang direksyon.Pinagmasdan ni Strix ang chessboard. “Kung hindi ka pa niya napapatawad, hindi siya magsusumikap na mailigtas ka. Nakikita ko na hindi siya kailanman sumuko sa iyo.”Nakipagpalitan ng ting
Ang pawis na tumutulo mula sa mga kilay ni Nolan ay pumapaso sa balikat ni Maisie. Nabalot ng mainit na hininga ang leeg niya nang magtanong si Nolan, “Paalisin mo ba ako?”Tinitigan ni Maisie ang malalim at kaakit-akit na mga mata nito.Binuhat siya ni Nolan papunta sa banyo. Napaka-selan at inosente ni Maisie sa mga mata niya.Pagkatapos siyang ibaba, tinulak ni Maisie ang braso niya at sumigaw, “Labas, kaya ko na ‘to.”Naningkit ang mga mata ni Nolan. “May lakas ka pa?”Bumuga ng hangin sa ilong si Maisie, hindi siya sumagot.Hinalikan ni Nolan ang tuktok ng ulo niya at kaniyang noo. “Hihintayin kita sa labas.”Lumabas si Maisie pagkatapos mag-shower. Nakatalikod sa kaniya si Nolan, parang may kausap ito sa telepono.Nakasuot lang ito ng shirt, at basa ang likuran nito dahil sa pawis kaya naman nakikita ang katawan nito.“Sige.” Binaba ni Nolan ang tawag.“Busy ka pa rin?” Lumakad si Maisie papunta sa hairdryer habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.Kumunot ang no
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging