“Gusto mo ang antibodies na nasa akin, tama?” Walang ekspresyong saad ni Strix.Natahimik si Adrian, makikita ang hiya sa mukha niya matapos makita ni Strix ang kaniyang intensyon. Pero, wala siyang sinagot.Tumayo si Strix at naglakad palapit sa desk. Pinatong niya ang mga kamay sa desk at sinabi, “Pwede kong ibigay sa iyo ang mga antibodies, pero kailangan mong ipangako sa akin ang isang bagay.”Nasa labas ng study room si Sue. Nang kakatok na sana siya sa pinto, narinig niya ang usapan sa loob ng study room at ikinagulat niya yun.‘Ang totong Strix ay si Henry ng Metropolis? Nasa kaniya ang antibodies na makapagpapagaling kay Nolan!?’Bawat segundo ay mas lalong dumidilim ang itsura ni Sue. Isang malamig na ngisi ang lumitaw sa sulok ng mga labi niya nang may maisip siya.‘Laging may ibibigay na paraan ang langit. Kapag napasakamay ko ang mga antibodies at maligtas si Nolan, pwede ko na siyang makasama!”…Nagpunta si Maisie sa apartment na nasunog three years ago. Nas
Mayroon sinabi ang tao sa kabilang linya, at sumagot si Sue. “Walang intensyon si Adrian na tulungan si Mr. Roger. Ako lang ang makakatulong sa kaniya. Basta makuha ko lang ang vaccine ni Strix at mailigtas si Nolan, makukumbinsi ang publiko na gumagana nga ang vaccine. Ikaw na ang bahala kung handa kang makipag-deal ngayon o hindi.”Pagkababa ni Sue ng tawag, umalis na siya sa corridor. Kasabay nito, lumabas si Saydie sa emergency exit at malamig na pinagmasdan ang taong pumasok sa ward.Nakaupo sa loob ng kotse si Maisie. Binaba niya nang kaunti ang bintana at dumungaw sa labas.Pagkalabas ni Saydie sa ospital, pumasok siya sa kotse. Nagtanong si Maisie, “Hindi pa siya umaalis?”“Hindi pa,” Sagot ni Saydie.Yumuko si Maisie. Kahit na alam niyang nagpapanggap lang si Nolan na interesado siya kay Sue para akalain nito na mayroon siyang pagkakataon, pakiramdam niya pa rin ay masyadong matagal sa loob si Saydie.‘Ayaw niya bang umalis? Sila lang ang nasa loob ng ward ngayon.
“Ano? Nanakaw ang vaccine?” Hinawakan ni Adrian ang balikat ng bodyguard, nagbago ang kaniyang ekspresyon. “Sino ang umagaw nun sa inyo?”Yumuko ang bodyguard. “Mga tao ng prinsipe.”Binitawan siya ni Adrian, naglakad pabalik sa desk, nagngingitngit ang mga ngipin niya habang pinapakinggan ang paliwanag ng bodyguard sa kung paano sila hinarang habang papunta dito. Marami sila, lahat ay may baril, at ang suitcase ang sadya nila.Kinuha ni Adrian ang pakete ng sigarilyo at hinampas ito sa palad niya, pero wala na itong laman kaya naman hinampas niya ito sa sahig. “Bwisit!”‘Napasakamay na namin ang vaccine ni Strix para sa research namin, pero ninakaw yun ng mga tao ni Roger!’Alam niyang nakagawa si Strix ng dalawang top-notch antibodies noon, at kayang kontrolin ng dalawang antibodies na yun ang kondisyon ng mga pasyenteng infected ng sleeper virus. Siyempre, matutulungan lang ng vaccine na yun ang mga pasyenteng nasa middle stage ng infection.Naglalaman ng genetic factors
Umangat ang ulo ni Nolan. “Vaccine ito ni Strix. Kahit na hindi ito gumana, hindi ako papatayin nito.”Nagulat si Quincy na para bang alam niya na kung sinong “Strix” ang tinutukoy ni Nolan.“Nahanda mo na siguro ang press conference na mangyayari sa susunod na dalawang araw, tama ba?” Tanong ni Nolan.Bumalik sa sarili si Quincy. “Opo.”Ngumiti si Nolan habang tinutupi ang dyaryo at saka seryosong napatingin sa bintana. “Magiging interesante yun.”Paglipas ng dalawang araw, sa press conference…Hinihintay ng mga reporters at media outlets ang sandaling ito.Pagkatapos ng lahat, kung nagamot ng vaccine si Nolan, isang malaking himala yun sa kasaysayan ng medical world.Sinakop ng sleeper virus ang Stoslo noon, maraming buhay ang binawi noon. Pagkatapos bumagsak ng mga Kent, mas lalong nagalit ang mga tao sa balita tungkol sa pekeng vaccine.Halos hilain ng isang man-made disaster ang buong Stoslo papunta sa impyerno. Makapangyarihan na ang vaccine na ginawa ni Strix n
