Share

Kabanata 576

Author: Ginger Bud
last update Huling Na-update: 2023-08-30 16:00:00
Ang pawis na tumutulo mula sa mga kilay ni Nolan ay pumapaso sa balikat ni Maisie. Nabalot ng mainit na hininga ang leeg niya nang magtanong si Nolan, “Paalisin mo ba ako?”

Tinitigan ni Maisie ang malalim at kaakit-akit na mga mata nito.

Binuhat siya ni Nolan papunta sa banyo. Napaka-selan at inosente ni Maisie sa mga mata niya.

Pagkatapos siyang ibaba, tinulak ni Maisie ang braso niya at sumigaw, “Labas, kaya ko na ‘to.”

Naningkit ang mga mata ni Nolan. “May lakas ka pa?”

Bumuga ng hangin sa ilong si Maisie, hindi siya sumagot.

Hinalikan ni Nolan ang tuktok ng ulo niya at kaniyang noo. “Hihintayin kita sa labas.”

Lumabas si Maisie pagkatapos mag-shower. Nakatalikod sa kaniya si Nolan, parang may kausap ito sa telepono.

Nakasuot lang ito ng shirt, at basa ang likuran nito dahil sa pawis kaya naman nakikita ang katawan nito.

“Sige.” Binaba ni Nolan ang tawag.

“Busy ka pa rin?” Lumakad si Maisie papunta sa hairdryer habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.

Kumunot ang no
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 577

    Kung hindi sila mag-iingat, mamamatay lahat ng nasa barko.Nakatali sina Titus at Waylon sa deck. Hindi niya inakalang si Sue ay si Rowena.“Rowena, anong gusto mo? Huwag mong idamay ang bata. Sa akin mo ibuhos ang galit mo.”Sinubukan siyang kumbinsihin ni Titus, pero hindi yun tinanggap ni Rowena at parang nababaliw na sumagot nang pasigaw, “Manahimik ka!”Tuluyan na siyang nawala sa sarili. “Sa tingin mo ba maniniwala pa rin ako sa anumang sabihin ng isang Goldmann?”Nakita ni Titus na emotionally unstable na si Rowena kaya naman nagsimula na siyang mag-alala. Nagdilim ang mukha niya. “Rowena, wala kaming ginawang masama sa iyo.”Wala naman talaga silang ginawang masama sa kaniya. Kinupkop nila ito at pinalaki. Kailan nila ito trinato nang masama?Pinagkatiwalaan siya ni Titus, pero bumagsak siya dahil sa pagiging makasarili.“Sa tingin mo ba ay wala kayong ginawa sa akin?” Sigaw ni Rowena, “Ang laki ng ginawa ko para sa pamilya niyo. Paano niyo ako nagawang itaboy na lang?”

    Huling Na-update : 2023-08-30
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 578 & Kabanata 579

    Hindi siya pinansin ni Rowena at tinutok ang baril sa ulo ni Nolan. “Nolan, sa lahat ng taon na magkasama tayo, wala akong ginawa sa iyo. Bakit napakalupit mo sa akin?”May mga luha sa mga mata niya, pero malamig siyang nakangiti. “Hindi ako ganoon kasama, pero ngayon naiintindihan ko na. Kung hindi kita makukuha, sisirain kita. Gusto kong ipakita sa babaeng yun na siya ang dahilan kung bakit ka namatay!”Nakawala si Waylon mula sa pagkakatali sa kaniya at mabilis na sinunggaban at tinulak si Rowena. Tumilapon ang hawak nitong baril.“Waylon!”Mabilis na sinipa ni Waylon ang baril papunta sa paanan ni Nolan na pinulot naman niya,Nakakatakot ang itsura ni Rowena na ngayon ay natumba na. Tinaas niya ang trigger at sumigaw, “Wala sa inyo ang makakatakas!”Bang!Agad na binaril ni Nolan ang kamay niya, pero napindot na niya ang button bago niya nabitawan ang remote, at nagsimula ang countdown sa bomba.Tumalon si Rowena papunta kay Nolan at mahigpit itong hinawakan, tinulak niya i

    Huling Na-update : 2023-08-30
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 580

    Hinawakan ni Maisie ang ulo ni Nolan. “Isa ka lang 17-year-old ngayon. Anong masama kung tatawagin mo akong Ms. Vanderbilt?”Tinulak ni Nolan ang kamay niya. “Pero lalaki din ako.”“Lalaki ka na ba kapag 17 ka na?”Walang maisagot si Nolan at umiwas na lang ng tingin. “Bakit ako mahuhulog sa iyo? Dahil lang maganda ka?”Binawi ni Maisie ang kamay niya pero hindi siya nagalit, “Oo. Gustong-gusto mo ang kagandahan ko kaya kinulit mo ako, kaya pinakasalan kita.”Tumaas ang kilay ni Nolan at tumitig kay Maisie, “Ganoon ba ako kababaw?”Pagkatapos sabihin yun, pinagmasdan niya ang maselan at inosenteng mukha ni Maisie at wala ng sinabi pa. Type niya nga ito.Ngumiti nang malawak si Maisie, lumapit siya sa mga labi nito hanggang isang pulgada na lang ang pagitan nila. Sa sobrang lapit nila ay naghalo na ang kanilang mga hininga. “Hindi ko alam kung mababaw ka. Ang alam ko lang ay mahal mo ako nang sobra.”….Isang linggong nasa ospital si Nolan. Halos magaling na ang sugat sa likod

    Huling Na-update : 2023-08-30
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 581

    Yumuko si Maisie, at hindi niya mapigilan na mapatakip ng bibig. Kahit nakalimutan na siya ni Nolan, tinatrato pa rin siya na parang pagmamay-ari. Ngumiti si Yorrick at sinabi, "Nagbibiro lang ako, huwag mo seryosohin, pinsan."Sinabi ni Nolan habang nagngangalit ang kaniyang ngipin, "Hindi mo ako pinsan! Sa tingin mo ba nakalimutan na kita?""Mukhang naaalala mo pa rin," sabi ni Yorrick habang nilagay niya ang unan sa kama. "Sige. Dahil humihinga ka pa, sa tingin ko dapat gumaan ang loob ng lola mo." Pagkatapos nun, nilagay niya ang kamay niya sa balikat ni Maisie at nagpatuloy. "Iiwan ko na siya—""Alisin mo kamay mo!" suminghal si Nolan, pagpigil niya kay Yorrick. Tinanggal ni Yorrick ang kamay niya kay Maisie at nagkibit-balikat. "Sige, sige. Aalis na ako ngayon. Iiwan ko na 'tong matanda na "teenager" sa pangangalaga mo Ms. Vanderbilt." Pagkatapos makaalis si Yorrick, naghulukipkip si Nolan, at madilim ng kaniyang mukha. Dati ay magaling siya magtago ng kaniyang

    Huling Na-update : 2023-08-30
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 582

    Hindi alam ni Nolan ang sasabihin niya.Mabagal na umaandar ang sasakyan papuntang East Island Villa. Hindi alam ni Nolan paano mapalapit sa anak niya buong biyahe, pero may hindi mapaliwanag na kagustuhan na mapalapit siya kay Waylon sa puso niya. Ang mabuti ay hindi siya pinahirapan ni Waylon at inunahan niya na itong makipag-usap kay Nolan. Ang memorya lang ni Nolan ay bago siya mag 17, kaya hindi mahirap sa kaniya makipag-usap sa 8,5-year-old na bata.Tumalikod si Maisie para tingnan ang father-son duo at tinanong si Quincy sa mahinang boses, "Ganito ba itsura ni Nolan nung 17 siya?"Tumango si Quincy. "Oo."At, bahagya siyang bumuntong hininga at nagpatuloy. "Ganito talaga si Mr. Goldmann dati bago mangyari ang insidente tungkol kay Madam Goldmann."Walang sinabi si Maisie habang nakatingin kay Nolan. Dati si Nolan ang tipo ng lalaki na walang pakialam at nagpapakita ng vibe na nagiging dahilan ng pagdadalawang-isip ng mga taong mapalapit sa kanya. Pero, ngayon, mas n

    Huling Na-update : 2023-08-31
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 583

    Nagtataka si Maisie bakit nagsasabi sa kaniya si Madam Hathaway ng tungkol dito, pero wala siyang sinabi para pigilan siya.Sabi ni Madam Hathaway, "Kung ito ay nangyari dati, hindi niya aalalahanin kung ano man ang mangyari sa Stoslo." Nagulat si Maisie nang marinig ang sinabi ni Madam Hathaway. Pero, naisip din niyang tama siya. Nang unang makita ni Maisie si Nolan, hindi rin talaga siya nagsabi ng kahit ano tungkol sa pamilya niya. Sinabi lang niya na siya ang CEO ng Blackgold Group.'Pero kailan siya nagsimulang mangialam? Iyon ba ay dahil sa relasyon ng mom ko sa pamilyang de Arma, o naghinala lang siya na may problema sa "alitan" sa pagitan ng pamilyang de Arma at ng mga Goldmann?'Tiningnan siya ni Madam Hathaway at sinabi, "Alam ko na apo ka ni Hernandez."Sa East Island Villa…Bumaba si Nolan mula sa upper floor at nabangga si Quincy. Dahil sa nangyari ay nagulat si Quincy at tinanong, "Mr. Goldmann?"Nang pumunta si Nolan sa living room, nararamdaman niyang sag

    Huling Na-update : 2023-08-31
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 584

    Nakatingin sa mesa si Maisie habang nagsasalita. "Napansin ko lang ng pagbabago kay Nolan nung ilang beses kaming magkasama. Kahit na bossy siya walang pakialam, at madalas magselos, cute siya at makulit minsan. Pero, pag nasa panganib ako, gagawin niya ang lahat para protektahan ako kahit na isaalang-alang niya ang buhay niya. Hinding-hindi ko hahayaan ang lalaking nagmamahal sa akin ng ganun."Tahimik na nakatingin si Madam Hathaway sa pinto.Nang parang may nararamdaman na si Maisie, tumalikod siya at napahinto.'Nolan? Kailan ka pa nandito? Saglit lang, kung nandito siya, ibig sabihin narinig niya lahat ng sinabi ko kanina!?'Tumawa si Madam Hathaway at sinabi, "Anong ginagawa mo dito? 'Di ba dapat nagpapahinga ka ngayon? Nagmadali ka bang pumunta dito dahil akala mo pahihirapan ko siya?"Nilipat ni Nolan ang tingin niya kay Maisie. May hiya na mapapansin sa kaniyang mukha, pero pinilit niyang kumalma. "Lola, kailan pa naging sobrang puti ng buhok niyo?"Alam ni Madam H

    Huling Na-update : 2023-08-31
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 585

    "Ikaw…"Nanatili sa isip ni Nolan ang mga nangyari noong araw na yun. Sumusunod lang siya sa basic instinct niya, at iyon ang bagay na hindi niya makokontrol.Binitawan niya si Maisie at hindi napigilang ilagay ang kamay sa kaniyang noo."Paano mo ako masisisi doon?"Si Maisie ang laging unang humahalik sa kaniya at nang-aakit. Nawawalan siya ng kontrol sa sarili niya pag lumalapit kay Maisie. Hinila ni Maisie ang kamay niya at sinabi, "Sige, sige. Titigilan ko na pangungulit ko sayo. Umuwi na tayo."'Umuwi na…'Biglang kumintab ang mga mata ni Nolan. Nang sabihin niya ang mga salitang 'uwi na', hindi niya alam kung bakit, pero nakaramdam siya ng pagkaalala dito. Niyakap siya ni Maisie. Sa mata ng ibang tao, sila ay masayang mag-asawa, at walang sinuman ang makakaisio na nag-divorce na sila.Nang makarating na sila sa East Island Villa, nakita nila si Titus na pinapagalitan ang grupo ng mga bodyguard dahil hindi nila binantayan nang maayos si Nolan. Huminto lang

    Huling Na-update : 2023-08-31

Pinakabagong kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2751

    Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2750

    Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2749

    Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2748

    Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2747

    “James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2746

    Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2745

    Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2744

    Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2743

    Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging

DMCA.com Protection Status