Ibinaba ni Nolan ang tingin niya, hinalikan ang noo ni Maisie, may sasabihin sana nang bigla siyang umubo.Tumayo si Maisie, natataranta siya. "Nolan, ayos ka lang ba?"Inangat ni Nolan ang kamay niya para pigilan ang pag-ubo at iniwas ang mukha niya. Napansin niyang may malagkit sa palad niya at nagulat, pero dahil hindi napansin ni Maisie, isinara niya ang kamay niya at ngumiti kay Maisie. "Ayos lang ako. Nabulunan lang."Nakatikom ang labi ni Maisie. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pagkain?"Nanghihina ang mata ni Nolan. "Nagutom tuloy ako dahil sa sinabi mo. Gusto ko kumain ng luto mo."Tumayo si Maisie, "Sige, magluluto ako, sandali lang."Lumabas siya ng pinto, nakita si Erwin, at sinabing, "Uncle Erwin, pwede mo bang bantayan muna si Nolan?"Tumango si Erwin.Nang umalis si Maisie, pumasok si Erwin sa kwarto at nakita si Nolan na nakatingin sa palad niya."Umubo ka ba ng dugo?" Alam ni Erwin.Napatigil si Nolan at isinara ang kamay niya. "Oo." May naisip siy
Pero kapag natapos na ang incubation period, ang mga infected ay laging uubo ng may dugo, at agad babagsak ang immune system nila—lalala ang cancer cells ng may mga cancer, bibilis ang metabolism, magiging abnormal ang bilang ng platelet, at sa isang taon, mamamatay sila.Malungkot na tumawa si Nolan, "Gaano na lang ako katagal mabubuhay?"Napakunot si Erwin. "Base sa sitwasyon mo ngayon, tatlo hanggang apat na taon."…Dinala ni Maisie ang dinner na ginawa niya sa hospital, at nang pumasok siya sa kwarto, nakita niya si Nolan na nakatingin sa bintana habang si Erwin ay wala na roon sa loob."Nolan, ginawan kita ng dinner." Naglakad siya sa gilid ng higaan at inilagay ang dinner sa mesa.Tumingin si Nolan sa kaniya at ngumiti. "Okay, subuan mo ako."Hindi tumanggi si Maisie. Binuksan niya ang container at pinakain niya si Nolan habang nakaupo siya sa gilid ng higaan niya. Nang makita niya na kumakain si Nolan, tinanong niya, "Umalis na si Tito Erwin?""Oo, umalis siya ka
Kalmado na sumagot si Nolan, "Oo, hindi ko naman na kailangang manatili dito sa hospital." Tumingin siya kay Quincy. "Kunan mo ako ng ticket para makauwi ako sa susunod na umaga."Napatigil si Quincy. "Pero yung katawan mo—""Alam ko ang kondisyon ko." Desido na si Nolan.Tumingin si Quincy kay Titus, na ginalaw lang ang kamay at sinabing, "Umalis siya kung gusto niya. Wala naman akong magagawa." Galit niyang ginalaw ang kamay niya at umalis.Kinagat ni Maisie ang labi niya at lumapit kay Nolan. "Makinig ka muna kay lolo. Ayos lang naman kung hindi ka muna umuwi."Mahaba ang flight. Anong gagawin nila kapag bumukas bigla ang sugat niya?Malamig siyang tiningnan ni Nolan, mahigpit na nakatikom ang bibig niya. Nanlamig agad si Maisie dahil hindi siya sanay sa ganoon. "Nolan?""Kailangan ko na bumalik." Tumayo siya nang walang paliwanag at inayos ang mga damit niya. Nang tanggalin niya ang hospital gown niya, nakita ni Maisie ang bandage ni Nolan sa likod. Bukod sa tama ng b
Napatigil ang kamay ni Maisie na may hawak na teacup, at napayuko siya. "Hindi, business partner ko ang kasama ko."Hindi nakita ni Maisie si Nolan mula nang umalis ito sa hospital, at kahit na si Cherie ay hindi alam kung anong ginagawa nito.Uminom siya ng tsaa pero biglang sumama ang pakiramdam niya at tumakbo sa washroom habang nakatakip ang bibig."Ms. Zora?"Kahit na alam niyang tinatawag siya ni Jones, hindi siya makasagot. Tumakbo siya sa washroom at sumuka sa lababo. Lahat ng kinain niya kaninang lunch ay inilabas din niya.Binuksan niya ang gripo para tanggalin ang suka, pero nasuka siya ulit. Paulit-ulit yun hanggang sa wala na siyang mailabas, naghilamos siya at pinatuyo yun gamit ang hand towel.Napagtanto niyang hinihintay siya ni Jones nang makalabas siya sa washroom. Nang makitang mukhang may sakit si Maisie, tinanong niya, "Masama ba ang pakiramdam mo?""Ayos lang ako. Baka dahil lang sa nakain ko." Kinaway ni Maisie ang kamay niya."Gusto mo bang dalhi
Niyakap siya ni Maisie at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ni Nolan. "Sige, naniniwala ako sa'yo."Yumuko si Nolan, pero nagdilim ang mga mata niya.…Nakatanggap ng message si Daniel at hinagis ang phone niya sa pader.Napayuko ang mga lalaki sa likod niya at walang sinabi. Nag-iingat na nagsalita ang isa sa kanila, "Kasali na rito si Erwin, at dahil bumalik na si Titus Goldmann at alam na nasaktan ang apo niya, panigurado na hindi niya titigilan ang mga tauhan natin."Tumayo si Daniel sa harap ng bintana at humithit da kaniyang vape. Ang usok non ay tumama sa salamin na nagpalabo ng repleksyon nito. "Hindi na babalik yung mga tauhan na nahuli ni Titus."Sumama ang mukha ng lalaki. "Anong gagawin natin?"Nagpalabas ulit siya ng usok at tinanong, "Anong sabi ni Roger?"Sumagot ang lalaki, "Gusto niyang ayusin mo ang bagay na to. At isa pa, panigurado na alam ng hospital na infected si Nolan."Nagdilim ang mata ni Daniel habang mabagal na tumalikod. "Iligpit niyo rin yu
Habang nakatingin sa kanila, nagtataka si Maisie kung anong nangyayari, pero hindi na siya nagtanong.Lumingon si Erwin sa kaniya, inilagay niya ang kamay niya sa balikat ni Maisie, at sinabing, "May kailangan kaming puntahan ni Khan, kaya Zee, mauna ka na muna bumalik."Tumango si Maisie at tiningnan sila paalis.Sa oras din na yun, nagmamadaling lumapit sa kaniya si Cherie at hinihingal na sinabing, "Mrs. Goldmann, nandito ka pala. Akala ko kung saan ka pumunta.""Anong problema?"Pinakalma muna si Cherie ang sarili niya bago nagmamadaling sinabi, "Hindi maganda ang lagay ni Mr. Goldmann ngayon, at pinapatawag ka ni Elder Master Goldmann."Agad na sinundan ni Maisie si Cherie sa kwarto. Sa loob ng kwarto, bukod kay Quincy at Titus, hindi niya na kilala ang ibang tao roon. Naisip niyang baka miyembro sila ng Night Banquet.Nakahiga si Nolan sa kama. Namumutla ang mukha niya, at punong puno ng pawis ang noo. Ang espesyalista na kinuha ni Titus ay tinitingnan ang temperatu
”Oo," Napayuko si Maisie at sinabing, "Pasensya na, hindi ko alam na may lagnat ka."Hinawakan ni Nolan ang kamay niya. May konting ngiti sa kaniyang labi at sinabing, "Ayaw kong mag-alala ka sa akin, kays hindi ko sinabi sa'yo. Ako dapat ang humingi ng tawad, Zee."Kung tutuusin, may tinatago siyang lihim kay Maisie.Alam niyang Infected siya ng virus, at nasa infection period na siya. Makakaranas siya ng sintomas na lagnat, hemoptysis, at pagbagsak ng kalusugan. Mayroon na lang siyang tatlo hanggang apat na taon para mabuhay.Nang may sasabihin na sana si Maisie, lumitaw si Titus. "Nolan, gising ka na!""Oo." Tumango siya.Tumingin si Titus kay Maisie at sinabing, "Ikaw, lumabas ka. May sasabihin ako kay Nolan."Mahigpit na nakatikom ang labi ni Maisie at wala siyang sinabi. Tumayo siya at lumabas. Tiningnan siya ni Nolan, at nawalan ng liwanag ang mga mata niya.Nang dalawa na lang sila sa kwarto nagtanong si Titus, "Magsabi ka sa akin ng totoo. Anong nangyayari sa'y
Matapos ang ilang sandali, nagsalita si Nolan, "Mag-divorce na tayo, Zee."Na-estatwa si Maisie, at nag blangko ang utak niya. Hindi siya makapaniwala na tumingin kay Nolan at nauutal, "Ano…Anong sabi mo?"Lumingon si Nolan sa kaniya. Walang emosyon ang mga mata nito habang inuulit ang sinabi niya, "Mag-divorce na tayo."'Divorce…'Pakiramdam ni Maisie ay may sumaksak sa puso niya. Hindi niya inakalang darating ang araw na makikipag-divorce sa kaniya si Nolan.Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. "Bakit? Pwede mo ba akong bigyan ng rason?"Diretso lang ang tingin niya kay Nolan, sinusubukan niyang makakuha ng mensahe sa mukha nito. Pero, walang emosyon ang maputla niyang mukha, at malalim na parang dagat ang mga mata niya. Walang kahit konting pagbabago sa emosyon. "Walang rason. Pagod…pagod na ako sa'yo."Napa-kuyom ang kamao ni Maisie. Parang may nagtatanggal ng puso niya, at sa sobrang sakit hindi na siya makahinga. "Pagod k
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell