"Gising ka pa rin." Namamaos ang boses niya pero maganda itong pakinggan.Tumigil si Maisie at nag-igting ang panga. "Sino nagsabi sa'yo niyan? Tulog na 'ko kanina."Tahimik si Nolan bago mahinang sinabi, "Bukas pa ang ilaw mo."Tumayo si Maisie at pumunta sa bintana niya. Naka parada ang itim na sasakyan sa gaye niya, at nakatayo si Nolan sa labas nun, nakakaaya na tingnan sa tangkad niya na naka brown trench coat. Nagmukha siyang malungkot sa mga ilaw na nagniningning sa kaniya.Minasahe ni Maisie ang gitna ng mga kilay niya dahil sumasakit ang ulo niya. "Nolan, may kailangan ka ba?""Wala." Tumingin siya sa bintana. "Napadaan lang ako."Tumawa si Maisie. "Nagmaneho ka hanggang dito at napadaan lang? Ang pangit ng palusot mo, Mr. Goldmann.""May pinadala si Roger para kausapin ka." Kumuha ng sigarilyo si Nolan sa bulsa niya.Naningkit ang mata ni Maisie. "Paano mo nalaman?"Hawak ni Nolan sa kamay niya ang sigarilyo pero hindi niya ito sinindihan. "Hindi niya isusuk
“Talaga? Pero wala akong matandaan na nagkita na tayo noon, Mr. Kent,” Mahinahong sagot ni Maisie sabay kuha ng tasa. “Pinapunta ka ba dito ni Prince Roger?”Tiningnan siya ni Daniel pero walang sinabi.Umangat ang ulo ni Maisie at ngumiti. “Nandito ka ba para tuparin ang hindi nagawa ni Mr. Shawn, Mr. Kent?”“Hindi kita hinahanap dahil sa pamilya de Arma,” Sagot ni Daniel. Nagsalin siya ng tsaa sa kaniyang tasa at ngumiti, pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata. “Gusto lang kitang maging kaibigan, Ms. Alice.”Tumawa si Maisie habang hinahaplos ang gilid ng tasa gamit ang kaniyang daliri. “Bakit hindi mo sabihin sa akin nang diretso kung ano ang intensyon mo, Mr. Kent?”Dahil nilinaw na ito ni Maisie, hindi na magpapaligoy-ligoy pa si Daniel. Sinabi niya, “Nandito ako para mag-propose ng deal sa iyo, Ms. Alice.”Kumunot ang noo niya at nagtanong, “Anong ibig mong sabihin?”“Madali lang,” Sabi ni Daniel sabay lapag ng name card niya sa mesa. “Gusto kong makipag-deal s
Lumingon si Maisie at tiningnan ang kaniyang phone. Hindi siya nakatanggap ng message o tawag kay Nolan simula kahapon.‘Hindi ba talaga niya ipapaliwanag ang sarili niya?’ Naisip ni Maisie, ‘Hmph! Hindi na dapat ako maniwala sa kalokohan niya!’Nilabas niya ang name card at sinabi, “Saydie, tulungan mo akong kontakin si Daniel.”Kinahapunan, dinala ni Maisie si Saydie sa Kent mansion.Pinaghanda siya ng kasambahay ng isang tasa ng tsaa, at hindi nagtagal, bumaba na si Daniel sa hagdan.Nakangiting lumapit si Daniel sa couch at naupo. “Alam kong hahanapin mo ako, Ms. Alice.”Walang ekspresyon siyang tiningnan ni Maisie at tinanong, “Naniniwala akong hindi ikaw ang nagpadala ng mga reporters sa Season’s Restaurant kahapon para kuhanan tayo ng mga litrato, tama ba, Mr. Kent?”“Iniisip mo bang ako ang naglabas sa publiko ng pagkikita natin, Ms. Alice?” Naka-de kwatro si Daniel habang mahinahong sumasagot, “Well, sa kasamaang palad, hindi ako. Pero dahil lahat ng media outlet
Binigyan siya ng makahulugang ngiti ni Daniel at sumagot, “Hindi. Hindi ako. Ni hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga tauhan ko na kumilos.”Nagulat si Maisie.‘Posible bang mayroong ibang tao sa likod ng nangyari sa amusement park noon?’Tumalikod siya at tiningnan ang ilang nakaitim na mga lalaki na nakatayo sa hagdan, lahat sila ay may mga tattoo sa likod ng mga kamay nila.‘Oh yeah, walang mga tattoo sa likod ng mga kamay ang mga taong yun, mayroon naman ang mga tauhan ni Daniel. Ibig sabihin, ibang grupo ang mga taong yun!’“Mga tauhan ba ng prinsipe yun?”“Matalino ka, Ms. Vanderbilt.” Sabi ni Daniel habang nag-iiba ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya. “Kung hindi, paano mo madadala si Rowena, ang tangang babaeng yun, sa patibong mo noon?”Kumuyom ang mga kamao ni Maisie, at sumama ang ekspresyon niya nang mabanggit si Rowena. “Oo nga pala, bakit hindi ko na nakikita si Ms. Summers sa tabi ni Mr. Kent?”Hinaplos ni Daniel ang gilid ng tasa gamit ang dali
Nagulat din si Titus nang makita si Maisie. “Maisie? Anong ginagawa mo dito?”Alam ni Titus na buhay si Maisie. Lalo na at hindi nila nakita ang bangkay nito noon, kaya ibig sabihin lang ay buhay pa ito. Hindi lang niya inasahan na makita ito sa Stoslo.Pinakalma ni Maisie ang sarili at lumapit sa kanila. “Nasaan si Nolan?”Nang magsasalita na si Quincy, sumama ang mukha ni Titus at sumagot, “Tatlong taon na kayong hindi mag-asawa, bakit mo pa siya hinahanap?”“Kung hindi ako pumunta dito, paano ko malalaman na infected siya ng virus?”Nagulat si Quincy sa sinabi ni Maisie.‘Paano niya nalaman yun?’Kumunot ang noo ni Titus at malamig na tumikhim. “Hindi ba’t dahil sa iyo kaya siya naging infected ng virus?”Hindi nakaimik si Maisie, at nanginig ang puso niya.“Maisie, bakit sa tingin mo pursigido si Nolan na makipag-divorce sa iyo noon?” Huminga nang malalim si Titus at istriktong sinabi, “Kaya niyang isakripisyo ang buhay niya para sa iyo. Nilagay niya pa sa will ni
“Bagong type ito ng virus.” Tiningnan siya ni Quincy at sinabing, “Walang incubation period ang virus na ‘to, at mas mabilis ang onset nito kaysa sa virus 30 years ago.”Nag-igting ang panga ni Maisie. Matagal siyang natahimik bago bumukas ang bibig niya, “Alagaan mo siya.”Pagkatapos nito, tumalikod siya at umalis sa kwarto. Nang dumating siya sa harapan ng kaniyang sasakyan, huminto si Maisie at lumingon sa ceiling-to-floor window.Sa huli, sumakay na siya sa kotse at sinabing, “Bumalik na tayo.”Sinulyapan siya ni Saydie sa rearview mirror at saka nagmaneho.Isang lalaking nakaupo sa loob ng kotseng hindi kalayuan sa kanila ang napangiti habang pinapanood na umalis ang kotse.“Nahanap na rin kita.”Makalipas ang ilang araw…Nakipagkita si Maisie kay Daniel sa isang restaurant. Nang dumating si Daniel, mayroong ngisi sa mga labi niya. “Ano sa tingin mo, Ms. Vanderbilt? Nakapag-desisyon ka na ba pagkatapos mong pag-isipan ng ilang araw?”Umangat ang ulo ni Maisie at
Nakabukas ang mga bisig ni Daniel. “Tatawagan ko ang mga tauhan ko at paatrasin sila sa villa ngayon kung papayag ka sa proposal ko, tumutupad ako sa pangako.”“Sinet-up mo ako noong nakaraang araw.” Kinuha ni Maisie ang cellphone niya at binalik sa kaniyang handbag, saka siya marahan na tumayo. “Mapagkakatiwalaan pa ba kita ulit?”“Oo.” Tiningnan siya ni Daniel. “Gusto ko lang makuha ang negative vote, kaya pakakawalan ko siya ngayon para sa iyo kung papayag ka sa gusto ko.”Ngumiti si Maisie. “Sige, nangangako ako.”Nang makitang pumayag siya, nilabas din ni Daniel ang kaniyang cellphone at mayroong tinawagan. “Pwede na kayong umalis diyan.”Saka niya tiningnan si Maisie. “Masaya ka na ba ngayon?”Makahulugan siyang tiningnan ni Maisie. “Mr. Kent, ayaw kong nalulugi pagdating sa negosyo. Sinamantala mo ako ngayon, tatandaan ko ‘to.”Nginitian niya ito nang maliit at saka mabilis na lumabas ng restaurant habang madilim ang mukha.Nakatayo si Saydie sa harapan ng sasaky
Nagulat si Nolan, pero isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Nandito ka?”Tumikhim si Quincy. “Aalis muna ako.”Lumabas siya ng kwarto at sinara ang pinto.Lumapit si Maisie kay Nolan at tumayo sa harapan nito nang walang ekspresyon ang mukha.”Nolan, plano mo bang itago sa akin ang infection mo hanggang sa araw na mamatay ka?”Inangat ni Nolan ang tingin at tinitigan si Maisie pero hindi siya sumagot.Nilapit ni Maisie ang katawan para titigan si Nolan, at gumalaw ang pula niyang mga labi. “Kung plano mong mamatay, pirmahan mo muna ang divorce papers. Mahihirapan ako na magpakasal ulit kung magiging biyuda ako.”Noon ay magpapakita ng selos si Nolan sa tuwing mababanggit ang remarriage. Pero, ngumiti lang siya at madilim ang mga mata habang nakatingin kay Maisie. “Nahanap mo na ba si Mr. Right?”Tumayo si Maisie at nagkibit-balikat. “Hindi pa. Kung papipiliin ako ng tipo ko, hindi na masama si Helios, lalo na at gustong-gusto niya ang mga anak ko. Basta hindi
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s
Simula pa noong mga bata sila ay lagi na silang nag-aaway, hanggang ngayn ay walang katapusan.Ngumiti si Brandon at sinabi, “Pinapakita lang niyan na maganda ang relasyon nila. Nang maisip ni Brandon ang relasyon ng anak niyang si Ken at Freyja, nalungkot siya.Nang buhay pa si Ken, hindi siya mabait kay Freyja. Kasalanan niya iyon.Kung hindi lumaki si Ken kasama ang mom niya noong bata pa lang siya, siguro ay hindi siya lumaki na ganun ang ugali.Walang mabuting ina at kapatid si Freyja na nagmamahal sa kaniya. Hindi rin mabuting ama si Brandon sa kaniya.Naisip niya na kahit hindi na siya pansinin ni Freyja o itakwil siya, hindi siya magrereklamo. Napansin ni Daisie na nalungkot si Brandon kaya lumapit siya. “Uncle Brandon, kasama na ni Freyja ang kapatid ko ngayon, mahal mo rin siya pati ang mom ko mahal siya. Dapat maging masaya ka para sa kaniya.”Napahinto si Brandon dahil gumaan ang puso niya sa mga sinabi ni Daisie. Ngumiti siya at tumango. “Tama ‘yan. Sobrang masaya
Hinaplos ni Maisie ang buhok ni Daisie at tumawa. “Alam ko naman na masaya ka pag kasama mo si Nolly. Kaya hindi naman kami nag-aalala ng Dad mo tungkol sa pagsasama niyo.”Noong tanghali, sinamahan ni Daisie si Maisie na maglakad sa garden, niyakap niya si Maisie. “Mom, gaano kayo katagal dito ni Dad?” Biniro siya ni Maisie. “Bakit mo natanong? Gusto mo na ba na umalis kami?”“Hindi ‘yan totoo.” Umiling siya at sumandal sa balikat ni Maisie matapos iyon sabihin. “Mas mabuti kung mas matagal pa kayo ni Dad dito.”“Kalahating buwan lang kami mananatili dito ng Dad mo. Pupunta ang dad mk bukas may Uncle Yorrick mo para bisitahin ang iyong great-grandmother.” Nang ipaliwanag ang schedule ni Nolan kay Daisie. “Baka pwede mo ako samahan na bisitahin si Freyja at ang dad niya bukas. Lalo na't, nanganak din siya ng isang Charm para kay Cole. Oras na rin talaga para makilala ko ang aking in-law.” Ngumiti si Daisie at tumango. “Okay, sasamahan kita bukas.”Kinabukasan, dumating sila Mai