Matapos makita si Maisie, may sinabi si Erwin sa doktor at lumapit kay Maisie. "Zee, sabi ko na nga ba, nandito ka sa hospital."Mapait na ngumiti si Maisie. "Saan naman ako pupunta kung hindi dito?"Tumingin siya kay Erwin. "Anong pinag-usapan niyo ng doktor?"Saglit na napatigil si Erwin bago nakangiting sumagot, "Tinanong ko lang siya tungkol sa kondisyon ni Mr. Goldmann.""Malala ba ang kondisyon niya?" Tanong ni Maisie at nakitang hindi agad tumanggi si Erwin kaya napayuko siya at paos ang kaniyang boses. "Malubha ba ang kondisyon niya?""Medyo malubha nga." Magulo ang ekspresyon ni Erwin.Kung tama lang 'yun ng baril, maayos na sana na nakaligtas si Nolan doon. Sa kasamaang palad, mukhang mas kakaiba ang kondisyon ni Nolan kumpara sa tama ng baril.May sasabihin sana si Maisie nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa kaniyang tatay na nasa Zlokova.Nagdalawang isip siya bago ito sagutin. "Dad?""Zee, ayos ka lang ba diyan? Nabalitaan kong nagkaroon ng riot
Hindi lang sa water source ng hotel noon nakita ang nasabing virus, nakita rin ito sa iba pang lugar, kaya hindi natural na sakuna ang nangyaring epidemya noon kundi gawa ng tao.'Kung infected nga talaga si Nolan, mapapatunayan non na tama ang hinala ko, na may nagpapatuloy pa rin sa research ng genetic virus.'…Bumalik si Maisie sa hotel at nagulat nang makita sina Titus at Quincy na palabas doon.Galit si Titus nang makita si Maisie. "Nakalimutan mo na ba ang pangako mo? Nasa ospital ngayon si Nolan dahil sayo, masaya ka na ba?"Napayuko si Maisie. "Pasensya na…"Wala siyang masabi para labanan si Titus dahil nabaril nga naman talaga si Nolan at nasa ospital dahil sa kaniya.Madilim ang ekspresyon ni Titus. "Handa si Nolan mapahamak para lang makasama ka. Kung gusto mong maging maayos ang buhay ni Nolan, iwanan mo siya."Nagulat si Maisie. Sinabi niyang, "Hindi ko siya pwedeng iwan.""Gusto mo ba siyang mamatay?" Punong-puno ng galit ang mata ni Titus.Nang maki
'Pero gusto ko lang sa tabi niya. Ayaw ko siyang iwanan mag-isa, pero nailagay ko pa rin siya sa kapahamakan.'Nang makitang nalulungkot pa rin si Maisie, inilagay ni Cherie ang kamay niya sa balikat ni Maisie ar seryosong sinabi, "Maisie, duwag lang ang sumusuko kapag nahaharap sa problema. Magagawan natin yan ng solusyon basta magkakasama tayo. Kaya, ikaw ba, Maisie Vanderbilt, ang dapat sisihin sa nangyari kay Mr. Goldmann?"Hindi, hindi ikaw. Kagagawan yun ng mga kaaway natin nung una pa lang. Kaya, kahit hindi ka maging parte ng buhay ni Mr. Goldmann, lalapitan pa rin siya ng problema na yun, hindi na yun mapipigilan."Napangiti si Maisie nang marinig ang mga sinabi ni Cherie. "Hindi ko inakala na magaling kang magpa-gaan ng loob ng iba."Ngumiti si Cherie at nahihiyang nagkakamot ng ulo.Lumapit si Maisie sa couch at naupo. "Nga pala, kasama na ba si Rowena sa mga taong yun ngayon?""Oo, nag imbestiga na ang kapatid ko tungkol doon, pero hindi ko talaga inakala na ma
Bahagyang nataranta ang mata ni Rowena habang umiiwas ng tingin kay Maisie. "Hindi ko alam ang sinasabi mo.""Hindi mo talaga alam, o nagpapanggap ka lang na hindi mo alam?" Nilapitan siya ni Maisie. "O puntahan ko kaya ang bago mong amo, na si Mr. Kent, para sa sagot?""Maisie, anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Rowena habang nanalikisik ang nga mata.Nagkibit-balikat si Maisie. "Kung anong narinig mo yun ang ibig kong sabihin. Pinahalagahan ka ni Titus noon, pero pinili mo pa ring talikuran ang mga Goldmann para kumampi kay Daniel Kent sa huli. Pahalagahan ka kaya lalo ni Daniel dahil doon?"Napakuyom ang kamao ni Rowena at suminghal. "Bakit mo tinatanong? Gusto mo ba akong pabalikin? Sayang naman, walang mangyayari sa akin kahit bumalik ako sa mga Goldmann ngayon, kaya mas mabuti pang manatili si tabi ni Mr. Kent "Malamig na napangisi si Rowena nang makita na walang sinabi si Maisie. "Ano naman kung alam mo ang insidente 15 years ago kay Mrs. Goldmann Sr.? Sa tingin mo b
Sinipa niya si Rowena at napunta ito sa gilid ng pader habang niluluwagan ni Daniel ang tie niya, madilim at galit ang tingin niya. "P*ta, nagsisisi ka ba sa desisyon mo at plano mo kong traydurin?"Nanginginig si Rowena na lumapit sa paanan niya. "Hindi, hindi kita trinaydor. May inutusan si Maisie para dalhin ako roon at sinubukan nila ang takutin. Wala akong sinabi, maniwala ka sa akin!"Lumapit si Daniel at pinisil ang baba ni Rowena. "Rowena Summers, masyado kang maraming nalalaman. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo?"Nanginig ang buong katawan ni Rowena.Palaging naghihinala si Daniel sa mga tauhan niya at malaki ang galit nito sa mga traydor. Kahit na walang sinabi si Rowena, masyado siyang maraming nalalaman na hindi naman niya dapat alam, katulad na lang nung virus incident!"Maniwala ka, wala talaga akong sinabi sa kaniya. Mr. Kent, maniwala ka sa akin. Wala akong sinabi sa kaniya! Na-set up lang ako!"Nagmamakaawa at umiiyak si Rowena. Mapalad na siya
Ibinaba ni Nolan ang tingin niya, hinalikan ang noo ni Maisie, may sasabihin sana nang bigla siyang umubo.Tumayo si Maisie, natataranta siya. "Nolan, ayos ka lang ba?"Inangat ni Nolan ang kamay niya para pigilan ang pag-ubo at iniwas ang mukha niya. Napansin niyang may malagkit sa palad niya at nagulat, pero dahil hindi napansin ni Maisie, isinara niya ang kamay niya at ngumiti kay Maisie. "Ayos lang ako. Nabulunan lang."Nakatikom ang labi ni Maisie. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pagkain?"Nanghihina ang mata ni Nolan. "Nagutom tuloy ako dahil sa sinabi mo. Gusto ko kumain ng luto mo."Tumayo si Maisie, "Sige, magluluto ako, sandali lang."Lumabas siya ng pinto, nakita si Erwin, at sinabing, "Uncle Erwin, pwede mo bang bantayan muna si Nolan?"Tumango si Erwin.Nang umalis si Maisie, pumasok si Erwin sa kwarto at nakita si Nolan na nakatingin sa palad niya."Umubo ka ba ng dugo?" Alam ni Erwin.Napatigil si Nolan at isinara ang kamay niya. "Oo." May naisip siy
Pero kapag natapos na ang incubation period, ang mga infected ay laging uubo ng may dugo, at agad babagsak ang immune system nila—lalala ang cancer cells ng may mga cancer, bibilis ang metabolism, magiging abnormal ang bilang ng platelet, at sa isang taon, mamamatay sila.Malungkot na tumawa si Nolan, "Gaano na lang ako katagal mabubuhay?"Napakunot si Erwin. "Base sa sitwasyon mo ngayon, tatlo hanggang apat na taon."…Dinala ni Maisie ang dinner na ginawa niya sa hospital, at nang pumasok siya sa kwarto, nakita niya si Nolan na nakatingin sa bintana habang si Erwin ay wala na roon sa loob."Nolan, ginawan kita ng dinner." Naglakad siya sa gilid ng higaan at inilagay ang dinner sa mesa.Tumingin si Nolan sa kaniya at ngumiti. "Okay, subuan mo ako."Hindi tumanggi si Maisie. Binuksan niya ang container at pinakain niya si Nolan habang nakaupo siya sa gilid ng higaan niya. Nang makita niya na kumakain si Nolan, tinanong niya, "Umalis na si Tito Erwin?""Oo, umalis siya ka
Kalmado na sumagot si Nolan, "Oo, hindi ko naman na kailangang manatili dito sa hospital." Tumingin siya kay Quincy. "Kunan mo ako ng ticket para makauwi ako sa susunod na umaga."Napatigil si Quincy. "Pero yung katawan mo—""Alam ko ang kondisyon ko." Desido na si Nolan.Tumingin si Quincy kay Titus, na ginalaw lang ang kamay at sinabing, "Umalis siya kung gusto niya. Wala naman akong magagawa." Galit niyang ginalaw ang kamay niya at umalis.Kinagat ni Maisie ang labi niya at lumapit kay Nolan. "Makinig ka muna kay lolo. Ayos lang naman kung hindi ka muna umuwi."Mahaba ang flight. Anong gagawin nila kapag bumukas bigla ang sugat niya?Malamig siyang tiningnan ni Nolan, mahigpit na nakatikom ang bibig niya. Nanlamig agad si Maisie dahil hindi siya sanay sa ganoon. "Nolan?""Kailangan ko na bumalik." Tumayo siya nang walang paliwanag at inayos ang mga damit niya. Nang tanggalin niya ang hospital gown niya, nakita ni Maisie ang bandage ni Nolan sa likod. Bukod sa tama ng b