Sinipa niya si Rowena at napunta ito sa gilid ng pader habang niluluwagan ni Daniel ang tie niya, madilim at galit ang tingin niya. "P*ta, nagsisisi ka ba sa desisyon mo at plano mo kong traydurin?"Nanginginig si Rowena na lumapit sa paanan niya. "Hindi, hindi kita trinaydor. May inutusan si Maisie para dalhin ako roon at sinubukan nila ang takutin. Wala akong sinabi, maniwala ka sa akin!"Lumapit si Daniel at pinisil ang baba ni Rowena. "Rowena Summers, masyado kang maraming nalalaman. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo?"Nanginig ang buong katawan ni Rowena.Palaging naghihinala si Daniel sa mga tauhan niya at malaki ang galit nito sa mga traydor. Kahit na walang sinabi si Rowena, masyado siyang maraming nalalaman na hindi naman niya dapat alam, katulad na lang nung virus incident!"Maniwala ka, wala talaga akong sinabi sa kaniya. Mr. Kent, maniwala ka sa akin. Wala akong sinabi sa kaniya! Na-set up lang ako!"Nagmamakaawa at umiiyak si Rowena. Mapalad na siya
Ibinaba ni Nolan ang tingin niya, hinalikan ang noo ni Maisie, may sasabihin sana nang bigla siyang umubo.Tumayo si Maisie, natataranta siya. "Nolan, ayos ka lang ba?"Inangat ni Nolan ang kamay niya para pigilan ang pag-ubo at iniwas ang mukha niya. Napansin niyang may malagkit sa palad niya at nagulat, pero dahil hindi napansin ni Maisie, isinara niya ang kamay niya at ngumiti kay Maisie. "Ayos lang ako. Nabulunan lang."Nakatikom ang labi ni Maisie. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pagkain?"Nanghihina ang mata ni Nolan. "Nagutom tuloy ako dahil sa sinabi mo. Gusto ko kumain ng luto mo."Tumayo si Maisie, "Sige, magluluto ako, sandali lang."Lumabas siya ng pinto, nakita si Erwin, at sinabing, "Uncle Erwin, pwede mo bang bantayan muna si Nolan?"Tumango si Erwin.Nang umalis si Maisie, pumasok si Erwin sa kwarto at nakita si Nolan na nakatingin sa palad niya."Umubo ka ba ng dugo?" Alam ni Erwin.Napatigil si Nolan at isinara ang kamay niya. "Oo." May naisip siy
Pero kapag natapos na ang incubation period, ang mga infected ay laging uubo ng may dugo, at agad babagsak ang immune system nila—lalala ang cancer cells ng may mga cancer, bibilis ang metabolism, magiging abnormal ang bilang ng platelet, at sa isang taon, mamamatay sila.Malungkot na tumawa si Nolan, "Gaano na lang ako katagal mabubuhay?"Napakunot si Erwin. "Base sa sitwasyon mo ngayon, tatlo hanggang apat na taon."…Dinala ni Maisie ang dinner na ginawa niya sa hospital, at nang pumasok siya sa kwarto, nakita niya si Nolan na nakatingin sa bintana habang si Erwin ay wala na roon sa loob."Nolan, ginawan kita ng dinner." Naglakad siya sa gilid ng higaan at inilagay ang dinner sa mesa.Tumingin si Nolan sa kaniya at ngumiti. "Okay, subuan mo ako."Hindi tumanggi si Maisie. Binuksan niya ang container at pinakain niya si Nolan habang nakaupo siya sa gilid ng higaan niya. Nang makita niya na kumakain si Nolan, tinanong niya, "Umalis na si Tito Erwin?""Oo, umalis siya ka
Kalmado na sumagot si Nolan, "Oo, hindi ko naman na kailangang manatili dito sa hospital." Tumingin siya kay Quincy. "Kunan mo ako ng ticket para makauwi ako sa susunod na umaga."Napatigil si Quincy. "Pero yung katawan mo—""Alam ko ang kondisyon ko." Desido na si Nolan.Tumingin si Quincy kay Titus, na ginalaw lang ang kamay at sinabing, "Umalis siya kung gusto niya. Wala naman akong magagawa." Galit niyang ginalaw ang kamay niya at umalis.Kinagat ni Maisie ang labi niya at lumapit kay Nolan. "Makinig ka muna kay lolo. Ayos lang naman kung hindi ka muna umuwi."Mahaba ang flight. Anong gagawin nila kapag bumukas bigla ang sugat niya?Malamig siyang tiningnan ni Nolan, mahigpit na nakatikom ang bibig niya. Nanlamig agad si Maisie dahil hindi siya sanay sa ganoon. "Nolan?""Kailangan ko na bumalik." Tumayo siya nang walang paliwanag at inayos ang mga damit niya. Nang tanggalin niya ang hospital gown niya, nakita ni Maisie ang bandage ni Nolan sa likod. Bukod sa tama ng b
Napatigil ang kamay ni Maisie na may hawak na teacup, at napayuko siya. "Hindi, business partner ko ang kasama ko."Hindi nakita ni Maisie si Nolan mula nang umalis ito sa hospital, at kahit na si Cherie ay hindi alam kung anong ginagawa nito.Uminom siya ng tsaa pero biglang sumama ang pakiramdam niya at tumakbo sa washroom habang nakatakip ang bibig."Ms. Zora?"Kahit na alam niyang tinatawag siya ni Jones, hindi siya makasagot. Tumakbo siya sa washroom at sumuka sa lababo. Lahat ng kinain niya kaninang lunch ay inilabas din niya.Binuksan niya ang gripo para tanggalin ang suka, pero nasuka siya ulit. Paulit-ulit yun hanggang sa wala na siyang mailabas, naghilamos siya at pinatuyo yun gamit ang hand towel.Napagtanto niyang hinihintay siya ni Jones nang makalabas siya sa washroom. Nang makitang mukhang may sakit si Maisie, tinanong niya, "Masama ba ang pakiramdam mo?""Ayos lang ako. Baka dahil lang sa nakain ko." Kinaway ni Maisie ang kamay niya."Gusto mo bang dalhi
Niyakap siya ni Maisie at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ni Nolan. "Sige, naniniwala ako sa'yo."Yumuko si Nolan, pero nagdilim ang mga mata niya.…Nakatanggap ng message si Daniel at hinagis ang phone niya sa pader.Napayuko ang mga lalaki sa likod niya at walang sinabi. Nag-iingat na nagsalita ang isa sa kanila, "Kasali na rito si Erwin, at dahil bumalik na si Titus Goldmann at alam na nasaktan ang apo niya, panigurado na hindi niya titigilan ang mga tauhan natin."Tumayo si Daniel sa harap ng bintana at humithit da kaniyang vape. Ang usok non ay tumama sa salamin na nagpalabo ng repleksyon nito. "Hindi na babalik yung mga tauhan na nahuli ni Titus."Sumama ang mukha ng lalaki. "Anong gagawin natin?"Nagpalabas ulit siya ng usok at tinanong, "Anong sabi ni Roger?"Sumagot ang lalaki, "Gusto niyang ayusin mo ang bagay na to. At isa pa, panigurado na alam ng hospital na infected si Nolan."Nagdilim ang mata ni Daniel habang mabagal na tumalikod. "Iligpit niyo rin yu
Habang nakatingin sa kanila, nagtataka si Maisie kung anong nangyayari, pero hindi na siya nagtanong.Lumingon si Erwin sa kaniya, inilagay niya ang kamay niya sa balikat ni Maisie, at sinabing, "May kailangan kaming puntahan ni Khan, kaya Zee, mauna ka na muna bumalik."Tumango si Maisie at tiningnan sila paalis.Sa oras din na yun, nagmamadaling lumapit sa kaniya si Cherie at hinihingal na sinabing, "Mrs. Goldmann, nandito ka pala. Akala ko kung saan ka pumunta.""Anong problema?"Pinakalma muna si Cherie ang sarili niya bago nagmamadaling sinabi, "Hindi maganda ang lagay ni Mr. Goldmann ngayon, at pinapatawag ka ni Elder Master Goldmann."Agad na sinundan ni Maisie si Cherie sa kwarto. Sa loob ng kwarto, bukod kay Quincy at Titus, hindi niya na kilala ang ibang tao roon. Naisip niyang baka miyembro sila ng Night Banquet.Nakahiga si Nolan sa kama. Namumutla ang mukha niya, at punong puno ng pawis ang noo. Ang espesyalista na kinuha ni Titus ay tinitingnan ang temperatu
”Oo," Napayuko si Maisie at sinabing, "Pasensya na, hindi ko alam na may lagnat ka."Hinawakan ni Nolan ang kamay niya. May konting ngiti sa kaniyang labi at sinabing, "Ayaw kong mag-alala ka sa akin, kays hindi ko sinabi sa'yo. Ako dapat ang humingi ng tawad, Zee."Kung tutuusin, may tinatago siyang lihim kay Maisie.Alam niyang Infected siya ng virus, at nasa infection period na siya. Makakaranas siya ng sintomas na lagnat, hemoptysis, at pagbagsak ng kalusugan. Mayroon na lang siyang tatlo hanggang apat na taon para mabuhay.Nang may sasabihin na sana si Maisie, lumitaw si Titus. "Nolan, gising ka na!""Oo." Tumango siya.Tumingin si Titus kay Maisie at sinabing, "Ikaw, lumabas ka. May sasabihin ako kay Nolan."Mahigpit na nakatikom ang labi ni Maisie at wala siyang sinabi. Tumayo siya at lumabas. Tiningnan siya ni Nolan, at nawalan ng liwanag ang mga mata niya.Nang dalawa na lang sila sa kwarto nagtanong si Titus, "Magsabi ka sa akin ng totoo. Anong nangyayari sa'y