"Ma'am!" Sigaw ni Saydie.Yumuko ang waiter at natataranta na humingi ng tawad. "Pasensya na po, pasensya na!"Agad na kinuha ni Maisie ang panyo, pinunasan ang kamay niya, at nakangiting sinabi, "Ayos lang, makakaalis ka na."Tumingin si Nolan sa kaniya. "Nagsabi ako na maghanda ng gown para sa ganitong pangyayari. Sa tingin ko bagay yun sayo, Ms. Henry. At saka, nagsisimula pa lang ang banquet."Mukhang balak na niya umalis sa venue. Pero, hindi pa tapos ang banquet, kaya sinabi niya yun para manatili pa siya.Ngumiti si Wesley at sinabing, "Oo nga, pumunta si Ms. Henry para sa banquet ko. Hindi dapat siya nakasuot ng damit na may mantsa ng wine. Iisipin ng iba na hindi ako magaling na host."Inangat ni Maisie ang ulo niya at tinanggap ang alok sa kaniya. "Mukhang aabalahin ko kayo para sa gown, Mr. Goldmann."Nagpasama si Maisie kay Saydie sa pagpapalit ng suot niya sa guest room dahil alam niyang hindi hahayaan ni Saydie na may lumapit sa kaniya.Naghihintay sa may
Tumawa si Nolan habang malalim na nakatingin, "Hindi ka lalabas ng kwarto kung ayaw mo rin akong makita." Nang pinili ni Maisie na lumabas ng kwarto, ibig sabihin nun ay gusto niya rin siya makita.'Ang security ng banquet ni Mr. David ay panigurado na nangunguna sa pagiging strikto lalo na sa ngayon, bukod pa roon ay anak ako ni Mr. Henry. Sino naman ang basta-basta lang gagawa ng hakbang sa akin? 'Pero, syempre, kilala siya sa kaniyang mga cojones. Lantaran niya pa yun ginawa.' Nataranta ang puso ni Maisie. Alam niya na baka intensyonal ang power outage, at nahulaan niya yun. "Bastos ka pa rin talaga, Mr. Goldmann." singhal ni Maisie. Hindi na pinabulaanan ni Nolan ang sinabi ni Maisie, parang inamin niya na rin yun. Ayaw ni Maisie na madawit sa kaniya at sinabi kay Saydie, "Baba na tayo." Tumango si Saydie, tumingin kay Nolan, at sumunod sa likod ni Maisie. Biglang narinig niya ang malalim na boses ni Nolan sa likod niya. "Kung gusto mo makipag-partner kay
Nakaupo si Nolan sa madilim na study, habang hinahaplos ang glabella niya hanggang sa pumasok si Quincy sa study na may dalang baso ng maligamgam na tubig.Sa loob ng ilang taon, umaasa si Nolan sa sleeping pills para makatulog."Sir, gusto niyo bang alamin ko ang mga galaw ni Ms. Vanderbilt?"Kasama na roon kung paano siya nakabilang sa paternity test ni Mr. Henry.Nandilim ang mata ni Nolan. "Hindi, halos alam ko na rin naman na ang relasyon niya sa Metropolis."Halata naman kung bakit pinagsilbihan ni Erwin ang nanay ni Maisie noon at hanggang ngayon ay pinoprotektahan niya si Maisie.Inilabas ni Nolan ang medicine box at inilagay ang gamot sa palad niya, pero hindi niya ito agad ininom.Tumingin si Quincy sa kaniya. "Panigurado na nagalit ni Ms. Vanderbilt si Roger nang makarating siya sa Stoslo. At sa tingin ko kaya siya pumunta sa banquet ni Mr. David ay para makuha ang loob niya." Napangisi bigla si Nolan. "Pero hindi man lang nila nalaman na nakuha ko na si Wes
Sinabihan ni Maisie ang dalawang bodyguard na maghintay sa labas ng main entrance at pumasok na sa loob ng villa kasama si Saydie.Hinihintay na siya ni Quincy sa lobby ng villa. "Dumating ka."Tumingin siya kay Saydie at sinabing, "Ikaw lang daw ang pwedeng umakyat sabi ni Mr. Goldmann."Napahinto si Maisie, at tumingin kay Saydie. "Hintayin mo ako rito, ayos lang ako."Nagda-dalawang isip si Saydie pero hindi na nagpumilit. Pero, pinanood niya si Maisie na umakyat.Tumingin si Quincy sa kaniya at biglang ngumuti. "Narinig ko na magaling ka makipaglaban, Ms. Saydie. Iniisip ko kung maaari kaya na matuto ako sa'yo ng ilang bagay kung wala kang ginagawa?"Saglit siyang tiningnan ni Saydie at walang pagda-dalawang isip na sinabing, "Kung gusto mo lang naman mamatay."Natahimik si Quincy.Nang makarating si Maisie sa study, nakatalikod na nakatayo ang lalaking naka shirt. Katulad pa rin ng nakakagaan niyang loob na anino noon, pero sa ilang rason ay parang malungkot ito.
Ngumiti si Nolan, pero bakas pa rin ang lungkot. Malalim na boses niya na sinabing, "Natatakot akong mawala sa kontrol kapag makita kita, katulad kahapon."Nilapitan siya ni Nolan at hinarangan. "Zee, kung hindi ka nagpakita, malamang nawala ako sa kontrol at hanapin ka, pero nagpakita ka."Ang pagpupursige at kontrol ni Nolan ang pumilit sa kaniya na huwag isipin ang mga nangyari. Napaniwala niya ang lahat pero hindi ang sarili niya.Lumuwag ang kamay ni Maisie, habang tinatakpan ng mahaba niyang pilikmata ang emosyon niya. Matapos ang ilang sandali, binawi niya ang kamay niya. "Pag-usapan natin ang tungkol sa partnership."Yumuko si Nolan, ngumiti, naglakad papunta sa mesa, at kinuha ang file. "Ito ang listahan ng mga kandidato. Binigay sa akin yan ni Wesley."Napatigil si Maisie. "Bakit niya ibinigay sa'yo ito?"Bumalik si Maisie sa kung ano siya noon. Kahit na tungkol sa business ang pinag-uusapan nila, kontenta na siya.Lumapit si Nolan at inabot sa kaniya ang file.
Susugal talaga si Nolan doon? Panalo na rin naman siya.Hindi talaga hahayaan ni Maisie na saktan ni Saydie si Nolan. Kung masama na ang pagdikit ni Nolan sa kaniya, ano pa yung kaniya? Gusto niyang bumitaw pero hindi niya ginagawa, hindi ba't masama rin yun?Tumawa ang lalaki sa likod niya. "Hindi malakas ang loob ko, may tiwala lang ako sa'yo."Inangat ni Nolan ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Maisie. Pinag-krus niya ang mga daliri nila at hininaan ang boses niya. "Pasensya na, Zee."Ang tono niya ay nagmamakaawa, nagsisisi, at nag-iingat. Kung hindi siya gumawa ng maraming bagay para umalis si Maisie noon, hindi sana nangyari ang aksidente."Para saan pa ang paghingi mo ng tawad?"Walang emosyon ang mata ni Maisie, at nagsimula niyang tawanan ang sarili. Binawi niya ang kamay niya, tumayo, at naglakad palayo, nag-iiwas ng tingin. "Patay na si Dad, pati si Cherie. Nawala rin ang anak natin. Kung hindi ako tumayo sa ulan—""Anong anak?" Napalunok si Nolan, gulat
Matagal na tinitigan ni Nolan si Quincy bago siya ngumisi. Hindi niya sinasadya na maging sarcastic. "Nasa tabi kita mula noon, pero nakipag sabwatan ka sa lolo ko para ilihim sa akin ang lahat."Alam ni Nolan na ang lolo niya ang may pakana ng announcement tungkol sa divorce. Inutusan din ng lolo niya si Quincy na pilitin si Maisie na pirmahan ang divorce paper. Alam niya na hindi ito itatago sa kaniya ni Quincy kung hindi ito inutos ng lolo niya.Pero paano niya nagawang kumampi sa lolo niya at ilihim sa kaniya ang tungkol sa importanteng bagay na yun?"Mr. Goldmann, ginawa yun ni Elder Master Goldmann para ikabubuti mo—""Ikabubuti ko?" Singhal ni Nolan at kinutya ang sarili, "Ako ang rason kung bakit nawala ang anak namin. Ginawa niya ang mga bagay na yun sa ikabubuti ko, pero ngayon, habambuhay ako na may utang sa kaniya at sa anak namin.Ang batang yun na hindi naipanganak. Hindi niya alam ang tungkol doon. Paano siya makakabawi sa kanila at harapin ang katotohanan?N
Kung tatanggapin mo yan, matutuwa ang kamahalan at bibigyan ka pa niya ng ibang benepisyo."Pinagmukha ni Shawn na makaka-apekto yun sa pagitan ng mga royals ng dalawang bansa, pero ang sinasabi niya lang talaga na walang karapatan ang Metropolis na makialam sa mga usapin sa Stoslo.Itinatago niya ba ang teritoryo para sa benepisyo?Tumawa si Maisie. "Hindi dapat nangialam ang Metropolis, pero hindi lang ito tungkol sa benepisyo. Lahat ng tungkol sa de Arma ay may pakialam ako."Halatang hindi natuwa si Shawn dahil sa hindi niya pag-atras. "Kung magpupumilit ka na makialam, hindi ito hahayaan lang ng kamahalan. Ito ang huling paalala ko sa'yo."Tumayo si Shawn, inayos ang suit niya, at umalis, habang kalmadong sinabi ni Maisie, "May nakaraan ako sa mga de Arma."Napatigil siya pero hindi siya lumingon.Tiningnan siya ni Maisie. "Panghahawakan ko ang teritoryo."Nang umalis na sila, pinatawag ni Maisie ang katulong at tinanong, "Sino 'yung Shawn na pinadala ng prinsipe?"
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma
Sapat na ang tatlong taon. At saka at least, hindi na kailangan ni Giselle pumunta pa sa mga blind date.Sa ngayon, kung wala sa kanila ang makahanap ng better partner o kung mahulog ang loob nila sa ibang tao, pwede naman nila isawalang-bisa ang kanilang kasunduan. Sa madaling salita, ginagamit lang nila ang isa't isa sa ngayon bilang proteksyon.“Dad, Mom, masyado lang kayong nag-iisip. Kahit na subukan namin na mag-date, kailangan pa rin namin ng oras. Paano kung hindi pala kami magkasundo pagkatapos ng kasal? Makikipag-divorce ba ako?”Naramdaman nila Gordon at Estelle na tama ang kanilang anak kaya hindi na sila nagpumilit. Tumayo si Giselle at sinabi, “Alright, hindi niyo kami kailangan alalahanin.” Matapos iyon, pumunta na si Giselle sa taas.Nagkatinginan sila Estelle at Gordon at suminghal.…Pumunta si James sa common room at hinanap si Donny. “Umm, Mr. Winslow…”Nang makita na may sasabihin si James, tumingin si Donny. “Yeah?”“Pwede ko bang tapusin ngayon lah
Nang pumasok si Leah sa kotse, sinuot niya ang kaniyang seatbelt. Pumasok na rin si Morrison at nagmaneho.Habang nasa byahe, nakatingin lang si Leah sa bintana at hindi nagsasalita. Tiningnan siya ni Morrison. “Nagtitiwala ka talaga. Hindi ka ba nag-aalala na baka may gawin akong masama sayo?”Tumingin si Leah sa kaniya. “Hindi mo ‘yon gagawin.” “Paano mo naman naisip? Huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalaki.”“Pati sayo?” Tanong ni Leah. Tumikhim si Morrison. “Pwede mo naman ako isama.”Biglang natawa si Leah. “Kaibigan mo si Wayne, at may malaki na yung ibig sabihin tungkol sayo. At saka, hindi mo naman ako pinagsamantalahan dati kaya nagtitiwala na ako sayo.”Napahinto si Morrison. “Hindi ka nahihiyang maalala ang araw na ‘yon?” Hindi pa nakaramdam ng kahit anong hiya si Morrison tulad ng nangyari noong gabing ‘yon.Nang makarating na si Leah sa hotel na kaniyang pupuntahan, bigla siyang napahinto nang lumabas siya ng kotse, at tumalikod siya. “Dahil sinundo mo nam
Sumagot si Beatrice. “Si Daddy nga nagbabalat ng shrimp mo. Hindi ka rin naman nahihiya.”Walang masabi si Barbara pero tumawa sila Ryleigh at Maisie.Makikita na ang buwan sa langit. Suminag ang liwanag sa kanila, at sobrang masaya ang senaryo.…Matapos ang wedding, dinala ni Freyja ang anak niya at si Colton sa Kong Ports. Pumunta rin ang mag-ama doon para magbakasyon.Pumunta sila Waylon at Cameron sa Tayloryon para pag-aralan nila paano mag-alaga ng baby para hindi sila magkaproblema pag dumating na ang kanila.Isang trainee dad si Nollace, at isang soon-to-be dad naman si Waylon. Sinusubukan nila ang kakayahan ng isa't isa. Hindi makapagsalita sila Daisie at Cameron sa ginagawa ng dalawa. Tinanong ni Cameron, May naisip na ba kayong pangalan ng mga baby niyo?”Umiling si Daisie at sinabi, “Tatawagin ko silang Tic, Tac, at Toe.”Tumawa si Cameron. “Magiging casual ka lang ba sa pangalan nila?” Sobrang seryoso ng kaniyang mukha. “Madali lang maalala.”Gumalaw ang mukha