”Oo," Napayuko si Maisie at sinabing, "Pasensya na, hindi ko alam na may lagnat ka."Hinawakan ni Nolan ang kamay niya. May konting ngiti sa kaniyang labi at sinabing, "Ayaw kong mag-alala ka sa akin, kays hindi ko sinabi sa'yo. Ako dapat ang humingi ng tawad, Zee."Kung tutuusin, may tinatago siyang lihim kay Maisie.Alam niyang Infected siya ng virus, at nasa infection period na siya. Makakaranas siya ng sintomas na lagnat, hemoptysis, at pagbagsak ng kalusugan. Mayroon na lang siyang tatlo hanggang apat na taon para mabuhay.Nang may sasabihin na sana si Maisie, lumitaw si Titus. "Nolan, gising ka na!""Oo." Tumango siya.Tumingin si Titus kay Maisie at sinabing, "Ikaw, lumabas ka. May sasabihin ako kay Nolan."Mahigpit na nakatikom ang labi ni Maisie at wala siyang sinabi. Tumayo siya at lumabas. Tiningnan siya ni Nolan, at nawalan ng liwanag ang mga mata niya.Nang dalawa na lang sila sa kwarto nagtanong si Titus, "Magsabi ka sa akin ng totoo. Anong nangyayari sa'y
Matapos ang ilang sandali, nagsalita si Nolan, "Mag-divorce na tayo, Zee."Na-estatwa si Maisie, at nag blangko ang utak niya. Hindi siya makapaniwala na tumingin kay Nolan at nauutal, "Ano…Anong sabi mo?"Lumingon si Nolan sa kaniya. Walang emosyon ang mga mata nito habang inuulit ang sinabi niya, "Mag-divorce na tayo."'Divorce…'Pakiramdam ni Maisie ay may sumaksak sa puso niya. Hindi niya inakalang darating ang araw na makikipag-divorce sa kaniya si Nolan.Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. "Bakit? Pwede mo ba akong bigyan ng rason?"Diretso lang ang tingin niya kay Nolan, sinusubukan niyang makakuha ng mensahe sa mukha nito. Pero, walang emosyon ang maputla niyang mukha, at malalim na parang dagat ang mga mata niya. Walang kahit konting pagbabago sa emosyon. "Walang rason. Pagod…pagod na ako sa'yo."Napa-kuyom ang kamao ni Maisie. Parang may nagtatanggal ng puso niya, at sa sobrang sakit hindi na siya makahinga. "Pagod k
Ngumiti si Maisie at nagpasalamat sa katulong. Pagtapos, bumalik na siya sa kwarto kung saan nag-iimpake si Cherie ng gamit niya. Utos ni Maisie, “Tawagan mo si Quincy at patanong kung nasaan si Nolan.”Nagulat si Cherie. Nang sabihin iyon, kinuha pa rin niya ang cellphone niya at tumawag. Hindi alam ni Maisie kung ano ang sinabi ni Quincy kay Cherie pero si Cherie ay mukhang nagulat. “Akala ko mamayang tanghali ang flight mo?”May sinabi si Quincy at pinatay na ang tawag. Lumingon si Cherie at nakatulala na sinabing, “Nakabalik na si Mr. Goldmann pati yung iba niyang kasama.”Nang nandilim ang mukha ni Maisie, Mahinahon na tinanong ni Cherie, “Zee, anong nangyayari sa inyo ni Mr. Goldmann? May naging problema ba kahapon?Naalala ni Cherie na galit na galit si Maisie nung lumabas siya sa kwarto ni Nolan. At hindi rin siya kumain nung gabi. Tinanong niya si Quincy tungkol dito pero walang sinabi si Quincy na kahit ano.“Gusto niya makipag-divorce sa akin.”“Ha? Divorce?” Nag
Pero kahit papaano, ayaw ni Stephen na masaktan si Maisie. Bago siya umalis sinabi niya, “Zee, hindi mo obligasyon na lagi na lang unahin ang ibang tao kaysa sa sarili mo. Kahit na makipag-divorce ka sa kanya, ito ay mananatiling tahanan mo at ang pinto sa Vanderbilt mansion ay laging bukas para sayo.”Nagulat si Masie. Yumuko siya at ngumiti.Alam niya ang ibig sabihin ng tatay niya. Ayaw niyang masaktan si Maisie nang sobra. Pero gusto lang niya malaman bakit gusto ni Nolan makipag-divorce sa kaniya. Pero hangga’t wala siyang sagot hindi siya agad susuko!Noon, si Nolan ang hindi tumitigil sa paghabol kay Maisie, at ngayon, si Maisie naman!Kinabukasan sa Blackgold…Matapos sabihin ni Cherie kay Maisie na nasa office si Nolan, nagdamit nang maayos si Maisie at pumunta sa Blackgold hawak ang lunch box. Nagulat si Quincy nang lumabas siya sa opisina at nakita ang maganda at eleganteng babaeng naglalakad papunta sa kanya. “Ms. Vanderbilt, ikaw…”Alam niyang maganda talaga
Hinalikan ulit ni Maisie ang malamig na labi ni Nolan. Kumapit siya sa kanya at patuloy na nag-akit.Inakala ni Maisie na magagawa niya pero napagtanto niyang mali siya ng akala.Walang pakialam si Nolan. Kung hindi siya nagpipigil dahil lang sa pagyayabang niya, malamang nawala na ang interes niya kay Maisie.Dahan-dahang nilayo ni Maisie ang labi niya kay Nolan. Ramdam niya ang pagkabalisa sa bawat paghinga niya. 'Dapat ko bang paniwalaan na naiinis na siya sa akin at hindi niya na ako mahal? O ito lang ang paraan niya para iwanan ko na siya?'Kinuyom niya ang kanyang kamao. "Nolan, paano kung sabihin ko sayong hindi ako susuko?"Napatigil si Nolan pero nawala agad ang kaniyang pagkagulat nang lumingon siya. "Bumalik ka muna."Humakbang si Maisie at niyakap siya.Nanigas ang katawan ni Nolan habang ang kamao niya ay kaniyang kinuyom para pigilan ang pagnanasa na yakapin si Maisie nang mahigpit sa kanyang mga bisig.Humina ang boses ni Maisie. "Nolan, hindi ako nani
Ginilid ni Nolan ang ashtray at tinapik ang mesa gamit ang daliri niya. “Alam ba ni Hernandez ang tungkol dito?”Tungkol sa nangyari kay Maisie sa Stoslo ang tinutukoy niya.Napahinto si Quincy ng ilang sandali at saka sumagot, “Sa tingin ko dapat malaman ni Hernandez.”…At dinala na si Maisie sa mga Lucas. Nalaman din niya ang dahilan bakit hinahanap siya ni Hernandez.Sinamahan siya ni Larissa sa study kung saan nakatayo si Hernandez sa harap ng bintana at nakalagay ang mga kamay niya sa kanyang likuran. At doon natanong siya kahit hindi lumilingon, “May umatake ba sa inyo ni Nolan sa Stoslo?”Bahagyang ngumiti si Maisie. “Ang bilis naman makarating ng impormasyon sayo.”“Heh, binabantayan ko naman ang teritoryo sa Stoslo. Sinabi agad nila sa akin ang balita pagkatapos nilang malaman. Mukhang hindi na talaga makatiis ang mga tao doon.”Lumingon nang mahinahon si Hernandez, at ang tingin niya ay napunta kay Maisie. “Matapos ang lahat, tama rin ako. Pero hindi kita ga
Napahinto si Maisie ng ilang sandali bago magsalita, “Kilala siya ni Mom. Sinabi niya rin sa akin na dahil sa sleeper virus ang pagkamatay ni Mom.”Tinakpan ni Larissa ang bibig niya. Halatang nagulat siya. Napahinto si Hernandez sa pwesto niya pero bigla rin nagbago ang ekspresyon niya. Sinabihan ni Hernandez si Larissa na ilabas si Maisie habang nanatili naman siya sa silent study. Walang nakakaalam kung ano ang iniisip niya—ang malinaw lang sa kanila ay lalong pagdilim ng kanyang mukha. Naglakad pababa ng hagdan si Larissa kasama si Maisie at bigla bigla siyang nagtanong, “Maisie, totoo ba yung sinabi mo? Talaga bang ang nanay mo—”“Oo, hindi magsisinungaling sa akin si tito Erwin.”Alam ni Maisie na hindi magsisinungaling sa kanya si Erwin tungkol sa pagkamatay ng nanay niya, pero hindi niya mapigilan na mag-alala sa naging ekspresyon ni Hernandez tungkol dito. “Tita, pwede mo ba sabihin sa akin bakit biglang nagbago ang ekspresyon ni lolo nang marinig ang tungkol sa
Humigpit ang pagkakasara ng mga daliri ni Maisie nang tumingin siya kay Nolan, na nakatulala ng oras na iyon. “Anong plano mong pagpapaliwanag sa mga bata na magdi-divorce tayo?”Bahagyang nanigas ang katawan ni Nolan at nagdilim ang kanyang tingin. “Pag-usapan natin yan pag dumating na ang oras na yun.”‘Kahit na magalit sa akin ang mga bata at sisihin ako.’Tiningnan siya ni Maisie ng ilang sandali at hininaan ang kaniyang pagsasalita. “Wala na bang ibang paraan para dito?”‘Kailangan ba talaga natin mag-divorce?’Wala sinabi si Nolan na kahit ano.Naka-kuyom ang kamao ni Maisie. “Kahit man lang sabihin mo sa akin ang rason bakit gusto mo makipag-divorce.”Kumunot ang noo ni Nolan at naiinip na sinabing, “Sinabi ko na sayo lahat ng dapat kong sabihin.”‘Tama nga, wala akong makukuhang sagot sa kanya.”Suminghal si Maisie.‘Dahil gusto niya makipag-divorce at ayaw niyang sabihin sa akin ang rason, pwes, hindi ako papayag.’Napansin ni Nolan ang pagkadismaya sa m
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s
Simula pa noong mga bata sila ay lagi na silang nag-aaway, hanggang ngayn ay walang katapusan.Ngumiti si Brandon at sinabi, “Pinapakita lang niyan na maganda ang relasyon nila. Nang maisip ni Brandon ang relasyon ng anak niyang si Ken at Freyja, nalungkot siya.Nang buhay pa si Ken, hindi siya mabait kay Freyja. Kasalanan niya iyon.Kung hindi lumaki si Ken kasama ang mom niya noong bata pa lang siya, siguro ay hindi siya lumaki na ganun ang ugali.Walang mabuting ina at kapatid si Freyja na nagmamahal sa kaniya. Hindi rin mabuting ama si Brandon sa kaniya.Naisip niya na kahit hindi na siya pansinin ni Freyja o itakwil siya, hindi siya magrereklamo. Napansin ni Daisie na nalungkot si Brandon kaya lumapit siya. “Uncle Brandon, kasama na ni Freyja ang kapatid ko ngayon, mahal mo rin siya pati ang mom ko mahal siya. Dapat maging masaya ka para sa kaniya.”Napahinto si Brandon dahil gumaan ang puso niya sa mga sinabi ni Daisie. Ngumiti siya at tumango. “Tama ‘yan. Sobrang masaya
Hinaplos ni Maisie ang buhok ni Daisie at tumawa. “Alam ko naman na masaya ka pag kasama mo si Nolly. Kaya hindi naman kami nag-aalala ng Dad mo tungkol sa pagsasama niyo.”Noong tanghali, sinamahan ni Daisie si Maisie na maglakad sa garden, niyakap niya si Maisie. “Mom, gaano kayo katagal dito ni Dad?” Biniro siya ni Maisie. “Bakit mo natanong? Gusto mo na ba na umalis kami?”“Hindi ‘yan totoo.” Umiling siya at sumandal sa balikat ni Maisie matapos iyon sabihin. “Mas mabuti kung mas matagal pa kayo ni Dad dito.”“Kalahating buwan lang kami mananatili dito ng Dad mo. Pupunta ang dad mk bukas may Uncle Yorrick mo para bisitahin ang iyong great-grandmother.” Nang ipaliwanag ang schedule ni Nolan kay Daisie. “Baka pwede mo ako samahan na bisitahin si Freyja at ang dad niya bukas. Lalo na't, nanganak din siya ng isang Charm para kay Cole. Oras na rin talaga para makilala ko ang aking in-law.” Ngumiti si Daisie at tumango. “Okay, sasamahan kita bukas.”Kinabukasan, dumating sila Mai