Nasa kalagitnaan ng pag-inom ng tubig si Maisie halos mabulunan siya nang marinig yun.Isang ngiti ang unti-unting lumitaw sa masungit at seryosong mukha ni Madam Hathaway. “Wala akong anumang pagtutol basta masaya si Nolan sa pagsasama nila. Ang problema ko ay nasa iyo.”Nang magbago ang pokus ng usapan, tinitigan niya si Yorrick. “Pinakilala ka ng tatay mo sa lahat ng babae at celebrities sa buong mundo, wala kang nagustuhan ni isa, pero malakas ang loob mong mang-asar ng iba?”Tumawa si Yorrick. “Sadyang hindi ko pa nakikita ang tamang babae. At saka, lola, bakit hindi ako pwedeng maging single habang buhay kung hindi rin kayo nagpakasal buong buhay niyo?”Nang mabanggit ito, sandaling nanlamig ang paligid ng dining room.Sinulyapan ni Maisie si Madam Hathaway. Kahit na hindi niya makita kung naiinis o natutuwa si Madam Hathaway, nahuli niya ang dilim na dumaan sa mga mata nito na agad namang naglaho.“Gaano kayo katagal dito sa Stoslo, lola?” Binago ni Nolan ang usapan.Inan
Hindi yun itinanggi ni Nolan.Hawak-hawak ni Strix ang isang chess piece, nakita niyang hindi gumalaw si Nolan. “Hindi maganda ang sitwasyon niya nitong nagdaang tatlong taon. Namatay sa aksidente ang tunay niyang ama, habang nawalan naman siya ng anak. Walang magagawang mabuhay pagkatapos ng lahat ng yun.”Binaba ni Nolan ang chess piece niya, bahagyang nagbago ang walang emosyon niyang ekspresyon. Simula nang malaman niyang buntis noon si Maisie at nawala ang bata dahil sa aksidente, alam niyang habangbuhay ang utang niya sa kaniya.Kung hindi siya tinulak palayo mula sa kaniya, baka hindi nangyari ang insidenteng yun.Tinitigan siya ni Strix. “Bakit? Hindi ka pa ba niya napapatawad?”Binawi ni Nolan ang tingin niya mula sa chessboard pero hindi sumagot nang tumingin siya sa ibang direksyon.Pinagmasdan ni Strix ang chessboard. “Kung hindi ka pa niya napapatawad, hindi siya magsusumikap na mailigtas ka. Nakikita ko na hindi siya kailanman sumuko sa iyo.”Nakipagpalitan ng ting
Ang pawis na tumutulo mula sa mga kilay ni Nolan ay pumapaso sa balikat ni Maisie. Nabalot ng mainit na hininga ang leeg niya nang magtanong si Nolan, “Paalisin mo ba ako?”Tinitigan ni Maisie ang malalim at kaakit-akit na mga mata nito.Binuhat siya ni Nolan papunta sa banyo. Napaka-selan at inosente ni Maisie sa mga mata niya.Pagkatapos siyang ibaba, tinulak ni Maisie ang braso niya at sumigaw, “Labas, kaya ko na ‘to.”Naningkit ang mga mata ni Nolan. “May lakas ka pa?”Bumuga ng hangin sa ilong si Maisie, hindi siya sumagot.Hinalikan ni Nolan ang tuktok ng ulo niya at kaniyang noo. “Hihintayin kita sa labas.”Lumabas si Maisie pagkatapos mag-shower. Nakatalikod sa kaniya si Nolan, parang may kausap ito sa telepono.Nakasuot lang ito ng shirt, at basa ang likuran nito dahil sa pawis kaya naman nakikita ang katawan nito.“Sige.” Binaba ni Nolan ang tawag.“Busy ka pa rin?” Lumakad si Maisie papunta sa hairdryer habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.Kumunot ang no
Kung hindi sila mag-iingat, mamamatay lahat ng nasa barko.Nakatali sina Titus at Waylon sa deck. Hindi niya inakalang si Sue ay si Rowena.“Rowena, anong gusto mo? Huwag mong idamay ang bata. Sa akin mo ibuhos ang galit mo.”Sinubukan siyang kumbinsihin ni Titus, pero hindi yun tinanggap ni Rowena at parang nababaliw na sumagot nang pasigaw, “Manahimik ka!”Tuluyan na siyang nawala sa sarili. “Sa tingin mo ba maniniwala pa rin ako sa anumang sabihin ng isang Goldmann?”Nakita ni Titus na emotionally unstable na si Rowena kaya naman nagsimula na siyang mag-alala. Nagdilim ang mukha niya. “Rowena, wala kaming ginawang masama sa iyo.”Wala naman talaga silang ginawang masama sa kaniya. Kinupkop nila ito at pinalaki. Kailan nila ito trinato nang masama?Pinagkatiwalaan siya ni Titus, pero bumagsak siya dahil sa pagiging makasarili.“Sa tingin mo ba ay wala kayong ginawa sa akin?” Sigaw ni Rowena, “Ang laki ng ginawa ko para sa pamilya niyo. Paano niyo ako nagawang itaboy na lang?”
Hindi siya pinansin ni Rowena at tinutok ang baril sa ulo ni Nolan. “Nolan, sa lahat ng taon na magkasama tayo, wala akong ginawa sa iyo. Bakit napakalupit mo sa akin?”May mga luha sa mga mata niya, pero malamig siyang nakangiti. “Hindi ako ganoon kasama, pero ngayon naiintindihan ko na. Kung hindi kita makukuha, sisirain kita. Gusto kong ipakita sa babaeng yun na siya ang dahilan kung bakit ka namatay!”Nakawala si Waylon mula sa pagkakatali sa kaniya at mabilis na sinunggaban at tinulak si Rowena. Tumilapon ang hawak nitong baril.“Waylon!”Mabilis na sinipa ni Waylon ang baril papunta sa paanan ni Nolan na pinulot naman niya,Nakakatakot ang itsura ni Rowena na ngayon ay natumba na. Tinaas niya ang trigger at sumigaw, “Wala sa inyo ang makakatakas!”Bang!Agad na binaril ni Nolan ang kamay niya, pero napindot na niya ang button bago niya nabitawan ang remote, at nagsimula ang countdown sa bomba.Tumalon si Rowena papunta kay Nolan at mahigpit itong hinawakan, tinulak niya i
Hinawakan ni Maisie ang ulo ni Nolan. “Isa ka lang 17-year-old ngayon. Anong masama kung tatawagin mo akong Ms. Vanderbilt?”Tinulak ni Nolan ang kamay niya. “Pero lalaki din ako.”“Lalaki ka na ba kapag 17 ka na?”Walang maisagot si Nolan at umiwas na lang ng tingin. “Bakit ako mahuhulog sa iyo? Dahil lang maganda ka?”Binawi ni Maisie ang kamay niya pero hindi siya nagalit, “Oo. Gustong-gusto mo ang kagandahan ko kaya kinulit mo ako, kaya pinakasalan kita.”Tumaas ang kilay ni Nolan at tumitig kay Maisie, “Ganoon ba ako kababaw?”Pagkatapos sabihin yun, pinagmasdan niya ang maselan at inosenteng mukha ni Maisie at wala ng sinabi pa. Type niya nga ito.Ngumiti nang malawak si Maisie, lumapit siya sa mga labi nito hanggang isang pulgada na lang ang pagitan nila. Sa sobrang lapit nila ay naghalo na ang kanilang mga hininga. “Hindi ko alam kung mababaw ka. Ang alam ko lang ay mahal mo ako nang sobra.”….Isang linggong nasa ospital si Nolan. Halos magaling na ang sugat sa likod
Yumuko si Maisie, at hindi niya mapigilan na mapatakip ng bibig. Kahit nakalimutan na siya ni Nolan, tinatrato pa rin siya na parang pagmamay-ari. Ngumiti si Yorrick at sinabi, "Nagbibiro lang ako, huwag mo seryosohin, pinsan."Sinabi ni Nolan habang nagngangalit ang kaniyang ngipin, "Hindi mo ako pinsan! Sa tingin mo ba nakalimutan na kita?""Mukhang naaalala mo pa rin," sabi ni Yorrick habang nilagay niya ang unan sa kama. "Sige. Dahil humihinga ka pa, sa tingin ko dapat gumaan ang loob ng lola mo." Pagkatapos nun, nilagay niya ang kamay niya sa balikat ni Maisie at nagpatuloy. "Iiwan ko na siya—""Alisin mo kamay mo!" suminghal si Nolan, pagpigil niya kay Yorrick. Tinanggal ni Yorrick ang kamay niya kay Maisie at nagkibit-balikat. "Sige, sige. Aalis na ako ngayon. Iiwan ko na 'tong matanda na "teenager" sa pangangalaga mo Ms. Vanderbilt." Pagkatapos makaalis si Yorrick, naghulukipkip si Nolan, at madilim ng kaniyang mukha. Dati ay magaling siya magtago ng kaniyang
Hindi alam ni Nolan ang sasabihin niya.Mabagal na umaandar ang sasakyan papuntang East Island Villa. Hindi alam ni Nolan paano mapalapit sa anak niya buong biyahe, pero may hindi mapaliwanag na kagustuhan na mapalapit siya kay Waylon sa puso niya. Ang mabuti ay hindi siya pinahirapan ni Waylon at inunahan niya na itong makipag-usap kay Nolan. Ang memorya lang ni Nolan ay bago siya mag 17, kaya hindi mahirap sa kaniya makipag-usap sa 8,5-year-old na bata.Tumalikod si Maisie para tingnan ang father-son duo at tinanong si Quincy sa mahinang boses, "Ganito ba itsura ni Nolan nung 17 siya?"Tumango si Quincy. "Oo."At, bahagya siyang bumuntong hininga at nagpatuloy. "Ganito talaga si Mr. Goldmann dati bago mangyari ang insidente tungkol kay Madam Goldmann."Walang sinabi si Maisie habang nakatingin kay Nolan. Dati si Nolan ang tipo ng lalaki na walang pakialam at nagpapakita ng vibe na nagiging dahilan ng pagdadalawang-isip ng mga taong mapalapit sa kanya. Pero, ngayon, mas n