‘Ako ang nagbigay ng vaccine at nagligtas kay Nolan. Mas lalo lang akong pahahalagahan ni lolo ngayon. Basta kakampi ko si Nolan at lolo, hindi ako matatakot kahit dumating pa si Adrian sa pintong yan!’Dahan-dahang tumayo si Nolan mula sa pagkakaupo sa kaniyang wheelchair, at ikinagulat yun ng mga tao. Ang alam ng lahat ay nasa bingit na ng kamatayan noon si Nolan at umaasa na lang sa wheelchair para makagalaw.‘Kaya niya ng tumayo ngayon?‘Posible bang gumagana talaga ang vaccine? Kaya ba nitong mabilis na pagalingin ang isang taong malapit nang mamatay?’Huminto si Strix sa harapan niya habang ngumiti naman si Nolan at nilahad ang kamay. “It’s nice to see you, Ms. Salazar.”‘Strix Salazar!?’Nagulat ang lahat ng reporters.“Si Mr. Henry si Strix Salazar?”“Oh my God! Napakalaki ng balitang ‘to!”Natulala si Sue, at napatitig siya kay Nolan.‘Paano niya nalaman na si Mr. Henry si Strix!?’Nakipag-kamay si Strix kay Nolan. “Marami akong narinig tungkol sa iyo, Mr
Suminghal si Adrian. “Binigay sa akin ni Strix ang vaccine na yun para sa research. Hindi nito magagamot si Nolan Goldmann dahil infected siya ng bagong type ng sleeper virus na walang incubation period.“At saka, ang vaccine na nakuha ko kay Strix ay na-develop na ten years ago, at magagamit lang yun ng mga taong infected ng ordinaryong sleeper virus. Wala kang alam sa virus o sa vaccine, pero ang lakas ng loob mong gamitin yun sa kaniya?”Kinilabutan si Sue, at tila nanigas ang mga tao sa paligid nila, wala rin magawang makapagsalita.Saka tiningnan ni Adrian ang grupo ng mga reporters. “Bakit natin pinag-aaralan ang antibodies? Ang vaccine na na-develop ng mga Kent ay may layunin na maabot ang anti-cancer effect at ma-improve ang human genes gamit ang virus para maiwasan ang ilang sakit.“Isa yun ideya na mayroong napakagandang objective, pero sa kasamaang palad, nabigo ang mga Kent na nagdulot ng napakalaking sakuna sa populasyon ng mga tao. Ang pinag-aaralan namin ay katul
‘Anong nangyayari? Pinapasok sila ng mga bodyguards!?’Lumabas ng Intensive Care Unit si Strix, nakasuot siya ng protective clothing. “Dala mo ba?”Inabot ni Erwin ang silver suitcase kay Strix, at dahan-dahan tumayo si Titus at tiningnan sila. “Kaya…kaya ba nitong maligtas si Nolan?”Kinuha ni Strix ang suitcase. “Basta’t handang maniwala si Elder Master Goldmann.”Hindi na nagsalita si Titus. Lalo na at muntik nang ikamatay ni Nolan ang vaccine na hinayaan niyang iturok ni Sue. Pero, sa puntong ito, kailangan niyang maniwala kay Strix kahit na ayaw niya.Pumasok si Strix sa Intensive Care Unit dala ang suitcase.Si Sue na hinarang ng mga bodyguards ay sinigawan sina Maisie at Erwin, “Plano niyo ‘to, hindi ba!?”‘Siguradong plano nila ito! Ninakaw ko ang vaccine nila! Bakit mayroon pa rin silang hawak na katulad nun!? Plano nila ito!’Dahan-dahang lumingon si Maisie kay Sue. Isang ngiti ang lumitaw sa mga sulok ng mga labi niya. “Anong plano ang sinasabi mo?”Nagngal
“To be exact, walang malaking epekto.”Tumalikod si Strix. “Isa lang itong maliit na side effect mula sa rejection. Mahirap pasunurin ang cell ng sleeper virus. Nang iturok ang vaccine sa katawan niya, ang mga kumalat na cells ay magsisimula na maging active at pabibilisin ang metabolism. Hindi yun kakayanin ng katawan niya, pero hindi siya mamamatay.Natigilan si Maisie at napatikom ang mga labi. Kung alam niya lang na magdudulot ng malaking reaction ang vaccine dahil sa rejection, hindi siya sumugal.Pinagaan ni Strix ang loob niya. “Hindi mo kailangan na magsisi. Plano ko talagang ipagamit kay Adrian ang vaccine na yun para sa research. Kahit na hindi mo sinabihan si Erwin na maghanda, dalawa pa rin ang vaccine na mapupunta sa kaniya.”Kahit na anumang type yun, walang negatibong epekto kay Nolan yun, pero hindi nagtagumpay sina Sue at Roger.Pagkatapos umalis ni Strix, mag-isang tumayo doon si Maisie hanggang sa may nagsalita, “Hindi ko inaasahang ikaw ang nasa likod ng i
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa