Pinikit ni Nolan ang mga mata at suminghal. “Anong mangyayari pagkatapos namin mag-divorce?”Dumilat siya at matalim na ang tingin. “Tanggapin ko si Sue?”Natigilan si Titus. Kahit na inagaw ni Sue ang vaccine mula kay Strix, ginawa niya yun para iligtas si Nolan. Kung hindi nila pinagpalit ang vaccines, hindi malalagay si Nolan sa mapanganib na sitwasyon.Hindi rin buo ang tiwala ni Titus kay Sue, kaya hindi niya itutulak ang dalawa sa isa’t-isa. “Kahit sinong babae bukod kay Maisie ay mas mabuti.”Ngumiti si Nolan, pero nakakatakot ang kaniyang ekspresyon. “Tatlong taon na ang nakalipas, pero nangingialam pa rin kayo sa buhay ko.”Sumigaw si Titus, “Ako ang lolo mo, at ginagawa ko ‘to para sa ikabubuti mo. Kahit na hindi niya kasalanan ang nangyari noon, kung wala siya, hindi ka magiging infected at hindi mahuhulog sa patibong nila!”Alam niyang inosente si Maisie, pero muntik ng mamatay si Nolan simula nang dumating siya sa buhay niya. Naaawa siya sa nangyaring aksidente
Nang makitang walang reaksyon ang lalaki sa kama, naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang malamig nitong kamay. “Nolan, hindi ka pwedeng mamatay. Hindi ko gustong saktan ka. Gusto lang kitang iligtas.”Nabasa ng luha ang mga mata ni Sue. Kahit na sandaling oras lang niya na kasama si Nolan, kahit na bilang Sue, alam niyang hindi galit si Nolan kay ‘Sue’, at magandang simula yun.Mayroon na rin siyang pagkakataon, pero bakit niya ito mailigtas?“I’m sorry, Nolan. Kasalanan ko ‘to. Dahil itong lahat kay Maisie. Gusto niya akong i-frame at pinagpalit ang vaccine. Hindi ko talaga alam na malaki ang epekto nun sa iyo, Nolan. Ayaw kong mamatay ka…”Hinawakan ni Sue ang mukha ni Nolan.“Anong ginagawa mo?”Isang boses ang narinig mula sa labas na ikinagulat ni Sue. Tumalikod siya at nakita si Maisie na nakatayo sa pintuan at nakatingin sa kaniya.Tiningnan ni Sue si Nolan at saka tumayo, seryoso ang kaniyang ekspresyon. “Pinagpalit mo ang vaccines at ikaw ang dahilan kung b
‘Ako si Sue Reynolds!’Paulit-ulit na sinasabi yun ni Sue sa puso niya, paulit-ulit, siya si Sue Reynolds.Lumingon siya at pinantayan ang tingin ni Maisie. Nakangiti niyang sinabi, “Pasensya na, wala akong ideya kung sino siya. Kahit hindi ko alam kung anong problema mo sa akin, anong gusto mong mangyari sa ginagawa mo sa akin? Gusto ko lang sabihin sa iyo na ang gusto ko lang ay ang ikabubuti ni Mr. Goldmann—-?”Isang sampal ang dumapo sa mukha ni Sue, dahilan para tumabingi ang mukha niya. Sandali siyang natigilan, at saka galit na sumigaw. “Ang lakas ng loob mo na sampalin ako!?”“Gusto mo lang ikabubuti niya? Hah, huwag mo akong patawanin!” Sabi ni Maisie sabay himas ng kaniyang kamay. Pagkatapos, tiningnan niya si Sue na puno ng galit, gulat at kasamaan ang mukha. “Ano? Huwag mo akong tingnan nang ganiyan.”Tinaas ni Sue ang kamay dahil gusto niya sana gantihan ng sampal si Maisie, tumayo lang doon si Maisie at diretsong nakatingin sa kaniya. Bago pa umabot sa mukha ni
Nasira ang ekspresyon ni Maisie. Sabi niya, “Naalala kong binigyan kita ng pagkakataon na umamin, tama?”Hindi nakaimik si Rowena.Tumayo si Maisie at huminto sa harapan ni Rowena. Tiningnan niya ito at saka nagpatuloy. “Rowena, alam kong ayaw mong makipagtulungan kay Daniel noon. Binigyan kita ng pagkakataon, pero hindi mo yun pinahalagahan. Bakit ako magpaplano ng masa laban sa iyo? Dahil kasali ka sa plano ni Daniel. Ikaw ang humila ng gatilyo. Ikaw ang dumukot sa akin at ang dahilan kung bakit nahulog si Nolan sa patibong ni Daniel. At ngayon, sinasabi mong mahal mo siya?”Pinisil niya ang baba ni Rowena at sinabi, “Kung mahal mo talaga si Nolan, hindi mo siya ilalagay sa kapahamakan, o panoorin na mamatay ang nanay niya noon!”Nanliit ang mga mata ni Rowena, at pakiramdam niya ay umiikot ang kaniyang kalamnan.Nagpatuloy si Maisie. “Alam mo ba na ang hindi mo pagligtas at pagtatago mo ng impormasyon tungkol sa nanay ni Nolan ang dahilan kung bakit siya nawalan ng ina? Ka
Napasinghap ang lahat nang makita ang nangyari kay Rowena.Nakahiga sa sahig si Rowena sa prostate position, nanginginig sa sakit. Inangat niya ang ulo, at sa likod ng magulo niyang buhok ay isang mukhang puno ng gulat at luha. “Nolan…Paano mo ‘to nagawa sa akin?”Hindi makapaniwala si Rowena na kaya itong gawin ni Nolan sa kaniya. Hindi pa ito kailanman ginawa ni Nolan noon, pero sa sandaling ito, wala siyang ibang nakita kung hindi galit, lamig at kawalang-awa sa mukha nito.“Magaang parusa lang ito sa mga sinabi mo,” Malamig ang titig ni Nolan sa kaniya. “Papatayin kita ngayon kung pwede lang.”‘Papatayin ako?’Kumirot ang puso ni Rowena at nagsimula itong manginig. Pagkatapos, parang nawawala siya sa sariling umiyak, “Anong problema kung tatawagin ko siyang bruha? Nasasaktan ka ba? Nolan, kung hindi dahil sa lolo ko noon, hindi makakarating ang mga Goldmann sa kinatatayuan niyo ngayon!”Hirap na tumayo si Rowena mula sa sahig. Pulang-pula ang mga mata niya, mayroong nab
Nanigas si Rowena. Bigla niyang hinawakan ang ulo niya at tumawa. “Nandito ka para maghiganti, tama, Maisie? Nandito ka para patayin ako, tama? Anong makukuha mo sa pagpatay sa akin?"Matalim niyang tiningnan si Maisie at sinabing, "Kapag pinatay mo ako, mabubuhay ba ulit ang mga taong yun? Hahaha, gawin mo! Hindi ako malulungkot kapag nakasama ko sila sa impyerno!"Habang nakayukom ang mga kamao, lumingon si Maisie sa kaniya. "Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang bumaba sa impyerno at makasama sila?""Sa madaling salita, hindi mo ako kayang patayin." Sabi ni Rowena sabay kibit-balikat. Mayroong nababaliw na ngiti sa mukha niya bago siya ulit nagpatuloy sa pagyayabang. "Ang tanging magagawa mo lang ay makipaglaro. Kahit na sagad sa buto ang galit mo sa akin, hindi mo ako kayang patayin."Ngumiti si Maisie at sinabing, "Bakit ko dudumihan ang kamay ko dahil lang galit ako sa iyo?"Habang naglalakad siya palapit kay Rowena, sinabi niya, "Nakuha ni Daniel ang karapat-d
Ngumiti si Nolan at hinawakan ang kamay ni Maisie. “Hindi na ako inuubo.”Nang magsasalita na si Maisie, isang tao ang dumating sa pinto.Ang bagong dating ay walang iba kung hindi si Erwin. Nakasuot ito ng isang coffee-colored trench coat dahilan para mas maging gwapo at regal ito.“Sana hindi ko kayo naiistorbong dalawa,” Sabi ni Erwin.Mabilis na tumayo si Maisie at nagtanong, “Tito Erwin, kumusta si Mr. Kestner?”Nilapitan ni Erwin si Maisie, sumagot siya, “Ayos lang si Adrian. Medyo napagod siya, pero ayos na siya.”Nagging istrikto si Strix nang kunin si Adrian mula kay Roger. Sa kabilang banda, nag-aalala naman si Roger na palakihin ito ni Strix, kaya wala siyang ibang magawa kung hindi ang pakawalan si Adrian.“Gatasan niya si Robert habang executioner naman niya si Daniel, at humina na si Roger nang mawala ang dalawa,” Sabi ni nolan sabay hawak sa kaniyang kumot. “Kahit na nasa tabi niya pa rin sina Shawn at Gregory, hindi banta ang isa man sa kanila.”Tumango
Maputla ang mukha ni Maisie. Yumuko siya at dinukot ang gintong singsing mula sa kaniyang bulsa. “Ito ang iniwan sa akin ng lolo ko. Ang sabi ng lalaking yun ay buhay pa ang lolo ko!”Hinawakan niya ang braso ni Nolan. “Nolan Goldmann, nagsinungaling ka sa akin, tama ba? Pwedeng buhay pa ang lolo ko, hindi pa siya patay!”‘Iisa na lang ang kamag-anak ko. Kung kaya niyang makagawa ng plano para lituhin kami, pwedeng buhay pa siya.’Muli siyang niyakap nang mahigpit ni Nolan. “Zee, alam kong masama ang loob mo, pero malinaw na malinaw na kung bakit binigay sa iyo ng lolo mo ang singsing ng mga de Arma.”Natulala si Maisie, at hindi niya mapigilang mapayukom ang mga kamay niyang nasa mainit na dibdib ni Nolan.‘Tama, bakit ipapasa sa akin ni lolo ang singsing na kumakatawan sa status ng patriarch o matriarch ng ng mga de Arma? Dahil gusto niyang manahin ko ang identity niya!’Hindi alam ni Maisie kung bakit siya nalulungkot. Kahit na wala siya masiyadong kontak sa lolo niya sa nagda
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa