“Si Cherie, isang dalaga na mahal na mahal ang pera ay sasabihin na hindi niya kailangan ng sweldo?”Lumapit si Kennedy. “Zee, nilabas na ang endorsement video ni Mr. Lucas.”Tumango si Maisie sabay ng pagtalim ng kaniyang tingin. “Sige, hintayin natin na mapahiya si Irene ngayon.”#Soul’s Spokesperson: Louis Lucas##No-Show si Irene Linwood at tinawag na isang Poser#Agad na naging usap-usapan ang Soul Jewelry sa mga netizens pagkatapos ilabas ng official account nila ang endorsement video ni Louis sa Youtube at iba pang social media platforms. Maraming netizens ang naisip na kung kayang imbitahin ng Soul si Louis Lucas, ang Prince of Violin para palitan si Irene, malinaw na talagang si Irene ang may ginawang mali sa Soul Jewelry.Habang nagbibigay ng iba’t-ibang opinyon ang mga netizens at pinaglalaban ang kani-kanilang pananaw, patuloy pa rin na pinagtatanggol si Irene ng kaniyang mga fans. Para palalain ang sitwasyon, nag-release pa sila ng video kung saan binanggit ni
Nilapag ni Nolan ang tablet, binuksan ang drawer at tiningnan ang divorce papers.Mayroong katok sa pinto. Sinara ni Nolan ang drawer pagkapasok ni Quincy. “Sir, gusto kayong makausap ni Mr. Hernandez de Armas.”Natigilan si Nolan, bumaba ang tingin niya saka mahinahong sinabi, “Papasukin mo siya.”Lumabas si Quincy at saka naman pumasok si Hernandez sa opisina at nagkusang umupo sa couch.Tumayo si Nolan at lumapit sa couch habang naglalagay si Quincy ng tsaa sa mesa bago ulit lumabas ng opisina at sinara ang pinto.“Mr. de Armas, mayroon ba akong maitutulong sa inyo?”Umangat ang ulo ni Hernandez, tiningnan siya at walang emosyon na nagsalita, “Oo.”Malamig na nagpatuloy si Hernandez nang makaupo na si Nolan. “Alam ko kung anong nangyari sa inyo ni Maisie sa Stoslo, at naiintindihan ko na ngayon ang sinabi sa akin ni Maisie noong nakaraang araw.”Kumunot ang noo ni Nolan. “Anong sinabi sa inyo ni Zee?”Mahinahon siyang tiningnan ni Hernandez, parang hindi sumasang-a
“Kakampi ko pa noon ang mga Kent. Binigyan nila ako ng vial at sinabi sa akin na vaccine yun na kayang labanan ang virus infection. Dahil pinagkakatiwalaan ko ang mga Kent at dahil sa sobra kong pag-aalala sa kapakanan ng anak ko, binili ko yun sa napakalaking halaga. Ininject ko ang vaccine sa anak ko.”Kinuyom ni Hernandez ang mga kamao at nagngangalit ang mga ngipin. “Hindi ko inakalang infected pa din ng virus ang anak ko. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya biglang umalis paglipas ng isang taon at nagpunta sa Morwich kasama ni Strix. Ilang dekada akong niloko ng mga taong yun!“Ang vial na yun, hindi yun vaccine kung hindi isang prototype ng virus, niloko nila ako at ginamit ang anak ko sa experiment nila!”Nanatili ang katahimikan sa opisina habang naglalagay ng tsaa si Nolan sa kaniyang tasa bago marahang nagtanong, “Parte ba ng experiment nila ang virus?”‘Sinabi sa akin ni Erwin sa Stoslo na unang hakbang pa lang ang infection ko.’Ang emotional breakdown ni Herna
Pinagdikit ni Nolan ang mga kamay niya bago marahang nagsalita, “Ginagawa pa rin nila ang experiment.”Natigilan si Hernandez at saka nagtanong, “Paano mo nalaman?”“Dahil infected ako.” Bumagsak ang walang emosyon niyang tingin sa teacup. “Walang incubation period sa pagkakataong ito. Isang bagong virus.”“Alam ba ‘to ni Maisie?”“Hindi niya alam.”Nagulat si Hernandez at matagal na hindi nakapagsalita.Tinitigan siya ni Nolan. “Infected ng virus ang nanay ni Zee noon. Mayroon siguro siyang ininom para labanan yun kaya walang senyales ng infection si Zee. Lalo na at napaka-espesyal din ng dugo niya.”Huminga nang malalim si Hernandez at kinuha ang teacup pero hindi uminom.Mahinahon na sinabi ni Nolan, “Makikipag-divorce ako kay Maisie.”Sandaling tinitigan ni Hernandez si Nolan. Nakikita niya kung gaano kahalaga ang apo niya kay Nolan. Binaba niya ang teacup. “I see.”“Isikreto niyo ito para sa akin.”“Wala ka bang plano na mabuhay?” Kalmadong tanong ni Hernande
Kinagabihan, sinundo ni Maisie si Ryleigh.Nakasuot ng suspender skirt si Ryleigh at naka-ponytails ang buhok, mukha siyang inosente at masayahin. Sumakay siya ng kotse at sinuot ang seatbelt. "Bakit bigla mo akong niyayang uminom?"Pinaandar na ni Maisie ang kotse at umalis. Nagbigay lang siya ng isang malungkot na ngiti. "Bad mood ako.""Nag-away ba kayo ni Nolan?" Naramdaman ni Ryleigh ang emosyon ni Maisie. "Ayos lang naman kayong dalawa bago kayo pumunta ng Stoslo, hindi ba?"Kumibot ang mga pilikmata ni Maisie, pero sa huli, hindi niya mabanggit ang mga salitang "magdi-divorce na kami."Hindi niya yun sinabi, siguro dahil gusto niyang isipin pa rin ng iba na okay lang ang pagsasama nila ni Nolan, kahit na nagsisinungaling na lang siya sa sarili niya.Nang dumating sila sa bar, magkasunod silang nag-order ng cocktail. Hinalo ni Ryleigh ang inumin gamit ang straw bago lumingon kay Maisie. "Zee, okay ka lang?"Sandaling natigilan si Maisie pero binago niya ang usapan.
"Lew, nakapagtataka na pinapunta mo talaga ang fiancée mo dito para samahan tayong uminom." May hawak na red wine glass si Tanner Hannigan, nakatitig siya kay Louis habang nang-aasar at tumatawa.Hindi siya sinagot ni Louis.Binato ni Ryleigh ang mga snacks sa table kay Tanner. "Kalokohan! Anong pinagsasabi mo diyan?"Umiwas si Tanner at tumawa. "Nasa iisang circle lang tayo. Sinong hindi makakaalam tungkol sa engagement ng mga Hill at Lucas?"Walang sinuman sa social circle ang hindi nakakaalam tungkol sa engagement sa pagitan ng mga Hill at Lucas. Kahit na hindi yun gustong tanggapin ni Ryleigh, hindi niya 'to matatago buong buhay niya.Si Donovan Santiago na nakaupo sa tabi ni Louis ay inasar din si Helios at tumawa. "Hels, wala ka pa rin ba balak na magpakasal?"Binaba ni Helios ang baso niya. "Hindi ako nagmamadali.""Hindi ka nagmamadali? Kasing edad mo lang si Nolan. Oo nga pala, ilang taon na rin simula nang huling sumama sa atin si Nolan, hindi ba?"Tiningnan
Ayaw ni Ryleigh na maiwang mag-isa doon, kaya kinuha niya ang handbag niya pero napansin niya na naiwan ang phone ni Maisie sa couch."Hay, bakit…"Nang kunin niya ang phone at pinindot ang screen, nakita niya ang isang unread text message. Halatang nagulat siya sa content ng text message.Tiningnan siya ni Louis. "Phone niya ba yan?"Hindi sumagot si Ryleigh, dala ang kaniyang handbag, mabilis siyang lumabas ng kwarto."Lew, anong…" Tanong ni Donovan habang naguguluhan naman ang dalawa pa nilang kasama.Huminga nang malalim si Louis at tumayo. "Uminom lang kayo, guys. Susundan ko sila.*Pagkalabas ni Ryleigh ng bar, hinabol siya ni Louis, hinawakan at marahang sinabi, "Tawagan mo si Helios, tanungin mo kung nasaan siya. Dadalhin kita dun."Nakatulala pa rin si Ryleigh.Akala ni Louis ay hindi siya nito narinig at magsasalita sana ulit nang biglang tumingin sa kaniya si Ryleigh. "Gustong makipag-divorce ni Mr. Goldmann kay Zee."Nakaupo si Maisie sa isang bench sa t
“Oo, naiinggit ako sa kaniya dahil mayroon siyang mga magulang na nagmamahal sa kaniya, at naiinggit ako sa kalayaan na mayroon siya.”Naramdaman ni Maisie na totoo nga ang inggit nito kay Nolan dahil sa lungkot sa mga mata ni Helios.Walang emosyon na dinagdag ni Helios, “Mayroon nagsabi sa akin na isang trahedya kung walang pangarap at lakas ng loob ang mga tao para mabuhay para sa mga sarili nila, kung ang alam lang nila ay sumunod sa batas at mabuhay sa mundong ‘to, itinatawid lang ang bawat araw.”Lumingon siya kay Maisie. “Ang taong nagsabi nun ay ang nanay ni Nolan, si Tita Natasha Knowles.”Bumuka ang bibig ni Maisie pero hindi siya nagsalita.Nagpatuloy sa pagsasalita si Helios. “Istrikto talaga ang mga elders sa pamilya ko. Noong bata ako, bukod sa pag-aaral ng etiquette at mga established practice, kailangan ko rin magbasa ng iba’t-ibang libro para lumawak ang kaalaman ko. At pagkatapos kong pumasok sa isang private college, mas kinailangan kong mag-aral. Kaya nama
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s
Simula pa noong mga bata sila ay lagi na silang nag-aaway, hanggang ngayn ay walang katapusan.Ngumiti si Brandon at sinabi, “Pinapakita lang niyan na maganda ang relasyon nila. Nang maisip ni Brandon ang relasyon ng anak niyang si Ken at Freyja, nalungkot siya.Nang buhay pa si Ken, hindi siya mabait kay Freyja. Kasalanan niya iyon.Kung hindi lumaki si Ken kasama ang mom niya noong bata pa lang siya, siguro ay hindi siya lumaki na ganun ang ugali.Walang mabuting ina at kapatid si Freyja na nagmamahal sa kaniya. Hindi rin mabuting ama si Brandon sa kaniya.Naisip niya na kahit hindi na siya pansinin ni Freyja o itakwil siya, hindi siya magrereklamo. Napansin ni Daisie na nalungkot si Brandon kaya lumapit siya. “Uncle Brandon, kasama na ni Freyja ang kapatid ko ngayon, mahal mo rin siya pati ang mom ko mahal siya. Dapat maging masaya ka para sa kaniya.”Napahinto si Brandon dahil gumaan ang puso niya sa mga sinabi ni Daisie. Ngumiti siya at tumango. “Tama ‘yan. Sobrang masaya
Hinaplos ni Maisie ang buhok ni Daisie at tumawa. “Alam ko naman na masaya ka pag kasama mo si Nolly. Kaya hindi naman kami nag-aalala ng Dad mo tungkol sa pagsasama niyo.”Noong tanghali, sinamahan ni Daisie si Maisie na maglakad sa garden, niyakap niya si Maisie. “Mom, gaano kayo katagal dito ni Dad?” Biniro siya ni Maisie. “Bakit mo natanong? Gusto mo na ba na umalis kami?”“Hindi ‘yan totoo.” Umiling siya at sumandal sa balikat ni Maisie matapos iyon sabihin. “Mas mabuti kung mas matagal pa kayo ni Dad dito.”“Kalahating buwan lang kami mananatili dito ng Dad mo. Pupunta ang dad mk bukas may Uncle Yorrick mo para bisitahin ang iyong great-grandmother.” Nang ipaliwanag ang schedule ni Nolan kay Daisie. “Baka pwede mo ako samahan na bisitahin si Freyja at ang dad niya bukas. Lalo na't, nanganak din siya ng isang Charm para kay Cole. Oras na rin talaga para makilala ko ang aking in-law.” Ngumiti si Daisie at tumango. “Okay, sasamahan kita bukas.”Kinabukasan, dumating sila Mai