Susugal talaga si Nolan doon? Panalo na rin naman siya.Hindi talaga hahayaan ni Maisie na saktan ni Saydie si Nolan. Kung masama na ang pagdikit ni Nolan sa kaniya, ano pa yung kaniya? Gusto niyang bumitaw pero hindi niya ginagawa, hindi ba't masama rin yun?Tumawa ang lalaki sa likod niya. "Hindi malakas ang loob ko, may tiwala lang ako sa'yo."Inangat ni Nolan ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Maisie. Pinag-krus niya ang mga daliri nila at hininaan ang boses niya. "Pasensya na, Zee."Ang tono niya ay nagmamakaawa, nagsisisi, at nag-iingat. Kung hindi siya gumawa ng maraming bagay para umalis si Maisie noon, hindi sana nangyari ang aksidente."Para saan pa ang paghingi mo ng tawad?"Walang emosyon ang mata ni Maisie, at nagsimula niyang tawanan ang sarili. Binawi niya ang kamay niya, tumayo, at naglakad palayo, nag-iiwas ng tingin. "Patay na si Dad, pati si Cherie. Nawala rin ang anak natin. Kung hindi ako tumayo sa ulan—""Anong anak?" Napalunok si Nolan, gulat
Matagal na tinitigan ni Nolan si Quincy bago siya ngumisi. Hindi niya sinasadya na maging sarcastic. "Nasa tabi kita mula noon, pero nakipag sabwatan ka sa lolo ko para ilihim sa akin ang lahat."Alam ni Nolan na ang lolo niya ang may pakana ng announcement tungkol sa divorce. Inutusan din ng lolo niya si Quincy na pilitin si Maisie na pirmahan ang divorce paper. Alam niya na hindi ito itatago sa kaniya ni Quincy kung hindi ito inutos ng lolo niya.Pero paano niya nagawang kumampi sa lolo niya at ilihim sa kaniya ang tungkol sa importanteng bagay na yun?"Mr. Goldmann, ginawa yun ni Elder Master Goldmann para ikabubuti mo—""Ikabubuti ko?" Singhal ni Nolan at kinutya ang sarili, "Ako ang rason kung bakit nawala ang anak namin. Ginawa niya ang mga bagay na yun sa ikabubuti ko, pero ngayon, habambuhay ako na may utang sa kaniya at sa anak namin.Ang batang yun na hindi naipanganak. Hindi niya alam ang tungkol doon. Paano siya makakabawi sa kanila at harapin ang katotohanan?N
Kung tatanggapin mo yan, matutuwa ang kamahalan at bibigyan ka pa niya ng ibang benepisyo."Pinagmukha ni Shawn na makaka-apekto yun sa pagitan ng mga royals ng dalawang bansa, pero ang sinasabi niya lang talaga na walang karapatan ang Metropolis na makialam sa mga usapin sa Stoslo.Itinatago niya ba ang teritoryo para sa benepisyo?Tumawa si Maisie. "Hindi dapat nangialam ang Metropolis, pero hindi lang ito tungkol sa benepisyo. Lahat ng tungkol sa de Arma ay may pakialam ako."Halatang hindi natuwa si Shawn dahil sa hindi niya pag-atras. "Kung magpupumilit ka na makialam, hindi ito hahayaan lang ng kamahalan. Ito ang huling paalala ko sa'yo."Tumayo si Shawn, inayos ang suit niya, at umalis, habang kalmadong sinabi ni Maisie, "May nakaraan ako sa mga de Arma."Napatigil siya pero hindi siya lumingon.Tiningnan siya ni Maisie. "Panghahawakan ko ang teritoryo."Nang umalis na sila, pinatawag ni Maisie ang katulong at tinanong, "Sino 'yung Shawn na pinadala ng prinsipe?"
"Gising ka pa rin." Namamaos ang boses niya pero maganda itong pakinggan.Tumigil si Maisie at nag-igting ang panga. "Sino nagsabi sa'yo niyan? Tulog na 'ko kanina."Tahimik si Nolan bago mahinang sinabi, "Bukas pa ang ilaw mo."Tumayo si Maisie at pumunta sa bintana niya. Naka parada ang itim na sasakyan sa gaye niya, at nakatayo si Nolan sa labas nun, nakakaaya na tingnan sa tangkad niya na naka brown trench coat. Nagmukha siyang malungkot sa mga ilaw na nagniningning sa kaniya.Minasahe ni Maisie ang gitna ng mga kilay niya dahil sumasakit ang ulo niya. "Nolan, may kailangan ka ba?""Wala." Tumingin siya sa bintana. "Napadaan lang ako."Tumawa si Maisie. "Nagmaneho ka hanggang dito at napadaan lang? Ang pangit ng palusot mo, Mr. Goldmann.""May pinadala si Roger para kausapin ka." Kumuha ng sigarilyo si Nolan sa bulsa niya.Naningkit ang mata ni Maisie. "Paano mo nalaman?"Hawak ni Nolan sa kamay niya ang sigarilyo pero hindi niya ito sinindihan. "Hindi niya isusuk
“Talaga? Pero wala akong matandaan na nagkita na tayo noon, Mr. Kent,” Mahinahong sagot ni Maisie sabay kuha ng tasa. “Pinapunta ka ba dito ni Prince Roger?”Tiningnan siya ni Daniel pero walang sinabi.Umangat ang ulo ni Maisie at ngumiti. “Nandito ka ba para tuparin ang hindi nagawa ni Mr. Shawn, Mr. Kent?”“Hindi kita hinahanap dahil sa pamilya de Arma,” Sagot ni Daniel. Nagsalin siya ng tsaa sa kaniyang tasa at ngumiti, pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata. “Gusto lang kitang maging kaibigan, Ms. Alice.”Tumawa si Maisie habang hinahaplos ang gilid ng tasa gamit ang kaniyang daliri. “Bakit hindi mo sabihin sa akin nang diretso kung ano ang intensyon mo, Mr. Kent?”Dahil nilinaw na ito ni Maisie, hindi na magpapaligoy-ligoy pa si Daniel. Sinabi niya, “Nandito ako para mag-propose ng deal sa iyo, Ms. Alice.”Kumunot ang noo niya at nagtanong, “Anong ibig mong sabihin?”“Madali lang,” Sabi ni Daniel sabay lapag ng name card niya sa mesa. “Gusto kong makipag-deal s
Lumingon si Maisie at tiningnan ang kaniyang phone. Hindi siya nakatanggap ng message o tawag kay Nolan simula kahapon.‘Hindi ba talaga niya ipapaliwanag ang sarili niya?’ Naisip ni Maisie, ‘Hmph! Hindi na dapat ako maniwala sa kalokohan niya!’Nilabas niya ang name card at sinabi, “Saydie, tulungan mo akong kontakin si Daniel.”Kinahapunan, dinala ni Maisie si Saydie sa Kent mansion.Pinaghanda siya ng kasambahay ng isang tasa ng tsaa, at hindi nagtagal, bumaba na si Daniel sa hagdan.Nakangiting lumapit si Daniel sa couch at naupo. “Alam kong hahanapin mo ako, Ms. Alice.”Walang ekspresyon siyang tiningnan ni Maisie at tinanong, “Naniniwala akong hindi ikaw ang nagpadala ng mga reporters sa Season’s Restaurant kahapon para kuhanan tayo ng mga litrato, tama ba, Mr. Kent?”“Iniisip mo bang ako ang naglabas sa publiko ng pagkikita natin, Ms. Alice?” Naka-de kwatro si Daniel habang mahinahong sumasagot, “Well, sa kasamaang palad, hindi ako. Pero dahil lahat ng media outlet
Binigyan siya ng makahulugang ngiti ni Daniel at sumagot, “Hindi. Hindi ako. Ni hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ko na kumilos.”Nagulat si Maisie.‘Posible bang mayroong ibang tao sa likod ng nangyari sa amusement park noon?’Tumalikod siya at tiningnan ang ilang nakaitim na mga lalaki na nakatayo sa hagdan, lahat sila ay may mga tattoo sa likod ng mga kamay nila.‘Oh yeah, walang mga tattoo sa likod ng mga kamay ang mga taong yun, mayroon naman ang mga tauhan ni Daniel. Ibig sabihin, ibang grupo ang mga taong yun!’“Mga tauhan ba ng prinsipe yun?”“Matalino ka, Ms. Vanderbilt.” Sabi ni Daniel habang nag-iiba ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya. “Kung hindi, paano mo madadala si Rowena, ang tangang babaeng yun, sa patibong mo noon?”Kumuyom ang mga kamao ni Maisie, at sumama ang ekspresyon niya nang mabanggit si Rowena. “Oo nga pala, bakit hindi ko na nakikita si Ms. Summers sa tabi ni Mr. Kent?”Hinaplos ni Daniel ang gilid ng tasa gamit ang dali
Nagulat din si Titus nang makita si Maisie. “Maisie? Anong ginagawa mo dito?”Alam ni Titus na buhay si Maisie. Lalo na at hindi nila nakita ang bangkay nito noon, kaya ibig sabihin lang ay buhay pa ito. Hindi lang niya inasahan na makita ito sa Stoslo.Pinakalma ni Maisie ang sarili at lumapit sa kanila. “Nasaan si Nolan?”Nang magsasalita na si Quincy, sumama ang mukha ni Titus at sumagot, “Tatlong taon na kayong hindi mag-asawa, bakit mo pa siya hinahanap?”“Kung hindi ako pumunta dito, paano ko malalaman na infected siya ng virus?”Nagulat si Quincy sa sinabi ni Maisie.‘Paano niya nalaman yun?’Kumunot ang noo ni Titus at malamig na tumikhim. “Hindi ba’t dahil sa iyo kaya siya naging infected ng virus?”Hindi nakaimik si Maisie, at nanginig ang puso niya.“Maisie, bakit sa tingin mo pursigido si Nolan na makipag-divorce sa iyo noon?” Huminga nang malalim si Titus at istriktong sinabi, “Kaya niyang isakripisyo ang buhay niya para sa iyo. Nilagay niya pa sa will ni