Share

Kabanata 564

Pinikit ni Nolan ang mga mata at suminghal. “Anong mangyayari pagkatapos namin mag-divorce?”

Dumilat siya at matalim na ang tingin. “Tanggapin ko si Sue?”

Natigilan si Titus. Kahit na inagaw ni Sue ang vaccine mula kay Strix, ginawa niya yun para iligtas si Nolan. Kung hindi nila pinagpalit ang vaccines, hindi malalagay si Nolan sa mapanganib na sitwasyon.

Hindi rin buo ang tiwala ni Titus kay Sue, kaya hindi niya itutulak ang dalawa sa isa’t-isa. “Kahit sinong babae bukod kay Maisie ay mas mabuti.”

Ngumiti si Nolan, pero nakakatakot ang kaniyang ekspresyon. “Tatlong taon na ang nakalipas, pero nangingialam pa rin kayo sa buhay ko.”

Sumigaw si Titus, “Ako ang lolo mo, at ginagawa ko ‘to para sa ikabubuti mo. Kahit na hindi niya kasalanan ang nangyari noon, kung wala siya, hindi ka magiging infected at hindi mahuhulog sa patibong nila!”

Alam niyang inosente si Maisie, pero muntik ng mamatay si Nolan simula nang dumating siya sa buhay niya. Naaawa siya sa nangyaring aksidente
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status