Matagal na tinitigan ni Nolan si Quincy bago siya ngumisi. Hindi niya sinasadya na maging sarcastic. "Nasa tabi kita mula noon, pero nakipag sabwatan ka sa lolo ko para ilihim sa akin ang lahat."Alam ni Nolan na ang lolo niya ang may pakana ng announcement tungkol sa divorce. Inutusan din ng lolo niya si Quincy na pilitin si Maisie na pirmahan ang divorce paper. Alam niya na hindi ito itatago sa kaniya ni Quincy kung hindi ito inutos ng lolo niya.Pero paano niya nagawang kumampi sa lolo niya at ilihim sa kaniya ang tungkol sa importanteng bagay na yun?"Mr. Goldmann, ginawa yun ni Elder Master Goldmann para ikabubuti mo—""Ikabubuti ko?" Singhal ni Nolan at kinutya ang sarili, "Ako ang rason kung bakit nawala ang anak namin. Ginawa niya ang mga bagay na yun sa ikabubuti ko, pero ngayon, habambuhay ako na may utang sa kaniya at sa anak namin.Ang batang yun na hindi naipanganak. Hindi niya alam ang tungkol doon. Paano siya makakabawi sa kanila at harapin ang katotohanan?N
Kung tatanggapin mo yan, matutuwa ang kamahalan at bibigyan ka pa niya ng ibang benepisyo."Pinagmukha ni Shawn na makaka-apekto yun sa pagitan ng mga royals ng dalawang bansa, pero ang sinasabi niya lang talaga na walang karapatan ang Metropolis na makialam sa mga usapin sa Stoslo.Itinatago niya ba ang teritoryo para sa benepisyo?Tumawa si Maisie. "Hindi dapat nangialam ang Metropolis, pero hindi lang ito tungkol sa benepisyo. Lahat ng tungkol sa de Arma ay may pakialam ako."Halatang hindi natuwa si Shawn dahil sa hindi niya pag-atras. "Kung magpupumilit ka na makialam, hindi ito hahayaan lang ng kamahalan. Ito ang huling paalala ko sa'yo."Tumayo si Shawn, inayos ang suit niya, at umalis, habang kalmadong sinabi ni Maisie, "May nakaraan ako sa mga de Arma."Napatigil siya pero hindi siya lumingon.Tiningnan siya ni Maisie. "Panghahawakan ko ang teritoryo."Nang umalis na sila, pinatawag ni Maisie ang katulong at tinanong, "Sino 'yung Shawn na pinadala ng prinsipe?"
"Gising ka pa rin." Namamaos ang boses niya pero maganda itong pakinggan.Tumigil si Maisie at nag-igting ang panga. "Sino nagsabi sa'yo niyan? Tulog na 'ko kanina."Tahimik si Nolan bago mahinang sinabi, "Bukas pa ang ilaw mo."Tumayo si Maisie at pumunta sa bintana niya. Naka parada ang itim na sasakyan sa gaye niya, at nakatayo si Nolan sa labas nun, nakakaaya na tingnan sa tangkad niya na naka brown trench coat. Nagmukha siyang malungkot sa mga ilaw na nagniningning sa kaniya.Minasahe ni Maisie ang gitna ng mga kilay niya dahil sumasakit ang ulo niya. "Nolan, may kailangan ka ba?""Wala." Tumingin siya sa bintana. "Napadaan lang ako."Tumawa si Maisie. "Nagmaneho ka hanggang dito at napadaan lang? Ang pangit ng palusot mo, Mr. Goldmann.""May pinadala si Roger para kausapin ka." Kumuha ng sigarilyo si Nolan sa bulsa niya.Naningkit ang mata ni Maisie. "Paano mo nalaman?"Hawak ni Nolan sa kamay niya ang sigarilyo pero hindi niya ito sinindihan. "Hindi niya isusuk
“Talaga? Pero wala akong matandaan na nagkita na tayo noon, Mr. Kent,” Mahinahong sagot ni Maisie sabay kuha ng tasa. “Pinapunta ka ba dito ni Prince Roger?”Tiningnan siya ni Daniel pero walang sinabi.Umangat ang ulo ni Maisie at ngumiti. “Nandito ka ba para tuparin ang hindi nagawa ni Mr. Shawn, Mr. Kent?”“Hindi kita hinahanap dahil sa pamilya de Arma,” Sagot ni Daniel. Nagsalin siya ng tsaa sa kaniyang tasa at ngumiti, pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata. “Gusto lang kitang maging kaibigan, Ms. Alice.”Tumawa si Maisie habang hinahaplos ang gilid ng tasa gamit ang kaniyang daliri. “Bakit hindi mo sabihin sa akin nang diretso kung ano ang intensyon mo, Mr. Kent?”Dahil nilinaw na ito ni Maisie, hindi na magpapaligoy-ligoy pa si Daniel. Sinabi niya, “Nandito ako para mag-propose ng deal sa iyo, Ms. Alice.”Kumunot ang noo niya at nagtanong, “Anong ibig mong sabihin?”“Madali lang,” Sabi ni Daniel sabay lapag ng name card niya sa mesa. “Gusto kong makipag-deal s
Lumingon si Maisie at tiningnan ang kaniyang phone. Hindi siya nakatanggap ng message o tawag kay Nolan simula kahapon.‘Hindi ba talaga niya ipapaliwanag ang sarili niya?’ Naisip ni Maisie, ‘Hmph! Hindi na dapat ako maniwala sa kalokohan niya!’Nilabas niya ang name card at sinabi, “Saydie, tulungan mo akong kontakin si Daniel.”Kinahapunan, dinala ni Maisie si Saydie sa Kent mansion.Pinaghanda siya ng kasambahay ng isang tasa ng tsaa, at hindi nagtagal, bumaba na si Daniel sa hagdan.Nakangiting lumapit si Daniel sa couch at naupo. “Alam kong hahanapin mo ako, Ms. Alice.”Walang ekspresyon siyang tiningnan ni Maisie at tinanong, “Naniniwala akong hindi ikaw ang nagpadala ng mga reporters sa Season’s Restaurant kahapon para kuhanan tayo ng mga litrato, tama ba, Mr. Kent?”“Iniisip mo bang ako ang naglabas sa publiko ng pagkikita natin, Ms. Alice?” Naka-de kwatro si Daniel habang mahinahong sumasagot, “Well, sa kasamaang palad, hindi ako. Pero dahil lahat ng media outlet
Binigyan siya ng makahulugang ngiti ni Daniel at sumagot, “Hindi. Hindi ako. Ni hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ko na kumilos.”Nagulat si Maisie.‘Posible bang mayroong ibang tao sa likod ng nangyari sa amusement park noon?’Tumalikod siya at tiningnan ang ilang nakaitim na mga lalaki na nakatayo sa hagdan, lahat sila ay may mga tattoo sa likod ng mga kamay nila.‘Oh yeah, walang mga tattoo sa likod ng mga kamay ang mga taong yun, mayroon naman ang mga tauhan ni Daniel. Ibig sabihin, ibang grupo ang mga taong yun!’“Mga tauhan ba ng prinsipe yun?”“Matalino ka, Ms. Vanderbilt.” Sabi ni Daniel habang nag-iiba ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya. “Kung hindi, paano mo madadala si Rowena, ang tangang babaeng yun, sa patibong mo noon?”Kumuyom ang mga kamao ni Maisie, at sumama ang ekspresyon niya nang mabanggit si Rowena. “Oo nga pala, bakit hindi ko na nakikita si Ms. Summers sa tabi ni Mr. Kent?”Hinaplos ni Daniel ang gilid ng tasa gamit ang dali
Nagulat din si Titus nang makita si Maisie. “Maisie? Anong ginagawa mo dito?”Alam ni Titus na buhay si Maisie. Lalo na at hindi nila nakita ang bangkay nito noon, kaya ibig sabihin lang ay buhay pa ito. Hindi lang niya inasahan na makita ito sa Stoslo.Pinakalma ni Maisie ang sarili at lumapit sa kanila. “Nasaan si Nolan?”Nang magsasalita na si Quincy, sumama ang mukha ni Titus at sumagot, “Tatlong taon na kayong hindi mag-asawa, bakit mo pa siya hinahanap?”“Kung hindi ako pumunta dito, paano ko malalaman na infected siya ng virus?”Nagulat si Quincy sa sinabi ni Maisie.‘Paano niya nalaman yun?’Kumunot ang noo ni Titus at malamig na tumikhim. “Hindi ba’t dahil sa iyo kaya siya naging infected ng virus?”Hindi nakaimik si Maisie, at nanginig ang puso niya.“Maisie, bakit sa tingin mo pursigido si Nolan na makipag-divorce sa iyo noon?” Huminga nang malalim si Titus at istriktong sinabi, “Kaya niyang isakripisyo ang buhay niya para sa iyo. Nilagay niya pa sa will ni
“Bagong type ito ng virus.” Tiningnan siya ni Quincy at sinabing, “Walang incubation period ang virus na ‘to, at mas mabilis ang onset nito kaysa sa virus 30 years ago.”Nag-igting ang panga ni Maisie. Matagal siyang natahimik bago bumukas ang bibig niya, “Alagaan mo siya.”Pagkatapos nito, tumalikod siya at umalis sa kwarto. Nang dumating siya sa harapan ng kaniyang sasakyan, huminto si Maisie at lumingon sa ceiling-to-floor window.Sa huli, sumakay na siya sa kotse at sinabing, “Bumalik na tayo.”Sinulyapan siya ni Saydie sa rearview mirror at saka nagmaneho.Isang lalaking nakaupo sa loob ng kotseng hindi kalayuan sa kanila ang napangiti habang pinapanood na umalis ang kotse.“Nahanap na rin kita.”Makalipas ang ilang araw…Nakipagkita si Maisie kay Daniel sa isang restaurant. Nang dumating si Daniel, mayroong ngisi sa mga labi niya. “Ano sa tingin mo, Ms. Vanderbilt? Nakapag-desisyon ka na ba pagkatapos mong pag-isipan ng ilang araw?”Umangat ang ulo ni Maisie at
Hinaplos ni Xyla ang buhok nito. “Oo, magiging pamangkin muna sila mula ngayon.”Tinagilid ni Xena ang ulo niya. “Ano ang pamangkin? Pwede ko ba kainin yung pamangkin?”Tumawa nang malakas si Xyla. “Bakit gusto mo lagi kainin ang lahat ng nakalagay sa harapan mo? Hindi mo pwedeng kainin ang pamangkin mo.”Habang tinitingnan ang inosenteng bata, naiinggit na sinabi ni Daisie, “Kung mayroon lang din akong babae na anak.”Ngumiti si Xyla at nagpatuloy. “Cute din naman ang anak na lalaki. Mula ngayon, magiging little knight mo sila, poprotektahan ka mula sa panganib. Pangarap ko ang magkaroon ng asawa at tatlong anak na lalaki.”Sa oras na yon, pumasok si Yorrick at Nollace sa kwarto mula sa likod ng garden.Nang makita ang dad niya, tumawa si Xena. “Daddy! Nakikipaglaro ako sa mga pamangkin ko!”Huminto si Yorrick sa tabi niya at hinaplos ang ulo nito gamit ang palad niya. “Oh talaga? Masaya ka ba na kalaro sila?”Tumango siya. “Opo!”Hinaplos ni Xyla ang pisngi niya. “Kung ganoo
Kumunot si Morrison. “Bakit ang komportable mo sa akin?”Pinasok ni Leah ang mga gamit sa living room at tiningnan si Morrison. “Hindi mo ako type, hindi ba?”Natahimik si Morrison.Kinuha ni Leah ang shower gel at nagulat siya.‘Orchid-scented talaga ito? Mahilig ang mga batang babae sa ganitong amoy, hindi ba?”“Bakit ito ang binili mo?”Lumapit siya sa couch at umupo. “Paano ko malalaman ang ginagamit mo? Kinuha ko na lang kung ano ang nasa rack.”‘Pipiliin ko na lang mamatay kaysa sabihin sa kaniya na tinanong ko pa sa cashier na sabihin sa akin ang mga toiletries na gusto ng mga babae.’Nang makita na hindi lang toothbrush at mouthwash cup ang pambabae kundi pati ang towel, gusto ni Leah tumawa.‘Hayaan mo na. Pumunta siya sa supermarket para ibili sa akin ang mga ito.’“Anong gusto mong inumin?”Inayos ni Morrison ang upo niya. “Kahit anong mayroon ka sa fridge.”Binuksan ni Leah ang refrigerator. Mabuti naman at may dalawa pa siyang can ng kape.Inabot sa kaniya ni
Tiningnan ni Leah ang babae at hindi mapigilan na kumunot.Natauhan siya nang lumabas si Dennis sa lounge at nakasalubong siya.Bahagyang nataranta ang mga mata nito. “Bakit ka nandito?” “Napadaan lang ako Kayong dalawa ba ay…”Biglang tumawa si Dennis. “Oh, girlfriend ko siya at nag-away lang kami dahil niloko niya ako. Naubos ang pasensya ko kaya nagkaroon ng kaunting problema. Please, huwag mo sana masamain.”Bahagyang nagulat si Leah at pilit na ngumiti. “Problema mo ‘yon sa kaniya kaya wala kang dapat ipag-alala na baka masamain ko. May kailangan akong puntahan kaya mauuna na ako.”“Nakahanap ka na ba ng titirahan?” nanggaling sa likod ang boses ni Dennis.Huminto si Leah at tiningnan siya. “Paano mo nalaman na naghahanap ako ng matitirahan?”“Dahil nanatili ka sa hotel nitong mga nakaraan kaya sa tingin ko ay wala ka pang nahahanap na lugar.” Lumapit sa kaniya si Dennis. “May bakante akong apartment, kaya bakit hindi mo tirahan? Kalahati lang ang sisingilin ko kaysa sa
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma