“Ano? Nanakaw ang vaccine?” Hinawakan ni Adrian ang balikat ng bodyguard, nagbago ang kaniyang ekspresyon. “Sino ang umagaw nun sa inyo?”Yumuko ang bodyguard. “Mga tao ng prinsipe.”Binitawan siya ni Adrian, naglakad pabalik sa desk, nagngingitngit ang mga ngipin niya habang pinapakinggan ang paliwanag ng bodyguard sa kung paano sila hinarang habang papunta dito. Marami sila, lahat ay may baril, at ang suitcase ang sadya nila.Kinuha ni Adrian ang pakete ng sigarilyo at hinampas ito sa palad niya, pero wala na itong laman kaya naman hinampas niya ito sa sahig. “Bwisit!”‘Napasakamay na namin ang vaccine ni Strix para sa research namin, pero ninakaw yun ng mga tao ni Roger!’Alam niyang nakagawa si Strix ng dalawang top-notch antibodies noon, at kayang kontrolin ng dalawang antibodies na yun ang kondisyon ng mga pasyenteng infected ng sleeper virus. Siyempre, matutulungan lang ng vaccine na yun ang mga pasyenteng nasa middle stage ng infection.Naglalaman ng genetic factors
Umangat ang ulo ni Nolan. “Vaccine ito ni Strix. Kahit na hindi ito gumana, hindi ako papatayin nito.”Nagulat si Quincy na para bang alam niya na kung sinong “Strix” ang tinutukoy ni Nolan.“Nahanda mo na siguro ang press conference na mangyayari sa susunod na dalawang araw, tama ba?” Tanong ni Nolan.Bumalik sa sarili si Quincy. “Opo.”Ngumiti si Nolan habang tinutupi ang dyaryo at saka seryosong napatingin sa bintana. “Magiging interesante yun.”Paglipas ng dalawang araw, sa press conference…Hinihintay ng mga reporters at media outlets ang sandaling ito.Pagkatapos ng lahat, kung nagamot ng vaccine si Nolan, isang malaking himala yun sa kasaysayan ng medical world.Sinakop ng sleeper virus ang Stoslo noon, maraming buhay ang binawi noon. Pagkatapos bumagsak ng mga Kent, mas lalong nagalit ang mga tao sa balita tungkol sa pekeng vaccine.Halos hilain ng isang man-made disaster ang buong Stoslo papunta sa impyerno. Makapangyarihan na ang vaccine na ginawa ni Strix n
‘Ako ang nagbigay ng vaccine at nagligtas kay Nolan. Mas lalo lang akong pahahalagahan ni lolo ngayon. Basta kakampi ko si Nolan at lolo, hindi ako matatakot kahit dumating pa si Adrian sa pintong yan!’Dahan-dahang tumayo si Nolan mula sa pagkakaupo sa kaniyang wheelchair, at ikinagulat yun ng mga tao. Ang alam ng lahat ay nasa bingit na ng kamatayan noon si Nolan at umaasa na lang sa wheelchair para makagalaw.‘Kaya niya ng tumayo ngayon?‘Posible bang gumagana talaga ang vaccine? Kaya ba nitong mabilis na pagalingin ang isang taong malapit nang mamatay?’Huminto si Strix sa harapan niya habang ngumiti naman si Nolan at nilahad ang kamay. “It’s nice to see you, Ms. Salazar.”‘Strix Salazar!?’Nagulat ang lahat ng reporters.“Si Mr. Henry si Strix Salazar?”“Oh my God! Napakalaki ng balitang ‘to!”Natulala si Sue, at napatitig siya kay Nolan.‘Paano niya nalaman na si Mr. Henry si Strix!?’Nakipag-kamay si Strix kay Nolan. “Marami akong narinig tungkol sa iyo, Mr
Suminghal si Adrian. “Binigay sa akin ni Strix ang vaccine na yun para sa research. Hindi nito magagamot si Nolan Goldmann dahil infected siya ng bagong type ng sleeper virus na walang incubation period.“At saka, ang vaccine na nakuha ko kay Strix ay na-develop na ten years ago, at magagamit lang yun ng mga taong infected ng ordinaryong sleeper virus. Wala kang alam sa virus o sa vaccine, pero ang lakas ng loob mong gamitin yun sa kaniya?”Kinilabutan si Sue, at tila nanigas ang mga tao sa paligid nila, wala rin magawang makapagsalita.Saka tiningnan ni Adrian ang grupo ng mga reporters. “Bakit natin pinag-aaralan ang antibodies? Ang vaccine na na-develop ng mga Kent ay may layunin na maabot ang anti-cancer effect at ma-improve ang human genes gamit ang virus para maiwasan ang ilang sakit.“Isa yun ideya na mayroong napakagandang objective, pero sa kasamaang palad, nabigo ang mga Kent na nagdulot ng napakalaking sakuna sa populasyon ng mga tao. Ang pinag-aaralan namin ay katul
‘Anong nangyayari? Pinapasok sila ng mga bodyguards!?’Lumabas ng Intensive Care Unit si Strix, nakasuot siya ng protective clothing. “Dala mo ba?”Inabot ni Erwin ang silver suitcase kay Strix, at dahan-dahan tumayo si Titus at tiningnan sila. “Kaya…kaya ba nitong maligtas si Nolan?”Kinuha ni Strix ang suitcase. “Basta’t handang maniwala si Elder Master Goldmann.”Hindi na nagsalita si Titus. Lalo na at muntik nang ikamatay ni Nolan ang vaccine na hinayaan niyang iturok ni Sue. Pero, sa puntong ito, kailangan niyang maniwala kay Strix kahit na ayaw niya.Pumasok si Strix sa Intensive Care Unit dala ang suitcase.Si Sue na hinarang ng mga bodyguards ay sinigawan sina Maisie at Erwin, “Plano niyo ‘to, hindi ba!?”‘Siguradong plano nila ito! Ninakaw ko ang vaccine nila! Bakit mayroon pa rin silang hawak na katulad nun!? Plano nila ito!’Dahan-dahang lumingon si Maisie kay Sue. Isang ngiti ang lumitaw sa mga sulok ng mga labi niya. “Anong plano ang sinasabi mo?”Nagngal
“To be exact, walang malaking epekto.”Tumalikod si Strix. “Isa lang itong maliit na side effect mula sa rejection. Mahirap pasunurin ang cell ng sleeper virus. Nang iturok ang vaccine sa katawan niya, ang mga kumalat na cells ay magsisimula na maging active at pabibilisin ang metabolism. Hindi yun kakayanin ng katawan niya, pero hindi siya mamamatay.Natigilan si Maisie at napatikom ang mga labi. Kung alam niya lang na magdudulot ng malaking reaction ang vaccine dahil sa rejection, hindi siya sumugal.Pinagaan ni Strix ang loob niya. “Hindi mo kailangan na magsisi. Plano ko talagang ipagamit kay Adrian ang vaccine na yun para sa research. Kahit na hindi mo sinabihan si Erwin na maghanda, dalawa pa rin ang vaccine na mapupunta sa kaniya.”Kahit na anumang type yun, walang negatibong epekto kay Nolan yun, pero hindi nagtagumpay sina Sue at Roger.Pagkatapos umalis ni Strix, mag-isang tumayo doon si Maisie hanggang sa may nagsalita, “Hindi ko inaasahang ikaw ang nasa likod ng i
May sumagi sa isipan ni Quincy. “Oo nga pala, ilang araw ng nagpupunta si Sue para makita kayo. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na si Ms. Vanderbilt ang nag-frame sa kaniya tungkol sa vaccine, at sinabi niya yun kay Elder Master Goldmann. Naniwala siya kay Sue at sinisisi si Ms. Vanderbilt.”Tumigil sI Nolan sa ginagawa niya at lumingon nang kaunti, madilim at malungkot ang mga mata niya.…Isang silver-white na kotse ang dahan-dahang bumabaybay sa yellow poplar forest. Ang malawak na damuhan at hilera ng matataas na puno ay parang isang oil painter sa ilalim ng maliwanag at kulay asul na langit.Sa maganda ngunit tagong area na ito nakatira si Adrian.Pinarada ni Saydie ang kotse sa labas ng isang three-story tall villa na may sariling damuhan. Nakasarado ang mga pinto ng bahay.Lumabas ng kotse si Maisie, pinindot ni Saydie ang doorbell at matagal bago may sumagot sa pinto. Dumungaw ang lalaki sa mula sa likod ng pinto at nagtanong, “Sino kayo?”“Nandyan ba si Mr.
Kung bakit naman nila tinali si Jones, siguro dahil sa family background nito. Siya lang ang nag-iisang anak sa pamilya niya, hindi katulad ni Adrian.Lumabas ng ward ang doktor at saka nagtanong si Maisie. “Kumusta si Mr. Smith?”Ngumiti ang doktor. “Maswerte siya na makarating agad dito, hindi siya nagkaroon ng hemorrhagic shock. Tinahi ko ang sugat niya at kailangan niya lang magpahinga nang ilang araw.”Pumasok si Maisie sa kwarto. Nakahiga si Jones sa kama at tumingin sa kaniya. “Salamat.”“Wala yun.” Tumayo si Maisie sa tabi ng kama. “Noong nagkita tayo sa Luxella, tinanong ko si Ms. Reynolds at tiyuhin mo. Sinusubukan mo bang tulungan nang palihim ang tiyuhin mo?”Iniwasan niya ang usapan dahil gusto niya itong panatilihing sikreto.Napahinto si Jones at ngumiti, namumutla ang mukha niya. “Hindi nagtatrabaho ang tito ko para kay Roger. Fan siya ng experiments. Paano ko ba sasabihin? Obsessed siya sa sarili niyang mga experiments at walang pakialam sa mundo at mga hin
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio