Ngumuso si Maisie, pero may lumabas na pahiwatig sa mga mata niya na may naisip siyang plano.Naligo ng malamig na tubig si Nolan para maiwasan ang lahat ng kaniyang pagnanasa, at nagsisi pa siya sa pagdadalawang-isip.‘Kakayanin ko bang makipag-divorce sa kaniya habang hinahayaan ko lang siya sa tabi ko?‘Hindi ko rin naman gusto bumitaw, pero kailangan.’Halatang gusto ni Nolan makipag-divorce pero kailangan pa rin niya magpanggap kasama si Maisie para sa mga bata. Siguro ito ang pagiging makasarili niya. Gusto niya lang na maramdaman ang magagandang moment habang kaya pa niya, at ayun lang. Lumabas si Nolan mula sa banyo, ang bumungad sa harap niya ay muling nagpaliyab ng apoy na kanina pa niya sinusubukang pawiin habang nasa loob siya ng banyo na halos ikasira na niya.Si Maisie ay nakahiga sa kama habang nakatukod ang kamay niya sa kaniyang ulo, pero ang postura na ito ay sadyang nakakabighani at nakakalasing. Kahit sino pang ordinaryo na lalaki ay mababaliw pag nakit
Natigilan si Maisie. Yumuko siya at sumagot, “Siguro.”“Paano ang mga bata?” Marahang tanong ni Stephen, “Malulungkot sila nang sobra kapag nag-divorce kayong dalawa, tama?”Tumikom ang maninipis na labi ni Maisie at saka sumagot. “Sinabi niya sa akin na pagkatapos namin mag-divorce, pareho namin aalagaan ang mga bata. Ibig sabihin ay pwede ko pa rin sila makasama.”Nagulat si Stephen, nagtanong siya, “‘Yan ang sinabi sa iyo ni Mr. Goldmann?”Ang totoo, hindi niya akalain na sasabihin yun ni Nolan.Tumango si Maisie. Sa pagkatao ni Nolan, kung ayaw na talaga nito ng anumang kaugnayan sa kaniya, pwede nitong kunin ang custody ng mga bata sa kaniya. Pwede nga nitong gawing mahirap sa kaniya ang lahat.Gayunpaman, hindi niya yun ginawa. Kaya naman, naniniwala siyang mayroong ibang dahilan kung bakit gusto nitong makipag-divorce sa kaniya. Sadyang ayaw lang nitong sabihin sa kaniya.Tinawagan siya ni Kennedy. Naglakad siya papunta sa gilid at sinagot ang tawag. “Tito Kennedy?
Sikat na violin prince si Louis, kaya siguradong makaka-enganyo siya sa maraming tao. Hindi lang yun, pero isa rin siyang alumnus ng Royal Academy of Music.Nagulat si Kennedy. Akala niya ay si Helios ang tatawagan ni Maisie, pero hindi niya akalain na si Louis pala ang tinutukoy nito.Kahit na hindi naman masamang ideya na maging spokesperson si Louis ng Soul Jewelry, at sigurado si Kennedy na maganda ang magiging resulta nito, papayag ba si Louis lalo na at hindi ito kailanman naging spokesperson ng anumang brand dati?”Naglakad si Maisie papunta sa gilid para makipag-usap. Hindi alam ni Kennedy kung anong sinabi nito kay Louis, pero tumalikod ito at sumenyas ng “okay” sa kaniya.Mabilis na inutusan ni Kennedy ang mga tao sa likuran niya. “Ihanda na ang preparation!”Makalipas ang sampung minuto, dumating si Louis sa Soul Jewelry. Marami sa kanila ang unang beses pa lang makikita si Louis, at natulala sila sa itsura nito.6’3 feet ang tangkad nito, at 3.7 feet ang haba ng
“Anong klaseng attitude ‘yan?”“Attitude? Gusto mong pag-usapan ang attitude ngayon?” Reklamo ni Kennedy. “Pinatikim lang namin sa inyo ang karma niyo. At saka, hindi naman kailangan na si Ms. Linwood ang maging spokesperson.”Pagkatapos nito, binaba ni Kennedy ang tawag.Lumapit ang assistant kay Irene at sinabing, “Irene, nagdesisyon ang Soul na palitan ang spokesperson.”Hindi pa kailanman trinato nang ganito si Irene, at nalukot ang mukha niya nang marinig ang sinabi ng kaniyang assistant.“Isa lang silang hindi kilalang jewelry company, at ang lakas ng loob nilang bastusin ako?”Mayroon siyang naisip at nagdesisyon na mag-post sa Facebook.#Irenababy: Hindi ko rin akalain na ganito ang mangyayari. [JPG]#Sa litrato, mayroong isang aso na nakaupo sa upper floor at nakatingin sa mga taong nasa ibaba. Kaagad napansin ng mga netizens ang kahulugan ng litrato, at mabilis na nagkomento ang mga fans niya nang makita ang post ng idol nila na sinasabing mayroong nambully sa
Nilapag ni Maisie ang tablet. Gagamitin niya ang resulta ng pagiging spokesperson ni Louis para patunayan na mali si Irene at ang publiko.…Nang makauwi si Maisie, naabutan niyang nagluluto ng hapunan si Stephen para sa mga bata habang si Waylon naman na isang matandang bata ay tinutulungan siya sa kusina.Naglalaro sina Daisie at Colton sa couch. Nang makita siya ng mga ‘to, nilapag ni Daisie ang gamepad at bumati, “Mommy, welcome home. Tapos na kayo magtrabaho?”“Oo, tapos na,” Sagot ni Maisie habang hinuhubad ang sapatos.Nakahiga si Reddy sa tabi nila. Marahil pagod ito sa pakikipaglaro sa mga bata dahil pumikit agad ito at bumalik sa pagkakatulog matapos tingnan si Maisie.Habang hinahanda ni Stephen ang mesa, sinabi niya sa mga bata, “Handa na ang dinner. Maghugas na kayo ng kamay para makakain.”“Okay po!” Nilapag ni Colton at Daisie ang kanilang mga gamepads, tumayo at naghugas ng kamay.Nag-unat siya at tumalon pababa ng couch si Reddy. Agad itong lumapit nang
Tama si Stephen para sa mga bata. Bukod dun, kung magkaaway talaga ang mga magulang nila, hindi pupunta dito si Nolan para samahan silang kumain.Nagdesisyon ang mga bata na hindi umuwi pagkatapos nilang mag-dinner. Dinala ni Stephen ang mga bata sa kani-kanilang mga kwarto at binasahan sila ng bedtime stories. Gusto niya rin bigyan ng personal space sina Maisie at Nolan.Nililinis ni Maisie ang mesa at saka naghugas habang nanonood si Nolan. Ilang beses na kumuyom ang mga kamao niya bago siya pumasok sa kusina.Tinupi niya ang kaniyang mga manggas at sinabing, “Tulungan na kita.”Natigilan si Maisie. Bago pa siya makasagot, kinuha na ni Nolan ang hawak niyang plato.Nanatiling nakatayo si Maisie, nakapako sa kaniyang kinatatayuan. Habang nakayuko ay nagsalita siya, “Ginagawa mo ba ‘to para sa mga bata?”Bahagyang gumalaw ang mga pilikmata ni Nolan at sumagot, “Oo.”Tumawa si Maisie. “Hanggang kailan natin ito gagawin?”Nanigas si Nolan pero wala siyang sinabi.Habang
Ilang reporters ang biglang lumitaw sa harapan ni Maisie para mag-interview. “Ms. Zora, pwede ba namin malaman kung ang dahilan ng pagpapalit ng spokesperson ng Soul Jewelry ay dahil hindi pa sapat ang kasikatan ni Irene Linwood?”“Pwede niyo bang ipaliwanag ang dahilan sa likod ng unilateral breach of contract ng Soul Jewelry at ang desisyon nito na kumuha ng ibang spokesperson?”Muntik na tumama sa mukha ni Maisie ang camera habang sumisigaw ang mga fans sa gilid, “Isang snobby brand lang ang Soul Jewelry na nangmamaliit ng iba! Umalis kayo dito sa Bassburgh!”“Hindi karapat-dapat kay Irene ang isang basurang brand katulad ng Soul!”Nagdilim ang mga mata ni Maisie habang nakatingin sa camera. Ngumisi siya. “Hindi niyo ba narinig ang sinabi ng mga fans? Hindi nga karapat-dapat ang brand namin sa isang artistang katulad ni Irene.”Hindi nakaimik ang mga reporters. Akala nila ay mayroong paliwanag si Maisie sa sitwasyon.‘Hindi siya natatakot na sugurin ng mga fans ni Irene,
“Si Cherie, isang dalaga na mahal na mahal ang pera ay sasabihin na hindi niya kailangan ng sweldo?”Lumapit si Kennedy. “Zee, nilabas na ang endorsement video ni Mr. Lucas.”Tumango si Maisie sabay ng pagtalim ng kaniyang tingin. “Sige, hintayin natin na mapahiya si Irene ngayon.”#Soul’s Spokesperson: Louis Lucas##No-Show si Irene Linwood at tinawag na isang Poser#Agad na naging usap-usapan ang Soul Jewelry sa mga netizens pagkatapos ilabas ng official account nila ang endorsement video ni Louis sa Youtube at iba pang social media platforms. Maraming netizens ang naisip na kung kayang imbitahin ng Soul si Louis Lucas, ang Prince of Violin para palitan si Irene, malinaw na talagang si Irene ang may ginawang mali sa Soul Jewelry.Habang nagbibigay ng iba’t-ibang opinyon ang mga netizens at pinaglalaban ang kani-kanilang pananaw, patuloy pa rin na pinagtatanggol si Irene ng kaniyang mga fans. Para palalain ang sitwasyon, nag-release pa sila ng video kung saan binanggit ni
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell